kawalan ng maisip.

Standard

Nasubukan mo na bang wag mag-isip?

yon bang, wag lagyan ng pwedeng iisipin ang utak mo.

Magulo ba?

magulo kasi akong mag-isip ngayon kaya gusto kong subukan ang hindi pag-iisip.

impossible dba?..OO alam ko, lahat ng ginagawa natin di pwedeng hindi dumaan sa ating isipan o kaya lahat dapat pag-isipan.

okey, ganito na lang….ang gusto kong mangyari ay mawala ang sakit ng ulo ko, at dahil sa tingin ko kagagawan ito ng madalas na pag-iisip ng kung ano-ano….kaya susubukan kong tanggalin ang lahat ng nasa utak ko, ibablangko tulad ng tanging PUTI na lang o di kaya ITIM ang tanging maiiwan sa imahinasyon ko.

mahirap ba?…..sinusubukan ko talagang gawin yan…kanina pa.

sinubukan mo ba?…hahaha, pinatulan mo yata kalokohan ko…

pero sige lang seryoso naman ako ng gawin ko to.

Advertisements

11 responses »

  1. perstaym ko d2 sa site mo, natisod ko lang sa kalsada, he he he.

    kung gusto mong maging blangko muna ang iyong isip, itulog mo lang.. yung tulog na mahimbing..

    kung hindi ka naman makatulog, kelangan mo ng gamot na “togmolodon”.

    Untog mo Ulo mo duon….sa pader.. he he he jowk

    base nga pala ako.

  2. Sinubukan ko na ng maraming beses, pumipikit pa nga ako pero kung anu ano namang kulay ang naglalaro sa aking balintataw.

    Tanggalin mo muna yong utak mo pero kapag gusto mo ng mag-isip pa-install mo ulit.

    Nagjoke ako sa office..sabi ko gusto ko muna madecompose tapos pag gusto ko na ulit maging alive alive..pwede..

    Makatakas lamang sa kabaliwan..hindi nga pwede..baliw ka baliw…Sisa..sisa…nasa gubat ka ba? Basilio asan si…Crispin..

    ayon siya na po si Crispina.

    • hahaha, kabaliwan ba ang ayaw lang mag-isip?….
      ayokong tanggapin….bleh….hehe

      pero kung pansamantalang pagkabaliw yon…pwede sigoro mawala lang ang sakit sa ulo….pero totoo ang sinabi ni alkapon…tulog lang ang kelangan ko….eto nga buhay na ulit utak ko….

  3. walang iniisip… pero gumagana ang subconsious para mag-isip.

    para lang akong tanga. nakatunganga. nakanganga. may langaw na pala sa bunganga.

    kahit na tulog ka… ang utak mo naglalakbay pa rin sa kung saang lupalop. sa iyong panaginip ika’y naaaliw at nababaliw.

    puedeng lagyan ng laman ang utak, pero di mo puedeng tanggalan. maliban na lang kung magka-amnesia ka. tara, untog natin ulo mo. alzeimers’ puede rin. kaso bata ka pa… uy.

    teka, may bago ka ng post eh. wala ng silbi tong kumentaryo ko. hahaha…

      • hehe… oo nga no. comment pa rin sya.. unless burahin mo. haha!

        siguro, kung anong ayos ng shinampuhang buhok ay syang gulo ng utak mo. pero mas okay na yan, kasi yan ang bumubuo sa yo.

        baka kapag naging maayos yan eh… mas magulo pa sa magulo mong utak. teka, tama ba yun? haha.

    • kaya nga nasabi ko rin na tulog lang pala ang sagot sa tanong ko….yon nga lang may pagkakataon na kahit tulog ka, para din lang syang continuation nung gising ka….lahat ng iniisip mo nasa panaginip mo….hahay! disturbed talaga ang utak ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s