oras

Standard

may pagkakataong mas gugustuhin nating manahimik,
madaming pwedeng i-kwento pero pagod kang mag-salita.
ayaw makihalubilo pero ayaw ding iwanan ang iba para mag-isa.
tama lang ang pag-mamasid, okey na na malaman nilang andyan ka.
minsan mas maganda ang magkaroon ng katahimikan.
pwedeng mag-salita ang iba, tanging parte mo ang makinig.
walang gagawin kundi uupo sa sulok.
panahong kaya mong magpalabas ng buntong-hininga,
walang tanong, wala ring responsibilidad na sumagot.
kalimutan ang lahat ng pangarap,
kakalimutang kelangan mong umusad.
sadyang masarap ang pagkakataong mamahinga.
kahit isang oras lang, kahit kunting panahon.

nakakapagod maghabol ng oras,
pwede bang patayin na lang?
sa paanong paraan naman masusubukang pinatay mo ang oras?
habol tayo ng habol, ngunit tama bang habulin ito?
may extra points bang nakukuha pag nahabol natin ito?
di naman natin nadadala yan pag namaalam na tayo sa mundong to.

nanghihinayang ako sa mga oras na ginugol ko sa pag-aalala.
nanghihinayang ako na ginugol ko ito sa pag-rereklamo.
sana ibinigay ko na lang ang oras ko sa iba.
pero may magagawa pa ba ang panghihinayang?
wala di ba? kaya cge go, bahala na.

Advertisements

69 responses »

  1. Chii!. kaya siguro hindi ka makarelate sa mga posts namen.. 😀 tinitignan mo ang aras.. 😀 hehe.. 😀 hindi naten hawaka ng mamaya o kanina.. kung anung meron ka ay yung sandaling ito..

    wala lang.. Haha! Gubmorning Simea! base ba ako?…

    • Yvarro, hindi ako makapagkomento talaga sa site ni Md.

      Hiyang hiya na ako.

      OPEN ID ang gamit ko, kailangan siguro may ayusin siya don.

      Basa lang ako ng basa.

      Ikaw rin ba si MD?

      • nakuw.. hindi po ako si MD.. 😀 pero kilala ko po siya.. 😀 hehe// bagong site na po niya yan.. sa wordpress na, bukod po dun sa blogspot po niya.. 😀
        .. para madaling maaccess.. daanan nio po kuya kul.. pag may oras.. 😀

  2. bat kasi kelangan habulin? bakit?
    hindi ba pwedeng sumabay na lang?
    pero magaling ako sa habulan.
    at kadalasan sila lagi ang humahabol.

    pati tuloy ako nahawa sa’yo.

  3. Dumarating ‘yan.

    Ang masama kung lageng walang pinatutunguhan ang pag-iisa at pananahimik.

    I for instance will walk for how many kilometers here in Manila.

    Take note of the time, midnight.

    • hmm, missed that moment, sa probinsya namin ganun ako pero takipsilim lang.

      panandaliang pananahimik lang naman kuya… kahit naman kasi may maganda kang nagawa o may bagong balita para sayo, masarap parin yong manahimik paminsan-minsan.

      masarap pagnilayan ang mga nangyari sa ilang araw na walang pahinga.. literally ginagawa ko yan…kahit dito sa office, wholeday akong tahimik, nagsasalita lang pag- importante.

    • hihi.. trabaho ko din yan.. 😀 pag sobrang bored nah.. 😀 magtatawag ng mga kaibigan tas lilibutin namin ang manila ng nakamotor, o kaya naka koche, tambay sa baywalk… ligid sa circle.. 😀 coffeshop hanggang mag umaga… (“,)

  4. Hello Pot-Pot!

    Time capsule, time machine, time travelling… Magagawa mo yan sa iyong isipan. You don’t need to rush and catch up with time. Take things as it is. Pero, oo “what if”… Hanggang dun lang. Hanggat humihinga ka magagawa mo ang gusto mo, it is not always within your time frame but in God’s chosen time. Be still and let your body rest. Be one with your surroundings / nature and the enery flows… Time is everlasting and so is your spirit.

  5. i-bote natin ang oras at ilagay sa freezer. para kapag kailangan mo na ulit may magagamit ka. lol

    don’t freeze in that moment but let time pass by as it naturally does.

    o kaya i-adjust mo yung kamay ng relo… puede i-advance o kaya gawing late.

    if you can’t cope up with what you want to do or with everything else, what’s the rush? be calm and patient enough.

    a time for everything, besides time is not measurable by mere instrument or calendar pages. time is in your hands my dear.

    • napaisip ako…. time is in our hands.
      yeah! it’s within us and God’s time….. i sometimes felt that i’m so tired of catching i even don’t know what it is.

      and your right kuya…why i should rush in… in fact i can make my time slow down…. i always forgot that evertyhing that happens has a purpose.

      thanks kuya….

      • exactly… when you feel like being old and left out due to lesser time, why not make it the other way around? ewan ko ah, pero… ang feeling ko kasi sa ganyang sitwasyon kapag oras ang pinag-uusapan… ah, ano nga ba? lol… we’re not getting any younger pero the fountain of youth runs freely within our mind, body and soul… and most especially your heart. kaya, why worry much when you have all the time in the world to reach for the stars.

        (may sense? walang sense? basta, may gusto akong sabihin pero di ko masabi… in due time. kelan kaya yun? hmn. lol. bangag.)

  6. lagi tayong manghihinayang sa oras hanggat di tayo nasa-satisfy sa kung ano ang ginagawa natin dito.

    o pano, alis muna ako. naghahabol ako ng oraw eh. magbablog hop pa ako.hehe

  7. Yep, exactly how I am feeling today. I have a lot to say, and I mean A LOT. But I don’t seem to find my drive to do so, and I blame everything to this shitty little world. Sorry for letting it out here.

    I think that’s how the first person who ever thought about time travel thought about time travel. Everyone regrets some things they did in the past and wished that it was done some way else. Spent some time with other people than who they had then, and thought about other things we did then. In a way I find that cool. You see how we only get creative when things are not going our way. 🙂

    • hmm, i think its normal.. or maybe part of being normal to regret something we didn’t do when in fact we have so much time… it may be a way to make us realize how worthy they are or what we have…

      and i agree, people become creative when things are not going on our way… we still don’t know… maybe you can discover somethings worth millions because of that?..hahaha

  8. Minsan nakakatulong din ang pagrereklamo, o ang panahon na ginugol mo dito, o siguro ang karanasan na hinatid nito, gaya nga ng ultimate philosophy ko eh may mapupulot ka sa lahat ng bagay, kung hindi ka dumaan sa estadong un nuon eh wala kang posteng ganito at wala kang minumuni-muni ngayon. Alam mo kung saan ka nanggaling at yun ang magbibigay sa yo ng direksyon kung san mo gugustuhin tumungo.

    Pandesal at peanut butter ang kinain ko ngayon lang, at hindi pa ko sober dun, pasensya sa adik na komento ani. Hehe.

  9. madalas ko ring sentimyento ‘yan. ang dami nating pagkakatulad. haha.

    naalala ko dati, sinabi ko sa kaibigan ko na kung sumasali ako sa mga marathon, baka magchampion ako.

    lagi ko ring natatanong, pwede bang mamahinga nalang?

    pero naoovercome din naman. at tuloy ang buhay. araw araw, sinisikap kong mas pagandahin ang ngayon kaysa kahapon. 🙂

    • korek! mas mabuting pagsikapang pagandahin ang ngayon kaysa kahapon…pero minsan naiisip ko kung umabot na sukdulan ang pagsisikap natin, umabot na tayo sa pinakamataas, gugustuhin pa ba nating magsikap kung wala ng pwedeng akyatin?

      baka sa mga oras na yon, gugustuhin na natin mamahinga at bumaba.

  10. we cant waste time thinking about our regrets and how we wasted time…..

    pero kita mo si jkul—timeless sya. dahil nagsawa kasi sya sa….hehe secret.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s