hello.

Standard

mahaba-mahaba rin ang panahon ng ako ay nawala…mahabang oras dito sa blogosperyo ngunit sobrang madaling oras sa totong mundo.

minsan nakakapagod bumalik…kaysarap sumuko…sana di kelangan ng tao na mag trabaho….sana nasa bahay lang ako… ngunit wala….iba ang reyalidad.

mas gusto ko parin palang magsulat gamit ang bolpen at papel.

magulo man, madumi dahil sa mga bura at ekis gamit mismo ang bolpen, mas okey parin…nakikita mo kasi ang bakas ng pagbabago….nakikita mo ang bakas pano magiging perpekto ang gawa mo.

wala akong planong mag-post, basta bigla na lang akong tumipa, ngunit may mga artikulo akong nakabinbin, nag-hihintay lang yan ng hangin na puti para mai-post ko.

sawa na akong mag-reklamo…. nakokonsensya lang ako, wala kasi akong karapatang magreklamo, sa dami ng blesssings,wala talaga akong isang kusing na karapatan.

madali lang naman akong makuntento, sobrang simpleng buhay lang ang gusto ko, nakakalanghap lang ng sariwang hangin, nakakakita lang ng bughaw na langit at alon sa dagat…pwede na…all i wanted is just a simple life…

yeah! i did seek for a better education but not for money, but to motivate my siblings to finish their studies…. tanging respeto lang ang gusto ko at matiwasay na buhay.

hindi rin ako naghahanap ng pag-ibig, kasi andyan ang pamilya ko, minamahal ako ng walang kapalit…kunting tawanan lang kasama sila, sobrang kaligayahan na ang dulot nun sakin.

bilis kong makuntento noh!

pero alam ko kahit kuntento na ako sa ganuong pamumuhay, pwedeng magbago ang lahat, hinahanap ko parin ang sarili ko…

akala ko pag nakatapos na sa pag-aaral pwede na iyong i-consider na succesful ka… ngunit hindi, tagumpay lang pala iyon ng mga magulang….hindi mo pwedeng ariin, dahil responsibilidad mo na magtapos dahil ginagawa ng magulang mo na mapag-aral ka…

simula pa lang pala ng pagtapak mo sa mundo, mundong hindi mo akalaing masalimuot, nakakatakot, pwede kang malunod kong hindi mo kayang sumabay sa agos ng tugtog.

EWAN!! yan ang madalas kong bukambibig, tamad na kasi akong mag-isip, ayoko ng maguluhan, basta ayoko lang.

seryoso naba ako?…boring na naman noh?…pasensya boring naman talaga akong tao….

gusto ko lang maging totoo, ayokong mag-exaggerate dahil di ako yon…

kung ano ang naisulat ko dito yon ako, yon ang prinsipyo ko…kahit idealistic ako, alam ko pwede yon, andito ako dba?

tanging paniniwala lang ang meron ako, kahit kelan di iyon mawawala, may kalitohan man ako, iyon ay dahil, baka tinatawag nya ako?…at nahihirapan akong matugunan iyon…di ko pa alam ang sagot sa tanong ko, pero baka mamaya o bukas malalaman ko…

di ko alam bakit hello ang pamagat nito… basta gusto ko lang mag-hello….mwuah!!!!

ps. kuya kulisap nxt tym ko na i-post ang request mo….tinatamad na naman akong tumipa..hehehe

Advertisements

7 responses »

  1. Pareho kayo ng wavelength ni Dalisay,ang aking mga prinsesang naguguluhan sa buhay pero gusto namang makipagsapalaran- hindi kayo nawawala, nalilito lamang minsan pero bago matapos ang isang araw, dapat isang pasasalamat dahil isa tayo sa bilyong tao na mas malawak at mahaba ang pag-iisip.

    Hello din sayo, malungkot ang kuya kulisap pero dahil nandyan ka, ako ay aayos rin.

    • bakit ka malungkot?…..kasi ako din….namimiss ko lang nanay ko…huhuhu
      sigoro nga pareho kami ni dalisay, halos pareho din yata kasi kami ng range ng edad…pareho din kami ng mga karanasan.

      normal lang sigorong malito….bata pa naman kasi ako…. naghahanap tlaga ng sagot.

  2. Hello Aninipot at Kulisap!

    Marami kang nasabi na kahalintulad ng takbo ng isip ko ngayon. Gayunpaman, nakakatuwang isipin na gusto kitang payuhan pero mas tama ata na payuhan ko muna ang aking sarili.

    May mga tanong na akong nasagot sa tulong na rin ni Kulisap at ng tugon mo sa pahina ko.

    Kahit may kalungkutan ngumingiti tayo.

  3. anini,

    kaydaling sumuko pero hindi ito masarap. mas masarap pa ring lumaban.

    kung minsan nga lang ang isip ay nalilito at ang puso ay napapagod… pero hindi sila tumitigil sa paghahanap.

    hwah. 😀 dini-devil’s advocate ka lang ng lola mo dito, hi, hi… 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s