huling hirit sa taong 2009

Standard

1. MALIGAYANG PASKO PO!…. excited ng umuwi at di na makapgtrabaho ng matino…hehe, di narin makatulog… weeh! di lang naman ako ang nakaka-feel ng ganun diba?..nanghahanap lang ng kasama…

2. sa tatlong buwan na pag-bablog, maraming salamat sa mga naging kakilala, wala mang pangalang tulad ko..masaya ako at naging kasama ko kayo para masurvive ang araw-araw na paglalakbay… THANK  YOU..

3. sa lahat ng nag-tatatyagang magbasa ng mga isinulat ko(kung meron man)… pasensya sa mga kung anu-anong ka-ek-ekan na ibinasura ko… di ko man mahanap ang tamang templa sa panlasa mo, pasensya na…baguhan lang po ako…nagsusulat lang ako para may outlet sa mga di ko nasasabi.

4. special mention si kuya kulisap bilang pinaka-unang nagbasa at tumanggap ng mga pinag-susulat ko…Mwuah! at sa mga tumatawag ng diwatang alitaptap, isang magic wish para sa inyo…… maniwala ka…maging totoo wish mo.

5. di ko alam bakit ko nilagyan  ng numbers tong post ko..hehe

6.  tungkol sa request na artikulo, sa susunod na taon nalang ha!…felingera din ako..haha

7. hmmm, nag-iisip kung babalik pa sa trabaho next year o lilipat na…. hmmm….hmmm, wag na uy! ayokong mag-isip ng trabaho.

8.  tinatamad ka nang magbasa?….wag muna di ko pa nga alam pa’no to tatapusin..hehe

9. isang realization sa araw na to… “when God is going to do something wonderful,he begins with difficulty. If it’s going to be something very wonderful, he begins with impossibility” ….

FAITH that’s our only weapon to understand everything we’ve gone through.

10. malungkot ako kasi ngayon lang ang taong di pa ako naka-attend ng misa de gallo… ‘yon ang disadvantage pag ang kasama mo sa bahay ay may iba’t -ibang relihiyong sinusunod.

11. naniniwala parin ako na nagkakatotoo ang wish pag nakumpleto mo ang nine(9) mornings…. alam ko may magsasabing, kaya ka ba mag-sisimba para sa wish?…ang sagot ko ay HINDI… noon sigoro, nasa elementary days, yon ang motivation ko para gumising lang para mag-simba…. basta ayoko ng mag-elaborate… isip-bata ako kaya hayaan nyo na… basta wishes do come true…as long as you have faith on it.

12.  para sa  tanging kinakapitan ko, ano man ang nasuongan ko, salamat sa pakikinig….salamat sa lakas ng loob, salamat sa isang taong gabay, sa mga achievements and failures…sa mga pag-subok…you made me a better person every day…THANK YOU GOD.

(mawawala ng pansamantala si aninipot…. pasensya…mahina ang signal sa kagubatan…hehehe, sama ka ?)

Advertisements

32 responses »

  1. ala uy, sama ako sa gubat. hehe…
    maligayang pasko diwatang alitaptap!

    GOD IS EVERYTHING! MAY HE CONTINUALLY BLESS YOU, GIVE YOU WISDOM AND COURAGE TO FACE ALL FEARS. ENJOY LIFE! 🙂

  2. Anjong, pano ba ‘yan, mamumundok kami ni Aninipot, ako naman ay bukas pa ang huling birada.

    Sa Enero na ako babalik.

    Special mention si J.Kulisap, ibinabalik ko lamang ang ginagawa mo sa bahay-kubo ko. Kahit hindi mo nilalagyan ng bakas ang iyong pagkakakilanlan dati, alam kong binabasa mo ang aking mga sinusulat.

    Maniwala ka lamang, mangyayari ‘yon, sa takdang oras at sa tamang panahon.

    Iisa lamang ang buhay, at walang rewind.

  3. Hehe. Maligayang Pasko!

    Salamat din po sa inyong pagbabasa at pag-iiwan ng mga puna sa aking abang blog.

    Ingatz na lamang sa kagubatan. Teka, literal bang kagubatan iyon? Hehehe. Tuloy niyo lang ang blogging.

    Muli, maligayang pasko at manigong bagong taon na rin! 🙂

    • oo nga…di nalang sigoro ako sisilip sa blogasaperyo para patas…haha

      libro muna aatupagin ko… apat ang dadalhin ko kaya dapat tapos lahat ng yon…at sa makikigulo sa mga long lost friends..

      yin, congrats ulit…. ‘lam ko tlaga na kaw mananalo… galing kasi ng pagkasulat…ikaw na ikaw..haha

  4. @lolo
    congrats daw asan peremyo ko huwah! daya! bihira ako sapian ng ganun lolo!

    @ani
    sa selpon ka na lang mag-inturnet! Pidi yun! Pero sige aabangan ko ang pagbabalik ng liwanag ng mga pakpak ninyo ha!

  5. Maraming salamat din sa pagbahagi ng buhay mo sa amin ng dahil dito sa blog mo.

    Uwian na. Uwian na. Huwag kalimutan ang alak at sigarilyo na pasalubong ah.

    Maligayang pasko po!

  6. 1. ako rin nafeel ko yan yun nga lang magkaiba medyo ng sitwasyon. sobrang excited kaya hindi na makapag-aral! hakhak!

    10. ngayong taon din hindi man lang ako nakaatend ng misa de gallo

    11. pero naniniwala ako an magkakatotoo ang wish. hakhak!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s