umaga

Standard

umuulan na naman, tumatagos ang lamig sa kalamnan….ngunit ito ang panahong pinakagusto ko….. ang magsuot ng jacket, nakakamiss ang buhay kolehiyo, lahat halos ng damit ko longsleeve lalo na sa second sem…..nakakamiss ang fog….yong feeling mo nasa mga ulap ka, nahahawakan mo…

nakakamiss ang maglakad mag-isa, puti ang paligid, malamig as in malamig ang dumadapyo sa mukha, di kelangan ng payong.

maglalakad sa campus kasabayan ang mga estudyanteng nakangiti at ninanamnam ang season ng pagbaba ng ulap. haay! alaala, di ko alam kong mababalikan pa.

masarap gumising sa umaga na inanantok pa, feeling ko kasi normal ulit ang buhay ko….isa lang kasi ang ibig sabihin nun, maganda ang tulog ko….Gustong-gusto ko ang pagkakataon na pipilitin ko ang sarili ko na tumayo para maghanda sa pagpasok sa trabaho…weird no?

kasi sa mga oras na yan ko kinukumbinse ang sarili para magpatuloy, mangarap at magplano….gustong-gustong kong mapilitan ang sarili na mag-isip ng mga bagong rason, pandagdag motivation ng pagbuo ng pangarap.

Advertisements

12 responses »

  1. Mindanao State University or University of Southern Mindanao.

    Halaka diyan, alam mo ineng ako ay may minahal o minamahal na taga USM pero pakiramdam ko ako ay isa na lamang ala-ala sa kaniya. Pero nais kong maging kaibigan niya.

    Sa iyong artikulo, kailangan mong mahalin ang trabaho mo. Kapag pilit, hindi maganda ang output.

    Ang isa siguro sa magiging dahilan ng paglisan ko dito sa kasalukuyan kong pwesto ay ang pananawa at paghahanap na ng bago sa aking panlasa pero ngayon..ito ang nagbibigay sa akin ng pinagkakakitaan para kumain, at ito rin ang nagbibigay sa akin ng kaalamang pwede kong ibahagi sa iba.

  2. Oo school, ito naman hindi na lamang ikinorek. MSU..wow..ang gagaling ng estuyante diyan at mga profesor.

    Sundin mo ang gusto ng puso mo, at yong mamahalin mo na kahit pagod ka na, hindi mo ito pagsasawaan.

    • oo nga…. gusto ko talagang magturo, nakikita ko kasi ang sarili ko na mag-educate ng mga future foresters, yon nga lang di parin nagbabago ang plano ko…ibabagsak ko parin ang kalahati ng magiging estudyante ko..hahaha

  3. Gusto ko yung usapan ninyo ni Kulisap. Hati ang pananaw ko sa trabaho. Katulad ng rason ni Kulisap at ng mga huling binanggit mo sa iyong artikulo.

    Gusto ko rin pala mag-aral muli. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s