sampayan ng salita

Standard

BABALA: Reading this post is dangerous to your mood…. lol, lukring lang.

okey, eto ay sampayan ng mga salita, anuman ang mga maisulat dito ay di ko alam bakit ito ang mga tinipa ko, walang draft, go lang ng go… ready?

simulan natin bakit ako gumawa ako ng post dapat hindi, pero dahil nagising akong masakit ang ulo kaya hayaan mo ko… pampawala ng sakit ng ulo ang pag-bablog, agree? kung ayaw mo, cge.. paki ko, umaandar ang katarayan kaya bahala ka na paano i-digest ang mababasa mo, kung mapapagtyagaan mo to…hehehe

scratch muna…testing, mic test…

o sya, pwede na ba akong kumanta, este tumula pala…pero ang alam ko lang na tula ay iyong “ako’y tutula” sample?

ako’y tutula, mahabang-mahaba
ako’y uupo, tapos na po.
bow.

may isasampay ka ba?

naalala mo yong bugtong na “hindi hari, hindi pari, ngunit ang damit ay sari-sari”. tama ba? ang sagot ay tadadantadan….. SAMPAYAN.

wala lang…masarap mag sampay ng mga salita, iba-iba tapos ikokonek mo sa ginagawa mo, tulad ngayon, kumakain ako ng chocolate, pampa-uplift daw ang matatamis, pero ako, nafrustrate…kulang eh! penge na lang ako ng tsokolate…haha
anong lasa ng tapoy (as in rice wine)? curious ako, kaso di daw pala pwedeng ipa-LBC ang kahit anong klaseng liquid, kaya eto maghihintay ako sa panahong makakapunta ako ng Benguet… pero if may marunong gumawa, turuan nyo na lang ako…hehe, pwede?

may napansin ako, madalas akong mag-ikot-ikot sa blogosperyo, nahahati pala tayo sa iba’t-ibang grupo, kumbaga may kanya-kanyang tribu, may masasaya, meron ding mga emo at kung anu-ano pa, pero gusto ko dito, lahat tsismoso/tsismosa este machi-chika, madami akong natutunan sa mga talakayan… kanya-kanya paniniwala pero nananatili ang respeto sa opinyon ng bawat isa.

alam ko, minsan sa mundo ng blogosperyo dapat may angas ang mga artikulong ginagawa para may babasa sa gawa mo, pero paano ang mga taong walang mailabas na angas sa katawan, minsan nalulula ako pag nakakabasa ng sobrang sampal na emosyon, nalulunod ako kung paano isulat ng iba ang nararamdaman nila… hindi ko alam paano nila naisusulat ang ganong kagandang obra… pero alam ko sa bawat titik na nailalapat may kasamang sakit, pangungulila, kaya maswerte parin si aninipot, di pa nya lubusang naramdaman ang pagkalugmok, ang pagkabigo, ang hapdi… kaya ako ay naging isang insektong may dala-dalang maliit na ilaw… wala lang cute kasi pag may umiilaw, kahit saan pwedeng mag-disco, kahit saan pwede kung basahin ang mga dala-dala kung libro….gusto ko nga palitan ng ilaw, bukas blue, next day yellow , tapos red naman…sana may rainbow ano?….sabog na talaga utak ko….hahaha

sandali, pahinga ka muna sa pagbabasa, pahinga rin ako sa pagtipa…hehe, may naisip akong isulat sa masterplan na ginagawa ko..

ayan! may nagawa din akong kunting trabaho… sa tingin ko di talaga ako bagay sa trabahong apat na sulok lang ng opisina ang nakikita sa buong araw, kelangang kung lumipad…. kaya lilipad ako, sama ka?… sa totoong kagubatan, haays! excited akong magturo, nakakamiss mag-aral sa gabi, nakakamiss ang galaan sa field, kunting tiis na lang ….

binalikan ko ang inilapat ko dito, parang walang kwenta pero may babala naman kaya okey lang…ayoko munang magseryoso, sa ngayon pwedeng-pwede akong sumali sa contest na paguluhan ng utak…halo-halo, rumble na kung rumble, pero masaya pala, para akong luka-luka.

nagbibilang na ako ng araw, may malaking ekis na nakalagay kung kelan ako uuwi, yahoo… uwian na, excited, excited, excited, bilangin mo ulit…tatlo diba?…times three ang excitement ko..gusto ko sanang ipasa kaso di ko alam pano i-send… kaya basa ka na lang.

kumusta ka? kumusta buhay mo ngayon? may isasampay ka ba? sampay na….hahahaha

Advertisements

70 responses »

  1. Mga kapatid ko. Habulin nyo ako, habulin nyo ako.

    ay sumabit, nakain ako ng buto ng papaya. Kulisap kumakain ng buto ng papaya? Walang basagan ng trip.

    Ang inyong aning na Kulisap..kulisapan tayo.

    Kewl na usapan.

    Dalhin nyo ang wifi sa gubat, don tayo magbablog.

  2. “waling” aninipot = in kapampangan “wali” nakababatang kapatid + ng = waling aninipot, bakit? dahil kuya ang tawag mo sa akin.
    ako ay sasampay (clothes line, ito ay madalas kong itanong sa aking mga estudyante noon kung ano sa ingles ito), minsan puro puti, minsan makukulay. ganyan nga sa blagosperyo, nagsasama-sama ang pare-pareho pero mas masaya kung halu-halo, ika nga ay there is unity in diversity, parang ang kalawakan na napakadiverse pero iisa lang ang tawag “universe” uni = one, single, isa, pagkakaisa verse = pagkakaiba, napaka-ironic pero totoo naman may pagkakaisa sa pagkakaiba = pagkokompliment ba.

    minsan may gusto kang itipa pero bawal
    minsan ang nararamdaman mo ay nababasa mo sa pahina ng iba,
    ganyan siguro tayo mapaghanap, pero nakaksaumpong naman. lalu na kung SIya ang hahanapin.

    iisa lang naman ang nais kong isampay sa post mong ito: iba-iba man tayo ay pare-pareho naman ang ating pinagmulan.

  3. Sana sa paglipad mo huwag ka kaagad mapundi dahil pag nagkataon napunding aninipot ka…sana maging gabay o liwanag ka pabalik ng mga taong naligaw sa kagubatan =)

    Pwede bang makisampay? Putol ang sampayan ko ngayon=(

  4. ate ani ko.. saang kategorya ko kasale? sa kategorya ng mga may saltek o may topak? hahahah

    ate ani kO!!!! may isasampay po ako..

    pwede mag bakanta ka ng dalawang space sa sampayan mo.

  5. mag sasampay ako ng salita:
    “magandang-araw”
    hehehe.papanung nahahati?saan ako mapapabilang?gusto ko kayong makasama,maari ba?hindi na ako nahihiyang magkomento sa inyong mga pahina.ampunin nyo ako mga insekto!

  6. h3h3h3h3… nkakatawa nman ang post na to.. pero ang gusto ko lng isampay ai ang sarili ko… ipagbibili ko sarili ko… kaya to myself (for sale)… πŸ˜€

    –Frankie

  7. Alam mo naman na kaya tayo nagkakasundo eh dahil pareho tayong tsismosa diba? Hahaha.

    Ako nalulunod ako pag tula ang sinusulat ng iba. Mahina talaga ako sa tula. Ni hindi nga ako makapagsulat kahit maiksi lang. *insert inferiority here*

    Anyways Aninimaster, may ineffort akong picturan para sayo. Ipopost ko as soon as malaman ko kung pano magpost ng picture sa comments.

  8. hay, sobrang na-miss ko dito.
    pasulyap-sulyap ka’t kunwari’y nakatingin sa akin… di maintindihan ang ibig mong sabihin….

    maraming salita, halo-halo sa sampayan ang mga dikta ng utak at tipa ng daliri. may emosyon, may kalokohan, may kwenta man o wala, sampay lang hanggang sa liparin ng hangin at malaglag sa lupa. damputin muli, ipagpag at isabit. malinis, marumi… depende sa nakatingin. sumisigaw ang langit. bubuhos ang ulan. sungkitin ang sampay o hayaang itangay ng bagyong paparating. sumikat na muli ang araw, mga sampay na nangaputik sa baha, natuyo at nangamantsa. mga naiwan sa sampayan, mistulang matibay sa hamon ng panday.

    anlabo ng mga sinabi ko… magulo utak mo, utak ko, utak nila. may reklamo?
    siya sigue, maglalaba pa ako ng salawal at karsunsilyo para may magamit na saplot sa kahudhan ko. pero, ikaw nakita mo na kaluluwa ko kaya hahayaan kitang masilayan ito hanggang may liwanag pa ang bumbilya mo.

    MAGANDANG ARAW DIWATANG ALITAPTAP!!!

  9. astig ung kagubatan nyo ha, hotzone! wahehehe… napansin ko nga din parang may tribu tribu din dito sa blogosperyo, pero ang maganda lahat accomodating. πŸ™‚
    kumusta diwatang gala?

  10. hindi pa ako pwede magsampay. masyado magulo utak ko.
    kung pipilitin mo ko puro kalungkutan at depresyon lang siguro maisasampay ko.
    wala sa tamang pag-iisip ang batang eloiski. nilalamon ng depresyon.

    pwede isama mo ako sa paglipad mo. pwedeeee??? 😦

  11. pwedeng-pwede eloi…. tara! kapit ka lang kay ate ani..

    affected ka talaga sa post ni vajarl noh?

    ok lang yan, lahat naman tayo nakakaranas ng kalungkutang minsan aakalain nating hindi kaya, kahit ako madalas, pag weekend pagsapit ng alas tres, ewan! basta nalulungkot lang ako, na parang ang sarap ibuhos lahat ng luha, andun lang ako sa kwarto….nakatulala…. minsan sinusulat lahat ng kaemohan, pag naipalabas na, nakakangiti na ulit ako.

    • kuya, normal na yata sakin madepress pag weekend… nakasanayan na, dati ayokong maiwan sa bahay na mag-isa, pero ngayon ina-akap ko nalang… di naman kasi lahat ng panahon may kasama… ayoko ding mag-blog, ewan! masyado lang sigoro akong mahigpit sa sarili, di ko alam kung disiplina pero pinangako kung, realidad ang makikita kahit dalawang araw lang sa isang linggo..

      naiintindihan mo kuya?

    • eh kasi naman si kuya vaj o napakawrong timing gumawa ng poste oh. pumunta ako ng compshop para kahit kunti eh medyo maibsan ang kalungkutan. yun nga depressed. tapos pagbukas ko ng site ni kuya vaj, walastek oh!
      kaya ayun! lubog na lubog ako. nawalan ako ng ganang magreply sa site ko. at heto kakaiba tuloy ang nailagay kong kumento sayo.

      dapat masaya to eh! dapat masaya ehhhhhh!

  12. ay ang saya naman dito,.., sama ko sa pagsampay ,.., makikisagap na rin ng wi-fi sa gubat…ang saya … para na kong tangang nakangiti dito mag-isa.. hihihih… okey lang yun.. napasaya mo ko bigla., isasampay din kita sa kin..

  13. uu nga rumble nga! hahaa..

    korek! nhhti s grupo ang blogosperyo.. pero iisa lang ang gus2 nting iparating. un ay kung anu ang nilalaman ng puso at icp ntin πŸ˜‰

    gus2 u bigay kta chokolate heheh…

  14. ahmmmm…uhmmmm….taas nang level nang excitment mo hahaha……
    buti ka pa maka uuwi at makakapaglagalag …………….hahaha lungkot nang mood ko….(Sigh)

  15. alam ko na yung link waling aninipot kaso may pwede ba akong e-add na maisend sayo yung link. i\gusto ko kasing respetuhin yung opinion ng may akda eh, actually walang pangit dun sa mga sinusulat nya, kaso yung interpretasyon at lahat (tungkol sa pananampalataya), but I do respect him or her.

  16. Yin ikaw ba yan nagba-blog???

    Yung rice wine ani para mapadala mo through LBC eh pakuluan mo, tapos yung latak na maiiwan yun ang lagay mo sa sobre, siguraduhin mong air-tight pagkaka-seal, tas sabihan mo na lang yung papadalhan mo na tunawin ulit sa tubig.

    Teka, ikaw ba ang papadalhan?

    Tenang clubbing anitaptap!

    • lukring ka yin…hahaha, in fairness napangiti ako…
      for the first time tumawa ako mula ng maglaho ang masterplan na ginawa ko…

      haays! feeling ko kasi legacy ko yon before aalis…pero sige lang… nasimulan ko na ulit.

  17. hello.

    ito ang nagustuhan kong parte rito:

    “minsan nalulula ako pag nakakabasa ng sobrang sampal na emosyon, nalulunod ako kung paano isulat ng iba ang nararamdaman nila… hindi ko alam paano nila naisusulat ang ganong kagandang obra… pero alam ko sa bawat titik na nailalapat may kasamang sakit, pangungulila, kaya maswerte parin si aninipot, di pa nya lubusang naramdaman ang pagkalugmok, ang pagkabigo, ang hapdi…”

    tama, ang malalalim na emosyon ay acquired usually the hard way. maswerte pa rin talaga si anninipot… πŸ™‚

      • ah, oo. sometimes, things get so that we’ve woven a lot of complicated rules, habits and procedures around doing something that is very basic or simple,sana…

        minsan, tayo mismo ang naliligaw, nalilito o di kaya ay nalulunod sa mga mabusising bagay na tayo rin naman ang gumawa, na tayo rin ang nagbuhol, kumbaga…

        pero kung titingnan mo rin naman, ang kahandaan nating bumalik sa mga simpleng bagay at pamamaraan ay hindi rin ganoon kalapat. kumbaga, nasanay at nahirati na rin tayo sa kumplikado at roundabout. ang tao talaga, ang hirap kausap, ano? hindi pirmi ang mga gusto… πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s