wlang kwentang pag-chichika…

Standard

i really planned to write something worthy to read, this day, an environmental article, yet! ito naloka ako ulit at sinave as draft.. oh ha! araw-araw na yata akong nagpopost…bogaloidz tlaga…hahaha

sa November na lang para bumagay at makicelebrate for an environmental awareness month…

Plssss… paki close na ang tab, dahil ang sunod nyong mababasa ay walng kakwenta-kwenta…..hahaha, nag trip na naman ulit ako.

blogosperyong basurahan ko, maraming salamat at nahanap ko ito…. palipasan ng mga saloobing di man lang makabagbag damdamin. Pano kasi sinusweldohan ako ng gobyerno pero wala man lang ginagawa…hahaays! ayoko sanang ma guilty pero ito, nagsusumigaw ang loob ko na GUILTY ako!!!!…

kaya nga nasabi ko dati na ayaw kong magtrabaho sa isang government agency…pero anong nangyari? biglang nag switch ang tadhana at lahat ng plano ko ay nabali…waah! ayoko na talaga, nakakafrustrate ang ganito….

Gusto ko na tuloy kwestyonin ang desisyon kung magtrabaho dito….. Sana kasi tinanggap ko na lang ang offer na magturo, kasehadong mas malalaki, barako at minsan mas matanda pa sa akin ang mga estudyante ko….

mas masaya pa yata iyon, dati tlaga bago pa ako gagradwyt buo na ang desisyon kong magturo, at dapat yaong instructor na kaylanman di makakalimutan ng mga estudyante nya.

Sigoro kung wala ako dito, next month nagtuturo na sana ako sa unibersidad na pinag-gradwytan ko, Pero dahil nga may pag kaloka-loka ako at dinedma ang tawag nila ito, STAGNANT ang buhay ko….huhuhu

Masarap magturo lalo na pag sobra sa kalahati ng estudyante mo ibabagsak mo…hahaha, terror ba ako?… wag mag react, dahil totoo yon talaga ang plano ko. Pero wag ka! dahil yon ang naisip kung dahilan bakit gusto nila akong kunin para magturo, gusto kasi nila yong taong walang takot na haharapin kahit sangkaterbang kwarenta’y singko pa ang itututok sayo…

Nagtaka ka noh! sang lupalop ba ng pilipinas ako nag-aral bakit may ganyang pangyayari? hahaha… Clue? wag na lang baka isipin mong sinisiraan ko ang paaralang pinanggalingan ko… pero totoo ang sinasabi ko ha! hindi ito kathang isip lang. Pag naloka ulit ako ikukwento ko..hahaha

anyways, baka isipin mong anong klaseng administration meron kami at bakit di man lang mapigilan ang ganung pangyayari, well, di tlaga kayang pigilin iyon dahil may iba kasama na sa culture nila ang paghawak ng baril.

well, balik tayo dun sa topic na bakit di ako nagturo..

hmm….

1.di ako nagturo dahil naiinggit ako sa mga kasama kong lahat nakapagtrabaho sa agency na katulad ng pinagtatrabahoan ko.

2. feeling ko mas masaya pag i-praktis ang propesyon ko sa field, di ko naman kasi inisip na sa planning ako ilalagay, well, di narin naman masama kasi sabi daw nila pang matalino ang trabaho ko… hehe, pelingera din akong matalino.

3. FRUSTRATED ako sa result ng board exam…. totoo! nakapasa ako isang take-kan lang, pero feeling ko di ako bagay magturo sa kadahilanang di ako nakapasok as topnotcher… Pinagarap ko talaga yon, simula pa lang. Di lang dahil gusto kong lampasan ang rank ng crush kong instructor. kundi para sa sarili ko… pambawi sa mga kabalahorang pinang-gagawa ko nung nag-aaral pa ako.

Kapal ng face kong pangarapin yon noh! pero tanggap ko naman na pwede talagang di maabot ang gusto ko, ang problema nga lang nung makita ko ang percentage ng nakuha ko…. kahit di tlaga ako nagmumura, napamura ako! gusto kong umiyak. PUTIK! kunting-kunti nalang pala pasok na ako sa top ten. whooah! gusto ko talagang magpagulong-gulong sa inis… sana 75%  nalang ang nakuha ko…bweesit!

kung alam ko lang na ganun ang lalabas sa exam, naghintay na lang din sana ako ng isang taon… at habaan ang review, pakonswelo di bobo ko nanga lang ang rason na kaya nagtop ang isa kong kasama dahil isang taon ang binigay nyang oras kaysa sakin na dalawang buwan lang…. pero kahit ano pa man loser parin ako..

Hanggang ngayon pala di pa ako naka get-over sa nangyari, whew! bitter tlaga ako, OO na, aaminin ko na… i do really have an envy to those who put theirselves on top… pero masaya parin ako sa mga kaibigang pumasok sa top, alam ko mas kelangan nila iyon kaysa sakin…

Haha… may next time pa naman,  promise ko sa sarili ko, tlagang magtotop na ako sa susunod na exam na sasalihan ko…. kaya maghanda ka Bar Exam…. hehehe, pinaghanda na di pa nga ako nakapagsimulang mag-aral ng Law.

well, gusto ko na ngayong maging abogago… oppss! Abogado daw pala.. pero hintay muna ng dalawang taon, kelangan pang grumadwyt ng dalawa kong kapatid…hehe.

o ano? napagod kang magbasa noh!.. hahaha…mwuah..

Advertisements

10 responses »

  1. Sinong napagod? Sa pagbabasa…weh..hehehe. Walang kwenta ba itong isinulat mo? Kung ganun walang kwenta itong nagbabasa ng iyong sinulat..Tagay Aninipot..tungga Aninipot.

    Nagsisimula ka ng magpakilala ng iyong sarili, at unti-unti na kitang nahuhubaran, kita ko na ang utong mo.

    Maraming matalino ang kulang sa diskarte, mayrong maabilidad pero kulang sa akademikong kagalingan.

    Bilang tao, kung may humahanga o naiinggit sayo dahil sa kakayahan, marahil isa ka ngang taong dapat na hangaan.

    Hindi rin maganda ang masyadong mataas at matalino, minsan mas masahol pa sa walang alam at mangmang.

    May ginagawa akong maikling kwento tungkol sa ganito, sana hindi rin mauwi sa kakadraft.

    • kung di lang ako takot na magsabi na wala kang kwenta dahil binasa mo post ko…sinabi ko na…hahaha
      dahil takot pala ako sayo kuya kulisap, o cge tatangagapin kong may kwenta ang sinabi ko..hehe
      gusto ko sanang tanggapin na ako pala ay minsa’y magaling sa kadahilanang kinaiinggitan ako minsan…whew! lumalabas na ang kayabangan ko…hahaha
      sana nga di mauwi sa mga draft ang mga sinulat ko! yon pa naman ang masasabi kong may laman..

      P.S. gusto kong rin minsang subukan makipag-tagayan kaso allergy pala ako..haha, mabuti na rin pala, bka naging tanggero na ako.

      • Tama, ang ating katiting na buhay sa mundong ito ay masyado nang tinatakot ng ating kalikasan- gawang tao man o sadyang nagbabago na ang takbo ng panahon.

        Sa nalalabing oras na ito, isipin natin ang buhay ay masarap- at hindi na pwedeng balikan kapag nabawi na.

        Isang tagay sa kahangalan…magpulutan ka na lang..itihaya mo ang pulutan nating galunggong.

        Tagay, lasing na ako Aninipot..naiihi na ako sa salawal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s