tatay ko

Standard

hindi ko alam kung bakit, pag-gising ko ang unang pumasok sa isip ko ang aking ama, missed ko na pala talaga sya.
si tatay kasi tuwing tumatawag ako, di kami masyadong nag-uusap, namimiss nya lang daw kasi ako…. kung pwede nga lang daw wag na akong umalis samin… kahit buong taon akong palamunin okay lang… pero ako bilang galang anak, di kayang pigilan.
naiisip kung, natatakot sya sakin, nag-iisang anak na babae pero pinaka-malakas daw ang loob na mamuhay mag-isa, malayo sa kanila.

anong magagawa ko, stagnant ako pag nanatili ako sa bayan namin, di kayang tuparin ng pananatili ko doon ang mga pangarap ko, pero alam ko, uuwi parin ako, sino ba ayaw, wala naman sigoro.

si tatay, masarap magluto, tuwing uuwi kaming lahat, sya ang taga-luto, sigoro lambing din nya iyon samin… yong isang kapatid ko nga may isang pagkain na kakainin lang nya pag tatay ko ang nagluto, ang arte nya no?…pero sya ang aking mentor sa kusina, natuto akong maluto dahil sa kanya…madalas parang isang judge sa cooking contest pag tinikman na ang luto ko.

jack of all trade ang tatay ko, di man sya nakapagtapos ng pag-aaral, pero edukasyon ang tanging pamanang maiiwan nya, di man sya tapos sa isang unibersidad pero walang makatatalo sa pag-aaral nya sa “school of experience” pinilit nyang matuto para samin.
si tatay bilang kaibigan, di sya hadlang sa anumang kursong pinili ng mga anak nya, hindi bawal ang boyfriend, adviser ng mga kapatid ko sa ligawan at isang malapit na kaibigan sa mga nagiging girlfriend ng kapatid ko…. ganyan ka cool ang tatay ko.

tuwing naaalala ko ang contest namin sa paglalakad pauwi ng bahay, ang tatay ko hihinaan ang paglalakad matalo ko lang sya… alam ko sinadya nya yon. Ang madalas na pagiging karpintero nya na walang bayad sa bahay-bahayan ko, kaya madalas ako ang may pinakamagandang bahay-kubo sa mga kaibigan ko…waah! missed ko na talaga tatay ko.

nung grade one ako, may project kaming i-drawing ang buong pamilya, iyak ako ng iyak kasi kahit anong gawin ko istik-istikan na tao ang drawing ko, si tatay ang gumuhit ng pamilya namin…yehey! ako ang may pinakamagandang drawing, kopyang-kopya kaming lahat, kaso ninakaw ng klasmayt ko ang project ko… buti nalang tapos ng ma-check ni maam..

di takot sumubok ang tatay ko, kahit di marunong mag table tennis sinubukan nyang matuto para may kalaban ang kapatid ko tuwing magpapraktis sya..ngayon, champion na ang kapatid ko sa table-tennis ng school nila…

isa lang ang di naman kayang talunin sa kanya ang makipag-argumento at ang larong chess… nakkikinig naman si tatay kaso minsan matigas ang ulo, sabing wag na syang uminom tapos ang sagot “eto lang naman ang tanging bisyo ko”, oo nga,pag nakainom wala man lang kaming problema, matutulog kung di na nya kaya.. kaya ang ginawa ng mga anak, ayan lahat kami nakikipag-inuman sa kanya… “lesson sa pakikipag-inuman, wag na wag kang susuka kung ayaw mong masapak ni tatay”…hehe, yan ang usapan naming magkakapatid, pag di na kaya, tama na, masam ang sobra sa katawan.

hindi nagmumura ang tatay ko, sya pa lang ang taong nakilala kung may pinakamahabang pasensya, never kaming nakatikim ng palo, lahat dinadaan sa masinsinang usapan…kung di nya kaya, papatak lang ang luha nya…

magaling syang kumanta at mag-gitara, minsan nagigising na lang kami na kumakanta sya ang hawak ang gitara, lalo na pag maulan…sa kusina sila lang madalas ng nanay ko nag-gigitara sya at kumakanta habang nagluluto ang nanay ko, minsan nga dalawa pa silang kumakanta, lahat yata kami inidolo sya sa pag-tugtog kaya sigoro lahat kami marunong mag-gitara… grade six ako nung magsimula akong magpraktis tumogtog, strikto ang tatay ko sa pagtuturo, sabi nya dapat kantahan ko at araw-araw daw akong magpraktis…kaso inabutan ng katamaran kaya hanggang ngayon, kung paano ako tumugtog ng gitara noong hayscul pareho parin hanggang ngayon…haha, walang improvement, di tulad ng mga kapatid ko, kuya ko nga 12 string guitar na ang pinag-iiponan…o ha! ako? stagnant, di sigoro para sakin ang gitara.

wala pa palang father’s day… pero ano ngayon gusto kung isulat ang tatay ko…. basta missed ko na sya…

Advertisements

73 responses »

  1. a frog in a well will never know the ocean..=)

    ayus lang yan..makakabalik ka naman after mo mapursue ang dreams mo..pede ka rin naman dumalaw paminsan-minsan..

    tatay ko nga malapit lang eh..pero namimiss ko..masyado na kasing malaki ang gap namin…at galit pa siya sakin..:'(

  2. Iba ang tatay mo sa tatay ko pero tatay ko siya.

    Isang napakapayak na magbubukid ang tatay ko, mas mahal pa niya ang kalabaw niya kaysa sa nanay ko, lagi silang magkasama para pagdating ng hapon, may kakainin kami.
    Hindi na siya nag-ambisyong makatapos kaming magkakapatid pero isa lang ang pwede kong ipagmalaki Ani, payak man ang pamilya ko, pinananatili nito ang pagpapahalaga sa mga kapamilya.
    Noong araw, takot ang aking nararamdaman kapag nakikita ko si Tatay, mahigpit, at pinaninidigan ang kaniyang pagiging ama.
    Pero tumatanda nga ang kalabaw, ngayon lagi siyang nananabik kapag umuuwi kami, umiiyak pa nga pero noong araw, hindi mo makita ang kalambutan ng kaniyang kalooban.

    Kaya kapag may panahon ako, sinisikap kong sabayan ang kaniyang payak na gawi na siyang repleksiyon ng pagkatao ko.

    Siya si Kang Ero.

    • may naalala ako sa sinabi mo kuya, kung may pagkukulang man o mahigpit man ang mga tatay natin yan ang alam nyang paraan na ipakitang mahal nya tayo..

      di natin pwedeng ikumpara ang ating mga magulang sa iba, dahil kahit kelan… ginawa nila ang sa tingin nila kung paano ang isang mabuting magulang..di man minsan natin maintindihan sa ngayon…pero balang araw, malalaman natin kung tayo naman ang nasa katayuan nila.

      musta mo ko kay Kang Ero kuya…

      • Nong Desyembre, nag-aayos siya ng bubong ng treehouse, kung titingnan mo madali lamang ‘yong ginagawa niya, sinubukan ko, pero ang tagal ko bago ko natutunan.
        Natatawa siya sa akin, iniisip niya siguro, itong tao na ito, simple lang ‘to pero hindi niya makuha kaagad ang aking instruction.

        Ayon, puro sugat ako at ginalis ako dahil sa kugon.

      • haha, natawa ako dun… kasi ako ang assistant ng tatay ko, ewan, ka babaeng tao, mas gusto ko ang trabahong ginagawa nya.

        may pagkakataon ngang pinapabayaan na nya akong mag-ayos tulad ng pagkabit ng bagong ilaw, taga palit ng mga fuse sa bahay namin…hehe

        dati nga ang re-channeling ng TV namin umusok dahil pinakialaman ko…nagmamagaling kasing kaya kung ayusin…haha, simula nun binabantayan na ako ng tatay pag may inu-usisa akong gamit…

        waah! mas lalo ko syang namiss dahil dito… isang linggo nalang makaka-uwi narin ako..

  3. wow! namiss mo talaga tatay mo waling aninipot. basta kapag kasama mo siya iparamdam mo lamang ang mga naisulat mo o maigi pa sabihin mo (nangaral akong bigla). alam ko sa puso ko ang tatay mo ay hindi natuto sa apat na sulok ng kwarto, kwaderno o mga libro sa pagpapalaki sa inyo. Natuto sya kung tawagin namin sa missions “school of sorrows” yun ang pinakamagandang paaralan sa buong mundo. Mama’s boy ako, pero miss ko din ang dada (tatay) ko, nasabi ko din naman na mahal ko siya at naiparamdam ko. Sa tuwing sasampa ako sa entablado siya ang kasama ko. Kaya ko nasabing iparamdam mo sa tatay mo ay dahil huling kita ko sa tatay ko July 21, 2001 huling araw nya dito sa mundo. At ang mga sumunod pang mga pangyayari ay mas nakakagulat, 4 kaming pamilya ng tatay ko kami ang orihinal, sa amin siya umuwi bago siya nalagutan ng hininga… mahal na mahal namin siya…

    haaaay waling aninipot madalas ko talagang maramdaman ang mga post mo. siguro dahil hindi ako nagpopost ng mga personal kong karanasan kaya ganun, pansamantala huling post ko na yung kamatayan ng aking kapatid sa aking mga pahina…

    mabuhay ka at pagpalain pati ang iyong pamilya.

    • madalas ko namang pinaparamdam kuya, close kami ng tatay ko, pwedeng kahit buong araw magkausap lang kami…hehe, hindi ko alam bakit di kami nagsasawa sa kakakwento..un sigoro talaga ang namiss ko sa tatay ko.

      haays! nakakagulat nga ang kwento nyo, lala sa parte mo pero dahil mahal mo ang tatay mo, alam ko napatawad mo sya kuya mizpah.

      • oo naman matagal ko naming napatawad simula pa lamang, pero madaming kwento, masarap balikan ang iba. kung pamilyar ka sa johari’s window (tama ba ispeling ko) sa speech class namin ay nai-share ko yun sa prof ko sa exam namin, isinulat ko sa likod ng bluebook ko (actually tinetest ko lang kung nagbabasa nga ba ng mga essay ang mga profs) pagkatapos nun nagbalik ang aking bluebook na may nakasulat… “Pong, it’s about time to let go and set free your self, family and your dada.” At doon ko napatunayan na nagbabasa nga ng mga essays ang mga profs.

        eheheh, pasensya na sa mga pahina mo ko ito na-ibabahagi… sabi ko nga mas nakikita ko ang mga nararamdaman ko sa mga blog post ng iba…

        ramdam ko din yun na malapit kayo sa isa’t-isa ng tatay mo… kami din, lalu na kapag kami ay nagsisimba kakain sa KFC… haaaaay

      • johari’s window, sa psychology na discuss namin yon…
        haha, nagbabasa ng essay ang mga prof. ilang beses ko nang nasubukan… dati may kalokohan pa ako… may sinulat akong letter sa likod ng bluebook sa crush ko na instructor… pero di nya maintindihan, kelangan pa nyang i-decipher yon kasi sariling symbol ang gamit ko…haha, may note syang nilagay if ano daw ibig sabihin nun…ngiti lang ang ganti ko pagkasauli ng bluebook…haha

      • ahahaha, ang mga bluebook parang mga tatay natin, pwedeng sabihan ng kung anu-ano, ang kagandahan sa ating mga tatay ay bawat sinusulat natin sa bluebook ay nag-iiwan ng mga importanteng bakas sa kanila…

        kaya nga paborito ko ang kanta ng Hillsong “Glory to the King” … “comforter to the lonely…you’re the Father to the fatherless, the answer to my dreams…”

  4. very beautiful post.hope na mabasa ito ng tatay mo.he sure must be proud of a father and this post is an evidence kung gaano kabait na tao si aninipotpot.kung ang lahat ng anak ay gaya mo,ang saya siguro ng mundo.

    ingat ka lagi!

    • wow! mabait ba ako?…haha, di ko alam. pero salamat…tuturuan kong mag blog ang tatay ko para magsusulat na din sya…haha, lagot! malalaman nya mga kalokohan ko..

  5. nakakatuwa nman ung kwento mo about sa tatay mo anini, un nga lang magkaiba tayo. di kami close nun. mula kase nang mawala si mama, anlake ng pinagbago nya. lumake talaga kami sa piling ni mama, habang si papa dito sa manila nagttrabaho. twice a month lang sya kung umuwi nun, tuwing sahod. lahat kami excited tuwing umuuwi sya. pero nagbago lahat nung mawala si mama. naging mainitin ang ulo nya. at pagkatapos ko ng elementary sa probinsya, dinala na nya kami lahat dito sa manila. hindi naging maganda ung takbo ng buhay namin noon. hindi namin sya makasundo sa maraming bagay. ngayon na matanda na sya at may trabaho na kami lahat, mas naging maayos naman na. pero si ate lang tlga ung naging malapit kay papa. naaawa ako sa kanya ngayon, nasa 60’s na si papa pero nag-oopisina pa din. alam mo ung tipong pumapasok na lang sa opisina para lang may magawa sa buhay? sobrang naaawa ako sa sitwasyon nya. mahirap tumanda ng mag-isa. though magkakasama pa din kami sa iisang bubong, pero nakikita ko na malungkot sya. mas lalo ko tuloy naiiisip na sana nandito si mama. nung bata ako, nagagalit ako kay papa kase hindi nya alam ung hirap na lumake ng walang ina, ngayon alam ko na mas mahirap para sa kanya ang magpalake ng 4 na anak ng mag-isa at lalong mas mahirap ang tumanda mag-isa. kaya kay papa, maraming maraming salamat sa lahat. salamat sa post mong ito anini.

      • alam mo mapalad ka, kasi di kayo pinag-hiwahiwalay ng papa mo, madami kasing incidents na pag nawala ang ina, nagkawatak-watak ang pamilya, just imagine kung gaano kahirap ang ginawa ng papa mo… ang tatag nya.

        mapalad ka sa papa mo, inako nya ang responsibilidad ng mag-isa at di pinalitan sa puso nya ang mama nyo(yon ang pag-kaintindi ko) kasi kadalasan, naghahanap ng katuwang ang lalaki para mapalaki ang kanyang mga anak, pero di nya dinungisan ang ala-ala ng mama nyo… imagine his loneliness ng mawala ang mama nyo, then kayo pa… successful syang ama.

      • tapa, sa sinabi mo, naalala ko ang isa sa mga paborito kung kanta “dance with my father” but instead palitan natin ang father ng mother…bagay na bagay ang kanta sayo at sa papa mo.

      • tama ka anini, ngayon siguro nag-mature na ko kahit papano kase hindi na ung sakit lang na nararamdaman ko ang iniintindi ko. si papa, wala syang ginawa kundi kumayod ng kumayod para makatapos kaming lahat hanggang kolehyo.medyo nitong huli na lang sya napapatingin sa ibang babae. ok na lang saken, ang tagal nyang nagtiis para sameng magkakapatid. at ngayon na tapos na kami sa pag aaral at may kanya kanya nang trabaho, mas ramdam nya siguro ang pag iisa. sa labas pangite ngite sya, pero sa bahay madalas tahimik sya. nandun pa din ung lungkot.

      • @anini: ang ganda nga nung kantang ung anini. nakaka-relate ako. 🙂
        @pong: mas mahaba ang saken pong. wahahaha! (bastos)
        pero seriously, hindi ako ganun kalambing na anak pong, ang ginagawa ko na lang dinadaan ko sa pagbibigay ng gift, lalo na pag may okasyon.

      • Kung hindi ngayon kailan pa kuya davin? (bigla tuloy akong nangaral). Subukan mo lang, sabihin mong mahal mo siya. Minsan ang ating mga magulang dahil sa pagod, kalyo, pagal ng kanilang katawan ay hindi na nila nararamdaman ang mga gestures natin, maramdaman man nila hinihintay parin nila ang bawat sasabihin natin, mahalaga yun sa kanila, importante, nakapagbibigay yun ng tuwa sa kanila. Kasi para na din nating sinabi na Mission Accomplished Sir! sa ginawa nila sa buhay natin.

        Minsan hindi applicable ang actions speak louder than words. Actions and words; both will change… a lot!

      • ouch.. ang hirap isipin talaga ng ganun.. Making a living.. while making a home.. siguro, hindi nga lang natin naiisip na yung mga ginagawa nila(magulang) ay para lahat sa atin, kesehodang wala na silang makasama sa pagtanda.. hmn.. magandang post anini..

    • di na sya ang-asawa ginoong kulisap. puro trabaho lang sya nun, halos di kami nagkikita kase late na umuuwi tas maaga din pumapasok. pag nasa bahay naman sya dati pag weekends mainitin ang ulo. ung sunday na family day ng ibang pamilya, kabaliktaran samen. kase lahat kaming magkakapatid di makakilos ng normal, kase kongting kibot nagagalit agad, mabunganga ang tatay ko, mahabang mahaba kung manermon at pabulyaw. pero ngayon, gustong gusto kong iparamdam sa kanya kung ganu ako nagpapasalamat sa lahat ng ginawa nya para sa aming magkakapatid. lahat kami napagtapos nya ng college, mas maayos na ang buhay namin ngayon. sana sa simpleng pasalubong at pagbibigay ng gift nararamdaman nyang espesyal sya.

  6. cool nang tatay mu…ideal na tatay …
    kabaliktaran nang sa akin…
    sarap siguro nang pakiramdam nang malapit sa nanay at tatay hano…!!!
    uwi ka na kasi nang di mu sya ma miss…
    remember that life is too short…sayang ang mga moments..hehe ingat sa iyong nalalapit na pag uwi..

  7. haiz pinaiyak mo ako…

    missed ko din father ko, lumaki ako na malayo sa kanila ng family ko thou isang brgy lang kami. Sa Lola kc ako laki. Lumaki ako na may tampo sa father ko kasi nakilala siya na mag lalasing at lagi sa sugalan. Mas lumala pa siya simula ng umuwi siya galing Saudi at napa tambay sa amin. Dahil sa nalulong siya sa bisyo niya, nagkasakit siya. At ngayon wala na siya. Di ko man lang naiparamdamsa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ang huli naming pag-uusap ay 2 days before siya mawala. Sabi ko sa kanya, hintayin niya akong umuwi. Mag papaalam lang ako sa visor ko. Sabi ko sa kanya, labanan niya ng sakit. Oo daw. Pero after 2 days, early in the morning, may mensahe akong natanggap na wala na siya.

    Haiz. Salamat sa post na ito, Ani. Mahirap lumaki o magpatuloy mamuhay na walang ama pero mas mahirap lumaki na kasama ang ama at hindi mo maiparamdam ang pagmamahal mo sa kanya. Baka maging huli na ang lahat bago mo malaman na mahal na mahal mo pala siya.

    • ay sorry naman..pinaiyak pa kita…
      pero alam ko masaya na ngayon ang papa mo..
      hindi mo man nasabi nararamdaman yon… sa sinabi mo sa kanyang hintayin ka, ibig sabihin babalik ka para sa kanya.

    • etchosera…huhuhu napaluha mu naman ako sa komento mo…
      kaya isa lang mapapayo ko sa mga buhay pa ang mga tatay …wag nilang sayamgin ang oras naipakita sa mga magulang nila kung gaano nila na a-apreciate ang mga ito at e -express ang love for them…dahil ang lahat ay may katapusan…at walang sinuman ang nakaaalam nang katapusan na yaan…

  8. grabe,, ang hahaba ng mga koment ng mga nandito ah?.. akala ko: nanay lang ang touch point ng mga bloggers dito sa wordpress.. kasma pala ang tatay..

    i admit.. hindi ako gaanong makarelate.. dahil, hindi naman kami naging close ng tatay ko (lies).. hehe..

    pero.. natutuwa ako sa mga gentong post.. parang napaka appreciative.. maganda yan..

    • alam mo wala naman akong plan na i-salitype to, kaso wala akong mapalabasan ng pagkamiss ko…ayon diretso sa blog… di ko rin inexpect na ganito ang reaction ng mga tao dito.

      • ganyan talaga pag pamilya ang pinag-uusapan
        may kurot…kasi nagmamahal tayo, mahalaga sila sa atin

        wala ngang hindi natutunaw ang tubig, kahit ang pinakamatigas pang puso, pumatak lamang ang tubig mula sa mga mata, tiyak lalambot yun, huhupa, magkakabati, magkakaayos.

        sa lahat ng may tatay pa, bawi kayo sa kanila… ngayon na.

  9. Kadalasan ang tingin natin sa mga Ama, kontrabida.

    May mga kahinaan ‘yan.

    Sila po ay normal na tao, nasasaktan, mahina, may pusong babae…subalit para magampanan ang kaniyang responsibilidad kadalasang katigasan ng anyo at paninindigan ang ating nakikita.

    Katulad mo, marami ang kahulugan ng isang ama.

    Sa simula hindi mo sila maiintindihan pero kapag sinimulan mong unawain ang kanilang saysay…tatango ka.

    At pakiusap..hindi sila perpekto.

    • tama kuya, walang perpektong ama, pero dahil ama natin sila natutunan nating tanggapin at mahalin at dahil dun nagiging perpekto at huwaran sila para satin…

      madami silang lapses, pero tao din lang sila, nagkakamali, pero natuto para sa mga anak at mahal sa buhay.

  10. nakakainis ka.
    naiiyak ako sa poste mong to. namimiss ko na papa ko. amp.
    basta mahal an mahal ko tatay ko. kakaiba ang tatay ko.
    siya din ang tutor ko sa pagluluto, sa matematika at pati an rin sa buhay.
    kakaiba si papa kasi lagi niya ako chinicheer. noong nakikontes ako ng marathon at volleyball ayun at sabi niya dalhin ko daw yung gamot na nasa bote baka bigla daw sumakit paa ko. bastaaaa!
    tapos ano rin siya ayun, champion ng chess. hanggang sa ibang bansa champion pa rin siya sa chess. elib na elib ako sa tatay ko.
    siya ang number one na idol ko. at siya rin ang number one fan ko. sobra sobra tiwala niya sa akin.
    yun nga lang ayaw niya na may boyplen ako. bawal na bawal. selos daw siya.
    kung alam mo yung commercial ng chowking na mag-amang kuamakain sa halo-halo, ganun na ganun kami kaclose ni papa.
    dahil gusto niya lagi akong safe, tinuruan niya rin ako ng martial arts at mga self-defense na isinapuso ko naman.

    • @elaoiski and waling aninipot

      mga chess masters pala ang mga tatay natin, pati si dada ko siya ang nagturo sa akin ng chess! tandang-tanda ko pa nung sabay nya kaming tinuturuan ng kuya ko ng makain ko ang queen ni kuya ay sinampal nya ako (si kuya ang nanampal) ehehehe, basta naaalala ko pa iyon.

      • haha, naku eloi…magkakasundo tayo pag tatay na ang pag-uusapan, close naman kami ni nanay, bestfriend pa nga pero dahil babae ako kaagaw ko ang attention ng nanay sa apat kong kapatid na lalaki kaya kay tatay na lang ako… saka pinagtitwalaan ng tatay ko ang bawat desisyong ginagawa ko..kaya haays!… ayaw din nyang maikli ang buhok kaya eto, mahaba madalas ang hair ng lola, pag-umuuwi ako, pinapaputulan ko sa tatay para alam nya hanggang saan lang pwedeng i-cut sa buhok ko.

        @kuya mizpah: oo nga, pareho palang chess player ang mga tatay nati…apir to that…haha

  11. Pingback: Daddy, you can let go… « emotions

  12. napapa emote ako sa post mo na to kapatid.
    magkasama pa naman kami ni tatay nung isang araw.
    at gaya pa rin ng dati.
    emosyonal pa rin ako sa harap nya. di na ata talaga mgbabago un 😦

    nice post kapatid.

    • magbabago yon kapatid, bigyan mo lang sya ng sapat na panahon…ganun naman kadalasan ang mga tatay… hayaan mo, magigising na lang yon isang araw at hahanapin ka.

  13. hello aninipot…. wehhhhh… masaya din pala dito…
    nakakita na naman ako ng bagong tambayan…
    pwede tambay ako uli dito?

    kita tayo bukas……ZZZZZZZZZZZZZ…………..

  14. wala na si tatay since 5yrs old pa lang ako, 4months lang pagitan nila ni Nanay ko.., hirap lumaki ng walang magulang.., walang kakampi pag inaway ka ng kalaro, walang kikiss sa mga gasgas at panalo.., uutangin mo talaga lahat ng utang na loob.., maswerte pa rin kayong masungit ang tatay,nanjan lang sila kahit ano pa man..

    • huh! napaisip ako dito, tama ka kaibigan mapalad kaming nadatnan pa ang mga tatay at kasama namin sa paglaki. alam ko naman na madami kang baon na katapangan dahil sa iyong karanasan. wala na din me tatay.

      • naiyak naman ako ngayon kuya.., hirap lumaki ng wala sila..,kaya siguro iyakin ako minsan..walang nagpatahan noon..wahihi..pero ganun po talaga buhay..di lahat ng bagay ibibigay ni God.. wala na tayo magagawa kundi tanggapin na lang..,noon isip ako bakit ganun, nadaya yata kami ng mga kapatid ko.., pero kahit saan ko naman kunin sagot dun wala na rin sila., ngayon parang napagud na ko magtanong..malalaki na kami..may kanya kanyang buhay na rin.. mahirap man pagkatagalan matatanggap rin natin..

    • tama ka kailangan talaga nating ipagpatuloy ang ating mga buhay buhay, mapalad parin tayo na mga walang tatay sapagkat meron tayong Ama sa itaas na ating nakakapitan at nasusumbungan. dumaan din ako sa dinaanan mong mga katanungan pero nakita ko na ang mga sagot. sana ikaw din. kung nabasa mo ang comment ko dito malalaman mo din ang pinagdaanan namin. nasa gawing itaas. pareho tayo ako din iyakin ako lalo na sa Diyos. Sa kanya ko lang naibubuhos lahat, lalu na ngayong malayo ako sa pamilya ko…

      • nabasa ko nga po lahat koment..pati ung kay beeftapa.. ganyan talaga.. iba iba man tau ng buhay,, mahalaga kung pano tau naging tayo sa kung ano meron tayo ngaun..,hehe…dito pa talaga tau usap sa bahay ni anini.., pero related naman si tatay ko sa Post nya.., kahit asan tau, maiintindihan natin ang bawat tibok ng puso,,

      • ay lee mi, pasensya… di ko alam talaga na madami akong masasaging karanasan..

        pero asan man ngayon ang mga magulang mo im sure masaya na sila sa mga naabot nyong magkakapatid.

  15. namiss ko tatay ko sa entrada mong ito… matagal na kaming di nag-uusap non eh, mejo sumama kasi ang loob sa pasaway na anak niya hehehe… hayun nakakamiss siya… minsan napakaironic ng buhay, ung mga maagang kinuha ang mga ama nila ay hinahanap ang kanilang mga ama… yung ibang isang twag o text lang ang knilang mga ama ay di magawang kumustahin ng mga anak nila… nakakaguilty…

    • may panahon pa naman miss dyoy… alisin muna ang mga pride o sama ng loob…sayang kasi ang panahon…ako nga kulang na kulang ang oras na naibibigay sa kanila…maswerte ka if malapit ang tatay mo sayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s