mag-kaibang landas

Standard

taon-taon may desisyon akong ginagawa para baguhin ang sa tingin kong di ko na kayang ipagpatuloy na paglalakbay… hindi ako humihinto… pinapahinga ko lang ang pagal kong katawan. Minsan may pagkakataong kelangan iwanan ang mga bagay at pangyayari para gumawa ng sariling landas na matatawag mong sa iyo. Walang imposible, oo wala nga, pero madaming pagkakataong aakalain mong imposible ang mga pinagdadaanan mo… takot kang mag-isa pero iyon ang nararanasan mo. wala kang magawa kundi tanggapin ito, mahirap man pero nalalampasan… mabigat man pero nakayang dalhin at pasanin ng walang tulong na hinihingi ńinuman.

gusto mong sumigaw na ayoko na!!!! pero dapat ba?, lahat tayo naranasan ang mag-isa. May mga taong isang tawag lang kaya ng ibigay ang hinihingi mo, kayang ibigay ang buong oras na kelangan mo… pero bakit mo ginustong wag tawagin ang pangalan nila?
dahil takot kang makita ang kahinaan na meron ka…. pero alam mo ang maganda? iyon pagkakataon nalampasan mo ang sa tingin mong hindi mo kaya…. masasanay ka rin… dahan-dahang maging gamay ang mundong iyong pinagdesisyonang tirhan.

wala akong responsibilidad sa ibang tao, tanging responsibilidad ko ang sarili ko… ang pagbibigay ng respeto at pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan ay kusang ibinigay, walang pagpipilit at hindi kelanman itinuring na malaking kargo ng isang pagiging ako.
madaling magbigay kung itoý parte na ng pagiging ikaw. walang hinihingin kapalit, walang hinihintay na magbibigay ng mga hinahanap mo.

pero sa pag-hahanap ng landas na hanggang ngayon ay kasing labo pa ng alkitran, may mga taong kelangan mong palampasin, kelangan iwanan, at umaasang mababalikan pa. Gusto kung itanong kung ang parte ko ba sa buhay nila ay isang manlalakbay lang na pwedeng makabalik at pwede ring hindi na kaylanman man? pero ayoko… mas gusto kung isiping kaya ko pang balikan ang mga pahinang lumipas na hindi gamit ang memorya kundi mismong makita at makasama ang mga naging kaibigan at kakilala.

mahirap mamaalam, pero kelangan, mahirap mag-panggap na okey lang kahit hindi… at mahirap mag-iwan ng ngiti kung mismong ikaw ay may agam-agam na sa pag-alis ikaw ay magiging malabong manlalakbay sa buhay ng iba.

Mga landas man ay magkaiba, umaasa ako sa muling pagkikita.—–aninipot

Advertisements

43 responses »

  1. Pagal ay pagod diba? Yehey nakaintindi ako! Haha.

    Sa paragraph mo tungkol sa respeto, eto lang ang naalala ko:

    ‘ANG RESPECT HINDI YAN INIIMPOSE MARICRIS! INE-EARN YAN!!’

    -Bea ng PBB

    Hahaha.

    Weyt lang, saan ka ba magpapaalam? Pass muna ko sa seryosong puna, medyo lightheaded ako ngayon eh. Hehe.

      • Nako mahirap nga yan. Ganyan ganyan ginawa ko ilang bwan lang nakaraan dahil sa paglipat din ng work. Pero may at least two months ka pa naman para sulitin ang natitirang mga araw. Enjoy lang. Magkikita’t magkikita ule. 🙂

      • oo nga mahirap talaga, pero parang nakasanayan ko nang mamaalam, ganun na yata ang buhay ko eh!… pero mahaba pa ang two months, pwede pa sigorong magbago ang isip ko at mag-back-out…hahaha,
        hmmm, malabo din palang mag-backout ako… mas love ko ang work na yon.

      • May dalawang bwan ka naman para mag isip. Take your time. Wag lang lalampas sa dalwang bwan ang time mo sa pag iisip kase parang wala lang yon. Haha.

        Gayahin mo si Noynoy. May nalalaman pang retreat retreat para makapagdecide tumakbo. 😛

  2. Tanggap ka na guro?

    Bumalik, huwag putulin ang anumang nagdurugtong dahil sa paglalakbay, masarap lumakad na maraming bulaklak, at kung anu-anong bitbit.

    To Vajee, mali ka sa pagal, ang ibig sabihin ng pagal ay buhangin..oo buhangin.

    Ngork

  3. …. minute of silence
    .
    ..

    pero mahirap lalo na ang mga taong dumadating tapos inakap mo. pag dumating time na kelangan ng mag paalam, baka di ka bumitaw sa pagkaka akap.

  4. Hahaha, nakakamatay ang hininga non utoy eh.

    Kamusta ka na?

    Friendster na pala kayo ng princess Ani ko?

    Ligawan mo kaya siya Utoy.

    Sige na, anong animal sign mo na nga ani?

  5. ay hehekhek, titser aniiii….. answit pakinggan. tatlo ba kailangan? sabihin mo ako na yung isa. reresign ka na talaga noh? hmmmm… leo ako j.kul hehehehe..

      • Ako din dati, feeling close sa dumadalaw, mahirap palang isustain kc gusto mo lahat, bibigyan mo ng atensyon.

        Kaya kung sino na lang dumalaw, siya ding pagdalaw ng J.Kulisap sa lungga nila.

        But you and Dalisay will always be my princess kahit ligawan ka pa ni Hamham o Yin.

      • haha, ate ako ng little hamster ko…
        mahirap ngang i-sustain kaya wala akong blogroll…. pero ung mga naging
        personal favorite ko madalas ko talagang balikan, kahit di ako nag-cocomment
        mahirap magkaron ng ibang links sa mga blogs na gusto ko, baka may magbago
        yon nga lang…may panahong gusto kung makipag-kulitan kaya lumalabas ng bahay si aninipot.

  6. mahirap mamaalam, pero kelangan, mahirap mag-panggap na okey lang kahit hindi… at mahirap mag-iwan ng ngiti kung mismong ikaw ay may agam-agam na sa pag-alis ikaw ay magiging malabong manlalakbay sa buhay ng iba. — ay un oh, kaya pala hinahanap mo ang aking lumang post.hahahaha.. oh tapos wala na daw ako makomento sa sobrang lumubog ako sa post na ito.hehe 😀

    hindi ko pa binasa yungmga komento sa itaas kaya hindi ko pa alam kung bakit ito yung post mo, post vday ba ito, o wala lang trip mo lang.hihi. lumulutang nanaman ako, pasensiya na.hihi. but i hope you’re happy sa daang iyong tinahak.. oo masaya ka, ikaw pa.hehe 😀 ingat!

  7. dahil takot kang makita ang kahinaan na meron ka…. pero alam mo ang maganda? iyon pagkakataon nalampasan mo ang sa tingin mong hindi mo kaya…. masasanay ka rin… dahan-dahang maging gamay ang mundong iyong pinagdesisyonang tirhan.

    gusto ko ‘to. parang namamaalam si ate ah. pero feeling ko, di kaya hmmm dumadotcom ka na rin? ehehehehehe!

  8. haha, di naman ako sa blogosphere mamamaalam… sa mga bagong naging kaibigan at katrabaho ang post na to…. may gagawin kasi akong pagbabago…. susubukan kong magturo… new working environment, new sets of friends and everything…except sa pangarap kong gustong abutin.

    ang pamama-alam na to ay isang hakbang para matupad ko ang pangarap ko… yon lang…kasi dilemma ko ang mag-goodbye…haays!

  9. Igan sa ngayon madali lamang balikan ang ating mga naiwan, ipikit lamang ang ating mga mata, hayaang maglakbay ang ating diwa hanggang sa marating natin ang matagal na nating inaasam-asam na balikan. Masarap balikan ang nakaraan. Napadaan lang. Musta?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s