lakbay sa alon ng buhay

Standard

bago natapos ang taon, humabol ang di ko inaakalang bakasyon..dalawang araw na pag-gala sa Camiguin island…regalo yata ni boss sakin.

masaya, may dagat na naman akong nakita…..pero ang pinaka-maganda… napagtanto ko na di pala ako takot lumisan sa mundong ito….di pala ako takot sa katapusan ng mundo…bakit? dahil lahat tayo nag-papaalam, kanya-kanyang panahon lang.

habang sakay ng bangkang de motor para sa island hopping ang mga kasama ko doon umupo sa gitna…suot-suot pa ang lifevest…ngunit ako mas ginustong pumwesto sa pinaka-dulo…walang lifevest, walang mahawakan ngunit okey lang…..masarap maglakbay na parang pag-aari mo ang buong karagatan….habang bumibilis ang takbo ng bangka, lumalakas ang tilamsik ng dagat at sinusuong ang medyo malalaking alon…mas payapa ako…. matiwasay ang pakiramdam, para akong lumilipad, para akong nag-lalakbay sa sariling mundo…pabalik sa tahanan ko.

malalim ang tubig, di maarok ang lalim, ngunit di ko mahanap ang takot sa loob ko…ang dapyo ng hangin ay kapayapaan ang dala…. walang ibang makita kundi kulay asul ng karagatan at kalangitan, puting ulap at berdeng kabundukan…sarap mamuhay kasama ang kalikasan.

lumaki akong dagat ang madalas makita, kahit araw-araw pwedeng makipaglaro sa mga alon….ngunit kaylanma’y di ko natutunang lumangoy.

matakutin ako…ngunit na tutunan ko kung panong umiwas sa malalaking alon…turo ng mga kaibigan at kapatid… ganun din ako sa totoong buhay…di ko man alam pa’no languyin ang daang tinatahak, humahanap ako ng ibang pwedeng maging daan.

(^_=)…….

Advertisements

21 responses »

  1. Pangarap kung puntahan ang Camiguin…malapit na sana ng mapadpad ako sa Cagayan de Oro pero naman trabaho ang inatupag ko, wala man lang panahong gumala.

    Mapupuntahan ko rin ‘yan.

    Tama, kailangang lumaban, kailangang maging matapang paminsan minsan para umusad.

    Magandang umaga aking prinsesa.

    • merry christmas din..

      makakapunta ka if gugustuhin mo… pwede kasing libutin ang buong camiguin in 2 days…kasama na ang pag-rerelax sa hotspring tuwing gabi.

      curious ako sa pic mo…magaling kang mag-gitara?

  2. ang lalim naman ng pagkahuluagn nitong post na ito…gusto ko ang taytol pati ang content…..
    …napaisip tuloy ako…

    malalim ang tubig, di maarok ang lalim, ngunit di ko mahanap ang takot sa loob ko…ang dapyo ng hangin ay kapayapaan ang dala…. walang ibang makita kundi kulay asul ng karagatan at kalangitan, puting ulap at berdeng kabundukan…sarap mamuhay kasama ang kalikasan…

    ito ang best lines sa post na ito….

  3. Binabasa ko palang naiimagine ko na ang dagat. Sayaaa! Gusto ko ren magbakasyon, saka sumakay ng bangka, pero maglifevest naman ako. Hehe.

    Heeeellloooo Aninipot. 🙂

  4. Napunta minsan ako sa Cagayan de Oro pero narating ko lang duon ang Divisoria.

    Para rin kasi akong nasa Maynila.

    Tambay ka naman sa bahay ko kung wala kang ginagawa. 🙂

  5. ang sarap sarap ng feeling… ang gaan gaan ng luob ko sa’yo…

    sa mga sandaling nagbabasa ako… feeling ko ako yung nasa dulo ng bangka… kaso nalunod ako. haha!

    seryoso, wow naman. lumulutang ako sa post na ito. parang i’m floating over the wide ocean…. yes naman. ayan epekto ng message… aw, para akong baliw. may sariling mundo pero malaya ako. wala na akong sense… off topic na ‘to. yun totoo, inggit ako sa naramdaman mo. how i wish i ican wish that wishes do come true…. ciao diwatang alitaptap. aylabet. 🙂

  6. hey, ani. marami akong gustong sabihin sa iyo at itanong tungkol sa dagat at paano ito umaapekto sa tao… sa ibang pagkakataon na lang siguro.

    btw, naalala mo ang post kong payapang dagat? sa loob noon, may link sa isang magandang tula – ode to the sea. when you have time, basahin mo and better if you’d tell me what you think.

    hala, kabusyhan ka pa rin sa budget concerns? kumusta ang pagpipinta? 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s