bagong pahina ulit… wala lang dahil nga nakahiligan ko daw ngayon ang magkuskos ng oil pastel, dito ko iipunin ang mga gawa-gawa kong obra-maestrang walang kwenta, meron ba nun?.. OO, meron dito sa kagubatan ko.. hahaha
ang pagkakasunod-sunod ay ayon sa kung ano ang unang nagawa hanggang sa pinakabago… i-uupdate ko to madalas, depende kung may gana akong mag-kuskos ng pastel..hehe
walang title..di ko alam kaya nga walang kwenta, pero dahil luka-luka ako, ayan pinost ko dito, trip lang..hahaha















Lahat ng mga konseptong yan ikaw lang ang nakaisip. Mula sa pagpili at paglalaro ng kulay, at maging sa pagpapahiwatig ng emosyon dala ng mga guhit na tanging ikaw lang ang nakagawa. Kung sakaling susubok akong gayahin ang isa sa mga yan, malamang sa malamang di ko makokopya ang kabuuan.
Ang punto ko, gusto kong sabihing magaganda ang gawa mo.
ganda”
pamilyar tgla saken ung bulaklak sa paso na may buterfly. parang sa coloring book nung kinder. ahehehe
gusto ko ‘yung blue moon, ani! mahusay ang pagkakatimpla ng mga kulay.
mahilig din akong mag-pastel nung hs ako pero biglang nawala ‘yung pagkahilig ko sa drawing nung matuto na ‘kong uminom.
oo na, isa na ‘kong BI na nilalang. hohoy! :p
Exhibit na to sa Megamall
Magandang inspirasyon! Gusto ko rin subukan.
Gumuguhit din ako pero lapis nga lang.
gusto ko pa rin yung dress na green.. ang ganda!!
hi, anini,
gusto ko ang 1, 3, 7 and yong last. ‘langya, nakaka-insecure ka, ineng! buti, magkaibang parte tayo ng mundo ipinanganak. buti hindi kita naging kaklase – sobra akong maiinggit sa ‘yo, kung sakali, haha.
bow, anini, bow ako nang mababang-mababa.