paalam

Standard

hahayaan na kitang lumayo….

ayokong darating ang panahon na iiwasan mo rin ako

tulad ng pag-iwas mo sa mga taong ayaw mo.

ganito lang sigoro ang buhay ng tao, may darating, may lumalayo,

naghahanap ng kanya-kanyang daan dito sa mundo.

 

hindi kita pipigilan sayong paglalakbay, hahayaan din kitang lumipad

ngunit di rin kita masasamahan sayong paglipad.

magkaiba ang pinili nating mundo, ibang landas ang gusto mo,

at iba rin ang gusto ko…

 

magkaiba ang timpla ng buhay na hinahanap natin

kaya mas mabuting paalam ay sasambitin.

 

hahayaan kong panahon ang magdedesisyon,

kung landas natin ay muling pagtagpuin

sana’y pagkakaibiga’y mabuong muli

ngunit kung hindi, sana’y mabuting ala-ala’y manatili.

 

alam ko mahirap maintindihan ang desisyong ginawa ko….

per paano?

mahirap ipagpatuloy ang isang pag-kakaibigan

puno ng kakulangan…may kulang ako at may kulang din sa binibigay mo

di ko napupunuan ang kailangan mo tulad din ng di mo maibigay

ang hinahanap ko..

di ako tulad ng iba, na kayang panatilihing kaibigan ang

lahat ng kakilala, wirdo ako diba?

 

pero sa pansamantalang pagwawakas na ito….

gusto ko paring sabihing hanggang sa pagkikitang muli KAIBIGAN…

Advertisements

16 responses »

  1. Wala namang hinihinging kapalit ang pagkakaibigan
    Puro bigay at kusa lamang dapat.

    Mas mataas na uri ng pakikipagrelasyon ‘yan.

    Baka sa mithiin ay may nakatagong mas malalim

  2. Pagkakaibagan lamang ba ang siyang tunay na inaasam ng iyong puso’t isipan? Tulad ng sabi ni Kulisap, ito ay kailanman hindi nanganailangan ng kapalit.

    Gayunpaman, kung anumang kakulangan na di kayan punan ay maibibigay ng pang-unawa. Ang pagtanggap sa kung sino at ano ka sa kabila ng lahat ng wala sa iyo. Kung ang nais niya’y higit sa kaya mong ibigay tulad ng isang relasyong lampas pa sa kaibigan, maaari sigurong pag-usapan ng masinsinan. Kung sekswal na relasyon… Go now na! Shoo away! Eww… Haha!

  3. Saan ka takot sa sawa? Dapat matakot ka don..hahahaha.
    Pero mas matakot ka kung bulate ‘yon..you know.

    Bigyan mo ng oras, maraming mga pag-aakala ang nauuwi sa pagsisisi.

    Bigyan mo ng panahon para maintindihan mo din ang kanyang panahon.

    Praning pa rin ako ineng. Gusto ko ng umalis sa showbiz. Ayaw ko ng maghubad…harharhar.

    • kaya nga mas madaling lumayo muna….mahirap na.

      haha, o sya, paraning na kung praning…. sasamahan nalang kita sa kapraningan mo…..sarap kaya ng feeling na hindi ako ang nag-iisang praning sa panahong ito.

      • tsk.tsk..ang hirap niyan.

        Dati sabi ko magpapakamatay ako, pero heto ako ngayon buhay pa rin.

        Kalokohan, tinawanan lamang ako..sinabihan ba naman ako na kung magpapakamatay daw ako..hindi na ako magpapaalam..hindi siya natakot..inasar pa ako.

      • haha, natawa ako…..inimagine ko kasi ang reaksyon mo….hahaha, pasensya! madalas tlaga akong matawa sa mga ganyang eksena..

        possible kasing ganun din ang gagawin ko…. haay! naku ayoko ng isipin ang isang taong napagsbihan ko ng NO.

        haaays! feeling ko nga ganti na to sakin…. masama bang wag paasahin ang tao?, masama bang sabihing di ka handa?, at masama bang sabihing wala karing nararamdaman sa kanya?

        dba mas mahirap ikompromiso ang sarili sa taong wala ka namang gusto…. unfair yon.

  4. Kung wala kang gusto, mas maigi pang sabihin mo kaysa magpaasa ka.

    Malay mo, dumating ang panahong kapag hindi mo na siya nakikita, saka mo siya hahanapin.
    Ang masaklap, may iba na siyang nahanap.

    Isang kakilala ang nagwika ng ganito:

    “Bakit tingin ka ng tingin ayaw ka namang tingnan, samantalang may tingin ng tingin sayo na ayaw mong tingnan”

    Buhay lablab…magulo pa sa pubic hair.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s