Daily Archives: October 16, 2009

trip????

Standard

pano ba magpapakilala ng sarili? kung ako mismo di rin kilala ang sarili ko….

sabagay bakit ba ako nagtatanong eh! ako lang naman ang mamomroblema nito…ako nga ba ay simple? simpleng di maabot at maintindihan ng iba…kaya nga gumawa ako ng blog dahil gusto kong makita kong paano ko kakausapin ang sarili ko…hehehe, resulta na ba ito ng pagiging loner…

wala akong masyadong kaibigan…iilan lang sila at di pa minsan makasama…pero marami akong imaginary friend, to name a few si lestat, si armand, si louis…hehehe, pasensyahan nalang tayo puro bampira ang kaibigan ko..

gusto ko ring sumama sa adventure ni peter, susan, edmund at lucy sa mundo na ginawa ni aslan….ayun! alam ko na ¬†bakit ako nagkakaganito, di pa pala ako nakahanap ng copy ng the last battle…kelangan ko pang maghalungkat sa mga bookstore dito..hahaay! libro lang pala ang solusyon sa problema ko…nabitin sa pagbabasa kaya may naisip na problema… ang babaw ko noh?

Ah! bahala kayo… basta ako magpapakalunod sa mundo ng mga kaibigan ko…

kaya goro di ako maintindihan ng iba, kasi iba ang gusto kong mundo..

Ayan, pwede ko sigorong basahin to ulit….haha, lakas ng trip….

susunod na akong magpost ng matino pag alam ko na kung¬† ano ang uunahin kong isulat sa mga artilulong naisip ko….bye to myself and mwuah!…hahaha

Advertisements