ang kaibigan ni aninipot…

Standard

sino si siamea? s’ya ay anak ni inang kalikasan na nangagarap mabuhay ng tahimik…. kasama ang hangin at ibang mga puno at kulisap…  paliparin at pasayawin ang kanyang mga dilaw na bulaklak kay hangin kasama ng mga kulisap…

Oo, puno si siamea…

s’ya ang punong kasakasama ni aninipot nung bata pa sya.. tahimik na nakikinig sa mga reklamong bakit sya nag- iisa? bakit nga ba? di ko rin alam eh! hehe, narrator lng ako dito.

masaya dati si aninipot pag oras ng putulan ng mga sanga si siamea… bakit? dahil magkakaron na nman sya ng mga batang kalaro habang tinatapon ang mga sanga ni siamea…

‘yon lang kasi ang panahong kayang makipagsabayan ni aninipot sa ibang mga bata …bakit? dahil si aninipot ay hindi marunong makisalamuha sa iba.. iba ang gusto nyang mundo…mundong kasama ang mga libro.. pero hindi ibig sabihin na  hindi s’ya nangangarap maging tulad ng iba..

pero, nang lumipas na ang panahon….ayaw na ni aninipot na putulan ng sanga si siamea…kasi nararamdaman nya ang sakit na dulot nito sa kanyang tahimik na kaibigan…

kaso wala ng magawasi aninipot para pigilan ang pagputol sa parte ng katawan ni siamea, dumating na kasi ang panahon na  kelangan nang lumikas sa ibang ibayong mundo si aninipot…ito ay dahil isa syang tao at dapat makipagsapalaran para matuto..

pwede nga bang maging magkaibigan ang puno at tao? sigoro… hindi ko rin alam eh! pero si aninipot OO dahil sa isip nya magkaibigan sila ni siamea.

Advertisements

2 responses »

  1. Bitin ang kwento..hwag kang nagmamadali kapag nagkukwento ka.

    Tahimik din si siamea katulad ng aninipot na pabulong bulong habang kinakausap ang sarili. Sa wagayway ni siamea ay nararamdaman mo ang kaniyang pangangailangan purihin mo siya at ikaw ay ganun din ang pag-asam.

    May itinuro sayo si Siamea, Aninipot–tinuruan ka niyang lumaking mag-isa na umaasa sa kapaligiran niya.

    Pano ba yan.J. Kulisap po, ikinalulugod ang pagtanggap kay Aninipot sa mundo niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s