gamu-gamo

Standard

kung ang gamu-gamo ay nahahalina sa liwanag na likha ng apoy at kadalasan ay sila mismo ang dahilan bakit sila ay natupok nito, sana’y ganun din ang magiging sitwasyon ng mga politiko dito sa atin. Masarap isiping sila mismo ay literal na masunog sa apoy na mismong sila ang may gawa ngunit hindi, sila ay mga “fire-tolerant species”, kaya nilang sumayaw sa mismong apoy, nasusunog na nakukuha paring magmukhang malinis kahit puro uling na ang nakikita ng mga tao.

Ito rin ang nakakalungkot sa atin, madalas kulang ang ating paninindigan sa mga binibitiwan nating salita. Tulad kay Gloria, bukambibig na ayaw na ayaw sa kanya ngunit bakit pag sya ang bibisita sa isang probinsya lahat halos nagkakandarapa makadaupang palad o mapiktyuran man lang sya.

kabaliktaran ano?

sigoro isa sa mga ugat ng ating problema ay mismong nasa sarili natin, wala tayong matibay na prinsipyong pinaninindigan, at madalas wala tayong “isang salita”. Uulitin ko, walang isang salita.

kung ikaw ay nakasakay sa isang bangka, kalahati ng sakay nito ay hindi marunong lumangoy at nalaman nyong may butas ang bangka… kung sakali ikaw ay isa sa ‘di marunong lumangoy, anong gagawin mo? lalapit sa kakilalang marunong lumangoy di ba?, kahit may paraan pa namang pwedeng hindi malunod ang bangka…. nakita mo ang gusto kong ipakita?… instinct na ng tao unahin ang sarili nya, unahing iligtas ang sarili kaysa iba… mas sanay tayong magtago sa pagiging ligtas kaysa magpaka-bayaning at unahing iligtas ang iba.

ikaw? kaya mo ba?

Advertisements

65 responses »

  1. wehehe,, 🙂 bes! 😀

    Hmn… Napaka bold naman ng Post na ito?… Pero tama… ganuon nga ang “ilang” pilipino madalas… hindi nila talaga alam kung ano ang kanilang paninindigan: May kilala akong nakisali sa EDSA people power 2… sumama sa lakad ni Trillanes, nakilakad sa libing ni Cory, nakipila sa stampede ng Wowowee…

    At kung tatanungin mo siya, kung bakit siya pumunta sa mga yun, isa lang ang magiging sagot niya: Wala lang hinatak lang siya.

    Nasabi na rin ang salitang bangka: Ganun talaga ang “ilang” mga pinoy: Kung ano ang agos… Dun ang punta.

    Imagery rin po yan (gamugamo) ni Rizal anu po?: Ang pagiging mapusok, sa larangan ng prinsipyo… Sukdulang ibuwis ang buhay, makalapit lamang sa pinanggagalingan ng liwanag.

    Ngunit may panawari rin ang ating pambansang bayani na iniuugnay sa mga Pilipino: Ang Bapor Tabo, na bumabaybay lamang sa agos ng Ilog (Pasig?)… Ganun ang takbo ng pulitika sa pilipinas…

    Kung saan lang mapadpad…

    • gusto ko ang paraan kung pano mo hinimay ang aking sinulat… mas nagiging buo ito dahil sa mga sinabi mo…

      bold?..malamang di mo nabasa ang iba kung nai-post… yon nga lang sa mga mambabasa pa rin kung pano nila intindihin ang mga sinasabi ko.

      magaling yvarro…

  2. basta ang alam ko may paninindigan ako. kung ayaw ko ayaw ko. kung gusto ko gusto ko.

    dun naman sa bangka hmmm willing naman ako magpakabayani. laging sumasagi sa isip ko na unahin ang aking kapwa. ewan ko kung bakit.

    kapag pumupunta ako ng mall may makikitang damit laging nasa utak ko, aya bagay to kay mama. ewan ko ni hindi ko man lang naiisip yung para sa sarili ko. selfless ba… willing to sacrifice ba…

  3. Dahil masayahin ang pilipino. Ako man pag nakita ko siya papapicture ako kasama ni madam gloria, susungayan ko pa siya. Ang mga trapo ay sugo ng impyerno ani, natural sa kanila ang apoy. Natural din sa tao ang kahinaan at pag-una sa sarili, at diyan pumapasok ang ilang bayani para tulungan ang mahina.

  4. Pumapalaot na ang bangka ni Aninipot.
    Isinusuot na ang yari kong damit para mas maibigan ng taong gumagalaw sa lipunan ng Pilipinas.

    Kung papalaot pa ako’y baka ako na ang masugba sa apoy na siyang nang-aakit para ako na mismo ang masunog na pwedeng hindi naman.

    Likas na makasarili ang tao, maaari ko bang ikadena ito sa aking artikulo na 80%.

    ‘Yon na ang aking kapaliwanagan.

    Mahusay.

  5. Marami ang nagbabalatkayong ‘bayani’.

    Ikaw bayani ka?

    Ako ba, may silbi sa mundo? Sa Pilipinas?

    Ang demonyo ay maraming kaurian, maaring isang Aninipot, J.Kulisap, Yin, Padre Felmar…ano ka sa mga tumitingin.

    Hindi natin kayang ipagduldulan ang ating mga sarili dahil may sarili silang mata para manuri.

    • ang silbi natin dito sa mundo ay depende sa paniniwala mo kung ano ang silbi mo.
      malaya tayong gawin ang sa tingin natin magiging mabuti.. nasa sayo, nasa akin at nasa kamay ng bawat isa kung paano natin hinuhulma ang pagiging bayani.

      magkaiba man ang uri ng pananaw ng tao, may hangganan parin iyon, binigyan tayo ng utak at konsensya para makita ang kaibahan ng puti sa itim, pagkakaiba ng paglalakad sa liwanag at dilim.

      • Napag-uusapan ang konsensya.

        Mas papanigan mo ba akong mas may konsensya pa ang mga mangmang kaysa sa mga nakapag-aral na mataas?

        Pananaw ko lamang naman.

      • oo ang sagot ko kuya…

        mas higit na may konsensya ang mangmang kaysa sa mga madalas may mga matataas na pinag-aralan. Hindi lang patungkol sa mga pulitiko pati sa mga ordinaryong mamamayan, mas malinaw ang mata ng mangmang sa mali at hindi…

        hindi ko alam ang solidong dahilan, pero dahil sigoro mas takot gumawa ng pagkakamali ang isang mangmang?… pero ang nakakapanghinayang madalas sila din ang mga na-aabuso.

      • naalala ko si spongebob sa tanong mo ginoong kulisap. stupid as he may seem, pero ung innocence nya nandun, ung pagiging naive in a positve way, he has a good heart… wahahaha! natatawa ko sa comment ko. 😀

  6. ang entry mo ay parang kapatid nang artikulo na nilikha ko noong high school palang ako….kung saan sinabi ko na…..”ang mismong tao sa ating lipunan ay ang syang nagsisilbing anay na syang sumisira sa inang bayan..”

    madalas dungis nang iba ang nakikita natin pero alam rin natin na tayo ay may kanya kanyang pula……

    ukol naman sa bangka naunawaan ko sya pero
    what if ganito, ikaw naman ang marunong lumangoy pero sa banggkang yaon ang mga presidential candidates ang kasama mo at silang lahat ay di marunong lumangoy,papaano ang gagawin mo!?

    • alam mo, gusto kung humalakhak sa tanong mo… hahaha, di ko mapigilan.
      naisip ko kasing gumanti… kumbaga, amanos na…hehe

      seriously, oo kaya kung tumulong, kaya kung ihiwalay ang galit ko sa mga panahong lahat nangagailangan ng tulong…. hindi ako ipokrita pero kaya kung gawin ang sinasabi ko…kaya mo bang paniwalaan ang sinabi ko?

      yon nga lang kamalas nila, di ako marunong lumangoy…hehe

      • yeah , nakuha ko
        ou ako rin parang profesionalism lang yan walang personalan…
        lalo na kung aalukin ka nang Millions why not…
        kung sila mukhang pera aba…..pera lang katapat nyan haha…

  7. human nature na nga ang pagiging makasarili. pero yun nga ang challenge, ang hubugin ang ating kaisipan upang mas mataas sa pangkaraniwan. kaya naman eh..

    hindi rin ako marunong lumangoy, pero hindi ibig sabihin nito, wala na akong kakayahang magligtas ng iba…ewan…

    siguro nga, kailangan nating matutong manindigan..para sa prinsipyong hindi makasarili.

    • tama ka, di man tayo marunong lumangoy may ibang paraan para makatulong…

      at ang paninindigan para sa prinsipyong ‘di maksarili ang may pinakamasukal na daan para sa isang paglalakbay.

  8. We have to start with ourselves.

    Changing our ways. Yung simpleng pagtatapon ng basura. Yung simpleng pagtanggal ng crab mentality. Yung hindi nanlalamang.

    Yung survival, instincts na yan ng tao. Human nature. Pero iba ang survival sa aspeto ng pagiging ‘selfless.’ Yung iniisip pa rin natin yung kapakanan ng lahat. Yung pagsasakripisyo with the result of lowest probability ng mga unwanted outcome.

    • yeah! correct… imagine the difference between “selfish” and “selfless” , only four letters but their meaning are miles apart…..

      magkaibang-magkaiba, pero lahat nagsisimula sa sarili.

  9. Kapag sumasakay ako ng bangka eto ang eksena:

    SCENE 1:
    Salbehe: Marunong kang lumangoy?
    Kapwa Pasehero: Hindi.
    (Lilipat ng upuan.)

    SCENE 2:
    Salbehe: Marunong kang lumangoy?
    Kapwa Pasehero: Oo.
    Salbehe: Marunong kang sumagip ng nalulunod?
    Kapwa Pasehero: Hindi.
    (Lilipat ng upuan.)

    Kaya bumili na ako ng lifevest. 🙂

    Ang punto ko, gumawa ng sarili mong paraan para hindi malunod, huwag iasa sa iba.

  10. kung ikaw ay nakasakay sa isang bangka, kalahati ng sakay nito ay hindi marunong lumangoy at nalaman nyong may butas ang bangka… kung sakali ikaw ay isa sa ‘di marunong lumangoy, anong gagawin mo? lalapit sa kakilalang marunong lumangoy di ba?

    >>>totoo, hindi ako marunong maglangoy pero cguro 2 lang gagawin ko pag anjan ako sa sitwasyon na yan. Una, tatalon ako kahit di marunong lumangoy at try ko languyin ang dagat papuntang pampang, atleast nag try ako na iligtas sarili ko haha. Pangalawa, mananatili na lang ako sa bangka dahil ako ay nahihiyang maging pabigat sa iba.

  11. dahil sila ay fire tolerant,instead na gamu-gamo…sila ay mga dragon.

    lahat ng comment,sumasalamin lang na alam naman natin ang sagot sa lahat ng tanong eh.

    kung kaya pang iligtas ang bangka,simulan sa sarili.kung umaayaw na ang iba,sukatin ang risk factor ng kakayahang mag repair ng bangka.hindi karuwagan ang unahin ang sarili,pero mahirap din yatang tawaging kabayanihan ang pagliligtas ng taong alam mo naman na wala ring balak na iligtas ka kung sakaling nagbaligtad ang sitwasyon.

    this is a good post.keep writing.

      • wahaha!! naalala ko pa.. 🙂 gamu gamo ang unang pangalan ni MD.. naalala ko na nung una silang nagkakilala:

        sa post ni Kuya Kulisap na J.Kulisap, Pinalayas.

        runmdrun says:
        February 27, 2010 at 9:09 am
        minsan gumagapang din ako minsan bilang si GamuGamu…
        Pero hindi siya dapat tinatawag ng gamu-gamo dahil mas pine-prefer niya ang “Moth”. ayon sa kanya, isa siyang inglisero…

        J. Kulisap says:
        February 27, 2010 at 9:39 am
        Ibig sabihin wala kang balls? Dahil si Moth ay takot sa mothballs.

        Ahahay. Tawa muna

        Sosyalangaw says:
        February 27, 2010 at 9:41 am
        Brukuszzungeru.. korniverushkeru…

      • wahahaha!!! anung ko relation ng pagiging insekto?.. sa pagigging lalaki o babae?…?..

        musta alitaptap ko!!! *kaway kaway!!! ano ang scientific name ng: tengang daga?… 🙂

      • @yvarro: ang tengang daga ba na sinasabi mo ay yung mga fungi na tumutubo sa nabubulok na punong kahoy?

        @ajilation: walang problema, kahit anong gusto mong isipin ok lang…haha

  12. Hmmm my point k s mga cnb u! Ayw kong husgahan cla s pagiging wlng pnnindigan kc hnd ko n din cla masisi s hirap ng buhay. I gez my inuuna nla ang pamilya nla kesa s srli nlng prinsipyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s