(^_=)

Standard

may pagkakataon ba sa buhay mo nasabi mo na sana isa kang kontrabida , or else magpaka-bad hanggang sa gusto mo, breaking rules, walang sinisino, walang kinatatakutan at mag-wala.

dahil ako, gusto kung masubukan..

living without rules, leaving society’s norms…

naisip ko, mas marami sigoro akong kaibigan kung sumasama ako sa lakwatsa at makipag-inuman….but too bad, nagkaka-allergy ako sa alak….mas masaya sigoro ang college life. ko noh?

pinaka-malala ko na yatang nagawa ay ang madalas na pag-absent sa physics class ko dati dahil crush ko ang instructor namin…. hahaha, hindi sya magandang inspiration, cute nya kasi di ako maka-focus sa klase…kaya mas mabuting tumambay sa golf course at mag-muni-muni…haaays! ang dami kung di nasubukan.

pero kung magwawala ba ako, ako nga ba iyon?

parang hindi, kasi kahit sinasabi kung gusto kung subukan di ko parin kayang gawin….isa nga akong BORING na tao…

ewan ko ba bakit di ko man lang nasubukang mag-pakagaga…. palagi ko na lang iniisip ang consequence ng gagawin ko, takot magkamali, takot sumubok ng kakaiba…

nakakapagod maging ganito…..pagod na ako!

may hinahanap akong di ko mahanap at maintindihan….

Advertisements

20 responses »

      • kasi thanksgiving day ngayon nina Angkel Sam? Bonifacio day sa Lunes, walang pasok?? Malapit na pasko??? Magbeberrtdey na ako???? Ayos ba mga rason yan????? hehehehehhehehe

      • haha, hindi parin, kulang…
        mas mahirap magwala lalo na’t malapit na ang pasko.
        at lalong di pwede ang bonifacio day dahil wedding anniversary yan ng parents ko….ang magpakabait lang ang tanging regalo ko..hehehe

      • oo nga, nabasa ko pagkatapos ko mag-comment ako dito. nahiya tuloy ako…. magsasaranggola na lang ako, ipalipad sa hangin ang anumang nararamdamang tensiyon o mabigat na saloobin hehehehehe. Parang ako na rin yon…

        Teka, di ba’t gusto mong magka-eagle’s wings? kaya ka magpa-paragliding??

      • oo, masubukan man lang lumipad literally…..haha
        pero hangga’t wala pa…tara gawa nalng tayo ng saranggola….
        magaling akong gumawa ng sarangola…..

        naalala ko tuloy ang summer samin….madalas ako ang nagpapasimula na gumawa ng saranggola sa mga bata don…
        madalas lang akong talo kung pagandahan ng disenyo..hehe

  1. Parang damit lamang ‘yan hija. Kapag bago, gustong gusto mong isuot, kapag naluma..ayaw mo na.

    Parang facebook at friendster lamang yan..dati ang sentro ng atensyon mo ay friendster hanggang sa umepal si facebook. Naiwan ang nauna.

    Kapag nakasanayan na, nananawa.

    Walang masamang idiskubre ang sarili basta alam mo kung hanggang saan ang iyong limitasyon.

    • Sige gamitin natin yong salitang luma:

      Ito, kunyari isa kang kimi/o mahiyain..na kapag tinatanong parang maiiyak..palitan mo ng isang masayahin at magiliw na pakikipag-usap..iba sa nakasanayan.

      Ito kunyari…isa kang maharot na babae..ibahin mo..kunyari birhen ka pa..bago sa panlasa ng iba.

      Isang kang tamad…nagsumipag ka…wow naman..kakaiba..bago yan.

      May mga gawain o ugali tayong dapat pinapalitan/kinakalimutan o dinadagdagan para mas madiskubre natin kung hanggang saan ang hangganan ng ating existence.

      Ako, nais kong maging isang tao….bago yan.

      • ok gets na….pagbabago para sa ikabubuti…..so bawal ngang magwala…hahaha

        pwedeng baguhin ang nakasanayan para mas maging interesante….ok nice one.

        pero posible ang tamad na biglang nagsumipag…. baka nauntog at gustong lumihis sa nakasanayan.

        ako?…gusto ko paring maging isang aninipot…. maging isang masayahing aninipot.

  2. Olrayt nakuha mo. Anong rason para mag-isa? May mga taong ganito, kuntento na sa pag-iisa, pagbabasa ng libro, paghabi ng mga kaisipan na nasa isip..mas nakakapanabik kong may nakakausap ka na totoong nasa harapan mo.

    “yong pagwawala nasa mga gusto lamang magpapansin.Yong mga kinukulang ng atensyon.

    Gusto mong magyosi..subukan mo..gusto mong uminom subukan mo, saka mo marerealize ang kaibahan ng pagwawala kaysa sa pagpapansin.

  3. O sige magbubudyong ako para marinig mo ang alingawngaw Bong..gagamitin ko ang sungay ng kalabaw, doon tayo magtipan sa kabilang bundok, malapit sa tumana.

    Isama mo si Tigrena at isasama ko naman si Tagpi. Hahayaan natin silang maglampungan habang tayo naman ay nag-aasaran. Kaya ba tayong dalhin ng guryon…ilipad kaya nila ang ating pangarap?

    Sasama ka ba aking Siamea?

    • bakit hindi kuya kulisap.
      tuturuan mo ba akong ikampay ang mga maliliit kung pakpak?
      hindi man makikita ang munting ilaw na dala ko, alam ko kaya tayong gabayan pag tayo ay nababalutan ng kadiliman, di man makita ang buong daan palabas, magagabayan tayo nito kahit munti man lang.

  4. Haha! Grabe, pareho tayo. Ako naman late bloomer na. Ewan, parang ang sarap maging masama kasi mas magagawan mo ng katwiran ang ibang bagay. Iniisip ko nga kung nuon ko pa naranasan yung mga iniiwasan kong pangyayari siguro kuntento ako ngayon. Pero, baka hindi rin. Kanya-kanya lang yan.

    Basta, mag-enjoy ka. Live life the fullest. A life that you want not some kind that you consider worthy because others do so. Ikaw na rin nagsabi sa akin… Uniqueness. 🙂

  5. hello, anini.

    tara, sigaw tayo… yong malakas, yong walang pakundangan. tuturuan kitang magmura ng mura namin noon pagkakatapos ng 5-unit subject , hi, hi… ang bad ko.

    hmn… madalas pagod ‘yan, e. yong tired out ka na tapos di mo pa maaninag kung sa’n pupunta ang lahat ng paghihntay at pag-e-effort. minsan naman, nakukuha sa tulog, di ba? 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s