trip????

Standard

pano ba magpapakilala ng sarili? kung ako mismo di rin kilala ang sarili ko….

sabagay bakit ba ako nagtatanong eh! ako lang naman ang mamomroblema nito…ako nga ba ay simple? simpleng di maabot at maintindihan ng iba…kaya nga gumawa ako ng blog dahil gusto kong makita kong paano ko kakausapin ang sarili ko…hehehe, resulta na ba ito ng pagiging loner…

wala akong masyadong kaibigan…iilan lang sila at di pa minsan makasama…pero marami akong imaginary friend, to name a few si lestat, si armand, si louis…hehehe, pasensyahan nalang tayo puro bampira ang kaibigan ko..

gusto ko ring sumama sa adventure ni peter, susan, edmund at lucy sa mundo na ginawa ni aslan….ayun! alam ko na  bakit ako nagkakaganito, di pa pala ako nakahanap ng copy ng the last battle…kelangan ko pang maghalungkat sa mga bookstore dito..hahaay! libro lang pala ang solusyon sa problema ko…nabitin sa pagbabasa kaya may naisip na problema… ang babaw ko noh?

Ah! bahala kayo… basta ako magpapakalunod sa mundo ng mga kaibigan ko…

kaya goro di ako maintindihan ng iba, kasi iba ang gusto kong mundo..

Ayan, pwede ko sigorong basahin to ulit….haha, lakas ng trip….

susunod na akong magpost ng matino pag alam ko na kung  ano ang uunahin kong isulat sa mga artilulong naisip ko….bye to myself and mwuah!…hahaha

Advertisements

2 responses »

  1. Mga bampira at karakter sa nobela, o sa mga sulatin- tanda ng pagiisa? Pwedeng oo, pwede rin namang hindi.

    Ang pagsusulat dito sa blog, ay paghahanap ng mga taong may katulad rin ng iyong pag-iisip, sabi nga ni Lio Loco, ka wavelength.

    Napakarami nating tanong na kahit mismo ang ating mga sarili ay hindi alam ang sagot, ano pa kaya kung si Tagpi, si Kalabaw, kulisap, palakol at daga? Damo, surot at libag.

    May mga taong hindi rin naman nila maipapaliwanag sa paraang gusto mo, makapagbibigay naman sila ng sarisaring sagot na pwedeng mong kainin o iutot.

    May mga kalulwang naliligaw, nawawala ang pisikal na katawan. Ano ngayon ang mas makapangyarihan?

    Dugo o ang espiritu?

    • espiritu….dugo ay dumadaloy lang sa katawan para mabuhay at maging mortal ngunit ang espiritu ay bubuhay sa tao saan man ito patungo…espiritung pwedeng pang purgatoryo kong ikaw ay naniniwala sa doktrina ng katoliko..ngunit pwede rin itong isang simpleng espirito na bubuhay sa iyo sa simpleng kadahilanang ito’y espirito ng pagiging buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s