dance with me in imaginary Waltz.

Standard

ang kagandahan sa araw-araw na pagcocomute sa jeef, bawat araw bagong karanasan at bagong eksena ang nakikita sa buhay ng mga ordinaryong pilipino. Tulad nalang kahapon, sigoro mapag-obserba lang ang butihin nyong lingkod o resulta lang ng kawalan ng magawa, si mamang traffic enforcer, nakuha ang pansin ko…. wala naman syang ginawa kundi mag maneuver ng daang sasakyan.

ang nakakatuwa lang sa kanya, para syang sumasayaw habang nagbibigay ng hudyat sa kung sino ang hihinto at lalarga, may pattern ang galaw ng kamay at paa…

1,2,3…….1, 2, 3….. (bilang ko habang pinagmamasdan ko sya) tapos biglang naalala ang bilang ng pagsasayaw ng waltz).

1,2,3…….1, 2, 3……(may saliw na na musika sa ulo ko habang ini-imagine kong sumasayaw sya ng waltz).

binilang ko talaga ang movement nya… ang saya, para akong nakadecipher ng isang napakatandang uri ng lengwahe.. gusto ko tuloy alamin ang formula ng galaw nya….kung isa syang dancer sya ay sumasayaw ng napaka graceful… punong-puno ng buhay at kulay kahit sa gitna ng mausok na kalsada…. saliw sa musika ng busina at iba’t-ibang uri ng tunog ng sasakyan.

wala! nakakatuwa lang, galing sa maghapong trabaho tapos napansin mo ang isang tao sa isang rhythmic movement…. though alam ko, universe moved in a rhytmic way, how much more to us humans… para lang isang accomplishment for the day….. napakasimpleng bagay pero minsan di pa nabibigyan ng pansin… masyado na tayong pre-occupied sa mga abot-langit na mga pangarap, lubog sa sama ng loob at naghahabol sa sa standard ng buhay na nilagay natin sa taas ng ating mga ulo.

simpleng eksena pero pumawi sa pagod kung katawan….

mababaw lang ang kasiyahan ng isang aninipot, simpleng bagay na nakakapagbigay ng ngiti…. oks na oks na parekoy… itoΓ½ ginto na sa tingin ng isang tulad ko.

Advertisements

44 responses »

  1. Nakakawala talaga ng pagod kapag nakakakita ka ng masasayang tao o magandang lugar. Makadaan nga dyan sa lugar nyo ng mawala din ang pagod ko wahehehe.

    Ingat sa byahe.ΓΌ

  2. malamang si manong enforcer mananayaw talaga yun, at masayahing tao, at nag-eenjoy sa trabaho. Napansin ko yun, sensible ba kong matatawag? Hekhek. Anii!!

  3. naks! apir tayo dyan! mababaw ang kaligayahn pero dapat talaga bawat bagay naaapreciate mo para masaya ang buhay! wag lang lahat ng sakit at lungkot! yebaaah!

    ate pachange ng link… hindi na ako si blakenwayt
    ako na si eloiski
    salamats ng marami!

  4. Hekhek, long live the legion of the northerners. Ay, si eloiski pala at anjong tsaka si beeftapa. Timog pala si ani. At gitna si j.kul! Yey sensible ako!

  5. ammmm…miss ko tuloy ang mga ganyang eksena….pero malapit ko na uling maranasan ang ganyan..ang maipit sa gitna ng trapik na may nag sasayaw na enforcer sa gitna…

    ….padaan po

  6. waltz is a dance symbolizes our elusive quest for our perfect partner, and/or our journey with that person… Nakita mo na ba anini ang taong isasayaw mo ng waltz pang habang buhay?

  7. sobrang inip mo na ata sa jeep.. a pati si dancing enforcer eh napagdiskitahan mo. hehehe yung iba talaga nakembot pa habang nagaayos ng buhol ng trapik.

    1-2-3… una kala ko hindi ka magbabayad ng pamasahe.

    may rhythm. 1-2-3. paulit-ulit na 1-2-3. kung lahat ng bagay maidadaan sa ganyan, may peace at HARMONY.

  8. naalala ko lang: may isang klase ng waltz na nagpapalit palit ng kapareha… at iniikot ang buong lugar sayawan hanggang sa makabalik sa tunay mong mahal…,

    gayundin ang pag-ibig: minsan, kailangan mong maghanap ng ilang ulit… upang makita mo rin sa dulo ang pinakamamahal mo…,

    ..,,

    magandang umaga siamea…,

    • haha, nasubukan ko yon… during hayscul… kaso nagkagulo… sa kalagitnaan ng pagpapalit ng partner may isang dumoble ang ikot kaya umusad yong sa unahan… kaya ayon may dalawang tao na magsasayaw na walang partner… para silang pinaghiwalay ng pagkakataon kasi nasa magkabilang dulo… ang kagandahan lang lahat kami dumaan sa pagsasayaw ng walang partner…. pagkatapos maikot lahat… ayon balik sa totoong partner… haha, saya pala nun.

      ang sa akin, kelangan mong maranasang paano mag-isa para makita mo ang kahalagahan ng kapareha.

      magaandang umaga din ravy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s