init ng ulo..

Standard

kung ikaw ang nasa katayuan ko na sobrang dami ng ginagawang trabaho tapos ang tao pang akala mong makakatulong sayo ay walang ginawa kundi magpa-cute sayo…anong gagawin mo?

dahil ako malapit ng mapatid ang pasensya…muntik ko ng ngang hambalusin ng mga dala kong papel…kung di nga lang ako nanghinayang sa pinagpuyatan kong trabaho…naku! ginawa ko na.. waah! mainit talaga ang ulo ko.. umuusok pa…

Advertisements

10 responses »

  1. Wehhhh..hindi iinit ang ulo mo kung nagnanasa ka rin sa nagpapacute sayo. Tanggalan kita ng skeleton eh.

    May tamang paghahandle diyan.

    1. Kausapin mo, sabihin mo, na kapag lumalapit siya sayo, natatae ka kamo.

    2. Dahil sa sobrang cute niya, nakakatakyut na siya.

  2. haha, napatawa mo ko kuya kulisap…. pwede ang suggestion mo….pero sinira nya talaga ang araw ko…dami ko kasi talagang trabaho….kaya ayan, iniwan ko na…bukas na lang o dadalhin pauwi…bahala na si batman kung anong maisip kong gagawin pag-uwi…

    wag ko lang syang makita, dahil lilipad sa mukha nya ang mga bunga ng narra…..haha, ano ba tong naiisip ko..

  3. Hindi magandang tingnan sa isang babae ang sobrang maarte, may punto sa buhay ng mga girls na irrational sila dahil gusto lamang nilang mag-inarts…you know.

    Mas nagiging challenging ‘yon para sa mga boys.

    Kung ang sira sa tuktok niyang lalakeng nagpapacute sayo ay dahil sayo, ikaw lamang ang makagagamot diyan, hindi pwede ang bunga ng narra..masakit ding tumama yan.

    Turn-off sa akin ang babaeng akala mo naman siya na ang pinakamaganda.

    Wrong timing nga lamang siguro ang pobre.

    • oo nga wrong timing sya…ang sa akin kasi, pag trabaho-trabaho talaga…nababadtrip ako pag nasira ang ginawa kong schedule….

      lalo akong mahihirapan pag may nadelay sa trabaho ko.. lalo na 4th quarter na ng taon….tambak na lahat ng trabaho.

  4. Uminom ka na ba ng napakalamig na tubig, yung punumpuno ng yelo? hehehehehe para yun maalis ang init ng ulo mo….

    Narinig mo ba yung tunog ng pag-pssssssssss. Namatay na yung apoy nun, mawawala na ang usok hehehehe.

    Pero yung baga sa dibdib nung nagpapakyut sa iyo? Ibuhos mo sa ulo niya ang natira sa ininuman mong baso. heheheh sana tumagos ang mga yelo sa kaibuturan niya….

    Okay ka na????? Ayosssss…

  5. Hmmm. challenge sa communication dynamics sa trabahuan. say what you feel without judging the other…Sabihin mo na rin kain kayo sa labas pero sadyain mong iwanan wallet mo hahaha…

  6. Ano gagawin ko? Wala. Pasensyoso naman ako.

    Pero, kung nagpapa-cute… Uhmmm, sige i’ll give more time. Haha!

    Eh ikaw, kung nanghihinayang ka magtapon ng gamit… sana siya na lang itinapon mo.

    Kumbaga, itapon mo yung alaala niya. Yung pagmumukha nya na gumugulo sa iyo.

    Okay late na ‘to. Next time. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s