Linggo ang paborito kong araw sa buong linggo. Totoong rest day dahil sabado ang schedule ng paglilinis ng kwarto at kung anu-anong anik-anik.
Sa probinsya, masaya ang araw na eto. Umaga pa lng dinadalhan na kami ng bagong lutong puto at bibingka ni lola pia. kapatid ng lola ko. Yong puto at bibingka na gawa sa bigas. Mainit pa na ihahain, kapartner ng kape o tsokolate.
Pag gusto ng ampalaya sa agahan, ako mismo ang pipitas sa likod ng bahay, tanim ni lola. At kung gusto ng isda, takbuhan kami sa tabing dagat nag-aabang ng dadaong na mangingisda sabay tampisaw na sa dagat.
kung makulimlim nman ang panahon, tunog ng gitara ang gigising sayo. si tatay kumakanta habang nagluluto si nanay. Isa-isa kaming papanaog para sa agahan, paboritong ulam ay kwentuhan.
Matagal ko nang di nagagawa eto. Totoo pala na pamilya ang namimiss at unang naaalala pag may pinagdadaanan ka. Tawag nalang muna hangga’t nasa malayo pa.
Naisip ko lang ang kape. apat na buwan na akong di nagpipinta gamit nito.
eto nlng muna. Isa sa mga nauna kong pininta.

sarap talaga ng buhay sa probinsiya. simple lang pero masaya. saan po ang probinsiya mo?
oo nga at masarap matulog dahil iba ang simoy ng hangin.
surigao po. kapitbahay namin pacific ocean. hahaha
I agree. wala pa ring tatalo sa buhay probinsya. Pag nakaipon na, babalik na rin ako sa probinsya.
Halos nman sigoro lahat na lumaki sa probinsya ay gustong balikan yong mga buhay natin. Pero kelangan munang mag-ipon.
wow! Ganda ng artwork madam
Nakakamiss ang buhay probinsiya. Namiss ko yung sariwang gulay tapos inihaw na sariwang isda tuwing linggo. Tapos tumutugtog ang mga musikang Cebuano sa background. Minsan Michael Learns to Rock, minsan yung mga 60′s 70′s at 80′s. hahaha
Ang sweet nung nanay at tatay mo.
Salamat sir joey!
Pagkain! Yan ang pinakanamimiss ko. Lalo na ang kinilaw at sinugba. Sarap! Hahaha.
Nasanay kase si tatay na kinakantahan kami.
Ganda nong painting mo.
Ang sarap ng buhay probinsya.
Salamat kuya.
Korek! Mahirap ipagpalit.
Na-miss ko bigla si mama.. buti na lang uuwi na ako mamaya..
three days ko din silang makakasama… Kelan ka huling umuwi senio aninipot?…
Huling uwi ko christmas at new year. Ang hirap mghanap ng oras pra makauwi lalo na at 15 hours ang travel by land at one way lng yan. Haha.
sarap nga sigurong tumira sa probinsya.. hay… kainggit naman…
Masarap ang buhay doon pero kung sanay ka sa city, mababaliw ka sa katahimikan at kawalan ng night life. Hehe
hello, ani,
natuwa akong napansin at nabalikan mo na uli ang iyong kape at pagpipinta.
hey, sana ay nasa maigi ka. ingat sa byahe-byahe! at kainaman, ni isang pic, wala man lang, ah, ah? regards!
Ang totoo nyan ate san hanggang ngayon di na ulit ako nakpagpinta. Yong nsa taas isa yan sa mga pininta ko dati.
Ahaha! Tamad akong magpost dito ng mg pics sa mga travel ko. Naaalala ko kase ang trabaho ko. Ayokong mag-isip ng work dito. Hehe! Pero subukan ko.
hello, ani,
pamilyar nga, as in? hulaan mo bakit, ahaha. ^^ naalaala ko pa ang letter mo, pati ang handwriting na right-handed but leaning to the left, ahaha. nabasa ko naman, ano ‘yonghalf apology mo ro’ng baka di ko mabasa, huh? ‘yon lang, walang return address, e.
parati na lang excuse ‘yang sabing tinatamad, naman. di ako naniniwala. ^^ hope you’ve had a fund weekend!
nakakainggit ‘yang ganiyang buhay, anini. kaya nga ako, kapagka yumaman ako’t may sapat nang puhunan para mag-negosyo, iuuwi ko si dude sa probinsiya namin para dun lumaki ang mga bata. mahirap ang buhay sa siyudad – magulo, nakakatakot, walang kasiguruhan.
hindi tulad ng buhay-probinsiya – simple, tahimik, walang kung anu-anong shit.
honggondo ng painting. pwedeng akin na lang? hehe.
Tama! Iba kase ang lifestyle na namumulatan ng mga bata pag nasa probinsya at medyo hindi rin mahal ang cost of living. Pwedeng manghingi ng gulay sa kapitbahay. Hahaha
Wow lio! Masaya ako at kasama tlaga si dude sa mga plano pati ang yong future chikitings.
Naku! Saka na ko mamimigay ng coffee paintings if nag-improved na tlaga mga gawa ko. Saka wala pang time. Kasalanan ng trabaho ko. Hehe
minsan gusto ko pumunta probinsiya para mag relax.. ang sarap ng buhay jan. simple pero makukuntento ka talga.
btw , ayos ang painting
salamat.
maganda talaga ang buhay probinsya. simple lng lahat kahit walang pera hindi ka magugutom.
ang ganda ng painting mo ha, pino ung detalye.
nga pala, mas gusto ko na ng kuhracha ngayon kesa sa lobster, pero kung lobster lang meron sa inyo, pwede na din. samahan mo din pala ng 7-11 crab. hahaha! kumusta na anini?
matagal ko nang pininta yan tapa.
rare ang kuracha samin though sa surigao del norte marami daw dun.
sundays with my roof garden, i defenitely miss a lot
thanks for this collection of thoughts, it helped bring me back up and fresh with the memories.
nice piece of art work too
thank you!
me too. I always wanted to have a little garden however my hectic sched did not allow me to do it.
have a nice day haringibon!
hi
ang saya naman diyan sa inyo. may singing tatay pa.
paborito ko ang putong puti. kaya sana sa susunod padalhan mo naman ako. hehe
nice artwork. nxt jan amazing work na.hehe
haha! ako din po gusto ko ang putong puti lalo na if bagong luto.
sana nga po darating ang time na makakagawa ako ng amazing artwork. haha!
Ang ganda ng obra mo… Hindi ako marunong gumuhit pero pagkabado ako at nagagalit kaya kong mag-drawing hahha di man kasing ganda at kuhang kuha ng eksakto yung subject(hawig na rin naman hihi).
Mahilig din ako sa paru-paro, pero mas gusto ko ang mga alitaptap na lagi sa kwarto ko sa gabi….
Iyon ang namimiss ko sa probinsya. At syempre ang mga sariwang prutas at gulay.
wow! naiimagine ko yong kwarto na may alitaptap sa gabi. parang gusto kong maki-sleep over sa probinsya nyo. haha!
salamat at na-appreciate mo artwork ko. Matagal na yan, gusto ko nga ulit balikan ang pagpipinta. sana magawa ko ulit.