hindi ako nerd!!!

Standard

isa sa pinaka-ayaw kong marinig ay yong tinatawag akong nerd… oo nga adik ako sa libro, kahit ano pinapatos ko basta pwedeng basahin gora…. pero please hindi po ako nerd….. pareho kami ng isa kong kaibigan nagiging bayolente at nag-aalburoto pag tinawag na nerd… kahit facebook inaasar ako, well, patulan ko ba namang ang IQ test daw na pakulo nila, tapos ang result…nerd daw ako…. wahaha! lokohin nila lelong nila kahit elementary kayang sagutan ang mga question nila…. hahaha, tapos ako naman nag-react agad…. halatang affected…hehe

pinagarap ko talagang magkaroon ng sariling library in the future, pero di naman lahat ng mahilig sa libro nerd na diba?… AGREE na bilis!!!!                           isa lang din itong hobby tulad ng pag-lalaro ng online games… mahirap kayang tanggapin na masabihan kang nerd… iba na kasi agad ang nakakabit na description dun, kako introvert ka or else may makapal na eye glasses. medyo di pa naman ako umabot sa ganun…hehehe, saka hindi lahat ng mahilig sa libro matalino…. tulad ko, nasubukan kung magka-singko sa pagkahilig sa mga libro, mas inu-una ko pang basahin ang mga nahalungkat kong libro kaysa sa lesson….o dba?, sa pagbabasa nakahanap lang kami ng bagong mundo, nakikita ang ibang mundo at nakikilipad sa mga pangarap ng may akda ng bawat librong nababasa…

haays! nahirapan akong mag-explain, alam ko may mag-rereact, at susupalpalin ako ng “defensive ka day”….

basta…. lumalabas ang kaluluwa ko pag-narinig ko ang salitang nerd, lalo na if patungkol yon sa sakin.

Wala! basta wala!..naiintindihan mo pa kaya tong pinag-susulat ko, o sya pwede ka nang huminto , tapos na eh!….lols!

Advertisements

40 responses »

  1. Nerd,nerd, nerd..

    Nerd….ako?

    Hindi uy..

    Si Aninipot at Taribong yon.

    On a serious note.

    May mga taong nakakalimot na sa sarili dahil sa sobrang tutok sa kung ano ang ginagawa katulad ng pagbabasa, kaya nakakalimutang ayusin ang pisikal na katawan. Wala ng ibang pinaninindigan kungdi ang mundong kaniyang pinaniniwalaan ayon sa sinasabi ng halimbawa ulit..kaniyang binasa. Agree ako, na dapat pinapalamon ang utak kaysa sa bibig.

    Nerd..dili uy..sila lang.

  2. waaah! bad ka… bibliophile lang, para namang may pagkakaiba yon!…hahaha, positive ang dating pag bibliophile ang gamit…

  3. hindi ka nerd mahilig ka lang….magbasa. ganyan din ako lahat pinapatos kong basahin basta maganda at may kwenta. hehehe xenxa na po ngaun lang ulit napapad sa bahay mo.ingat

  4. nerd!!!
    ang sarap kaya ng feeling nerdy… haha!
    high school nerd ako eh… haha. tapos… ewan.

    sabagay kanya-kanya naman kasi yan eh. mahilig din ako nung hayskul… pero hindi ko na nadala nung mag-college. and nerd naging weird… kaya blurd ang paningin ko pati pag-iisip. hoho!

    ui, gusto ko yan… sariling library… Aninipot’s Private (o Public) Library. 😀

    • haha, dream ko talagang magkaron ng library, para di na ako ang nanghihiram ng libro, sakin na nanghihiram ang ibang tao.

      basta ayokong matawag na nerd, medyo malabo nga ng kunti mga mata ko…haha, kaya kung di matulog whole night pag nagbabasa.

  5. Haha. Parehong pareho pala tayo sa halos lahat. Pero hindi nerd ang tawag saken, GEEK. And I take it as a compliment. I mean, I don’t want to be offended for something that I am. I am nerdy but I don’t let other people see it. I read my textbooks even after graduating, I read novels but I have never really been interested with novels required from school. We are all nerds in our own ways. 🙂

    Accept it ‘day. Haha. It’s not a bad thing, not for many people here in the Philippines. Who cares about those thick glasses and other stupid stereotypes. Hey, at least you get to know more things than most people, right? 😛

    • sabagay…your right!… who knows what they meant in saying i am nerd, maybe it’s their way of saying a compliment…hahaha, mamatay sila sa inggit.

      but sometimes, reading a lot makes me hard to find someone worthy to talk to… i mean it’s so hard to find things in common or topic in common…. sometimes i ask myself why do they don’t know what i’ve been talking.. para akong alien or ipinanganak sa ibang mundo…. hahaha, basta!…

      • Haha. If you always talk about things no other person knows about, then I wouldn’t blame other people for calling you a nerd. 😛

        Sometimes people label other people they don’t understand, or they don’t relate to. That’s just how it is. And if you are hell of a lot smarter than them, then I feel sorry for them. Ask them to read more books, watch more movies or something. Maybe they won’t find them boring. Who knows, right? 😛

  6. Haha!.. Nerd?… hehe… Ok lang naman siguro kapag tawagin k nilang nerd?… haha!.. anu bang lagi mong get up?… baka naman ala manang ka na rin mag damet?… joke!.. anyweys.. 🙂 kung tawagin ka man nilang nerd next time.. sabihin mo na lang… ” I am the most Sexiest nerd… that you will ever see!”… Smile day!.. you are beautifull no matter what they say… ♫♪♪ words can’t bring you down…♪♪♫

  7. haha..pareho pala tayong nasi-singko dahil sa pagkahilig sa libro. ako naman tungkol sa art ang mga binabasa ko kaya naman ang lessons halos diko matandaan.

    sino ba kase ang nerd? wala naman diba? hehe

    • haha, tao ba ako? ang alam ko isang insekto si aninipot…haha, just kidding…. oo nga, korek! isa akong tao na nabubuhay sa mundo…toinks, wala na akong sense..hehe

  8. Mean lang kasi mga tao na nagka-classify. Kahit ang kapal ng mga salamin mo basta nainom ka okey na ko, tara shot hehe. Huuu-kold yuwanerd eni hu?? Huuw?? Asan ba yung goma ko dito..

  9. anini, agree ako nang mabilis na mabilis, hi, hi. 😀

    self-confessed bibliophile at isang dork din ako. doon pa yata ako banda sa hindi likeable, hehe… btw, sobrang dami ko ring napanood na movies, local and foreign.

    and of course, dahil di naman ako kagalingan dati sa eskwela, people call me weird. medyo sanay na ako. kasi, madalas naman, those people who call me names ay nagpapatulong sa ‘kin. so, sila na rin ang bahala pagdating do’n, hehe…

    hindi naman geeky ang itsura ko. mas likely pa na bland, ‘ika nga. but some people, when they learn that you know a lot about things or that you’ve a different opinion about certain events and happenings, they tend to roll their eyes heavenward and label you as weird or geek or ms. know-it-all. gano’n.

    minsan, i take it na lang silently [haha, as if minsan, capable akong maging silent]. better be the curious type than the shallow, opinionated, bigoted kind. at least, gano’n ang tingin ko sa ibang mabilis humusga.’yong mabibilis magkahon, ika nga. 😀

  10. dami tlagang taong nerd kung cno pa ang crush ko sia pa itong nerd bkit ba may taong nerd nd ba pwedeng iwasan yan aq nga rin minsa nagiging nerd 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s