kaw na bahala

Standard

I

adik na naman ako kasi magsusulat ako hangga’t gusto ko…hindi ako sinipag, marami lang gumugulo sa isip ko…… excited akong umuwi galing trabaho…na-inggit ako sa housemate ko na bumili ng airbed kaya ididispatsa kuna ang foam na gamit ko…bibili rin ako…hehe, feeling ko kasi para akong mag-wawater rafting pag yon ang tutulogan ko…hahaha, wag nang  papalag, buo na ang isip ko, bibili talaga ako, sacrifice muna ang mga nakaline-up na librong bibilhin for this month.

II

pag-uwi ko mam’ya, aayusin ko na ang locker ko… isesegregate ko na ulit ang mga gamit ko…waah! wala parin akong books stand… at hanggang ngayon nanghihinayang parin ako sa mga libro na naiwan ko sa dorm, sayang yon…. pero sige mangogolekta nalang ulit..at sa mga taong nanghihiraman ng mga libro ko, please lang ibalik nyo na, pinag-iipunan ko ang pinambili  ng mga librong hiniram nyo…di ako mayaman noh!..adik lang sa libro…at gagawin kung library ang kwarto ko.

III

start ng february, isusuot ko na mga high heels sandals at stilleto ko….ang alam ng nanay ko sinusuot ko ang mga binili nyang sandals pero hanggang ngayon naka rubber shoes at flat sandals parin ako..wag nyo kung isumbong ha! ..hehe, matigas ang ulo ko, di ako sumusunod sa trend ng mga ka-opisina ko…feeling ko kasi tumatanda na ako pag naka-heels.

IV

bibigyan ko ng chance na mag-stay sa trabaho ko ngayon, hanggang summer o june, gusto ko lang i-experience ang celebration ng environmental month sa DENR, at sana makakuha ng medalya sa quizbowl bago man lang ako umalis…..adik lang, type kung mangoleksyon ng medalya…pang souvenir sa trabaho….hindi sa hindi ako masaya sa trabaho ko, yon nga lang may longing akong bumalik sa academe, pagbibigyan ko lang ang sarili ko hangga’t bata pa ako…

V

ayokong mag plano ng trips at adventures pero sana man lang masubukan ko na talaga ang zipline sa BUKIDNON at water rafting sa CAGAYAN DE ORO this summer…hoping so…

VI

hanggang ngayon, para parin akong lumulutang, di ko pa tanggap na bumalik na ako sa trabaho madalas tuloy akong managinip ng gising..na nasa bahay parin ako…. ang problema ko lang naman kasi talaga pag andito ay PAGKAIN… marunong akong magluto pero madalas tamaan ng katamaran, ayokong magluto na ako lang din ang kakain, kaya madalas kung saan-saan ako napapadpad para kumain.

VII

goodbye softdrinks…tinamaan ng hanging itim at nagka UTI ako, slight lang naman pero sagabal ang pag-inum ng gamot..madalas tuloy ako nag-papa alarm mainum lang ang gamot sa tamang oras…. at promise! pinaka-kalaban ko ang amoy ng gamot…amoy pa lang nahihilo na ako…. kaya takot akong magkasakit.

VIII

goodbye narin pala kay pineapple, si miss pinya na di nauubusan ng stock sa ref ngayon bawal na… di ko tuloy alam ano ang isu-substitute sa mga bawal sakin…. buti nalang pwede pa ang ice cream..hehehe

IX

ayokong magplano sa taong ito, bahala na si lord…tatanggapin ko kung ano man ang buhay na ibibigay nya….long term naman ang iba kung plano, next year ko nalang susubukang pumasok sa law school, naghahanap pa ako ng eskwelahan at may mga kapatid pa akong nag-aaral kaya dapat ma-pressure ko na sila na grumadwyt ng maaga…hahaha

X

para sa humahadlang sa buhay pag-ibig ng kapatid ko, matalo ka sana sa eleksyon, inis na inis ako sayo, ang bata-bata pa ng kapatid ko para maramdaman ang paghihirap na gawa nyo…pati pa nanay ko sinasama nyo sa issue…. wala akong paki-alam kaw man ang pinuno ng bayan namin, wag mong isisi sa kapatid ko ang lahat, kung gusto mo rendahan mo ang apo mo… pinalaki kami ng maayos ng mga magulang namin at lalong di kami nang-aapak ng ibang tao….may araw ka rin… people knows the truth… ipapaubaya ko nalang sa diyos ang ginawa mong pang-aapak sa pamilya namin.

pag ang tao pala kahit nagsusumikap umakyat pataas sa malinis na paraan di parin ligtas sa mga kawing at hila ng mga alimango…. pero sige lang batuhin nyo man kami ng kahit ano, nagpapasalamat parin ako dahil mas lalo kaming naging buo… ang panghihila nyo ang dahilan bakit lahat kami nagsisikap na mag tagumpay….

Advertisements

28 responses »

  1. first base!!! woohoo!!! premyo ko? wala? o sige ako na lang ang magti-treat sa akin….soft drink, pineapple, airbed, at stilleto!

    • sana nga…… galit talaga ako sa taong tinutukoy ko…iniinis ko nga, lalo na sa simbahan, tinatabihan ko sa upuan, during peace be with you di man lang ako nilingon…wahaha, pulang-pula sya sa inis…bad ko..hahaha

    • hindi….lahi kami ng mga baluga…dahil lalaki naman ang mga kapatid ko sila ang beast at ang girlfriend nila ang beauty…hehehe

      wahaha!..pulitika…pulikat pwede pa..

      hay! naku kaya diko pinasok ang lovelife na yan…ang gulo…hahahaha

  2. aha! ano to? ten commandements mo diwatang alitaptap? hehe…

    I. una kong basa eh nag-water-water… haha! sorry, may ibig sabihin kasi sa akin yun. bastos!

    II. uod ka rin pala sa aklat. pareho tayo… tama yan. mag-ayos ka ng gamit paka ipisin o kaya surutin at anayin ang mga libro.

    III. wow naman, high heels… san ahindi ka matapilok ah. in-imagine ko… kung naka-rubber shoes ka siguro rugged ang porma mo.

    IV. good luck sa quizbowl? bakit bowl at hindi bee? anyway, sana matuloy ka sa muling pagpasok sa akademya.

    V. haha… wild and dangerous talaga trip mo. nature lover nga naman. san ako rin maranasan ko yung thrill.

    VI. woooo… same here. tamad ako magluto. kaya mas madalas hindi ako kumakain. o kaya naghahanap na bahaw at tirang ulam.

    VII. di rin ako nainom ng soda… maski sa gamot hindi ako dependent. kaya nga one year inabot ng bacterial disease ko. nung lumala saka na akoi nag-anti-biotics. haha!

    VIII. aw, makati sa dila at labi ang pinya… anong satrap ba ang nakukuha niyo dian. ice cream puede pa… at isa pa wala pala ako ref. hehe.

    IX. hala, wag ka na mag-plano pero… do what you have to. teka, i-force ba na grumadweyt agad ang mga kapatid. haha.

    X. love is… complicated. political inclined pa… haha! sana, matalo nga siya.

    yun lang… wahoho! i am back for a while… musta naman na diwata?

    • haha, talagang ini-isaisa ha!…

      II. uod tlaga ako…. di ako mabubuhay pag walang libro, madals yan ang katabi ko sa pagtulog..hehe

      III. hindi ako matatapilok, kaya kung tumakbo kahit naka 4 inches stilleto, kaso nakakapagod parin at mas sanay ako sa rubber shoes, ako lang ang rugged na may mahahabang earings/danggling earings..

      IV. bowl? di ko rin alam..dahil galing sa bowl kinukuha ang mga questions…yata..haha, quizbee nung hayscul tapos quizbowl ang gamit during college ako kaya, yon na rin ang term na ginagamit ko.

      V. sama ka? kahit mt. climbing lang…haha

      VIII. aw, masarap ang pinya…favorite ko yon…

      IX. haha, kelangan ng takutin ang mga kapatid ko lalo na kuya ko, di parin grumadwyt….kakalipat ng kurso.

      X. love…no comments na…haha, matalo nga sana..

  3. airbed? nakuwpo, pagisipan niyo po mabuti.hihi. dati ganun tulugan ko, kaso hindi ako gaano makatulog, pakiramdam ko may kun ano sa ilalim, kakaiba yung feeling..hehe..gusto ko din itry yung zipline doon, plano ko rin makapunta kaso hanggang plano lang eh! hahabkit po bawal sa iyo ang pinya? may allergy ka ba? tsk!

  4. Eleksyon? Shaks. Si Erap ba yang nagpapahirap sa kapatid mo? Ay teka, lahat pala ng tao naghihirap sa pag intindi sa desisyon nyang tumakbo ule.

    Naalala ko sayo yung kaibigan ko na ayaw na ayaw mag high heels. Hindi dahil nagmumukha syang matanda kundi dahil feeling nya eh bibigay ang takong ng high heels dahil sa timbang nya. Haha.

      • Pero in fernes to fernesness, hindi ko masyadong nagegets ang pagpapatangkad ng heels. Wala lang, pahirap daw kase yan sa paa. Para sa height kelangan mo pa magpakahirap. Tsk.

      • actually ako din, pahirap tlaga…but sometimes it boast confidence to someone whoś wearing pretty stilletoś… minsan parang ang sexy lang pag nagsuot ng high heels…yon nga lang gusto ko on special occasions lang.

        hmmm, nabasa ko ang bago mong post…nahirapan akong mag-comment, may tumatakbo kasing iba sa utak ko….. naisip ko si vampire lestat..hahaha

      • haha, i dont knw if nagkatugma ang iniisip natin..pero cno ka man at ano man ang prinsipyong pinanghahawakan mo…irerespeto ko.

        pero i agree, lestat is so sexy, added bonus pa ang pagiging stubborn which makes him more appealing…hahaha

  5. Ikaw maghi-heels?? Naksss.. Anu mga aklat meron ka? Masakit sa katawan yung airbed, maniwala ka ay naku. At magalaw! Tingnan ko lang kung masarap tulog mo. Nangaano si mayor?? Anuhin na natin?

    • haha, magha-hi heels ako….kaya yon..

      kelangan ko bang i-lista anong mga aklat ko..hala! di ko memorize, author na lang pero di ko kumpleto mga books nila pero ang iba may copy ako…hmmm, mostly john grisham, dan brown, syempre bob ong(kumpleto tlaga)..haha, coelho, nicholas sparks, bob greene, judith mcnaught, jude deveraux, sheldon( kahit mga luma pinapatos ko), anne rice, michael chrichton, C.S lewis( adik ako sa narnia), J.K Rowling(di nga lang kumpleto),J.R.R Tolkien at madami pang di kilalang author mga nahalungkat sa booksale..hehehe.

      haha, nung una di ako comfortable sa airbed pero di ko naman totally dinispatsa kutson ko, ayon, palipat-lipat lang ako kung saan ko gustong matulog.

      si mayor?..bahala na sya, basta ba wag lang nyang gagalawin kapatid ko wlang mangyayari… pero sana lang talaga matalo na sya..hehe

  6. Oh siya, pinagyabang mo na rin mga libro mo eh pahiram. Ako wala ko pambili, gang b.o at eros atalia lang ako, tsaka yung binigay ni kulisap pala hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s