pagbabago

Standard

“A servant leader is a nation builder”

yan ang kulang sa pilipinas, lideratong nagbibigay ng totoong serbisyo.

sa estado ng gobyerno ngayon, tiwala at respeto ang pinakamahirap hanapin.

pero sa totoo lang, gusto kong subukang ibigay ang tiwalang ibinaon ko na sa limot…..baka kasi makapagsimula iyon ng pag-babago, kahit kunting pagbabago. naisip ko, ano ang kulang bakit naiwan tayo para lumago? lahat naman naghahangad ng pagbabago…nag-aasam.

daanin nalang natin sa sitwasyong ito.

kung sakali’t ikaw ay kumakain sa isang mamahaling restoran at biglang may isang batang nakapasok para mamalimos, anong gagawin mo?

magrereklamo sa management ng restaurant? bakit?

dahil may nakapasok na di mo inaasahan sa lugar na inaakalang magbibigay ng mamahaling serbisyo?

i-reklamo ang guard bakit pinapasok nya ang namamalimos na bata?

o kaya maglalaro lang sa isip mo ang kagustuhang magreklamo. Aminin mo, yon ang gagawin mo.

pero pano kung may isang kustomer o mismong may-ari ng restoran ang mag-papa-upo at magpakain sa batang iyon? o kaya iistemahing tulad ng serbisyong ibinigay sayo kahit walang bayad.

anong posibleng reaksyon mo?

magagalit o hahangaan ang taong naglakas-loob na gawin yon?

sa tingin ko yong pangalawa ang reaksyon mo…para kang nabunutan ng tinik sa dibdib….di kana kasi babagabagin ng konsensya mo.

at sure na sure ako kalahati at higit sa kalahati ng kustomer ng restoran, yon din ang naramdaman..o diba?

bilis magbago ng isip no? ganyan tayong mga pilipino.

subukan nating ihantulad sa liderato ng gobyerno…kung may isang susubok magtiwala, makikita din kaya ng ¬†nakakarami?

iba-iba tayo ng konsepto para sa matatag na liderato… merong naghahanap ng may konsensya, merong dahil natawa sa presensya nya sa isang pelikula, meron ding ang pundasyon ng pinag-aralan at marami pa…

ngunit ang punto ko…bakit di nating subukang magtiwala at magbigay ng respeto sa taong mailuklok sa pwesto…sa ngayon di pa sigurado kung sino..

baka kasi sa pamamagitan non, makikita ng maging lider na simulan ang pag-babago…pag-ibinigay ang tiwala at kasama ang respeto, kahit kunti, alam ko may makikita tayong liwanag ng pag-babago.

parang ang simple ng sinabi ko, naiintindihan ko, iba ang prinsipyo at pananaw mo.

ang dami-dami kasi nating reklamo pero may nagawa ka ba para simulan ang nirereklamo mong pagbabago?

tuldok lang tayo kumpara sa populasyon ng bansang ito, pero kung magiging buo ang bawat tuldok na sinasabi ko, siguro naman may kunting mabubuong pagbabago.

Advertisements

20 responses »

  1. Sipol J.Kulisap, kapatid…o ayan ang matunog kong halik..may laway na panis pa.

    Madami na akong sinabi tungkol sa sistema ng ating pamahalaan, nasabi ko yon dahil ako mismo ay naranasan ang kahinaan ng kanilang pamumuno. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, hinahangad ng bawat isa ang maayos na pamunuan, bakit inaasa natin sa kanila, dahil sila ay nangangako ng sobrang bango…oo..sobra sobra sa hindi naman pala kayang gawin dahil drawing lamang, isa lamang palabas.

    Kinakikitaan ko ang mga Pilipino ng kulang sa disiplina, mapagkunwaring mga Pilipino pero kulang naman sa gawa. Kulang tayo sa pagmamahal sa bayan, kulang tayo sa pagkakaisa, kulang tayo sa ating tiwala na hindi natin kayang tumayo bilang isang nasyon..kulang tayo sa tindig oo pero patawa lamang yan.
    Mas hinihikayat pa natin ang ibang lahi kaysa sa purihin natin ang ating sariling lipi.

    Mapunta tayo sa pinuno, naghahanap tayo ng pinunong hindi makasarili..sino ba yan…kung tutuusin napakamura po ng sweldo ng isang opisyal sa gobyerno subalit bakit nakikipagpatayan sila para makuha ang pwestong ito.

    Iilan lamang ang mga pinuno kaysa sa tagasunod, mas malakas ang kapangyarihan ng mga maliliit kung sabi mo nga ang tuldok na yan ay magiging isang malaking tanda..ng pagbabago, ng pagsulong..ng pagkamit ng isang lahing nakataas ang noo dahil ipinagmamalaki niyang siya ay Pilipino..hindi lamang sa damit..hindi lamang sa talsik ng laway.

    Mahalaga ang pinuno, paano na kung wala ito? Paano na kung lahat tayo ay pinuno?

  2. mas mulat ka sa katotohanan kuya kulisap.
    di ko lang talaga mapigilang matawa sa sistemang meron tayo…. sweldong di umabot sa isandaang libo para sa presidente? aba! pwede talagang matawag na serbisyong makatotohanan ang motibo nila…..yon ay para sa mga taong inosente at ignorante sa sitwasyon ng bansa natin.
    ngunit alam natin ang kawangis ng pangalan ng presidente… pagbulusok sa tagong yaman.

  3. ibig mong sabihin eh kahit isa lang ako, basta sabay-sabay tayo, ay pwede nating baguhin at paunladin ang buong bansa na may milyon-milyong tao? no way! bagong idea yan ha…;)

    • bakit hindi?..
      let me borrow a quote from an african proverb, “if many little people in many little places do many little deeds, they can change the face of the earth”.

      kaya ngang baguhin ang mundo na bilyon ang tao, ang bansa pa kayang ito na milyon lang ang tao.

      we should always be optimistic.

  4. hindi ako nagtatapon ng balat o basura sa kalsada. basta may trash can sa jeep.
    nagbabayad ako ng tax.
    sinusuportahan ko ang ukay-ukay.
    mga murang sapatos na gawa ng mga kababayan natin.
    suportado ko ang mga magagandang babae natin sa pilipinas.
    dami pa. aktibo ako. hahaha.
    “its nice to have a good leader pero it will never happen.”

  5. Yin, huwag mong hintaying tumanda ka pa para sa kahahanap ng tamang pinuno, tama ka..mabibigo tayo pero may mga taong nais magsilbi na mas tao kaysa sa buwaya. Yon na lamang ang hanapin natin.

    Uulitin ko..hindi na sukatan ang sobrang katalinuhan at sobrang kabobohan para mamuno. Walang silbi yan.

  6. pmahalan..

    pulitiko,

    mga pinaka ayokong pag-usapan.

    pero mali ako kasi dapat pala ay may pakialam ako kasi kasali ako dito at apektado.

    anong magagawa ko ngayong hamak na ordinaryong tao ako?
    pwede akong maging halimbawa, kung gugustuhin ko.
    pwede akong makatulong, kung pag-iisipan kong mabuti
    pwede akong makatulong, kung magsisimula na ako.

    ako ba to? parang di si jasonhamster.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s