maswerte o malas?
kung ang pinuntahan mo ay may dagat na ganito.
at eto pa.
pero hangang tingin ka lang, anong gagawin mo?
dahil ako gusto ko nang gumulong sa sahig at mag-astang bata para payagan lang makaligo, pero wala! trabaho ang dahilan bakit ka andun.. ayon! hanggang tingin nalang.
pakonswelo de bobo, mamayang gabi pwede kang makaligo sa pool.
at pwedeng abangan ang sunset para sa senti mode.
pero WALA! wala akong napala, pagkalabas ko madilim na, at may gagawin pa daw kami. Ang sarap lang kumanta ng ‘pangarap ka nalang ba’.
inabot na ng alas-dose ng gabi di rin nakaligo sa pool.. itinulog nalang, bukas aabangan naman ang sunrise.
pero fresh from Juaning at back-up si Kabayan, anong mangyayari? ayan! madilim na kalangitan.
kaya parang virtual experience lang lahat. panaginip lang bow!




Saan yan bunso?
monte richi, jasaan, misamis oriental, 1 hour lang from CDO.
pangrap ka na lang ba… o magiging katotohanan pa… may mahal ka ng iba…
kantahan nalang tayo kuya anjong..hahaha
mag “may i go out” ka na lang sa boss mo tapos maligo ka sa dagat. pagbalik mo, sabihin mong naligaw ka at napadpad sa dagat. haha!
ahahaha! pag naligo ako, kitang-kita ako kase ang convention hall nasa second floor kaharap sa dagat..
haha! ang ganda nga pala… at least ikaw, nakita mo nang malapitan. kami sa pics lang, ahaha…
kanina, di ka nakalubog sa tubig bago umuwi?
di po talaga, gabi narin natapos nung second day, ang gusto ko nalang ay makauwi at matulog..haha
huwaw! ikaw na! anini.. san hindi kayo nakapag swimming?..
kahit taw taw lang?…
sayang talaga!
Sayang naman Anini parang ang sarap pa naman mag swimming dun sa pool ahahahaha (nang inis pa) Hamo na may next pa naman
haha, sa surigao nalang ako maliligo sa dagat, uuwi din naman ako sa friday..yehaa!
Sayang naman!
haays! oo nga pero may next time pa nama.
sa ganda ng lugar malamang sa malamang, di ako makakapag concentrate sa gagawin kong trabaho kung ako ang nadyan. sayang, ansarap sana magdive sa pool oh.
ahahaha, kaya nga pinasara ang blinds sa conference kase lahat nang mata ng kasama ko nasa dagat, dreamy ang mga expression sa mukha..hahahaha
ang ganda ng place.. napaka-relaxing
At least nakapunta ka. Kaysa nagta-trabaho ka na puro building at tao at pollution ang nakikita mo. Napadaan lang po. ^_^