isang totoong muslim

Standard

it was said that “the world most misunderstood religion is Islam”… mas lalo sa pilipinas, madalas itong maikabit sa salitang “terorista”, kinakatakutan pa minsan kahit sa simpleng pag-lalakad lang sa kalsada.

Bakit nga ba nahihirapan tayong  intindihin ang paniniwalang meron sila?

sa totoo lang kung hindi pa dumating si magellan para ipakilala ang kristyanismo, malamang Islam din ang pangunahing relihiyong sinusunod ng higit sa pangkalahatang populasyon ng pilipinas…. ngunit di rin sigoro PILIPINAS ang tawag sa bayan nating ito at di rin tayo mga Pilipino, Gets mo na sigoro kung bakit?…. pwede kang pumili sa mga tawag na ito, pwede tayong indians ( galing sa salitang indio), pwede ring pacific dwellers (hehe, di ko ma-imagine) at kung anu-ano pang pwede nating ma-adapt  sa mga karatig bansa.

may ilan akong term na natutunan sa mga kaibigan at sa ilang taong paninirahan at pakikisalamuha sa lugar ng mga may paniniwalang-Islam:

1.ISLAM– ibig sabihin nito sa sa salitang english ay ¨ surrender to God¨…(self explanatory).

2. MUSLIMS – “the surrendering ones

3. QUR’AN– “recitation”.( ito ay ginawa sa salitang arabic, pilipino man o ibang lahi ang gumagamit di nila ito isinalin sa ibang lenggwahe, dahil may paniniwala silang ito ang orihinal na salita ng diyos na ibinigay para sa mga muslim). Madalas may mga tao pang inaalay ang buhay para mamemorize lang ang Qurán. Binabasa nila ito sa paraan ng pakanta.

4. FIVE PILLARS OF FAITH (faith, prayer, alms, fasting, pilgrimage)

fasting- between sunrise and sunset, bawal kumain, uminom ng tubig( bawal mag-isip ng pagkain) at tigil bisyo… kaya before 4 am gising  na  to eat, di dapat abutan ng unang pagtugtog ng “bang”( don’t know  its real term we just called it  “bang ” para may maitawag sa oras ng                        kanilang pagdarasal) five times a day, before 5 am, 12pm, 3pm, 6pm at bago matulog.

5. JIHAD ( the most controversial)- “holy war”, nangyari lang ito nung panahong endanger ang relihiyong ISLAM sa panahon ni Mohammad, nung gawin ang holy crusade from MECCA to MEDINA.

marami ang may haka-hakang pwedeng magkaroon ulit ng JIHAD, pero sa opinyon ko, mas malamang giyera sa senado ang mas madali…   hanggat may mga muslim naniniwala sa kapayapaan mananatiling lutang ang JIHAD, ngunit di ko rin sinasabing imposible ito…                  madaming tao ang kayang makipagpatayan para sa kanyang paniniwala… hati rin ang relihiyong ISLAM, andyan ang Sunni’s( sila ang mas liberal) at Shiites(islamic fundamentalist)… see?, di lang kristyanismo ang nahati sa iba-ibang sector….sila din, iba-iba man ang uri ng prinsipyo ng paniniwala,  mag-kaiba man ang kultura pero iisa ang pinaniniwalaan at sinisunod na relihiyon.

pero balik tayo sa tanong na bakit sila mahirap intindihin?… ito lang nakikita kong rason:

KONTROBERSYA- nahaharap sa kontrobersya ang iilang taong sumusunod sa relihiyong Islam… simulan natin kay BIN LADDEN(tama ba espeling ko?) SADDAM HUSSIEN (true? patay na ba talaga yon?), ABBUSAYYAFF members, MILF members and the latest AMPATUAN clan( pwede ba silang ipakulam na lang?)

nasabi ko na dati sa isa kung post entry na mas pwedeng sisihin ang kulturang sinusunod nila kaysa relihiyong pinaniniwalaan nila, dahil kahit ang mga relihiyosong muslim gusto rin silang isuka at itakwil bilang kapatid sa relihiyong pinaniniwalaan.  totoong di katanggap-tanggap ang mga nagawang pagpatay at terorismong nahasik ngunit wag natin silang lahatin, wag lahat ay husgahan, pareho lang sila sa atin may masama may mabuti, may prinsipyong pinglalaban at mga dahilang kelanman di maintindihan ng mga tulad nating di sakop ng kanilang paniniwala.

ang pagtanggap sa relihiyong ISLAM o pagiging muslim ay hindi lang nasusukat sa paniniwala kundi ito ay pang-araw-arw na gawain, isang piniling landas………. ISANG URI NG PAMUMUHAY.

marahil may mga karanasan akong nagdulot ng mantsa para sa mga muslim ngunit di ko parin kinakalimutang may kulturang nakikisingit para maiba ang uri ng pamumuhay bilang muslim.

P.S.  may mga bagay akong di naiiintindihan sa kulturang maranao, ngunit di ko sinasarado na husgahan agad ang ibang may paniniwalang ISLAM… at ang lahat ng nakasulat dito ay ayon lang sa nakikita at tanging opinyon ko po lamang, malamang may pagkakataong biased ako, pero paumanhin, sabi ko nga opinyon ko lang ang mga ito.

TRIVIA:

*may paniniwala ang mga konserbatibong babaing muslim na bawat hibla ng buhok na nakikita at di natatakpan ng kumbong(veil) ay magiging                    ahas pag sila ay sumakabilang buhay na.

*umaabot daw sa sampung beses ang pakiramdam ng tao pag sila ay inilibing na… ibig sabihin kahit pinakamahinang paglalakad, paghikbi                            naririnig ng namatay…(whew! hirap nun).

Advertisements

30 responses »

  1. Mainam.

    Ang dami kong nalaman ngayong araw na ito.

    Buwis buhay ayon sa kanilang relihiyon. Ayon sa aking obserbasyon, parang hindi sila natatakot mamatay, sa anumang paraan.

    Tama ka, hindi dapat nilalahat subalit may mga pangalan na lumulutang para maputikan ang inaalagaan nilang relihiyon, tradisyon at kultura..wala ring pinagkaiba bilang Kristyano..ibang atake nga lamang.

    More, more…more.

    Dahil siguro sobrang tahimik sa himlayan, sensitibo ang taynga, pakiramdam..sobrang katahimikan…gumagana ang pakiramdam.

    • sige sa susunod kuya, pag maluwag ng kunti ang oras… kelangan ko pang isulat ang kaibahan ng kulturang maranao sa ibang muslim minorities sa pilipinas… para mas klaro bakit may pag-kakaiba ang practice ng kanilang paniniwala.

      marami talagang kayang mag buwis ng buhay para sa sari-sariling paniniwala, meron din tayo nyan, yong mga christian martyrs diba?

  2. totoo yan, like me my mom root is from zamboanga. So we spoke chavacano. pag sinabi ko sa mga friends ko, I’m going to zamboanga. They keep on saying “hey take care madami muslim..” oh well I’m immune to that.. Nababahiran lang sila ng ganun kasi of the many people who is nagaacused agad.. and what happen to maguindanao earlier. But WHF eh ang layo ng maguindanao sa ZC.. duhhh.. although ang daming muslim din sa ZC pero di sila lahat AMPATUAN.. haha..

    • haha, tama ka!…. kahit nga ako, nag-aaral talaga sa lugar kung saan majority ng nakatira ay muslim…. pero walang problema, paranoid lang talaga tayong mga pinoy..

      sigoro din isa sa mga rason bakit kinakatakutan ang mindanao dahil sa media…madaming exaggeration, though may totoo sa mga balita kaso nga lang yong stereotype na dating ng balita, sana man lang specific ang lugar na sinasabi hindi mindanao as a whole.

  3. uo nga, yung pagdidiskrima dito sa pinas sa mga muslim ang dapat na maiba. aminin man o hindi, madami ang iba ang tingin kapag nalamang muslim sila. may kababata akong muslim, at noon pa man, parang iba na ang turing sa kanya kapag lumalabas kami at nalalamang iba ang relihiyon niya kumpara sa nakararami. tsk. kailangan kaya maiikot ang mundo?

    • sigoro parte na talaga yan ng pagiging muslim, tayo rin namang mga kristyano pag napunta sa lugar kung saan muslim area may discrimination ding natatanggap… tulad ng masabihan kang “christian ka lang!”…. na-experience ko yon.

  4. Makatotohanang pagsuri at pananaw. Tama ka sa mga nabanggit mo. Ang relihiyong Islam na marahil ang pinaka hindi nauunawaan at nababahiran ng hindi maganda dahil na rin sa mga kaganapan at mga taong iyong nabanggit.

    Sa limang taon ko rito sa Kuwait (hindi open country) marami ang ipinagbabawal. Nabanggit mo ang mga babaeng naka-kumbong… dito sa Kuwait karamihan sa kanila lalo na ang mga sagrado at makalumang Kuwaiti ay naka-all black outfit (abaya kung tawagin dito) at ang mga lalaki ay naka-all white naman (disdasya naman ang taguri nila). Bawal na bawal na matitigian sa mata ang mga babae ultimo balahibo ay wala kang makikita sa kanila.

    Yung nabanggit mong “bang” tuwing bago sila mag-dasal, iyon ay hudyat para kanilang simulan ang limang beses na pagdarasal sa isang araw. Kung saan sila abutin, luluhod at tutuwad sila kahit na nasa kalye pa sila (karamihan sa mga Pinoy na nakakakita nito dito sa Kuwait ay natatawa sa ganitong eksena). At iisa lang ang direksyon kung saan nakaharap ang kanilang Mosque at maging ang kanilang pagtuwad ay nakaayos sa iisang direksyon (dito ay hindi ako sigurado kung sa direksyon ba ng paglubog o pagsikat ng araw). Ang tawag nila duon sa “bang” ay “Aluha Akbar” / “Allah Akbar” o simpleng “Akbar” na ang ibig sabihin ay “Allah is Great”.

    Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba kapag ako ay tinanong na “Inti Pilipini?” (Pilipino ka ba?) dahil kasunod nito sasabihin nilang Abu Sayaff daw ako. Ang “Abu Sayaff” sa pagkaka-alam ko ay may ibig sabihin na “Bearer of the Sword”.

    Madako naman ako sa Pilipinas… sa lugar na aking kinalakhan, ang Baguio. Marami na ngayon duon ang mga Muslim. At sa totoo lang kinaaasaran sila ng karamihan dahil naghahari-harian sila duon… sa mga overpass. Para din naman sa mga overpass sa Commonwealth Ave, Lungsod Quezon kung saan may komunidad ng Muslim sa Culiat, Quezon City.

    (Paumanhin Diwatang Alitaptap… na-enganyo lang ako na magbahagi ng kaunting nalalaman sa mga Muslim.)

    Magandang araw sa lahat ng narito! 😀

    • walang problema kuya anjong, marami ka ngang naidag-dag, alam ko kulang pa ang naisulat ko, madami pa… pero nahirapan kasi akong pag-isahin ang kultura ng maranao sa relihiyong muslim kaya inuna ko muna ang pagiging muslim, sa susunod maranao culture naman..

      sa totoo lang madami ngang hari-harian sa kanila pero iyon din daw ang mga taong sinasabing muslim dahil iyon ang nakamulatan hindi sa dahilang sinunod ng lubusan ang pamumuhay ng totoong may pananampalataya sa ISLAM.

  5. Kanya kanyang paniniwala. Kanya kanyang trip. Magbigay ng respeto sa pinaniniwalaan ang gustong makatanggap ng respeto sa kanyang pinaniniwalaan.

    Labas na sa relihiyon ang desisyon ng individual kung gusto nya maging kriminal, maging rebelde, o anuman. Sigurado naman ako na walang kahit anong relihiyon na karapat dapat bigyan ng respeto ang nagpapahintulot ng pagpatay ng kapwa.

    Kanya kanyang trip. Walang basagan ng trip. Kung ayaw mong magkabasagan ng bungo. Hehe.

  6. yun yun eh! salamat sa impormasyon! may natutunan na naman ako tungkol sa mga muslim… hindi naman kasi lahat ng muslim alam mo yun terorista… pero kasi naman minsan may mga muslim din kasi na talagang terorista talaga… kaya pati ibang muslim ayun kinatatakutan… ako naman di ako natatakot sa mga muslim… kasi naman kung wala sila.,.. kanino na ako bibili ng pirated dvds! hakhak!

    • Patawarin pero maidagdag lamang, Muslim ang sumira ng kauna-unahan kong selepon, pagkabigay sa akin umaandar, pagdating ko sa balay, aguy…wala na..paktay na.

      Pero bago pa ibigay sa akin naligo muna ako ng laway niya dahil habang sinisira lalo este inaayos ang aking selepon, nakikipag-away siya sa bantay ng katabing stall.

      Pero may kaklase akong Muslim. Ang pangalan niya ay si Ali.Mabait, edukado at masipag. Walang pinagkaiba sa hindi Muslim.
      Tama ka Ani, may mabait merong mas balasubas..hahahha

      • mas balasubas talaga ha… actually yon din ang observation ko kasi ayoko minsang sabihin kasi baka maging unfair ako….

        sigoro nasa genetic composition na nila yon….hehe, actually totoo, extreme minsan ang mga attitude nila, result sigoro yon ng pag-aallow na pwedeng ikasal ang magkamag-anak, naalala ko tuloy bigla ang genetics subject ko noon…hahaha

        kaya mas maganda ang breed ng magkaibang lahi, tulad ng pilipino at ibang lahing asawa…hahaha, ano ulit cnabi ko?…hahaha, out of topic na to.

  7. Good day blogger, I recently found your site from aol as well as I read a few of your various other article content.They are awesome. If you please go forward this excellent work.

  8. marami akong kaibigang Muslim na taga Zamboanga, naging kapitbahay ko sila dito sa disyerto, at sa ibang bayan ko pa sila mas naunawaan., kung noon may konotasyon nga ang tingin ko sa kanila, ngayon hindi na,, Mas iginagalang ko na ngayon ang kanilang paniniwala at mga tradisyon at naiinis ako sa ilang taong nagiging bias sa mga kapatid nating Muslim. Kung sa atin ay may kasabihan tayo na ang kasalanan ni Pedro ay hindi kasalanan ni Juan ,., hindi basta Muslim ay terorista.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s