nakataling pag-ibig

Standard

kababalik ko lang pero sinalubong agad ako ng isang malaking problema ng isang housemate, apat lang naman kami at minsan naisip ko super laki naman ng apartment namin at minsan once in three days lang kami nagkikita…haha, or worst once a week.

naniniwala pa ba kayo sa arrange marriage?…hindi sya chinese, but my housemate was bethroted to her second cousin.. by her parents…

ang problema, may boyfriend sya….. kinakatakutan ko na aabot sa desisyon may isang mamamatay sa dalawa…akala ko di aabot na mag-iisip sya na magpapakamatay pero nasama na pala sa options  nya.

she was a maranao, kasama sa kultura nila na parents ang pipili sa makakasama nila sa buhay….actually since part ng culture nila pwede kung sabihing okey lang na tanggapin nya na ipapakasal sya sa pinsan nya….kaso nakikita ko ring head over heels silang inlove ng boyfriend nya sa isa’t-isa…

nahihirapan akong i-balanse ang sitwasyon nya…kung pwede nga lang sabihing pabuntis ka na lang para wala ng problema…ngunit di yon pwede, dahil sa kulturang meron sila…

una, mahirap syang tumanggi dahil mapapahiya ang buong clan nila, sinabihan nya syang ang desisyon ay nasa kanya, ngunit buong pamilya ang magkakagulo…. sabi nga nya mas madaling tanggihan ang hindi kadugo kaysa sa kadugo…. di rin nya pwedeng sabihin sa lalaking namanhikan sa kanila ng may boyfriend sya….”maratabat”(pride) ng pamilya ang nakasalalay.

pangalawa, matatanggihan man nya tong una, may dalawa pang naghihintay para mamanhikan sa kanila, haba ng hair nya no?…ngunit nakakaipit ang sitwasyon.

pangatlo, di nya pwedeng i-rason na ayaw nyang mag-asawa dahil, di valid na rason iyon sa pamilya nila, lahat daw kasi ng tita at tito,kasama ang parents nya arrange marriage, ginagawang living example ang buhay nila.

whew!….ang gulo ng sitwasyon …. minsan naitanong ko  dati na bakit sya pumasok sa isang relasyon? alam naman nyang may arrange marriage na mangyayari….ngunit pag tinamaan ng linsyak na pag-ibig…kahil bawal sige.

kakatakot ano?…pag nakatali ka sa isang kulturang ipinagmamalaki mo dati, pwede mo pa palang isumpa dahil sa isang pag-ibig.

kahit ako litong-lito, di rin makatulog hanapan lang ng lusot ang sitwasyon nya…ang alam ko, may desisyon na sya, ipag-lalaban nya ang pag-ibig nya yon nga lang di kaya ng konsensya nya na kalabanin ang buong clan nila.

gusto ko tuloy isipin na bakit ganun ang parents nya? ngunit pwede ba nating kwestyonin ang kulturang kinabibilangan nya?…ANG GULO!!!!!!….

Advertisements

10 responses »

  1. Kultura o sariling kaligayahan habambuhay?

    May mga lumiliko para makita ang iba namang daan. Kung ang kaparusahan sa pagsuway ay kamatayan, tiisin ang hapding dulot ng pagpapakasal, pero kung pagwaksi o paglimot lamang ang magiging kaparusahan, sumugal siya dahil siya ang sangkot sa usaping pag-ibig.

    Ang magulang ay mapagmahal lalo’t higit ay maunawain.

    Subalit alamin niya rin kung kaya siyang ipaglaban ng lalakeng mangingibig at nakikita niyang kasama sa habampanahon.

    J.Kulisap bilang Kuya Abokado.hahaha

    • hmmm, napag-usapan na namin yan… at alam ko kayang-kaya syang ipaglaban ng lalaking minamahal nya… bagabag na lang ng konsensya para sa mga magulang nya ang pumipigil sa kanya.

      yon nga lang habambuhay na pagtakwil ng pamilya sa kanya o kamatayan ng taong mahal nya….

      takot syang magdesisyon kasi alam nya suicidal ang lalaking mahal nya… sabi nga nya kung madali lang sanang maka move on ang lalaking mahal nya..isasakripisyo nya para sa pamilya ngunit habambuhay din na pagsikil sa kaligayahan nya.

    • kung pwede ngang pag-untugin ko ulo nila ginawa ko na…..
      pero naiintindihan ko na ngayon bakit maraming kabataang maranao ang nagpapakamatay…dahil lang sa arrange marriage na yan.

      madaling sabihing na di sagot ang suicide sa problema…. pero pag-direkta mong nakikita…haay! wala na akong masabi.

      ang hirap pagmasdan ang mga matang dati punong-puno ng kislap at ngayon kislap ng luha at kawalan ng pag-asa ang makikita.

  2. Hindi na yata matutuldukan ang kultura…
    Subalit kung pag-ibig na ang usapan, kailangang ipaglaban…
    Mundo lang iyan, kaya ninyong lumaban…
    Huwag kang magduda kahit buong mundo ay sumasalungat sa iyo, basta alam mo na tama ka, ipaglaban mo..

  3. Magpakalayo layo na lang sila. Punta sila sa karatig bayan o mga sampung bahay mula sa kanila.

    O di kaya deny to death ng identity.

    O kaya, sabihing may amnesia siya.

    May paraan kung gusto.

    Hi ani.

    • hello again kuya kulisap….
      mukhang sinunod na ni housemate na magpakalayo…5 days ng di umuuwi…masmabuti rin di ko alam asan sya, para di ako makapagsinungaling sa parents nya…
      if ever asan sya, sana masaya sya ngayon.

  4. Sana pareho na lang kami ng kultura ni iya villania at magkakilala mga magulang namin, at pilitin kaming pakasal, sa una magpapakipot ako, pero pokpok pa rin ako ano magagawa ko.

    • haha, malandi ka yin…pero sa totoo lang ang bigat ng pakiramdam ko….na-confirm na ng friend ko, tuloy ang kasal, naibigay na daw ang dowry i mean brides price.. imagine 500 thousand di pa kasama ang inkind…para tuloy ang pakiramdam ko binenta sya ng parents nya but who am i to question their culture, di ko talaga maintindihan at di ko kelanman mai-intindihan…haays! life.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s