sa totoo lang di ko talaga inisip na ang kape ay pwedeng gamitin sa pagpinta, pero aksidente kong napuntahan ang site ni Ms. Sunshine Plata at sobrang namangha ako sa mga gawa nya..sabi ko masubukan nga.. at eto nga, ang ibang resulta sa minsang pagpapaka-adik sa pagpinta ng kape.

ang pagkakasunod-sunod ay ayon sa kung ano ang unang ginawa.

bangkang papel

bangkang papel – ito ang una kung subok, kung mapapansin mo sobrang kapal ng kape, di ko kase alam paano ang tamang pagtimpla, basta mai-drowing sila go.

paru-parong ligaw

paru-parong ligaw – kinopya ko lang ang isang drowing ko gamit ang oil pastel, nagandahan ako dun so try ulit gawan ng version gamit ang kape.

"magkaibang landas"

"magkaibang landas"

magkaibang landas – ito sigoro ang pwede kung sabihin may kasama ng timpla ng inspirasyon ang pagkaguhit, sinubukan kung maging maingat, i-timpla ng tama ang kape, kasama narin ang pagkakalunod ng isip ko sa kasabay ng aroma ng kape.

misteryosa

misteryosa – ginawa ko to para sa kaarawan ng isang blogger si Ms. Anne (a.k.a. sphere), sa totoo lang hindi ito ang plano kung gagawin pero bigla nalang nagbago ang isip at tsaraaan! yan ang resulta. (ang totoo hindi ko na iniisp na pagmamay-ari ko pa ang gawang to, may tatak na to, ibig sabihin once hiningi nung nagpagawa ang kopya, ibibigay ko.)

alitaptap

alitaptap

alitaptap – subok ulit gumawa gamit ng ibang strokes, pinagpraktisan bale, hanggang ngayon nag-papraktis parin ako.. :)

beeftapa gravatar – napasubo lang akong gawin to..hahaha, nagvulonteer ba naman kase akong igawa sya ng coffee painting para sa anniverssary ng blog nya.. akala ko ako ang pipili pero hindi nagpatalo ang lolo, china-challenge ako kung kaya ko daw kopyahin ang gravatar nya.. at mukhang nakopya naman ng kunti ano?..hehe

bangka at takipsilim

"bangka at takipsilim"

bangka at takipsilim – hindi ito ang panghuli kung pininta, marami pa ang kasunod nito, yon nga lang wala pa sa isip ko na ipakita sa iba yong ibang gawa, oo, weird ako..hehe, at bukod pa sa mahirap maghanap ng scanner na kayang mag-scan ng 15 by 22 inches na coffee paintings.. itatago ko nalang muna ang iba.

UPDATE:

doon po sa amin (gravatar)

doon po sa amin gravatar – request ulit ng isang blogger para sa kanyang gravatar.

"paru-parong mundo"

paru-parong mundo – favorite subject ko ang butterfly.. pero di ko alam kung nabibigyan ko ng justice ang bawat drowing ko sa kanila.

"layag"

layag – kaya ganyan ang itsura ng layag ay dahil nagpipinta ako habang may katext..hehehe, wala ddin akong plano kung anong ipipinta, pinapabayaan ko lang mga kamay kung ano ang magagawa. :D

"bloomed"

bloomed – first attempt na ang puti ang magdadala sa larawan, so far mukhang nakuha ko ang gusto kung lumabas.

nagpaparaktis parin ako :D

8 Responses »

  1. Mas magaling sa iyo ang bunso kong kapatid Anini, nagpinta siya gamit ang tae nuong isang taon pa lang siyang gulang bwahahahaha YAKKKK!

    Imperness, ang gaganda ng pinta mo. Inspired? Kanino?

  2. haha! may diorama pala rito, ang ganda! pinakamaganda pa rin ang bloomed (for me).
    si misteryosa, sa first glance, ang naisip ko ay gravatar ito ng diwata ng gubat, ahaha!

    pero, kamo ay pledged na ‘yon kay sphere (at sya ata ‘tong long-haired) so, kanya na nga, hihi… maganda rin ‘yong alitaptap, anini. parang design ng malong na batik, ahaha!

    btw, may online tutoring ba ‘yang coffee painting na ‘yaan? :c nakaka-insecure, este, nakaka-inspire ang mga likha mo! :)

  3. matagal ko nang nakita sa tv yong tungkol sa coffee painting hanggang dun lang. interesado ako pero diko sinubukan.
    natuwa ako sa mga gawa mo ah. paganda ng paganda!
    sa organization nmin may isa kaming kasama na nagpipinta gamit ang kalawang. oo pwede din palang gamitin ang kalawang sa pagpipinta :-) .

    magandang araw :-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s