usapang MINDANAO

Standard

sa buong linggong ito, halos lahat ng headlines ng balita ay tungkol sa massacre sa maguindanao, kagimbal-gimbal ang nangyari…tinawag nating HALIMAW ang tanging makakagawa nun….pero nangyari na nga.

iba-ibang opinyon, iba-ibang haka-haka at teorya, bakit nangyari? at paanong nangyari?…kahit ako napaisip, kahit sino sigoro walang mag-iisip na mangyayari  ang karumal-dumal na krimeng iyon.

bumalik na naman ang isssue sa conflict sa mindanao, pero tanong ko lang bakit pag may nanyayaring ganito sa bahagi ng mindanao….buong MINDANAO ang dawit?….bakit pag nasa luzon ito nangyari specific ang pangalan ng lugar na lumalabas sa media?… hindi lang ito tungkol sa nangyari sa maguindanao, kasama na lahat…..di man lang ba napansin na sobrang lawak ng mindanao.

hindi sa hindi ako nakikisimpatya sa biktima ng massacre, pero ginawa ko to para malamang MINDANAO as a place is not bad at all.

nag-aral ako sa lugar kung saan ISLAM ang relihiyon sinusunod ng halos lahat ng mamamayan. Iba-ibang relihiyon at kultura ang sinusunod ng bawat estudyante, klarong-klaro ang pag-kakaiba, mapa-wika man o ayos ng pananamit. at doon ko nakita ang kahalagahan ng respeto sa bawat paniniwala ng iba.

tanong ko lang, nararapat bang isisi sa pag-kakaiba ng relihiyon ang conflict na nangyayari sa mindanao?

sa tingin ko kasi hindi eh! nasa tao yan, kung paano sya hinubog ng kulturang kinalakhan nya.

may isang word sa maranao tribe na pwedeng sabihing pinakaimportante basihan ng pagiging isang maranao, “MARATABAT” or maranao’s pride.

makikipagpatayan ang sinumang maranao once na maapakan o masagi man lang ang kanyang MARATABAT. at iyon ang kadalasang nangyayari bakit kayang makipag-patayan ang isang sinasabi nating muslim.

hindi ko alam kung may katumbas na wika ng mga maguindanawan ang MARATABAT ng maranao, pero nasisilip ko ang koneksyon at pagkakapareho ng kultura nila sa kulturang meron ang maranao.

nangyari ang trahedya dahil naapakan ng isang pamilya ang pride ng isang pamilya…mahirap mang intindihin pero iyon lang ang tanging naisip kung dahilan..political dynasties, bahagi yan ng PRIDE ng pamilya. sino mang haharang sa landas ng pangalan ng buong angkan pwedeng kamatayan ang kapalit.

mahirap bang arukin? pero yon ang katotohanan, may mga kultura talagang di kayang hagilapin at intindihin ng utak natin…..MALI? mali sa pananaw natin ngunit kung ang ang kultura  ito ay iba, di parin nating kayang sabihin MALI dahil  may benefit silang nakukuha dito.

balik tayo doon tungkol sa pag-tawag na muslim sa mga salarin, sabihin natin asan ang aral ng ISLAM? ngunit sa totoo lang sila din ay gustong isuka ng mga totoong MUSLIM, pareho lang din yan sa mga katoliko at ibang sector ng kristyanismo…may peke at totoo.

so, kelangan pa ba nating isali ang relihiyon dito?

Advertisements

24 responses »

  1. Hindi ko naman kinukwestyong ang kanilang kultura, tradisyon o relihiyon.

    Hindi malawak ang aking pananaw tungkol sa aral ng ISLAM.

    Ngunit may mga taong nadawit na inosente Aninipot.
    Hindi makatao ang uri ng pagpatay.

    Hanggang saan magpapatuloy ang hidwaang pantao? Kapag tayong lahat ay tumahimik ng lahat.

    Blanko..madilim..walang..ingay.

    Mapanglaw ang dapat humiyaw.

    • yon nga rin ang hindi ko kayang intindihin at kaylanman sigoro mahirap maintindihan.

      ayaw mong kwestyonin ang kulturang meron sila? ako gusto ko…
      kaya kung bigyan ng respeto ang relihiyon ng bawat tao, ngunit ang gawaing di makatao? hindi.

      ayokong tanggapin na wala tayong magagawa, ngunit karahasan din lang pala ang naiisip kung ganti para sa kanila.

      HUSTISYA….ngunit pano ba magkaron ng totoong hustisya?

  2. Mabagal ang hustisya at batas dito sa ating bansa.

    Kaya naman hindi natin masisisi ang ilan na lumalaban ng ngipin sa ngipin.

    Ubusan ng lahi.

    Isang hamon sa pamunuang darating ang pagpapaigting ng disiplina at palawakin pa ang batas ukol sa karapatang pangtao.

    • Ubusan ng lahi ba kamo?…yan ang tinatawag na “REDO” sa lahat ng muslim minorities….

      kaya nga isang malaking hamon yan sa gobyerno….paano nila mapapanatiling walang madadamay na inosente at pano nila mapipigilan ang parating na “REDO” sa dalawang pamilyang magka-away.

      malaking problema ang nag-uumpungang malalaking pamilya, lalo na at nahaluan pa ng pulitika…. dadanak ulit ang dugo kuya kulisap.

    • cge..susubukan ko, dami ko ng artikulong dapat i-post..hahaha

      pero mas madali ang hinihingi mo, halos limang taon akong nakisalamuha sa kanila, pati ngayon nga ang isa sa housemate ko muslim.

      ngunit di ko alam kong mabubigyan ng justice ang paniniwala nila…kahit ako rin kasi nahihirapan ding intindihain ang iba nilang paniniwala.

      basta ba bigla nalang akong ganahan sa pag-susulat.

      haays! mahaba na naman reply ko..hehehe, cge kuya happy weekend….yahooo…makakauwi na naman ako.hahaha

  3. walang kinalalaman ang religion dito…..unless na fanatic at sira talaga ang ulo mo. lahat to ay political…tulad din ng mga spaniards na kunyari eh for the name of christ daw yung mga pag-colonize at pagpatay ng mga ibang bayan…

  4. Mahirap maunawan ang mga nangyari sa mindanao. Wala akong masabi pero sa kahit anong relihiyon isang malaking kasalanan ang pumatay ng kapwa.

    Ipagdasal na lang natin na makakuha sila ng hustisya at sana hindi ito pagmulan ng isa pang karahasan.

    Peace and Love!

  5. Politically driven. Religion is not a question, pero… pero… Marami silang nilabag sa kanilang paniniwala. Ang paggalang sa kababaihan at ang pagkitil sa buhay ng mga inosenteng nilalang. Marahas.

    Nung una kong malaman ang ukol dito… Gusto kong gilitan ang leeg ng mga Ampatuan. Kaso… Kaso… Mali rin, kahit nasa isipan ko lang.

    Pulitika, relihiyon, karahasan, hustisya, batas ng lipunan at ng gobyerno.

    Mamamatay rin sila.

    • kahit sino sigoro satin nahihirapan intindihin…masyadong kumplekado…..sigoro nga bahagi yan ng buhay natin sa mundo….

      minsan nga tinatanong natin bakit nangyayari pa ang lahat?

      wala din akong mahanap na sagot?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s