gusto mong tumambling?

Standard

inabot na naman ako ng oras na gusto kung tumipa, basta titipa lang ako hanggang sa gusto ko, hindi ako mag-eedit at di ko narin babasahin hanggang di ito natapos…. lukring no?..pasensya sa mga napadpad, wala kayong pwedeng kainin dito… walang panahon si aninipot magluto…kaya kung ayaw mo go… no probs…

may tanong ako? pag ang tao ba di pa nasubukang makipag-relasyon ibig sabihin di pa sya umibig?… hindi diba? wala lang tinanong ko lang baka kasi isa ka sa mga taong nagtatanong if marunong ka bang mag-mahal…hmmm, february pa naman kaya pwede pang mag-pakakeso… saka kahit anong panahon uso ang keso literally ang figuratively, kaw na bahalang umintindi…kaya mo na yon…nasa wastong pag-iisip ka na..as in matanda na?…hmmm, walang mang-aaway, ako lang ang karapatang mang-away ngayon dahil trip ko…basta! pag magulo ang utak, walang sinasanto…wala lang, di ako nag-iisip ng matino basta pwedeng ilapat dito..yon na yon!..

bakit madaming taong gustong tuparin ang pangarap? pwede ba itong dalhin pag namatay na tayo? bakit nauso pang kumain three times a day?( gutom lang po..hehe) pwedeng wag na lang…. ang hirap kasi sa mga pagkaing gusto natin yon pa ang wala.
weeh! weekend na naman, ayoko ng weekends… wala akong nagagawa kundi tumunganga… nagbibilang ng bato at dahon… pati alagang bayawak ng kapitbahay namin pinga-tripan ko… eww! kadiri ang mga reptiles kaya walang amor sakin ang sikat na mga crocodile farm and park… basta cold blooded species ayoko…. except kay lestat…crush ko sya eh…

hanggang ngayon di ko parin matanggap na nagbabago ang panahon, nagbabago ang mga paniniwala, mga paninindigan lalo na ang mga kaibigan… nasubukan nyo bang magkaron ng isang kakilala, na sobrang taas ng respetong binigay mo, tapos may ginawa syang di mo matanggap… bumulusok bigla at naging zero percent ang trust na nilagay mo sa katauhan nya… how sad, bakit ba tayo ganun?… sabagay pag totoo kang kaibigan matatanggap mo yon… hmmm, ano ito realization? hindi ikaw ang kausap ko ha, sarili ko…hmmp!…

wahaha, supladita ako, pagbigyan nyo na lang di ko naman kayo kakagatin, saka di nyo ko nakikita kaya mas okey… isipin nyo na lang lumilipad talaga ako.. at isang totoong insekto.

may kakilala kang nag-cocosplay ng mga anime?…. pakilala mo nama ako oh!… gusto kung magkaron ng kakilalang ganun… curious ako sa kanila… wag matakot di ko sila pag-eeksperimentuhan… babatuhin ko lang sila ng mga libo-libong tanong…hahaha, ang cute kasi nila… saka bilib ako sa talent ng mga yon… kaso mahal ng hobby nila… hanggang drawing lang ako. toinks!.

paliit ng paliit ang laman ng bawat paragraph, pansin mo?…. o cge rest ka muna, madami pa akong ichi-chika… ay! pwede na rin tapusin to… hmmm, wag na lang muna di ko pa alam pano tatapusin eh!…since umabot ka narin lang sa bahaging ito…pagtiisan mo na… ganun talaga ang mga walang magawa, tulad mo, kaya nga binabasa mo to…. peace!…ayaw?…kiss na lang…. mwuah!…wag magtampo dahil iiyak ako…huhuhu

pansin ko bakit ba, pag nagtxt kelangan ng haha, huhu, hehe, harhar, huholz at kung anu-ano pa… pwede namang sigorong itext narin ang nararamdaman mo nung oras na yon… tulad ng “galit ako”…(basahin ng may galit), wer na u?… o diba? mas klaro…yong radyo nga dati kahit patay na sya sinasabi parin nyang “patay na ako”.

pandagdag, wag na wag mo kong itxt sa paraang “wer na U?”… hahambalusin kita, ayoko sa mga pa-shortcut, pwede namang “asan ka?” magkapareho lang naman sila ng dami ng letrang ginamit diba?… kung sa tingin mo cute yon, pwes hindi… nakakairita sya. pero dahil may kanya-kanya tayong trip o cge, pwede kang patawarin, as if may paki ka….

balik sa pagtatype… iniwan ko sya sandali, nakikipag gyera kami ng housemate ko sa mga ipis… di ko alam ba’t may ipis sa apartment namin, every month naman kaming nagpapalinis…..hmmm, ginawan namin ng teorya ng housemate kung geologist, since wala namang tectonic movement na nangyari, normally nagsisilabasan ang mga ipis pag may isang nakakawindang na pangyayari sa kuta nila tulad ng mga kongresista… una-unahan sa palusot wag lang maipit sa kuta(sumemplang topic ko), balik sa ipis, kaya ang teoryang nabuo ng mga nagpaka-ala einstein na mag housemate ay ganito… malapit ng umulan…. o dba?…palakpakan….asan namin nakuha yon? sa baul ng utak ng mga genius…hahahaha… serious mode, sensitive ang mga insekto sa pagbabago ng panahon… pag masyadong maalinsangan, sure yon uulan… magdidis-cuss pa ba ako about sa influence bakit may precipitation na mangyayari?…hmmm, tinamad ako eh!, i-rereserve ko na lang yon sa mga future students ko…hahaha

pero simula ng makilala ko ang housemate ko, pareho kaming gustong magpalit ng field of discipline… na-amaze ako sa mga geologist ang galing nila talagang mag-identify ng mga minerals… tapos ako naman sa mga dahon… kung sya nangongolekta ng bato ako naman dahon at seeds…. pwede kaming mag-usap whole night i-compare lang ang similarities at differences ng profession namin….ganun kami ka-adik…hahaha

wala lang pareho kasing rare professsion ang kinuha namin kaya sigoro pareho kami ng wavelength… natatawa ako dun sa sinasabi nyang tinitikman nila ang bato…wahaha, mas weird pa sila kaysa samin…atleast ang dahon pwede naman talagang kainin… sinong di pa nakakain ng dahon… im sure you did, ayaw mo ng gulay?… hahaha, isipin mo nalang parang kumakain lang ako ng gulay minsan, but a raw veggetable, tapos fresh from harvest kasi inakyat namin sa puno makakuha lang ng sample….hahaha.

o tama na, pagod na ang kamay ko…bahala ka na, paano iintindihin ang mga pinagsusulat ko, isang congratulation lang ang makukuha mo…haha, congrats umabot ka dito…pero teka, tama ba, congratulation or congratulations?…haay! ewan, umikot na ulo ko…hanggang sa muli…hasta la vista baby…….hehehehe

Advertisements

136 responses »

  1. kulet! .. haha! Miss Anini, anung field ng work mo?.. Botany?.. Ikaw lang ang kilala kong nag post ng tungkol sa Pag-ibig, Crocodile farm, Ipis, Geoscience, Trust, at Dahon… Haha! Nakakatuwang basahin.. Hehe…

  2. You don’t have to apologize. Seriously, I never read any of my entries after I publish them. I only edit them if somebody else noticed something wrong but what I usually do is write-write-publish straight. Raw is beauty for me. 🙂

    That’s probably what other people would say about loving and /or getting into a relationship but that’s only because that’s what they can only see. I mean, nobody has the ability to read what happens in our head, so I think they can be forgiven. But for them to say that publicly is stupid.

    OMG LESTAT. Hahahaha. Apir Anini! 🙂

    I love this paragraph about trust Anini. I just saw myself in you. I doubt that that is a good thing but whatever. 😛

    Hahahaha. Palagi akong may ‘haha’ sa text! Nayay!

    Kungrets Teacher! Aylabeeet! I wanted to be a teacher before. I wonder where that dream went. 😛

    • actually i don’t know why i always say that “sorry” word… maybe it’s just a part of me… lumalabas na lang bigla kahit makasagi ng di sinasadya automatic lalabas ang sorry sa bibig ko.

      yeah! i get annoyed when someone says that “you don’t know what i felt since you haven’t been in a relationship”… how insensitive!..kahit naman di ka pumasok sa isang relasyon hindi ibig sabihin nun di ka pa nasaktan o di mo pa nasubukang magmahal.

      hahaha, dyan tayo magkakasundo kay fafa lestat..hehehe

      teacher? hmmm, dati di ko naiimagine ang sarili ko na magturo, but later on, narealize kung pang academe ang beauty ko…naks!…hahahaha, totoo mas gusto ko sa academe, may bakasyon eh!, saka ung honor at respect na makukuha mo is priceless.

  3. Pano kaya pag nagwawalis sa kalsada trabaho ko pucha titikman ko mga balat ng kendi at pinitik na upos ng yosi.. Errkk. Madami talaga tayong hindi alam kaya pag ang isang tao nagbago at lihis sa katotohanan na nakilala natin eh nakakapanibago, likas sa tao ang umiwas sa hindi niya pa naiintindihan, sigurado ang taong yun may dahilan kaya nagbago, anuman ang dahilan niya galing man yun sa sariling kusa o isa lang pagkakamali- hayaan mo na lang at kung paaapektuhan man tayo eh gamitin natin sa pansariling kaunlaran yung karanasan at kung mahalaga naman ang taong yun eh komprontahin. Hmmm, munggo yata kinain ko kanina napadami protina, putik. Adik-adik na naman ako anu ba mga pinagsasasabi ko ani.. Yung tungkol sa pag-ibig si j.kulisap tanungin mo para konsulta niya bola niya hekhek. And the sun is the center of the solar system.
    Sayang di ka nanalo sa cuarto cuatro ani hehe! Salamat sa pakikipagkulitan!

  4. hahaha! napapailing ako habang nagabbasa eto ani, kase nman mukha kong tanga dito sa ofc, di maalis ngite ko. an lakas ng tama mo, nu bang nakain mo?! hahaha
    ito pinaka-gusto ko: “ganun talaga ang mga walang magawa, tulad mo, kaya nga binabasa mo to…. peace!…ayaw?…kiss na lang…. mwuah!” — wahahaha! tinamaan ako, sapul na sapul! pinakagusto ko ung dulo. wahahahaa 😀

  5. Ang daming nakasampay sa sampayan.

    Digz lahat.

    Uhmmm, ang sarap ng niluto mo, ang daming lahok ineng.

    Ngayon ko lang napagtanto ang sinasabi nina tatay at nanay na kapag ang mga kulisap ay nagsisilabasan sa lungga, uulan daw….’hindi naman sila geologists, palagay ko nasundan nila ang pattern ng mga behaviour ng mga kulisap at ng panahon.

    Useful kaysa sa article ni Vajee.

    Asan ‘yon, tatarayan na naman ako nong batang yon.

  6. Sinaid na ni Vajee ang katas ni Lestat…etsas na ang labas.

    Potek na buhay ito oo.

    Brett, mas malaki pa kargada mo don Vajee, sinasabi ko sayo.

    May bata ba dito?

    Mga bata ang kargada ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid. Ha? Tandaan..Tandaan.

  7. hmmmmmmmmmm

    thats life.. maraming kaguluhan hahaha.

    sa mga cosplay, minsan natatakot ako lumapit sa kanila kasi parang pag nilapitan mo ihahadouken ka o kaya i kakagebnshin teknik.

    napatambling ako sa pagbabasa. hahahaha
    ilagay kaya kita sa cocoon? hahaah

    ate ani ko!

  8. Ang pagiging matino.

    Bow.

    Pagkakaroon ng kaukulang pag-iisip para hambalusin ang mga pagsubok ng buhay sapul sa noo sa pamamaraang affordable at hindi masakit sa mata pero malupit sa bituka, mayaman sa protina, magaan sa kaluluwa, mabagsik sa ka**, pagkakaroon ng maangas na tubol, sapat na kakulangan ng tulog, kakayahang lumunok ng buong bayabas, lahat sa kapangyarihan ng kaning lamig.

    Ang pagiging matino.

    Bow.

    (edited version)

  9. so randomly post, pero ito yung tumatak sakin:

    1. nasubukan nyo bang magkaron ng isang kakilala, na sobrang taas ng respetong binigay mo?

    >I don’t believe in FANS.. I think there is no such thing.. Only an admiration. You admire that person because there something in him/her that you love about. If that admiration failed, the relationship between the two will also failed. The problem here, is not him.. it’s you.. He is also a human, lahat naman tayo nagkakamali. Sobra ang expectation kasi na binibigay natin sa kanya, na di natin naiisip na katulad mo din xa.. nagkataon lang, na siguro may mga bagay na nagagawa xa, na akala mo di mo magagawa.. pero parehas lang kayo..
    Kung sakaling, may pagkakamali xa, at tinanggap mo yun kahit mali at alam niya sa sarili niya na mali xa, that is not an admiration.. that’s acceptance.. 🙂

    Ang haba ng sinabi ko..

  10. wAhaha parang nakainom ka lang ng isang litrong kape at di ka nakatulog ng 48 hours kaya binuhos mo ngayon ang lahat ng naisip.haha… nagtatype din ako ng ganyan sa word, hindi ko lang pinupublish, mawiwindang ang makakabasa eh.haha.

    um sinabi na din dati yun ng lola ko nakapag naglabasan ang ipis o insekto uulan. umuulan nga naman.hehe

    pag ang tao ba di pa nasubukang makipag-relasyon ibig sabihin di pa sya umibig?… – hindi, in denial lang siya.hihi.

    nasubukan nyo bang magkaron ng isang kakilala, na sobrang taas ng respetong binigay mo, tapos may ginawa syang di mo matanggap… bumulusok bigla at naging zero percent ang trust na nilagay mo sa katauhan nya… — oo sobrang daming beses na! kaya hirap ako magbigy ng tiwala. naisip ko lang, hindi rin naman hinihingi ng tao na ibigay mo ang isang mataas na respeto eh, atska tao din siya nagkakamali. pero ang hirap ibalik ng tiwala kapag ganun ano? tsk!

    um ano po ituturo niyong subject?? botany? kung yuon, nakuw! ayoko ng subject na yun eh, kawindang! hihi

  11. pag ang tao ba di pa nasubukang makipag-relasyon ibig sabihin di pa sya umibig?
    hindi. kahit wala naman sa relasyon, umiibig naman eh. parang di ba? yung pagkain love mo! basta ganun! hahaha! ang labo ko ba? sabi ko naman sayo wala akong alam sa ganyan! amp!

    gusto ko tuparin pangarap ko kasi simple lang. yun ang goal/mission ko sa buhay! hakhak!

    hahaha! wer na u? d2 na me! pw3d3eeh pOwh FRi3enDsszzhh? hahaha! syet ang hirap magtype ng ganyan! hahaha!

  12. teka naligaw yata ako …
    uhmmmm.pero di bale….
    oh ba’t di ka tumambling ? haha
    forester ka kamo…hmnmm wala lang
    naisip ko lang baka ikaw na ang susunod na supah heru na magliligtas nang planet earh….(uo sadyang walang “t”)

  13. yan ang tipo kong pagsusulat… tawag ko diyan (pasintabi sa mga kumakain sa harap ng computer o mga maseselan) ay Brain Diarrhea! Kasi hinahayaan mo lang mag-flow ang lahat ng pumasok sa utak kasi nasira na. Pagkatapos mo ilabas lahat, magaan na rin ang pakiramdam mo. (ayos ba sa metaphor? :D)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s