Monthly Archives: October 2009

trip????

Standard

pano ba magpapakilala ng sarili? kung ako mismo di rin kilala ang sarili ko….

sabagay bakit ba ako nagtatanong eh! ako lang naman ang mamomroblema nito…ako nga ba ay simple? simpleng di maabot at maintindihan ng iba…kaya nga gumawa ako ng blog dahil gusto kong makita kong paano ko kakausapin ang sarili ko…hehehe, resulta na ba ito ng pagiging loner…

wala akong masyadong kaibigan…iilan lang sila at di pa minsan makasama…pero marami akong imaginary friend, to name a few si lestat, si armand, si louis…hehehe, pasensyahan nalang tayo puro bampira ang kaibigan ko..

gusto ko ring sumama sa adventure ni peter, susan, edmund at lucy sa mundo na ginawa ni aslan….ayun! alam ko na  bakit ako nagkakaganito, di pa pala ako nakahanap ng copy ng the last battle…kelangan ko pang maghalungkat sa mga bookstore dito..hahaay! libro lang pala ang solusyon sa problema ko…nabitin sa pagbabasa kaya may naisip na problema… ang babaw ko noh?

Ah! bahala kayo… basta ako magpapakalunod sa mundo ng mga kaibigan ko…

kaya goro di ako maintindihan ng iba, kasi iba ang gusto kong mundo..

Ayan, pwede ko sigorong basahin to ulit….haha, lakas ng trip….

susunod na akong magpost ng matino pag alam ko na kung  ano ang uunahin kong isulat sa mga artilulong naisip ko….bye to myself and mwuah!…hahaha

Advertisements

babae, kaya ba?

Standard

hindi ko alam bakit bigla itong pumasok sa kukote ko… basta bigla nalang naisip at gustong itanong..

Hmmm…. Pano nga ba kong baliktad ang mundo…. Ang babae ang manliligaw, at lalaki ang sinusuyo…     ano kaya ang mangyayari?

Tulad nalang kong sakali, pag-aakyat ng ligaw, pano ba  magpapa-alam ang babae  sa mga magulang ng lalaki?

Parang ganito, Umm… Mang_____, ay mali! syempre sa nanay pala dpat mag-papaalam kasi binaliktad nga dba?

Aling_____, mgandang araw po! kung inyo pong  mamarapatin, nais ko po sanang dalawin ang binata nyo sa inyong tahanan, pwede po ba?

hehe! di ko maimagine..

tapos ano nga ba ang dala? flowers? hindi…. Chocolates na lng kaya? hindi rin yata bagay…

haays! mahirap palng mag-isip ng panregalo. Pwede na ba ang isang kaha ng pulang kabayo? hehe! o kaya pagkain? anong klaseng pagkain?mostly ayaw sa matatamis ng mga lalaki dba?

so, ano nga ba? mag suggest ka nga..

kikiligin din ba ang mga lalaki kung sakaling sila ay haharanahin?

ay sus! pwede kaya?

At kung biglang ipahabol sa aso ang nangharana, kaya bang umakyat  sa bakod si babae wag lang malapa ng alagang aso ng kanyang iniirog?

Hay naku! di ko kaya….kala ko pwede akong manligaw in traditional way.. hehehe, bigla ko kasing napanginipan ng gising si crush…at wala akong pag-asa pag ginawa ko pala ito…hahaha.

yon ay kong sa dating panahon…eh! kong sa panahon ngayon… Paano na ba manligaw ang mga lalaki? tpos gagawin naming mga babae….

O ha! kaya ba mga girls..

pero sa panahon ngayon may pagkakaiba pa ba? bawas ba sa ego ng mga lalaki kung sya ang liligawan o matutuwa pa sya?

babae ang susundo at magbabayad pag nag-date…huhuhu, lalo na pala pag nagpapa-impress..whew! mamumulubi kang babae ka?

maswerte din palang maging babae, lalo na ang isang dalagang pilipina..hehe

Pero ano nga ba ang kaibahan kong babae ang manliligaw? tingin mo, ano nga ba?

Standard

di ko malaman ang dahilan kong bakit ako biglang pinasama sa isang statistics seminar…whew! forester lang po ako hindi statistician…pero ano nga ba ang magagawa ko kundi YES BOSS! sama ako…huhuhu, ayon, dumugo ang ilong ko! sana man lang pinaghanda ako…sabagay ok lng din pampawala ng boredom, tatlong araw kaya akong tumunganga sa opisina ng walang ginagawa.

kaya heto na… since representative daw kami ng denr, nakakatakot ang seminar na yon kasi di ko alam kong ano ang isasagot ko pag tinanong kami ’bout sa relation ng seminar na yon sa organization na kibibilangan ko, honestly di ko tlaga alam sa una…. pero kalaunan medyo get’s ko na… marami pala…sabagay hindi sa statistics ang trabaho ko…nasa planning.. ayoko ng mag elaborate ng trabaho ko kasi i’m sure dudugo ang ilong nyo..hehehe.

pero, ang nakapukaw tlaga ng atensyon ko, ay nung pag-usapan bakit maraming mahirap sa pilipinas? tinanong un ng representative ng ched… lahat kami bglang tumahimik, lahat nag-isip…bakit nga ba?

may isang sumagot, sabi “i think the answer can be found back in our head”.

OO nga, lahat agad ang mga buwaya sa gobyerno ang napagbintangan….

GUILTY ako dun, isa din ako sa nagbintang…bakit nga ba? totoo yon dba? kaso nga lng nung papauwi na ako naisip ko…bakit yong iba natakasan ang lupit ng kahirapan kahit marami ang mga buwaya…tanungin mo nga rin sarili mo, bakit nga ba? pwede kasing simulan sa sarili natin…pwede rin ang paraan na naiisip mo..bitayin ang mga buwaya? hehehe, try mo baka effective.

magkaganun pa man may natutunan ako, always be ready…hehe, baka bgla akong ipadala sa buwan or sa pluto…

balik tayo, ang natutunan ko talaga, na masuwerte ako, may trabaho….. kahit di kasya ang sweldo ko para sa sarili ko…hmm, ano pa ba? nalaman kong halos lahat tayo pare-pareho, pag kahirapan na ang pag-uusapan lahat isisisi sa gobyerno…hindi ako pro administration nor opposition… ako ay palutang-lutang lng…nagmamasid ng walang ginagawa..haays! kelan nga ba ako makikialam? ewan ko… IKAW? kelan ba?.. oopss..kaw na sumagot, ayoko ng mag-isip..

ang kaibigan ni aninipot…

Standard

sino si siamea? s’ya ay anak ni inang kalikasan na nangagarap mabuhay ng tahimik…. kasama ang hangin at ibang mga puno at kulisap…  paliparin at pasayawin ang kanyang mga dilaw na bulaklak kay hangin kasama ng mga kulisap…

Oo, puno si siamea…

s’ya ang punong kasakasama ni aninipot nung bata pa sya.. tahimik na nakikinig sa mga reklamong bakit sya nag- iisa? bakit nga ba? di ko rin alam eh! hehe, narrator lng ako dito.

masaya dati si aninipot pag oras ng putulan ng mga sanga si siamea… bakit? dahil magkakaron na nman sya ng mga batang kalaro habang tinatapon ang mga sanga ni siamea…

‘yon lang kasi ang panahong kayang makipagsabayan ni aninipot sa ibang mga bata …bakit? dahil si aninipot ay hindi marunong makisalamuha sa iba.. iba ang gusto nyang mundo…mundong kasama ang mga libro.. pero hindi ibig sabihin na  hindi s’ya nangangarap maging tulad ng iba..

pero, nang lumipas na ang panahon….ayaw na ni aninipot na putulan ng sanga si siamea…kasi nararamdaman nya ang sakit na dulot nito sa kanyang tahimik na kaibigan…

kaso wala ng magawasi aninipot para pigilan ang pagputol sa parte ng katawan ni siamea, dumating na kasi ang panahon na  kelangan nang lumikas sa ibang ibayong mundo si aninipot…ito ay dahil isa syang tao at dapat makipagsapalaran para matuto..

pwede nga bang maging magkaibigan ang puno at tao? sigoro… hindi ko rin alam eh! pero si aninipot OO dahil sa isip nya magkaibigan sila ni siamea.

dilemma ng isang probinsyana…

Standard

hindi ko alam kung pano sisimulan to, pero isipin nyo na lang isa din to sa mga example ng dilemma ng isang probisyanang tulad ko.

ano nga ba ang kadalasang dilemma ng mga probinsyana after grumadwyt from college? ( hmm, based on my experience lang po ito)

1. Dahil walang masyadong  job oppurtinity sa lugar na sinilangan, kelangan mong mag alsa balotan patungo sa syudad para makahanap ng trabaho. Maswerte ka kung may kamag-anakan  kang pwedeng mag adopt sayo hanggat wala kang trabaho…di tulad ko na pati matulogan prinoblema pa…haay!

2. Job Hunting- dito malalaman kung kaya mo nga bang makipagsabayan sa buhay sa syudad…. simulan natin sa pagko-commute..haay! pinaka-unang tandaan, kung di alam ang lugar na pupuntahan magtanong ng direksyon, remember! “ang marunong ay nagtatanong”…hehehe

pero, totoo kelangan yon kasi baka ikaw ay mawala, tulad ko, medyo kapalan din ang mukha para di ma-late sa iyong appointment. Medyo maswerte lang sigoro ako sa iba kasi hindi ako naghanap ng trabaho… baliktad, trabaho ang naghanap sa akin…haha

3.  Adjustment period- it takes  2-3 weeks on my part, i don’t know how long it takes to others.

during this period, dito mo mapi-feel lahat, homesick, career choice crisis at iba pa…lahat halos ng emosyon madarama mo during this period. homesick? ano nga ba ginawa ko? unlicall syempre everynight tumatawag ako sa bahay, hagulgol pa nga minsan..lols. i remember during i signed my contract, para akong bibitayin promise! nakipag-away na nga ako sa sarili ko, pipirma ba ako o hindi?

ako1: hoy! pirmahan mo na.

ako2: ayoko, isa itong pagkakamali na pumunta ako dito.

ako1: hoy! bruha, di mo ba alam ang daming walang trabaho ngayon tpos nag-iinarte kapa dyan.ang daming nagugutom, isipin mo na lang na pag bumalik ka sa inyo lilibakin ka ng mga kapitbahay nyo.

ako2: eh! di ko tlaga kaya dito, matatanda lahat ng kasama di ako makarelate.

ako2: ay sus! yun lang pala. hayaan mo na, mag eenjoy ka rin.

ako! haays!

pinirmahan ko rin after makipag-away sa sarili ko with matching panginginig ng kamay.  pero, ang nasa utak kung pano i-teterminate ang contract at mag reresearch agad pano gumawa ng resignation letter..o dba? di pa nga nagsimula gusto ng magresign.

4. Luvlyf? hehe, kasama yan…lalo na pag isa kang NBSB(as in no boyfriend since birth) na tulad ko…..bakit nga ba ? di ko rin alam eh!….masyadong malaking issue yan sa office, first ayaw nilang maniwala na wla kng boyfren…tpos kalaunan, magtatanong…. Tlaga? nbsb ka….haay! sabi ngang OO…. tpos irereto ka kung kani-kanino or else tatakutin kang maging matandang dalaga as if may paki ako..hahaha (p.s. kung may alam kayong boyfriend for sale paki inform ako) hehehe, serious ba ako? malamang….

5. wala  na akong maisip…hahaha, pag-iisipan ko pa.

Hello world!

Standard

this is my first post, and i haven’t any idea how to start.

sigoro sisimulan natin kung bakit bigla kung naisip na magkaron ng blog site…. hmm, nainggit?  sigoro, pero  ang mas malaking factor na nag udyok ay para may malabasan ng isa kung pagkatao.

hmm…hindi split personality ha!

nangangapa ako kung ano ang isusulat ko para akong isang isdang nilagay sa isang  bagong aquarium.

yet, ito parin ako tumitipa….

sigoro nagtataka kayo bakit siamea?   siamea from siam or thailand as land of the free… pero nagtataka goro kayo bakit thailand? hmmm.. kakatawa  mang sabihin dahil iyon sa senna siamea or thailand shower ang paborito kung puno…hehehe

dati pa gusto ko maging malaya…sa kahit na ano…

na malayang sabihin ang gusto ko, gawin ang gusto,  ngunit ito ay nakakulong..

Bakit?

dahil takot akong makasakit ng damdamin..

naniniwala ako sa dyos..pero ibang usapan na pag kukunin mo ang opinyon ko “bout sa religion.. pero hayaan na natin yon..baka magkaron din ako ng magandang topic na pwedeng isulat.. hanggang sa muli kaibigan