dilemma ng isang probinsyana…

Standard

hindi ko alam kung pano sisimulan to, pero isipin nyo na lang isa din to sa mga example ng dilemma ng isang probisyanang tulad ko.

ano nga ba ang kadalasang dilemma ng mga probinsyana after grumadwyt from college? ( hmm, based on my experience lang po ito)

1. Dahil walang masyadong  job oppurtinity sa lugar na sinilangan, kelangan mong mag alsa balotan patungo sa syudad para makahanap ng trabaho. Maswerte ka kung may kamag-anakan  kang pwedeng mag adopt sayo hanggat wala kang trabaho…di tulad ko na pati matulogan prinoblema pa…haay!

2. Job Hunting- dito malalaman kung kaya mo nga bang makipagsabayan sa buhay sa syudad…. simulan natin sa pagko-commute..haay! pinaka-unang tandaan, kung di alam ang lugar na pupuntahan magtanong ng direksyon, remember! “ang marunong ay nagtatanong”…hehehe

pero, totoo kelangan yon kasi baka ikaw ay mawala, tulad ko, medyo kapalan din ang mukha para di ma-late sa iyong appointment. Medyo maswerte lang sigoro ako sa iba kasi hindi ako naghanap ng trabaho… baliktad, trabaho ang naghanap sa akin…haha

3.  Adjustment period- it takes  2-3 weeks on my part, i don’t know how long it takes to others.

during this period, dito mo mapi-feel lahat, homesick, career choice crisis at iba pa…lahat halos ng emosyon madarama mo during this period. homesick? ano nga ba ginawa ko? unlicall syempre everynight tumatawag ako sa bahay, hagulgol pa nga minsan..lols. i remember during i signed my contract, para akong bibitayin promise! nakipag-away na nga ako sa sarili ko, pipirma ba ako o hindi?

ako1: hoy! pirmahan mo na.

ako2: ayoko, isa itong pagkakamali na pumunta ako dito.

ako1: hoy! bruha, di mo ba alam ang daming walang trabaho ngayon tpos nag-iinarte kapa dyan.ang daming nagugutom, isipin mo na lang na pag bumalik ka sa inyo lilibakin ka ng mga kapitbahay nyo.

ako2: eh! di ko tlaga kaya dito, matatanda lahat ng kasama di ako makarelate.

ako2: ay sus! yun lang pala. hayaan mo na, mag eenjoy ka rin.

ako! haays!

pinirmahan ko rin after makipag-away sa sarili ko with matching panginginig ng kamay.  pero, ang nasa utak kung pano i-teterminate ang contract at mag reresearch agad pano gumawa ng resignation letter..o dba? di pa nga nagsimula gusto ng magresign.

4. Luvlyf? hehe, kasama yan…lalo na pag isa kang NBSB(as in no boyfriend since birth) na tulad ko…..bakit nga ba ? di ko rin alam eh!….masyadong malaking issue yan sa office, first ayaw nilang maniwala na wla kng boyfren…tpos kalaunan, magtatanong…. Tlaga? nbsb ka….haay! sabi ngang OO…. tpos irereto ka kung kani-kanino or else tatakutin kang maging matandang dalaga as if may paki ako..hahaha (p.s. kung may alam kayong boyfriend for sale paki inform ako) hehehe, serious ba ako? malamang….

5. wala  na akong maisip…hahaha, pag-iisipan ko pa.

Advertisements

4 responses »

  1. Promdi ka rin, ako din. Ang maynila ay paraiso para sa gutom na kalulwa mula sa tahimik at mabagal na takbo ng probinsya, pero kapag nagtagal ka na dito, hahanapin mo na ang amoy ng dahon kapag umuulan, ang mga kaparangan, ilog, sapa, bundok…tutubing karayamo, basoy at kulilipaw.

    Susundan mo ang liwanag ng buwan pero sa kamaynilaan–ilaw na nanggaling sa poste—peke.

    Habang may opurtunidad dito sa Maynila, dito ang ating mundo pero pakiwari ko’y pagdating ng araw–babalik ako sa aking lungga, kung saan nakabaon ang aking inunan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s