puso ng isang manlalakbay

Standard

Ang buhay ay isang walang katapusang paglalakbay. Bilang tao, ikaw ay binigyan ng kalayaang piliin ang daang tutungohin. May pagkakataong kelangan mong maging isang mandirigmang susukatin ang tapang, nasusugatan, nanga-gailangan ng pahinga upang sugat ay maghilom at magdesisyong susugod pa ba o titigil na.

May panahong wala kang pagpipilian kundi maglakbay mag-isa, suot-suot ang sapatos o kaya’y tsinelas at minsaΓ½ nakaapak pa. Sa ganitong paglalakbay mas madalas kadiliman ang nakikita, mangangapa,natutumba, sari-saring balakid na halos ikapugto ng hininga ngunit lahat ng iyon nasa iyo parin paano mo hahanapin ang ilaw na gagabay. kung ang ilaw na tatanglaw ay pwedeng kapitan para makalabas sa kadiliman, sige humayo ka, walang mawawala kung may paniniwala.

Sa bawat hakbang na ginagawa may makikilalang tatatak sa iyong puso, ang iba nga’y may kasama pang pilat na maiiwan, nasa iyo kung paano at ano ang magiging kulay mo sa kanilang buhay, pwedeng puti, pwedeng itim at lalong pwede ang kulay rosas…. pare-pareho kayong manlalakbay, sa kalaunan may mamamaalam, may makakasama at meron ding kuntento na sa lugar na kinaroroonan nila.

Sa bawat sambit ng pamamaalam, luha ay di maiwasang papatak, takot na sa alaala nila ikaw ay mabura pero walang magawa, pag-usad ay kelangan. Pipilitin ulit na buoin ang puso, minsa’y hahayaan pang balutin ng yelo upang pansamantalang makalayo, lalakad na walang lingunan, umaasang sa panahon ng iyong pgbabalik ang dating daan ay di parin nagbabago.

Sa oras na ang laban ay para sa pangarap, bawat hakbang ay may kapalit, pawis, luha at pangungulila. Di alam kung pagiging agresibo o pagiging kalmante ang daan sa pag-akyat kaya wag kalimutang timabangin, kilalanin ang sarili, alin ang susundin? dikta ng puso o isipan? alin ang mas matimbang?

Lahat tayo ay may gustong abutin, lahat tayo ay may bagaheng dala-dala, problema sa pamilya, problema sa pera at problema sa pag-iisa. minsa’y kelangan lumipad, lumangoy, tumakbo at maglakad ngunit anuman ang mangyari paniniwala’t lakas ng loob ang pinaka-solidong sandata.

Wag matakot mag-isa, basagin man ng iba ang puso mo, mabali man ang prinsipyo mo, tanging ikaw parin ang pupulot para maging buo ulit ito. Iwanan ka man ng lahat, lumuha ka mang ng sangkatutak, may puso paring pipintig sa iyo.. iyon ay ang puso mo…

sa bawat paglalakbay, matutunan mong mahalin ang sarili mo, di ka nya iiwan…peksman!.

Advertisements

87 responses »

      • wahaha! siyempre.. aj.. maskara pa rin yun!! πŸ™‚ walang basagan ng trip.. πŸ™‚ tinatamad lang akong magbasa kanina… pero mi gusto mig bis sa post ni anini…

        ang tunay na comment ko:

        nangyari na sa akin yan… πŸ™‚

        yung umarkila pa ako ng jeep para magpasakay ng mga “kaibigan” ko para sa aming paglalakbay.. ung iba, kusang loob na bumaba…
        yung iba hahabulin mo, at pilit na pasasakayin muli…

        ung iba,hahabulin ka para sumabit… yung iba.. hinihintuan mo.. at hihintayin ng matagal hanggang sa lubugan kayo ng araw sa paghihintay… pero.. hindi mo pa rin sigurado kung sasakay siya…

        haiz.. nanggigigil lang ako lalo.. 😦 hmn..

        basta.. hanggang sa naisipan mo na lang na mas maganda pala kung maglalakad ka na lang.. o tatakbo… atleast.. tipid sa gasolina.

        global warming pa naman ngayun…

      • lahat ng yan nangyayari satin yvarro, mas ok nga sayo may jeep… di ka mapapagod sa paglalakbay…

        pero mas maganda paring lakarin, dahan-dahan pero makikita mo ang lahat..

        ok lang nman umiyak yvarro, atleast tao ka, hindi maskara.

      • @yvarro: bkit ka kase kumuha ng jeep para sa mga kaibigan mo? bawat tao may sariling paglalakbay, di mo sila pwedeng isabay sa kung san man ang tungo mo. hayaan mo silang maglakad katabi mo, wag mo silang dalhin, may sarili silang patutunguhan, pwede kayo magsabay, pero may crossroad pa din, dederecho ka, sila kakaliwa, madaming crossing sa buhay, sa susunod baka dun mo sila makasalubong ulit, at muli makakasabay sa paglalakbay.

        kumusta ka anini? bat sobrang seryoso yata ng mga post mo? tambay muna tayo saglit dun sa lilim ng punong mangga, kain tayo ng halo-halo. πŸ™‚

      • waah! serious na ba tapa?, haha, sinubukan ko lang mag-sulat ng something inspiring if papasa ba…. di ko kasi alam pano gagawin…hehehe

        yay! kumakain nako mh halo-halo, pero sige basta libre mo…hahaha, matakaw ako sa malamig ngayon, ang init…hahaha

      • Wahaha!! halo halo ba?.. gueh.. πŸ˜€ ako na langmanlilibre sa iyo.. Alitaptap ko… hehe.. anu banggusto mo?.. yung maraming Musa acuminata?… o gusto mu ani yung nilalagyan ng extract galing sa meat ng cocos nucifera?… wahahaha!!!

      • @ yvarro: weh! magkakilala tayo? nakalimutan mo yatang nagkausap tayo ng seryoso minsan sa ym. hmmmm… isa pa, ako nag-aya kay anini. humanap ka ng ibang mai-invite.

        anini, tara, hintayin mo ko sa duyan habang pini-prepare ko special halo-halo. πŸ˜€

      • wahaha!! πŸ˜€

        nakow! hindi ako ang naka YM mo beeftapa!! πŸ˜€ ahaha!!! nakow, isa lang yun sa mga maskara ko: hulaan mo kung alin sa ako ang totoo.. πŸ˜€ ahaha!!! psychologist yata to, magaling magpa ikot ng tao.. πŸ˜€

        at tungkol sa halo halo: wag na lang yun… pahihirapan mo si Anini lalo sa pagsasabi ng mga scietific name ng lahat ng lahok ng halo halo mo:…

        wahahaha!!!

        akin ka na lang anini.. πŸ™‚ bio major ako: kaya promise.. ultimo .. yung breed ng baka na panggagalingan ng gatas.. kaya kong sabihin.. πŸ˜€

      • hala! bigla akong natakot kay yvarro, ina-angkin mo na yata ako…

        seryosong usapan, alam mo yvarro minsan mas mahirap magtago sa isang maskara, paano ka makakatagpo ng totoong kaibigan kung hindi mo lahat kayang ibahagi ang pagiging ikaw… mas mahirap makiharap sa isang maskara, madalas naiiwan ka, susuko ang tao sayo… hindi ko alam if sinadya mo o talagang nagtatago ka sa sarili mong anino.

        @tapa: cute ng bago mong avatar, ngayon ko lang napansin… pero gusto kung umiyak, nakakamiss ang sunset na ganyan.

      • @yvarro: oh well, kung maskara man ang nakausap ko that time, no prob. pero ung maskara mong un ang naka-kwentuhan ko ng seryoso at dun ko ibinase ung reply ko sa comment mo. at parang nabasa ko yata na sinabi mong “kilala mo pala ako beef tapa!”… ngayon, sino nga ulit ung nka-ym ko? πŸ˜‰

        @anini: yeah, gusto ko yang pic ko na yan, sunset in Bora 2007 yata. medyo in-edit ng isang kaibigan, tinanggal nya ung mga nagkalat na tao sa paligid.

      • weeeehhh… πŸ™‚ psensiya na ah?.. πŸ™‚ makulay talagah ang mga maskara ko.. πŸ˜€

        hehe.. πŸ™‚ naku naku..:-) uu nga.. medyo nahihirapan na rin akong i define kung sino si ako dun sa mga maskara na yun.. πŸ˜€ hihihi… πŸ˜€ lalo na sa mga susunod na mga posts.. πŸ˜€ haha!!! na excite tuloi ulit ako.. πŸ˜€

      • Wahaha! kombip1 hindi ko na alam!! ahaha!! πŸ™‚ medyo naguglumihanan ang utak ko ngayon.. πŸ˜€ hindi ko alam ..:-D ahaha!!!

        nga pala.. πŸ˜€ nagka YM na kami ni Kuya Pseudo… πŸ˜€ weird pala ang feeling na kausap mo ang sarili mo nuh?.. wahahahahhaha!!! dapat pala, nag conference na lang kami kasama nila MB, MD, at Bentepesos.. para i level up na ang kalokohan .. πŸ˜€ wahahaha!!!

      • ummmmp….dapat pa ba akong sumingit sa usapan …teka wala na yatang pwesto….bweno tama si aninipot,,,,mas makikita mo ang lahat pag nag lakad ka….maganda man o masakt sa mata…parang sa buhay natin…ang mga kaibigan na kasama nating naglalakad ay syang nagdudulot nang saya at lungkot….pero kung nasa sasakyan ka man wag ka nalang bumitaw…..

        Magulo ba!?he jhe

  1. kung ang lahat ay may katapusan, itong pag lalakbay ay makararating rin sa paroroonan at ang tangin pabaon ko ay pag ibig…..

    tama tama, you have to stop felling sorry for yourself and realize that no one else has the answer….YOU just have to be your own hero!!!!!

  2. Ako nalang ba ang walang maisasali sa compilation ng inspirational entries? 😦

    Pero ang kulay ng saken, kulay yellloooooow! Haha. Ang kikay kase pag kulay rosas. Tanong lang pala, sino ang tinutukoy mo nung sinabi mong ‘di ka nya iiwan’? Kung religious kase yan eh quiet nalang ako. Haha.

  3. “…matutunan mong mahalin ang sarili mo, di ka nya iiwan…peksman!.” – Alitaptap

    Vajarl.. pakibasang muli kung sino yung sinasabi niang hindi ka iiwan.. πŸ™‚ ahehehe…

    malamang.,. sayo: iniwanan ka na niya nuh?…

  4. madamdamin ‘to ah.. tama yung sinabi mo.. “sa bawat paglalakbay, matutunan mong mahalin ang sarili mo, di ka nya iiwan…peksman!.”

    mahihirapan kase syang iwanan ka. ikaw kase yun eh. hehe.. ako nga hindi ko maiwan iwan sarili ko… :p

  5. inspiring ‘to.yan naman talaga ang buhay.may makikilala ka sa mga kanto ng buhay at mga himpilan,maaari mo silang makasabay,mamaaring humiwalay sa mga sangang daan.tumulong sa ilang nadadapa,tulungan kung ikaw naman ang madapa.pero sabi nga,it’s not the destination but always the journey.

    good post aninipot!

    by the way…i’m honored na maging kaibigan mo.

  6. sa bawat paglalakbay, matutunan mong mahalin ang sarili mo, di ka nya iiwan…peksman!.

    talaga namang mhirap iwanan ang sarili. pera na lang kung nasa stage ka na comatose (tama ba spelling?), naglalakbay ang kaluluwa pero ang katawang lupa ay nakalatay sa kama. ayun! hakhak!

    ang wirdo na naman ng pinagsasabi ko.

    pinapasaya lang kita kasi parang ang seryus mo masyado! hakhak!

  7. ate ko… natatandaan mo pa ko? hahahah

    ok..

    sa paglalakbay ayokong ayoko yuung mapapalapit ka sa isang tao tapos eh darating ang oras na kelangan ng magpaalam…

    magugulat ka na lang bigla mo syang maaalala sa mga bagay na nakikita mo o na eencounter mo.

    sa paglalakbay, di maiiwasang may mga bagay kang ihihinto at dadako sa ibang larangan. magpapahinga, at muling babangon ngunit patungo naman sa ibang dereksyon..

    aw.

  8. salamat po sa iyong bakas na iniwan sa aking tahanan kani-kanina lamang
    sa post mo ding ito ay ako’y naluluha? bakit? sa kadahilanang ako ay nasa banyagang lupain, naglalakbay para sa pangarap, para sa pamilya, para sa paghayo sa Panginoon. dama ko po ang iyong isinulat.

    Maraming salamat po,
    God bless po

  9. pahabol po inilagay ko po kayo sa aking link, OFW din po ba kayo? para po malagay ko sa tamang kategorya for the mean time po natala po kayo kasama si j.kulisap…

    i was touched and moved by this post. alam ko naman na hindi lang ako nag-iisa na nakakaramdam ng pangungulila sa milyung-milyon na ofw sa mundo, pero hindi natin maiiwasan na talagang minsan ramdam natin ang nag-iisa tayo.

    salamat po

    • tama lang po ang pagkatala nyo… magkapatid po kami ni kuya kulisap sa mundo ng blogosperyo…

      pero hindi po ako ofw… isa po akong mangugubat sa pilipinas…mahirap po yatang magkatrabaho ang tulad ko sa gitnang silangan…hahaha

      • ganun po ba, tunay ngang mahirap dito sa gitnang silangan maging sa ibang panig ng daigdig. nagpapakahirap sa dayuhang bayan samantalang sariling sinilangan ay hindi mapaglingkuran sa kasalukuyan

        sa pag-ibig ay tama po kayong kanya kanya tayo, subalit ang may-akda ng pag-ibig ang siyang nauuna dapat parati, ito ay sa akin lamang,

        i was really moved by your post siguro po dahil andito ako sa malayo, ilang beses kong nabasa pero iba ang dating sa bawat gala ng aking mga mata sa iyong pahina,

      • pwede po kahit ano tawag nyo sa akin
        ang aking mga kaibigan ay Pong ang tawag sa akin
        Ang aking mga estudyante naman ay Kuya Pong sa labas at Sir Q sa loob ng classroom (noon po yun)
        At ngayon ay nalulugod po ako sa kuya mizpah! yahoo. salamat po!

  10. ang ganda naman. minsan, nagblog din ako tungkol sa aking paglalakbay. maraming beses na rin akon nasiraan ng tsinelas. naubusan ng tinta ang mga panulat. napunit ang mga papel. kinailangan akong buhatin ng mga nagmamahal sa’kin. akala ko, ibig sabihin no’n, talo na ako. pero hindi. tuloy pa rin ang buhay. may mga taong nagturo sa’king magbisikleta. at ayun, ngayon, nililibot ko ang mundo. tama, mahalin ang sarili. dahil sa pagmamahal na yan tayo kukuha ng maibibigay natin sa ating kapwa. manindigan. kahit masakit ang pamamaalam, ituloy natin ang buhay. baunin ang lahat ng aral na natututunan sa paninimula ng bagong paglalakbay…na iba na ang kasama. waha.

      • kanya-kanya po tayo ng pananaw sa pagmamahal ginoong mizpah, pero kahit ano pa man iyon, ang pagmamahal ay isang pagmamahal…bow!..hehe, pasensya kung pinag-lalaruan ko ang pagsagot.

        @sisa: tama ka, agree ako sa lahat ng sinsabi mo, wala na akong maidadagdag pa… Godbless kapatid.

  11. Hello aking prinsesa Ani, nasaan ang prinsesa Tutubi.

    Pag ginanahan ako gagawa ako ng adventure natin.

    Maghahanap pa ako ng mga kamag-anakan.

    Syempre ang location sa gubat.

  12. Pingback: PABA – 470 = 1 | World online hosting review

    • ate san, binasa ko ulit ang sinulat ko at ngayon ko naisip na namimiss ko na ang magsulat ng mga ganitong post.

      babalik ang dating aninipot promise! πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s