Buwan ng kamalayan sa kalikasan

Standard

 

1. Ang buwan ng nobyembre ay idineklara bilang “Environmental Awareness Month” ng naisabatas na RA 9512 ( “National Environmental Awareness and Education Act of 2008″).

Layunin nito na isulong sa mga kabataan ang kaalaman sa pangangalaga ng ating kalikasan at likas na yaman. Ito rin ang sagot ng gobyerno para may masabi “kuno” na may ginagawa sila para sa problema ng pabago-bagong klima (climate change). Ngunit ang tanong ko? kaya nga bang maipatupad ng ating gobyerno ang batas na ito… Sayang, ang daming batas na nagagawa sa pilipinas ngunit ang pagpapasatupad naman ang problema.

 

2. Bilang isang propesyunal na manggugubat(forester) ang buwan na ito ay mahalaga para maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng propesyong ginagampanan. kami may nasa sektor ng gobyerno o pribado.


Ang pagiging isang manggugubat ay isa sa masasabi kong propesyong kadalsa’y natatapakan. Wag na tayong mag-pakaipokrito, alam ko, kalahati o mas tamang sabihing higit sa kalahati ng babasa nito ‘di alam ang propesyong sinasabi ko.

Bakit ko ba nasabing ito’y natatapakan?

dalawa ang rason na naglalaro sa utak ko…. una, ang pagiging manggubat ay naikulong sa konsepto na ang trabahong ito ay hanggang sa pangangalaga at pag-gamit lang ng ating yaman sa kagubatan. OO, tama nga iyon, ngunit hindi hanggang doon lang. OO, pinag-aaralan naming kilalanin ang mga punong kahoy, kung ano ang gamit at tamang pangagalaga nito, pero hindi hanggang sa ganoong kasimpleng konsepto…mas malaki, mas malawak pa…kita mo ang paligid mo? kung kaya mong sukatin ang mundo, ganyan…ganyan kalaki, at kasama yan sa konsepto ng propesyong ginagampanan ko.

pangalawa, kaming manggubat ay kadalasang di nabibigyan ng kaukulang trabaho sa bansa natin..nakakalungkot man, ngunit ang propesyong ito ay isa sa mga tinatawag ng nakararami bilang isang “dying profession”..naghihingalo na..Bakit nga ba? pwede ko bang isisi sa gobyerno?

sa totoo lang di ko rin alam anong pwede kong sabihin, pero sige pag-usapan natin…una kong naisip ang kakulangang bigyan ng pagpapahalaga sa ating likas na yaman, eh! wala na ngang paki-alam sa ating kalikasan mas ano pa para sa propesyong nagdadala ng pangagalaga nito…ayoko sanang magkumpara pero wala akong choice.

Halimbawa nalang yong ating mga karatig bansa, kaya nilang gumastos ng malaki ma-iligtas lang kahit isang punong kahoy.. eh dito sa pilipinas, pinuputol pa dahil sagabal sa magandang view… o dba!.. di ko alam kong pagtatawanan ko ang kanilang kamangmangan o malulungkot. haays!

 

3. Kagawaran ng Kalikasan at Likas Yaman.

o ha! pinaghirapan ko pang i-research ang tagalog ng DENR..hahaha

well, sigoro alam nyo na kung ano ito. Sektor ng gobyerno kung saan pwedeng sabihing sya’ng nangagalaga sa ating kalikasan at likas yaman..ayon sa taas o(sabay turo)..redundant pero hayaan nyo na.

sa totoo lang di ko alam anong isusulat ko dito, basta naisip ko lang kasi na isama to dahil sa sekretarya ng departamentong ito.. kilala nyo yong politikong madalas nakasuot ng makulay na polo? naisip ko bakit di nalang sya ginawang sekretarya ng turismo no? baka doon pwedeng magamit ang pina-uso nyong hawaiian polo bilang uniporme sa gobyerno.

ang di ko talaga lubos maintindihan, bakit ba ang mga sekretaryang pinapaupo sa departamentong ito ay madalas nakakapagdala ng isang malaking tanong bakit sya ang binigyan ng pwesto…. wala man lang kunting background sa environmental management…ayoko sanang manghusga, pero hay! naku tlagang sila din ang gumagawa kung bakit sila hinuhusgahan. halimbawa na lang, magsalita ba si sekretaryang may makulay na polo ng ganito, ” ang mga puno nasa likod ko ay mga agoho, kapamilya ito ng mga pine tress”.. o ha!, sigoro sa mga di nakaka-alam sige i-explain ko muna, ang agoho po ay kaylanman di kapamilya ng pine trees, dalawang pine species lang ang nasa pilipinas, Benguet pine at Mindoro pine. Sigoro di ito mahalaga sa inyo pero para sa aming mga manggugubat, nakakahiya ang ginawa ng namumuno sa departamento kung saan higit sa kalahating mga manggugubat ay nagtatrabaho…

bilang pinuno ng departamentong ito, sana sumangguni man lang sya kung tama nga ba ang kanyang pinag-sasabi…NAKAKAHIYA S’YA.

ayokong husgahan kung kaya nga ba talaga nyang pamunuan ang kagawaran ng kalikasan at likas yaman…kasi pwede namang pag-aralan yan.

ang sa akin lang naman, sana man lang bigyan ng t’yansa ang mga taong higit na kwalipikado para pamunuan ang sektor na ito.

 

 

They said, ‘forestry profession is a dying profession’ yet we say, it’s just a rare profession.

Advertisements

53 responses »

  1. May panahon pa ng pagsalba prinsesa Aninipot, katulad ng mga pagsalba sa mga nanganganib na hayop o halaman man.
    Kulang na kulang sa pangil ang mga batas na ginagawa ng ating pamahalaan.
    Hindi ko na sisisihin ang katalinuhan na mayroon sila, wala na rin namang kwenta.

    Tama ka don, bihirang pag-usapan ang pagiging mangugubat o forester. Ningas kugon tayong mga Pilipino, maalala lamang ang kakulangan kapag nabiktima na ng kalamidad, pagkatapos umahon ang punlang itinanim ay hindi na mababalikan.

    Ilang uri ba ng kahoy ang mayron sa Pilipinas Aninipot?

    Alin ang mas matibay Molave o Narra?

    • kung uri lang din ng kahoy ang pag-uusapan kuya kulisap, di ko kayang bilangin …..marami pa ang ngayon lang nabibigyan ng pangalan at mas marami pa ang walang pangalan..

      hmmm, mas matibay ang molave.

      alam mo bang nakakatawa ang narra bilang pambansang kahoy. dahil sa totoo lang hindi yan endemic sa pilipinas..isa lang yang introduced species…

      sa parte pa lang sa paghirang bilang national tree ng narra makikita mo na ang ugali nating mga pilipino na mahilig tumangkilik sa mga hindi sariling atin.

      • Kitam, natuto ako sa iyong sinulat..hindi ko yon alam at ni sa hinagap ko hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga punong narra at molave?

        Magpaskil ka pa ng mas marami tungkol sa mga puno, sa kapaligiran, sa mga hayop, kulisap, langgam, bao, niyog, lupa..alin alin ang naiiba?

        Kung gayon ano ang mga punongkahoy na likas na Pilipino? Yong kayumanggi ang balat?

      • hehe, kadalsan namang puno ay kayumanggi ang kulay ng balat..
        pero ang maganda may mga puno ring malamerikano ang balat.

        hmm, susubukan kong mag post ng mga sinasabi mo kuya… yon naman tlaga ang unang rason bakit ko nagawa ang blog na to.

        hmm, hindi ko pwedeng sabihing o ariin na ang mga puno na tinatawag naming dipterocarp species ay sa pilipinas lang makikita ngunit ito ang sikat sa ibang bansa na tinatawag na phil. mahogany group… halimbawa nito ay white and red lauan, di ko alam kung pamilyar ka….pero ang sure tlaga na endemic ang saraca, ito ang tinaguriang king of flowering plants…o dba! ganyan kayaman ang pilipinas.

  2. Ayos, interesting anak. Lauan, Saraca, mabahong damo, talisay, akasya, madrekakaw,nangka,duhat,mangga, abokado,kalamansi,suha at marami pang iba.

    Hindi ako pamilyar sa Saraca pero baka ibang katawagan lang ito sa amin.Hahanapin ko sa google.

    Oo mayaman tayo sa likas na yaman, pero mayaman din tayo sa likas na kasakiman..letse..bakit nasakit ang puso ko kapag naiisip ko ang mga taong garapal sa pamahalaan..pano naman po ang laki ng buwis ko tapos hindi naman nagagamit ng maayos po.

    Hindi po lahat ng tao sa pamahalaan, nadadamay lang sila.

      • kelangan ko palang kompletuhin.. small leaf saraca ..ayan! may saraca din sila ngunit ibang variety….hindi ko kayang i-e xplain dito bakit merong ganun…masyadong teknikal na….pero susubukan sa susunod na pagkakataon.

        pero pwede rin mali ang libro na ginagamit namin?… may mga bagay kasi na akala natin endemic lang ito sa isang lugar ngunit hindi pala, bukas kami lage sa pagbabago kaya nalikha ang tinatawag na International Code of Botanical Nomenclature… pwedeng buwan-buwan may pag-babago, milyong species ang wala pang pangalan at iyon ay nakadepende pa sa mga taxonomist na gagawa ng pag-aaral.

      • pero hindi rin nakapagtataka na pwede rin meron sila ng halamang inangkin ng pilipinas na endemic…kung susuriin din kasi magkadugtong dati ang pilipinas sa mainland china….nasa history yan… hindi nga lang garantisado na pareho sila ng specific epithet…genus cgoro….
        hehehe…ayan tuloy di ko ma-explain ng di gumagamit ng technical terms.

  3. Nasusundan ko naman kahit papaano ang mga scientific o technical terms anak.

    Mas mainam para matuto tayo. Napakalawak at kasing tayog ng puno ang pwede nating alamin.

    Interaktibo ang pagpapalitan natin ng mga salita, mas mabilis pumasok sa limang gramo kong utak.

    Ganito na lamang, baka itong ating puno ng kape ay nagpunta ng Tsina o India tapos naanakan ng puno ng kakawate kaya naging saraca. Patawing..di naman berday.

    May puntos ka don, dahil ang mga nabanggit na bansa ay karatig bayan.

    • syempre naman….pero pag mga manggugubat ang nag-uusap mas madali kong Glirisidia sepium ang itatawag…mas madali kasi saming tandaan ang scientific name kaysa local or common name….universal name kasi.

      maraming salamat at may sumasaludo pala sa propesyong pinili ko.

  4. na-curious ako bigla. kilala mo ba si talipandas aka jumping salad? isa rin kasi siyang manggugubat. at isa rin siya sa mga pinakapaborito kong blogger. too bad he doesn’t update his blog as much as someone does.

    • hmm, i saw him once…last year yata, mahaba pa ang hair nya that time, pero di nya ko kilala…friend ko kasi ang isa sa orgmate nya.. yon lang.
      matunog nga lang ang pangalan nya, kaw ba namang mag top 1 sa board exam….lahat yata pinangarap yon.

      isa rin sya sa mga paborito kong blogger, in fact mga blogs nya ang una kong nabasa…at doon din yata ako aksidenteng natisod papunta sa kuta mo. sabi ko nga sa friend ko itxt na nya si talipandas para mag-update na ulit..hehe..sayang kasi.

    • actually yon din ang mahirap sa mancono, hindi sya basta-basta tumutubo sa kung saan-saan lang….ang alam ko karamihan nito nasa agusan at surigao….pero may isang region na banner species ang mancono…di ako sure if region 7 ba.

      namumunga syempre ngunit hindi as edible fruit lahat kasi ng punong under sa division ng angiosperm may bunga,
      hindi rin basta-bastang inaanay ang mancono.

  5. Aw, siguro dapat every month ay “Environmental Awareness Month” para talagang all-out ang pagprotekta sa kalikasan!

    Alam mo, minsan gusto ko maglagi sa sinapupunan ng kagubatan! Noong bata ako, madalas ako sa gubat pag nasa probinsya.. kasama ko ang tito ko at iba kong pinsan! Masarap mangahoy at mamundok. Ayun lang, sana wag mawalan ng bundok at puno sa darating pang panahon. Nakakapanghinayang yun ah!

    Hm, saan ka nag-university?

  6. nakakatuwang isipin na may batas na pala para sa mga ganya, dapat nga noon pa pero ang mahalaga ngayon ay meron na. nakatuwa din isipin na sa kabila ng lahat may mga tao pa ring concern sa kalikasan natin…

    • kung batas lang din ang pag-uusapan, marami kahit noon pa…ang nakakalungkot lang, kadalasan ay hanggang papel lang..perpekto ang pagkagawa, talagang masasabi nating matatalino ang sumulat, ngunit ang tanong? kaya ba itong ipatupad?…haays.

  7. bilang isang empleyado sa departamento ng kalikasan, magsama sama tayo para iligtas ang gumuguho nating kalikasan, hindi naman kinakailangan ng mahabang araw, hindi rin kailangan ng donation malaki, oras mo lang ang kailangan malaki ng tulong… para sayo at para sa susunod pang henerasyon.

    • sana ganun lang kasimple noh! ngunit pag sistema na ng tao ang naki-alam, patay tayo dyan….
      it’s so hard to keep our faith that someday there will be changes to save our environment..
      I am really hoping, that is why i’ll stand on my profession.

  8. ay tama talaga ang iyong tinuran…di tulad sa ibang bansa…malaki talaga angpagpapahalaga nila sa ecological balance…kaya ang propesyon na katulad sa iyo…ay napapahalagahan…sana ganun din sa atin….

    • ano bang bayong yan? bayong ng kaalaman?…..hmmm, di ko masabi eh! maraming estudyanteng magagaling ngunit tamad nga lang…marami din sa inanakala mong walang alam ngunit mas marami pang nalalaman kaysa mga pinag-aralan.

  9. Eto na ang totoong comment(s) ko:

    1. naiintindihan kita sa sinasabi mong hindi nabibigyan ng importansiya ang propesyon mo bilang forester, bakit? Kasi ang tinapos kong kurso ay ganun din. Kung tutuusin ay napakaimportante ng ginagampanan ko pero ang sweldo ko ay kakarampot. At kung tatanungin ako ng ibang tao kung anong propesyon ko, hindi rin nila maiintindihan, worse, ihahambing nila sa isang kurso na napakalayo naman talaga. Para sinabi nilang ang tinapos ko (halimbawa ay chemical engineer) ay kagaya rin ng pala ng computer engineer kasi pareho namang engineer. Ganun.

    2. Saludo ako sa mga foresters. May forestry course sa iskul ko dati. At alam ko ang hirap na pinagdadaanan nila. Kapitbahay ko nga sila dati sa dorm eh.

    3. Tungkol sa pagde-designate ng mga taong mas may kapasidad sa mga ahensiya ng gobyerno, ewan ko. Ewan ko lang talaga. Asa pa tayo.

    • hmm, so isa ka rin forester? o forestry graduate na iba ang prinaktis na profession?

      marami ang hindi nakakaintindi sa pinag-aaralan natin…kaso nakakapagod narin ang mag-explain kaya ayan pinapabayaan nalang silang bumuo ng konsepto na gusto nilang mabuo.

      at yang proper designation, umaasa parin ako na someday mangyayari yon…mabuti nalang di nawawala ang hope ano?

      • ah hindi po ako forester. hehe. Pero yun nga. pabayaan na lang sila kung anung konsepto ang mabuo nila. hahahaha

        Sige lang, okay yan na umaasa tayo. Malay natin… Siguro naman darating din tayo dyan..

  10. ganun talaga..kita mo ang ayos ng forestry natin at napaka-organized. hehe

    walang pinagkaiba yan sa department of agriculture.. kase ang secretary lawyer.. hehe anu ba to!

  11. hehe sabi naman ng prof ko. Forestry is a noble profession kaya mas pinili kong tahakin ang landas patungo sa kagubatan kesa sundin ang tawag ng propesyon na una kong pinangarap.Hindi ako nagsisisi na ito ang pinili ko kasi dahil sa propesyon na ito, unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga bagay na akala ko hanggang panagarap na lang..

    • ganun naman talaga friend, lahat tayo umaasa na sana maibangon ang dignidad at makita ng iba ang kahalagahan ng propesyong kinuha natin.

      pero hangga’t may tulad nating naniniwalang malaki ang ginagampanan natin sa mundo…di mawawala ang propesyong ito..

  12. hi, anini. haba ang late kong comment. ha?

    sa work, before, na-encounter ko ‘yang problem sa DENR. ang sabi kasi nila, may problema sa agency orientation. kasi, ito ang taga-bigay ng permit sa miners [and loggers] pero, ito rin ang agency tasked to protect the ENR. sabit, di baga?

    may mga proposal before na ihiwalay ang mining, alisin sa DENR. masyado kasing extractive ang mining, lalo na pag large-scale – sinisira talaga ang mga gubat, kabuhayan at balanse ng community life. tapos, mag-concentrate na lang ito sa protection aspect. hindi ko lang alam kung ano na ang nangyari sa proposal. baka ikaw, may alam ka? :-

    gaya ng sabi ko before, be proud sa iyong profession. rare kayo, hindi rear. 🙂 dapat dumami pa ang inyong tribo… :]

    salamat at nalaman ko sa comments na foresters din sina talipandas at lababo, sisilipin ko ang mga bahay/bakuran nila.

    naituloy mo ba ang monthly feature re: puno? kung di pa, please do. babasahin ko lagi. 🙂 samahan mo ng pics kung meron, ha? tapos, lagay mo yong kung endemic ba o hindi sa atin. ganda ‘yon….

    alam mo, may draft ako re: mga puno sa aming lugar. di ko matapos o ma-finalize kasi, feeling ko, di ko talaga alam. di ko na tanda ang pangalan at itsura ng iba. baka mali-mali ang mailagay ko. maski kwento lang ang isinusulat ko, dapat may certain level ng accuracy, di ba? maski di naman ako secretary ng denr, he, he…

    basahin mo pala ang sinulat ko re: bakuran natin. it’s about plants. marami ka uling mare-recall doong ipina-memorize sa inyo dati, he, he… been asking people to check kung tama ang ipinaglalagay ko don. isang ate ko pa lang ang nag-tsek. e, di naman sya istrikto… :]

    o, sige, silip-silip pa ako ng mga luma mong posts.

    • wow! ang haba naman ng komento nyo..hahaha

      kung tatanungin nyo ko kung saan ang stand ko sa environment syempre agad kung sasabihin na conservation and protection, pero paag mining ang pag-uusapan, aminado akong kahit anti-mining ako naiintindihan ko ang reason nila.

      una, ang area na maay malaking mineral deposits ay di talaga tinutubuan ng masaganang pananim, tumutubo man sila pero hindi kasing productive tulad ng usual na taniman.

      pangalawa, kahit saan tayo tumingin ang mga ginagamit natin ngayon ay produkto mula sa mining, such as sasakyan kahit ang mga raw materials ng mga computers.

      pero sabi ko nga, isa akong mangugubat, bukas man ako sa mga pagbabago,, di ko nakakalimutang pinili ko ang peppesyon na mangangalaga ng kalikasan.

      kung tatanungin mo naman ako tungkol sa kalakaran sa DENR, isa lang ang sasabihin ko. MAPULITIKA. wala nang iba, yan ang dahilan bakit di natatanggaal ang mantsa sa departamentong ito.

      sa susunod ko na lamang pong susubukang magsulat tungkol sa mga puno pag may mahabang oras 🙂

    • hmmm, depende marc.

      ang totoo sa ngayon maliit lang talaga ang opportunity ng mga forester dito sa pilipinas, at ito ay isa sa mga nakakalungkot na sitwasyon para sa mga taong ang piniling propesyon ang magtrabaho para pag-aralan, protektahan at gawin ang tama para sa kalikasan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s