hindi ito tula, bow!

Standard

asan ka?

alam mo bang matagal na kitang hinihintay.

as in super tagal na.

pag nag-iisa, iniisip ko, sino ka kaya? ano itsura mo?

kaya mo kayang tugunan ang pangungulila ko?

masarap ka bang kausap?

iniisip ko, baka di lang kita napansin nung dumaan ka.

pero wala, dapat may sign diba?

dapat ba kitang hintayin o mas kelangang hanapin?

pero ayoko, darating ka sa tamang panahon.

naranasan mo kaya yong mga naranasan ko.

nasubukan mo na bang pigilan ang pagtulo ng luha mo habang naglalakad?

kahit hikbi lang, naranasan mo na yong sakit ng paghahanap ng di mo alam?

ako, madalas…

kinikilala mo rin ba ang sarili mo?

may katanungan ka rin ba na di kayang matugunan ng iba?

sana sa panahon magkita tayo alam mo na.

para ikaw na ang sasagot sa mga katanungan ko.

alam mo bang super simple lang ng pangarap ko?

pero simpleng di minsan maintindihan.

pinangarap kung makatagpo ka sa panahong buo na ako.

para maibigay ko kung sino talaga ako.

pero kelan ako maging buo?

ngayon kaya?…parang OO na parang HINDI.

nakita mo na, magulo ako…baka natakot ka.

pero sige, hahayaan kong tadhana ang magpapasya kung kelan tayo magkikita.

Advertisements

73 responses »

  1. mula sa awit ni Brooke Fraser:

    “I’ll be waiting for you baby
    I’ll be holding back the darkest night
    Love is waiting til we’re ready, til it’s right
    Love is waiting”

    ping back:

  2. yaaahoooooo!
    sino nga kaya yang tinutukoy mo?
    destiny ba, yan ba ang hinahanap/hininhintay mo?
    ay malay ko sayo.
    hayaan mo magkikita din tayo! hahahahahahahaha!

  3. baka naman anjan lang siya sa tabi tabi di mo lang maramdaman o ayaw mo pa langi entertain ang ganung emosyon dahil sabi mo nga ay prang di ka pa BUO πŸ™‚

  4. Binigyan mo ko ng idea para sa isa sa mga future entries ko Aninimaster. Salamatness. πŸ™‚

    Wala naman tayong paraan para makasigurado. Pero nasa atin ang lahat ng hope na gusto nating gamitin. Wag lang magsawa. πŸ™‚

  5. kumusta na ani? πŸ˜€
    kusa naman syang darating ani, pero dapat handa ka para maramdaman mong sya na un. minsan kase sa kakahintay ng kakahintay di naten napapansin na sila na pala ung nasa tabi naten, nakatanaw lang kase tayo sa malayo.

  6. naks. preho pla taung my hinihintay πŸ™‚
    sna mtagpuan n ntin cla bukas n! kc ang kkpgud ng maghintay e! πŸ™‚

    esmina en yvarro,.. dba iisa lng un??

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s