virus ng utak ko

Standard

isang buwang di mawala sa isip, isang buwang pinaghirapan, mawawala ng ganun-ganun na lang… buhay nga naman.
hinabaan ang pasensya, nakipag-patintero pa, mabuo lang, tapos mawawala lang..
alam mo bang iniyakan kita, kahit makalbo ang isip, hinayaan wag ka lang mapintasan.
kung kelan patapos na, kung kelan malapit na malapit… ayon! naglaho bigla..

WALANGHIYA KANG VIRUS KA!!!!!… bakit sa lahat pa ng file, sya pa ang inangkin mo?…wala kang awa!!
alam mo bang trophy ko ang masterplan na eto… tapos ngayon….huhuhuhu

ninakaw mo!!!… ano ngayon, balik sa simula?

ayoko nang mag-trabaho…lugmok na ako…

Advertisements

44 responses »

  1. Hala, dapat tambakan mo ng mga Antivirus ang kompyuter mo. Kaspersky, Norton, AVI.

    Sayang naman ang iyong masterplan.

    Simulan mo ulit.

    Magback up sa drive C. May USB ka?

  2. wag ka na umiyak siamea.. kaya mo yan!

    ako rin dami beses nangyari saken yan.. hindi lang sa isang file.. sa buong computer ko.. nawala lahat ng photos.. lahat ng files.. lahat ng music.. lahat na!

    mula ngayon dapat gumamit ka na ng maayos na antivirus..

  3. Hala ate ani ko!!! sana tinawag mo ko to the rescue na ang kapatid mong hamster!!! 😀

    ate ani!!! iformat mo na po. hahah biro lang..

    dapat may dalawang partition ang harddisk mo may C: at D: para pag foformatin, pede ka magback up sa D.

    tapos magandang antivirus po ang kaspersky. basta updated palagi..

    nako yung masterplan mo huhuhuh

    akap akap ate ani ko!! 😀

    • cge lang little hamster ko, medyo naintindihan naman ni boss… sigoro kaya nawala para mas maganda ang ang pagka-present ng master plan ngayon… nawala lang ang copy pero alam ko pa naman pano gagawin yon, wala namang virus ang utak ko… kaya ko to.

      hug mo nalang ako…haays! parang tsubibo sa pag-ikot ang utak ko…

  4. waaaah! alam na alam na alam ko ang feeling na yan! sa akin naman eh yung autocaad projects ko eh 18 plates pa mandin yun. ayun e di inulit! nakakaiyak! nakakaiyakkkkkkkkkkkkkk!

    hindi ko masasabing okay lang yan kasi sa totoo lang hindi yan okay! hindi okayyyyy!

  5. haays! medyo maayos na… sinimulan ko ulit… nasa kalahati na ako… may back-up kaso yong kalahati lang pala ang nai-save ko…

    kaya ngayon, nireformat ko at linux na ang gagamitin ko… bahala na…

  6. waaaaaaaaaaaah. sayang naman po. most of us naexperience yan.. huhuhu.. masakit sobrang sakit kasi kung kelan tapos na yung project tas pinagpuyatan mo pa saka mawawala.. gogogo ani..dito lang kame para back up-pan ka..hehehe

  7. salamat sa palaging pagdaan sa aking tahanan sana kapag natapos ko yung pahinang ginagawa ko tungkol sa Limang oras na pagitan (kasi sa office lang ako nakakapagsulat eheheh, pamparelax) ay mabasa mo rin ang partial nito ay nakapost narin. Salamat, papuri sa kanya.

  8. ay Ate, saklap. pero naniniwala naman akong kaya mo!

    naalala ko tuloy nang biglang nawala ang usb kong puro RM at ED ang laman. pati rites ng soro namin nandun. sobrang natakot ako. pero nagdasal nalang na sana eh idelete nalang bigla nang makakakuha. hehe.

    antivirus Ate. saka save ng maraming copies.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s