sino?

Standard

it’s so sad that until now, im still undecided if who would be my president this coming election…
nakaresearch na ako, pero wala, di ko mahanap ang gusto kung presidente, ang magiging bagong magulang ng bawat pilipino.
hindi ako naghahanap ng perpektong presidente, kung walang choice, then choose the lesser evil…. But my God, ganun nalang ba palagi?…lesser evil?…

it’s so sad, when you see that almost all of us wanted to exercise our right to vote, and we were hoping for a change but we haven’t enough choices… nakakalungkot ang sitwasyon natin no?…kung kelan lahat gusto ng pagbabago wala namang mapipiling mabuting liderato…

hmmm, sigoro mali ako, sigoro may mali sa obserbasyon ko..sana…

pero kung wala na talagang choice, sana taong bayan ang huhubog sa magiging bagong presidente, wala nang perpekto ngayon..pero may pag-asa pang natira… nasa kamay natin ang pagbabago pero di ko alam pano ang paraan ng pagbabagong sinasabi ko..

hindi malinaw ang mga mangyayari, lahat naghahangad ng malinis na election, pero may pangil ba ang kagustuhan natin ng pagbabago?…kasi kung puro salita ka lang…mahiya ka naman.. kung sino ang gusto mo panindigan mo… mali ba na ang salitang nabasa mo ay galing sa undecided na tulad ko?

ok, madalas last minute ang desisyon ko… kaya hangga’t wala akong nakitang solidong rason bakit ko sya iboboto, hindi ko isasarado ang pintuan para sa pamimili kung sino.

Advertisements

26 responses »

  1. That was kind of my problem when I was initially evaluating all of the potential presidential candidates. We always had to settle for the lesser evil. If you have time, read my post, Paid for by Friends of Vajarl ang title. I wrote that sometime in November or December. We might have the same opinion regarding these goodfornothing candidates.

    Mahaba pa naman ang panahon. Magisip isip kang mabuti. Ang importante, wag mo iboto si Erap. Hehe.

    • haha, nabasa ko na… hmm. pareho nga tayo ng opinyon tungkol sa kanila….

      pero humagalpak ako sa kakulitan…naisip ko tuloy ganun ang takbo ng utak ko so malamang may panahong pagtatawanan ko ang laman ng utak ko..hahaha

      • May sequel yan! Haha. Kaso di ko pa sinusulat. Saka na.

        Eniweys, deeeba, deeeba? Hindi ko ata nabanggit ang opinsyon ko tungkol kay Erap don, per ospecial sya kaya ang panlalait ko sa kanya eh may sariling entry. Haha.

  2. noong una, nalilito ako kung sino ang gusto ko iboto. pero apter an eon, ayun, meron na talaga ako napili.
    nakakatuwa nga kasi si mama kahel ang pinili. si papa dilaw. at ako naman berde! hakhak!

    pero kahit sino manalo okay na sa akin. basta ang importante malinis lang talaga ang eleksyon. ayaw ko ng ng dayaan. kung sino ang pinili ng taongbayan, e di siya.

    • haha, kasing kulay din pala ng mga pinili sa bahay namin..ako nalang ang wala pang kulay… kanya-kanya kami…walang pakialaman kaya nga di na kami nag-uusap ng pulitika sa hapag-kainan, dahil sa malamang magulo at maingay ang labas…hahaha

  3. hello! gubmornim! … natuwa naman ako sa “lesser evil” … ahaha! parang 95 percent sterilized… (na not existing naman yung ganung term) ahaha!!!

    pero ako’y naniniwala pa rin… na ang ilalagay ng God sa puwesto ay karapat dapat para duon, at kung hindi man, may dahilan ang lahat… πŸ˜€ beyond the democracy of this nation… naniniwala pa rin ako na sakop pa rin tayo ng monarchy ni Lord: Inaappoint niya kung sino anggusto niang maging presidente… (front lang yung election, hehehe)…

    wala pa akong maskarang maisip para itanim dito sa kagubatan mo miss anini… kaya si Yvarro muna ang pinatmbay ko dito…:-D

    • diba may kasunduan na tayo… na kahit anong maskara mo, yvarro lang ang tawag ko…kaya bahala na kahit sinong maskara…haha

      hmmm, sigoro nga, everything is within God’s plan… kung sino man sya, it happen for a reason.

      • honga.. sige para sa iyo… si Yvarro na lang ang tatambay dito.. :-d hihihi!!!… πŸ˜€ at least mas normal akong mkakareply sa iyo… πŸ˜€ hehe… πŸ˜€

        uu.. it alsways happen for a reason… may magandang plano kung sino man siyang mai hahalal… πŸ˜€ hehe…

        ahit iboto ko ulit si Erap, at o mandaya man si “_________”, i kampanya ko man si kuya Gibo, o si Manong Manny… Kahit Mag Eddie ako pa ako… Si Lord pa rin ang magdedecide ng mga bagay bagay… πŸ˜€

        pero… dapat maging matalino pa din tayong mga botante sa pagpili.,. minsan kase… hinahayan ng Diyos na magkamali ang isang tao ( o ang isang Nasyon, sa sitwasyong ito.) upang matuto… πŸ™‚

        partida… si Yvarro pa lang yan… hehehe… si AnimsΓ¨, nakatambay sa bahay ni kuya Kaspangarigan…

  4. Paano ba tayo bumuboto?

    May artikulo ako dito, hindi ko pa lamang mahanapan ng tamang tyempo.

    Sa dinamidami ng mga impormasyong pwede nating gamitin para makilala ang ating ihahalal, ang nangyayari lalo pang nagpapagulo sa ating pamimili.

    Malungkot na tagpo ang buhay kandidato at botante dito sa ating bansa.

    Nariyan ang kaniya-kaniyang dura sa kalaban, kaniya kaniyang pagkilos na animo walang kasalanan at sukdulang parang siya na lamang ang tao sa Pilipinas.

    Noong una, minaliit ko ang kakayanan ni Noynoy..hindi ko siya kilala at hanggang ngayon hindi ko siya kilala pero siya ang aking iboboto.

    Sabihin mo sa akin kung sino ang mismong may kadikit sa mga kandidato sa pagkapangulo, yong tipong nakasama mo na siya sa pagtulog?

    Maaring tanungin ninyo ako kung bakit si Noynoy.

    Tao siya, may puwang para matuto, may matibay at malawak na pundasyon para gabayan ang kaniyang hakbang at programa.

    Opisyal na ang aking pahayag.

    Noynoy, hindi na rin kita hihikayatin pa kung ayaw mo kay Noynoy dahil paggalang sa karapatan ang isang isinusulong sa bansang ito.

    • tama ka kuya, nakakalungkot ang realidad ng eleksyon sa pilipinas…

      sigoro nga simulan natin sa respeto ng bawat mambubuto, ang karapatan nilang mamili kung sino ang gustong lider ay isang hakbang para matupad ang gusto nating pagbabago.

      • Oo.

        Si Noynoy ang kinakampanya ko, wala akong hinihinging kapalit ng aking oras, sa pagtipa ko ng mga salitang nag-uugnay kay Noynoy, sa aking Facebook, Friendster, sa blog.

        Taos sa puso ko ‘yan, at hindi na ako kailangang bayaran para tumulong.

        Sana lang, may mga pusong marunong tumanggap ng pagkatalo, pag-ibayuhin ang pagtulong kahit wala kang posisyon sa lipunan.

        Isa pa, hindi nagiging ganap ang isang pamahalaan kung walang maayos na tagasunod.

        Hindi matatapos ang kakasigaw kapag ganyan ang kalakaran.

  5. di ako makakaboto dis election kc wala ako sa atin tapos di rin ako naka pag paregister dito.

    at kahit ata pwede akong bumoto, wala pa rin akong ilalagay sa espasyo para sa Presidente. wala akong mapili sa kanila.

    • karapatan mo namang wag iboto ang ayaw mo…maybe next time, makakaboto ka na…

      kahit ako nahihirapan kung sino pero sayang ang isa kung boto kaya alam ko makikita ko rin kung sino ang dapat pag-bigyan ng aking boto.

  6. Sana malinawan ang inyong isip kung sino ang inyong iboboto lalo pa’t ang kapakanan at kinabukasan ng bansa ang nakasalalay. Isang taimtim na pagpapasya, Mahal na Prinsesa Siamea.

  7. totoo yun pati nga ako nalilito kung sinong iboboto ko.. kaya dapat talaga mag observe tayo kung sino talaga karapat dapat.. yun nga walang perfect.. pero sana naman yun kayang humawak ng bansa dapat ang manalo hahayss let’s just pray na i open ni God un eyes natin kung sino talaga deserving… at hindi lang naman sa pag boto magtatapos itong pagbabago na ito.. simula pa lang yan at kung sino man ang manalo.. bigyan natin ng chance πŸ™‚

  8. Naloko nah!… Hindi ako mahilig sa politix!!! ahaha!!!! jan ako mapurol.. heniweiz… magbabasa basa na nga lang ako ng tungkol jan, para atleast bago mag Mayo… magkaroon naman ako ng punto de Vista… Kahit na Punto de XP.. o kaya… Punto de Dos…

  9. ako din gang ngayon di pa ko decided between Noynoy and Villar. Aminin na naten, silang dalawa lang talaga ang naglalaban for the Presidency. Khit iboto ko pa si Gibo, di pa din sya mananalo. Idealistically, di mo dapat isipin kung sino ung winnable, basta iboto kung sino ang sa tingin mo ang karapat dapat. Di pinansin mga taong nagsasabing di nman yan mananalo yang manok mo, sayang lang boto mo. Katwiran ko kase pano kung lahat ng tao ganun iniisip e di sayang nman, nanalo sana sya. Kaya nung first time voter ako ganun ginawa ko, nung pangalawa ganun pa din. Sa totoong buhay di pala ganun, you have to choose between the strong contenders, kase isa sa kanila ang uupo at uupo sa pwesto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s