Standard

di ko malaman ang dahilan kong bakit ako biglang pinasama sa isang statistics seminar…whew! forester lang po ako hindi statistician…pero ano nga ba ang magagawa ko kundi YES BOSS! sama ako…huhuhu, ayon, dumugo ang ilong ko! sana man lang pinaghanda ako…sabagay ok lng din pampawala ng boredom, tatlong araw kaya akong tumunganga sa opisina ng walang ginagawa.

kaya heto na… since representative daw kami ng denr, nakakatakot ang seminar na yon kasi di ko alam kong ano ang isasagot ko pag tinanong kami ’bout sa relation ng seminar na yon sa organization na kibibilangan ko, honestly di ko tlaga alam sa una…. pero kalaunan medyo get’s ko na… marami pala…sabagay hindi sa statistics ang trabaho ko…nasa planning.. ayoko ng mag elaborate ng trabaho ko kasi i’m sure dudugo ang ilong nyo..hehehe.

pero, ang nakapukaw tlaga ng atensyon ko, ay nung pag-usapan bakit maraming mahirap sa pilipinas? tinanong un ng representative ng ched… lahat kami bglang tumahimik, lahat nag-isip…bakit nga ba?

may isang sumagot, sabi “i think the answer can be found back in our head”.

OO nga, lahat agad ang mga buwaya sa gobyerno ang napagbintangan….

GUILTY ako dun, isa din ako sa nagbintang…bakit nga ba? totoo yon dba? kaso nga lng nung papauwi na ako naisip ko…bakit yong iba natakasan ang lupit ng kahirapan kahit marami ang mga buwaya…tanungin mo nga rin sarili mo, bakit nga ba? pwede kasing simulan sa sarili natin…pwede rin ang paraan na naiisip mo..bitayin ang mga buwaya? hehehe, try mo baka effective.

magkaganun pa man may natutunan ako, always be ready…hehe, baka bgla akong ipadala sa buwan or sa pluto…

balik tayo, ang natutunan ko talaga, na masuwerte ako, may trabaho….. kahit di kasya ang sweldo ko para sa sarili ko…hmm, ano pa ba? nalaman kong halos lahat tayo pare-pareho, pag kahirapan na ang pag-uusapan lahat isisisi sa gobyerno…hindi ako pro administration nor opposition… ako ay palutang-lutang lng…nagmamasid ng walang ginagawa..haays! kelan nga ba ako makikialam? ewan ko… IKAW? kelan ba?.. oopss..kaw na sumagot, ayoko ng mag-isip..

Advertisements

10 responses »

  1. opinyon ko dyan ay ang mahihirap kasi nagexist na noon pa sa mga dati pang administrasyon. ang problema, instead na kumonti, dumami!

    oo, madiskarte tayong mga pinoy pero kulang pa para makaahon sa squatters area at makakain ng 3x a day. kasi yung iba hanggang dun na lang sa alam nilang paraan para makakain at mabuhay. dumidiskarte nga ng raket pero yung gagawin naman ay masama para sa bayan – drug dealer, parokyano sa mga prostutusyon, prostitute etc. tapos isisisi sa Gobyerno lahat? tama ba yun?

    ang pagbabago nasa atin.

    bakit naman ang parents ko? mahirap lang kame pero nakita ko yung diskarte. nangutang tas unti unti ay binayaran hanggang sa nakapundar. sideline ng karinderya tas nakapag aral kame sa mgagandang school hanggang sa nakakatulong na kame ngayon.

    tignan mo ang nagrereklamo sa gobyerno yung may walong anak tas buntis pa tas ang asawa walang trabho. asan ang disiplina? kung gusto nilang makaahon ay umpisahan nila sa mga sarili nila.

    ang hirap kasi sa atin, lagi na lang tayo ang biktima pero sa sarili natin tinanong ba natin kung hindi tayo binibiktima ng sarili nating pagkatao?

    hay..

    neweys

    cool pala ang work mo ha. curious ako sa work mo. minsan share mo sa amin yung adventures nyo. im sure maganda yan lalo sa akin na maka kalikasan! yeeee!

    • agree ako sayo…cge, next tym yon ang isusulat ko, lahat ng karanasan sa gubat..hahaha.. kso may ibang tao na hindi kayang intindihin ang propesyong pinili ko…kesyo babae dw di bagay…nasa gender ba ang pagiging maka-kalikasan? hindi dba?…salamat nga pala sa pagdalaw sa aking munting bahay..

  2. Ang paglugmok ng isang nasyon kasama na ang mga taong naninirahan ay hindi lamang dapat isisi sa iisa grupo man o indibidwal. Ito ay parang kadena…kabit kabit na kaparusahana at pagdarahop.

    Kung may magagandang panukala at batas ang gobyerno may posibilidad na magkaroon ng mamamayang marunong sumunod sa batas, alituntunin at patakaran.

    Isa pa, normal na sa tao ang uunahin ang sarili kaysa sa kapakanan ng iba.

    Tama ka, na ang pagbabago ay nasa sarili mismo. Mas pa, kung may makukuhang suporta mula sa mga namumuno, kaya nga puno..para may bunga..Agrikultura.

    “Walang kasariang batayan upang magmahal sa kalikasan” by. J. Kulisap-

    • hihiramin ko lang kuya kulisap ang sinabi mo ha.. “puno para may bunga agrikultura”… ok ah! parang agro-forestry…hahaha
      pero tama ka..di batayan ang kasarian para ipakitang may pagpapahalaga ka sa kalikasan…

    • hmm, masarap ang pakiramdam pag nasa field..pero pag nasa opisina na…haays! nabobore ako…per minsan nakakafrustrate pag may reforestation projects na failure…nanghihinayang ako sa gastos…pano kasi marami ding pulitiko ang pakialamero.. kesyo ito yong species na gusto nila…eh! matigas ang mga ulo di kaya lahat suitable sa isang area, kaya nga may species matching for different area…hehe
      pero kahit ganun, di ko ipagpapalit ang propesyong pinili ko…daming adventures and mis adventures…

      • Kung sila kaya ang itanim nyo para mawala na ang mga maling species sa mundo..ngyok ngyok..isama mo na ako..para mawala na din ako..bawi..takot?

        Sa opisina, maraming pwedeng pagkaabalahan sa opisina na makakatulong o makapaglilinang sa iyo ng maalam na utak.

        Ang pakikipag-usap sa mas nakatatanda ay para na ring bumalik sa nakaraan at kasaysayan.

        May internet,libro o kung anu-ano pa.

      • aba! pwede ang naisip mo kuya…haha, ihahanay ko sila sa mga balete para katakutan at wag lalapitan…malaki pa ang maitutulong sa carbon sequestration…haha
        sana nga noh! itanim nalng natin ang mga pulitiko…

  3. Aba medyo may bayag ang aking prinsesa aninipot.

    Hindi naman siguro lahat ng pulitiko, meron lang talagang katangi-tangi sa kakapalan ng apog.

    Huwag natin silang isama dito, kagubatan ang ating pinag-uusapan, nadudumihan tuloy.

    Tumigil ka na J.Kulisap

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s