unang adventure sa gubat.

Standard

dahil po ako ay isang manggubat syempre di pwedeng di ko man lang maisulat ang  simpleng karanasan ko.

pagpasensyahan nyo po dahil di ko alam pano mgsisimula ng kwento. di ko alam kong maiintindihan nyo tong mga pinagsasabi ko.

pinaka-unang sabak ko sa gubat ay nung pangatlong taon ko sa kolehiyo,3rd year dahil di ko kinonsidera na gubat ang mga una naming napuntahan, bilang estudyante ng forestry hindi pwedeng di mo man lang maranasan ang matulog sa gitna ng gubat kahit tatlong araw man lang..

lahat kami required magkaron ng tent, pero dahil sa likas na mga pasaway, ang iba sleeping bag lang ang dala, at ako naman ay napunta sa mga barakong mga kasama…walang kwenta tlaga.. imagine, sa sasakyan palang ang kalahati ay mga  lasing na…. ay naku kong pwede ko lang sanang  pag-untogin ang mga yon ginawa ko na. kaya pagdating sa location ayon! mag-isa lang akong nag-assemble ng mga tent..

well, maning-mani lang naman yon..hahaha, wala tlagang adventure sa sinasabi ko. ang adventure talaga namin nagsimula lang kinabukasan.

ang gagawin kasi namin ay yong tinatawag na timber inventory, kelangan naming e-identify, kuhanin ang diameter at height ng mga kahoy… ganun kasimple. yon ang inakala ko, simple lang.

ngunit di pala…. alam mo anong ginawa samin, hinati kami tig-aanim bawat grupo, tapos hinatid kami doon sa area kung saan kami magsisimula for inventory, whew! first excited ako pero nung dumating kami sa lugar, hay! naku, kulang nalang lahat kami aatras… pero dahil alam na rin yon ng instructor namin, walastik inalaska kami, syempre mga kutong lupa ang mga kasama ko at ayaw patalo, o sya larga tuloy ang drama.

una pa lang winelcome na kami ng ahas!… at wala kaming choice kundi palayasin iyon dahil duon kami magsisimula.

walng ibang pwedeng makita kundi puno, puno at puno…

ako ang may hawak ng compass, at tingin ko that time, hawak ng compass ang buhay naming anim, wala kasing ibang paraan pano malalaman san ang location namin, doon ko rin narealize ang kahalagahan ng sense of direction.

well, wala din nman kaming ginawa kundi mag identify at kong hindi makilala ilalagay lang ang TBI(to be Identify), masaya sa loob ng gubat, kelangang iwasan ang mga ahas, at higit sa lahat mga palasan(rattan)…bakit! pag na tinik ka lagot….magiging pansamantalang pulang tattoo sa balat mo for 1 week…

“take nothing but pictures, leave nothing but footprints, kill nothing but time and keep nothing but memories”

mountaineers creed, yon ang katangi-tanging rules na ibinigay ng prof. namin samin..paano gagawin ang trabaho?…diskarte na ng grupo.

ayoko sanang maniwala sa first rule, take nothing but picture!!! hello dami kayang pwedeng i-kolekta doon, pero mukhang buhay nga si diwatang kalikasan, nung magtangka kasi akong kunin ang isang wild flower, ayon! nahulog ako sa may batis, buti nalang may kababawan yong nahulogan ko.

masaya at maganda ang karanasan, naranasan kung mag-ala tarzan, makipag-sapalaran na binibigay ang buong tiwala sa mga kasama… at i-respeto ang lider ng grupo, hanggang ngayon ang anim kung nakasama ang maituturing kung pwede kung pagkatiwalaan ng buhay ko sa lahat ng nakilala ko sa buhay kolehiyo…

saan na nga ba ako?…ayon! doon sa pagbibilang ng mga puno, dahil genius ang mga kasama ko, aba madali na lang pala ang pagsusukat ng diameter at height ng puno, hehehe, M2M system (mata-matahan lang). skills na matatawag yon, pwede ng di gamitin ang instrument na mga dala..hahaha, mas marami pa ang panahon sa pag-eenjoy..lahat ng batis at talon, swimming agad…hehehe, parang picnic lang ang ginawa namin… wag nyo kaming isumbong ha!..hahaha

safety first ang madalas sigaw ng lider… pero pag-utot ng kasama ang sumigaw, takbuhan na…. iba kasi ang dala ng hangin sa kagubatan pag-gabi… walang pinapatawad, lahat nagpapa-putok, minsan may solo, duet at minsan talaga chorus..hehehe

akala ko nakakatakot ang gubat, ngunit hindi, mas nakakatakot ang gubat sa syudad, mas nakakatakot ang pwedeng gawin ng tao..AHAS? lalayo sila ng kusa pag-alam na may tao… ngunit ang taong ahas, lumalapit sayo.

Advertisements

26 responses »

  1. kasama ka rin ba ng mga nagmamarka ng puting pintura paikot sa mga puno? masaya nga daw yung maglagalag sa loob ng gubat hehehe ako sa mga liblib na lugar din nung pinakuha kami ng project nung high school, tapos hindi na naulit dahil yung isang barkada ng kapatid ko, namatay noong kumuha sa gubat ng ipa-project: biglang umulan ng malakas, nadulas papunta sa ilog at naanod ng ilog, hindi agad napansin ng mga kasama, dalawang araw bago siya natagpuan, grabe.

    pero masaya nga sa kagubatan…. herheheehe

    • hmm, hindi kami nagmamarka. trabaho yata yan ng mga tree marker pag nasa logging company ka, ginagawa nila yon para malaman kung aling puno ang puputulin…

      ang ginagawa namin ang pag-eevaluate ng growth ng kahoy, every year ginagawa ng school namin yon, in support sa mga reforestation project.

      masaya nga sa kagubatan pero dapat pairalin ang rule na safety first.

  2. Ang saya naman. 19 years na akong hindi nakapunta ng gubat… Hay.

    Mas marami talagang ahas sa kabihasnan. Iba’t ibang klase, laki at kamandag mayruon. Tama ka, sila pa ang lalapit para masigurado ang kanilang pagtuklaw.

    • ibang gubat kasi ang nilakbay mo.

      kaya nga nakakatakot ang mamuhay sa kabihasnan….pero may magagawa ba tayo…alangan naman magpaka-ala tarzan ang mga tao sa kagubatan.

      pero f lahat ng tao dun manirahan…aba! pwede…mas gusto ko yun…city in the forest…hehe, mas nakakatakot pala, andyan na lahat. literal na ahas at mapagkunwaring ahas.

  3. nakakatuwa naan ang adventures mo.

    naranasan ko rin ang matulog sa tents sa gitna ng gubat. mahilig kase akong sumama sa hiking nung nag-aaral pa ako.

  4. Lumaki ako sa maraming puno, sukalan at mga ligaw na halaman.

    Nais kong yakapin akong muli ng sukalan, dito kasi hindi pa ako natututong matakot sa buhay, masarap manghuli ng mga basang ibon, ang mamulot ng mga nalaglag na prutas, ang humiga sa layak, at pakinggan ang hampas ng mga dahon sa saliw ng mga twit twit ng mga ibon at manaka-nakang talilis ng mga ibang hayop sa sukalan.

    Mas payapa kahit may ahas, ang ahas dito sa siyudad ay may itim na ulo, may mga daliri..at nakapagsasalita.

    Hi princess ko, i’m coping up…kaya ko ito

    • haha..cge… pag mt. apo na ang ika-climb ko…humanda ka!..haha

      ang saging ay hindi puno…. sila ay kinoconsider as herb…succulent kasi at watery ang stem.

      pag-malamig ang area, wla masyadong lamok…..pero pag dapit hapon ayon, madami sila…di naman sila malalaki, tulad din sila ng mga lamok na gumagala sa lugar natin… pero ang alam ko kahit saan, takot parin sa OFF ang mga lamok..hehe

      • huwaw.. parang discovery channel hekhek.. sa arayat ba kelan kayo pupunta? kami kasi ng mga pinsan k ng wala pa kaming mga trabaho at natambay lang eh mga dyip at poste ng ilaw binibilang namin hehe!

      • mt. arayat?….malayo pa yan…di pa kasama sa list ko na aakyatin yan…mas gusto ko tlagang puntahan ang Mt. Pulog ng Benguet….pangarap ko na maakyat yon…for personal reason…basta.

        hehe, discovery channel na agad?…liit lna na info yon…kasama din kasi sa mga pinag-aaralan namin.

  5. Mt.Pulog ba ineng o Mt. Pulag? Baka magkatabing bundok ‘yon.

    Ako ay pansamantalang mamamahinga upang dalawin ang aking ama at ina sa aming lalawigan.

    Sana makahanap ako ng signal para mas ayos.

    Pero hindi pa naman, bago mag Pasko siguro.

    • mt. pulog…yon ang alam ko….basta ang nasa benguet.

      ako din uuwi, at mas mahirap ang signal sa amin…kaya tyak iiwan ko muna ang blogasperyo….di ko pinagsasabay na mamuhay sa mag-kaibang mundo..hehehe

      binibigay ko ang buong oras ko sa pamilya ko…kulang ang dalawang linggo kaya susulitin…kaw din….masarap pag nasa bahay na kinalakhan….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s