pagpapalaya sa kalapating mababa ang nasimulan

Standard

Babae, ginawa ka upang maging kabiyak ng lalaki sa mundo.
Ito’y sinunod ng ating mapanghusgang lipunan, ikaw man ay may paninindigan o umaayon lang depende sa agos ng higit na makapangyarihan.

Ang dikta ng lipunan ay manatili kang malinis, huwaran ayon sa panlasa ng karamihan, ngunit sino nga ba ang higit na nakaka-alam ng katotohanan?

Ikaw na pinagpalit ang dangal para sa mga sikmurang walang laman? o sila na nagugutom sa tawag ng laman?

Ang mapanghusgang mata ng tao ay umayon lang sa pagiging gutom sa markang mas mataas sila, mas higit na malinis, mas higit ang katanyagan at sa balat-kayong respetong inaasam.

Ngunit wala ka nga bang respeto sa sarili?

Tanging ginawa ay ibenta ang naiwang meron ka, di mo naman ninakaw ang ibinigay mo dahil iyon ay iyo.

Anong kaibahan sa Agilang nag-hihintay ng biktima? sa iyo bilang kalapati na nagbibigay ng pansamantalang langit sa iba.

Agilang dadalhin sa himpapawid ang biktima para sa gutom na sikmura o ikaw na nagpapakain sa mga gutom na kaluluwa?

Pekeng ungol, haling-hing at haplos ay musika sa tenga ng iba, ikaw ba’y di nagsasawa sa pagpapakalunod sa ganitong saliw na musika? sa ritmong salapi ang nagdidikta.

kalapati, may pag-asa ka!
kulay mo ay puti, may mantsa man, ngunit sa puso’y iniwan sapat na matuto kang humakbang mula sa kinalulugmukan.

Huwag hayaang makulong sa hawlang walang kandado, asan na ang mga pak-pak mo? kelan mo matutunang ikampay ito? lumipad ka para lumaya.

hanggang kelan ka mag-papaalipin sa maskara ng kadiliman?

Desisyon mo ang pagbabago.
lalakad ka ba sa landas na may ilaw o mananatiling taga-tanglaw sa may ilaw habambuhay.

Babae, higit kang pinagpala kung ang sarili ay pina-apakan para may isang aakyat mula sa hagdan ng kahirapan.
Pero wag hayaang buong-buhay ay yurakan.

huwag masilaw sa sinag ng araw, dahil kakabit nito ay pag-asa, wag ipikit ang mga mata, pwedeng pansamantala upang sa pagmulat masisilayan ang ganda ng umaga.

isang mapagpalayang buwan ng mag kababaihan, kaibigan!.

Advertisements

90 responses »

  1. Kapatid ko ang sumulat nito.

    Kailangan ko pa bang sabihin na, ipinagmamalaki kita.

    Ang babae marumi man o malinis, dapat binibigyan ng kaukulang pagmamahal dahil hindi sila nakikihati lamang sa karapatan kungdi sila ay dapat na kapantay ng sinuman.

    Magandang umaga sa lahat

    • naniniwala akong wala naman talagang maruming babae kung paanong walan maruming lalaki. pero kung sa mata man ng iba ay meron nga, responsibilidad nating maglingkod para ibalik ang linis na likas na kanila.

      kapantay sa karapatan..kapantay sa oportunidad..

  2. Sa likod ng tagumpay ng isang lalaki ay babae. Pero hindi nangangahulugang maging sa kabiguan.

    Waling anini, pinaalala mo sa akin ang isang sipi sa biblia. Lahat tayo ay may pag-asa!

  3. Bwan ng kababaihan ngayon? O sa April?

    Teka, hindi ako sang ayon sa unang sentence mo. Ampangit pakinggan na ginawa ang babae para maging kabiyak ng lalake. Parang may mali. Pwede ko rin bang sabihin na ang lalake ay ginawa para maging kabiyak ng babae? At may ilang babae at lalake na ginawa para sa kapwa nila babae at lalake?

    Sang ayon ako sa mga sumunod. Magbigay pag asa. Iwasang maging mapangmata. Hindi lahat ng kalapating gutom ay bumababa ang lipad dahil sa kakulangan ng laman ng sikmura. Wag lang tiradorin ng mga uhaw habang mahina kase hindi yan makakalaban ng patas.

    Hi Aninimaster. 🙂

    • marso ang buwan ng kababaihan vajarl…panghuling-hirit.

      hmmm, ang pagsulat nito ay pinapatungkol sa babae, though tama ang sinabi mo, pero depende kasi sa babasa kung paano nya ito iintindihan…ang bawat isa ay may kanyang-kanyang saloobin at tatanggapin ko yon.

  4. buwan ng kababaihan at buwan ng sunog ang marso!hehehe!

    ang ganda naman ng pagkakatalakay ni aninipotpot.tama naman kasi talaga na pantay ang karapatan ng babae sa lipunan.sa kabila ng pisikal na kahinaan,hindi biro ang emosyon na kaya nilang dalin sa dibdib.marami akong kilalang babae na higit sa kakilala ko ring lalaki ang ambag sa buhay at sakripisyo.ibang usapan ang prostitusyon,dahil hindi natin masisi kung ito ang pinipiling daan ng iba dahil sa tawag ng pangangailangan,sakripisyo at kahirapan.may salaysay ang bawat isa sa napapadpad sa ganitong buhay.sapat na muna siguro na hindi ako manghusga kung naging mali o tama ang desisyon nila.

    magandang araw sa lahat!

  5. “Come now, let us reason together,”
    says the LORD.
    “Though your sins are like scarlet,
    they shall be as white as snow;
    though they are red as crimson,
    they shall be like wool.” – Isaiah 1:18 (NIV)

    Kahit pa gaano kalalim ang mantsa ng kalapating iyan, ang pangako ng DIyos: ay kaya Niya itong linisin.. basta lumapit lamang sa Kaniya..

      • sobra ka naman, post mo to, sa malamang ay\, sa iyo magmumula lahat ng punto ng comments namin. hehe. siamea, napaka gandang post: ang babae ay hindi hinugot sa ulo, upang maging pinuno sa lahat ng bagay, hindi rin sila hinugot sa tuhod o paanan, upang maging sunudsunuran, silay hinugot sa tadayng upang ipakita, na silay marapat lamang na nasa tagiliran( wala sa likuran o harapan ng lalaki) upang maipakita na silay kapantay lamang na nilikha kumpara sa mga anak ni Adan..

      • alam mo mas nalula ako sa mga comment nyo…haha, parang ang ganda ng naisulat ko dahil nakikita ko ang ibang side nito sa kung paano nyo ininterpret ang binasa nyo..

    • kuya, pansamantala akong mawawala, kaw na muna bahala sa munti kung kagubatan, kaw muna ang mag-guide sa mga nawawala dito…

      at sa mga sanay ng umikot sa aking kagubatan kayo ng bahalang tumambling at magpagulong-gulong..hehe

    • may sarili ring pighati ang kalalakihan lee mi.at punong-puno ng responsibilidad ang aming balikat kasabay pa ng tuwirang pagpupursigi namin na pangalagaan ang damdamin ng mga babae sa paligid namin.

      hindi ko gugutuhing maging babae pero sapat ng patawarin ako ng sinumang babaeng masasaktan ko ng hindi sinasadya.ginawa kasi yatang mas matigas ng konti ang puso namin at pakiramdam kaysa sa inyo.

      • babae ako sa maraming pagkakataon..ngunit sa sitwasyong minsan ay naisip kong sana ay lalaki na lang ako, yun ay dahil sa ilang pagkakataong sana nga ay ganun.., mahirap intindihin.., Lalaki: hindi sa aspetong may pagnanasa sa kasing kasarian.., ito ay dahil sa ilang riyaliadad na mas malakas sila sa ibang pagkakataon.., Magulo, mabilis, maunawain, malumanay..,aminin man natin kung gaano kalakas o kahina ang ating pagiging Babae o Lalaki.., iba pa rin ang kung ano ang nasa paniniwala ng bawat isa sa atin.

  6. mabuhay ang mga kababaihan. pero sa maniwala ka’t hindi, minsan pinangarap ko rin talaga maging lalake. ewan ko ba. kasi naman ang tindi ng inequalities sa panahon ngayon eh.

    parang ang cool maging lalake. wala lang hakhak!

    • ganun ba ms. eloiski, ang tingin ko naman ay pantay-pantay na tayong lahat, sa lahat ng bagay, from intitutions to institutions, firms, businesses, government offices, suffrage.

      basta ako mahal ko ang mga kababaihan, babae ang nagluwal sa akin dito sa mundo.

      tsaka saludo ako sa mga babaeng inhinyera at magaling tumipa ng gitara!

      mabuhay kayo!

      • wow naman. natuwa ako sa babaeng inghinyera at magaling tumipa ng gitara >>> engineer ang future ko eh. hakhak!

        at oo nga naman, marami naeelibs kapag nisasabi ko na ang course ko eh engineering, napapawow eh. sa bagay…

    • alam mo eloi, may panahon ding iniisip kung sana naging lalaki nalang ako…panahon pa yon nung grade school, lahat naman kasi ng kapatid ko lalake, mahina ako sa takbuhan tapos di ma-akyat sa mataas na parte ng puno…basta! naiingit ako sa kanila, though yong mga larong ginagawa ko ay panlalaki…mas magaling kasi sila sa paningin ko until na na-dodominate ko ang desisyon…haha, naging lider-lideran ako nila kaya ok narin kahit girl ako..haha, ang haba.

  7. galing ng pagkakasulat ha. totoo yang mga sinabi mo. yun nga lang di talaga pede maging lebel ang lalaki at babae 🙂

  8. waw! ang gnda nito aninipot! prmise!

    pero hnd q dn masisisi ang gmgwa n ibenta ang srili,ang kdlasan gngwa nla un pra s mga mahl nla s buhay.. kya nmn nlalawakan q ang pag iicp q bout sknla,(ung iba lng!)hehe.

    nice one!:)

  9. aww. ang dami kong gustong sabihin. pero hindi siguro dapat sa espasyong ito. sapat na ang mga salitang nabasa ko para pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

    ako man ay sumusulat ng artikulo tungkol sa mga kababaihan, lalo na kapag Marso. haay.

    ‘I am a warrior in the time of women warriors; the longing for justice is the sword I carry, the love of my womankind my shield.’ – Sonia Johnson

    Isang Mapagpalayang Araw sa Iyo Kapatid!

  10. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, women are regarded as 2nd rate. Pero sino ba ang nagsabing wala rin silang pakiramdam, pangarap, pagkatao atbp? Although ang nabasa kong book ay “Mark of a Man” ni Elizabeth Elliot, i recommend the book, “Mark of a Woman” of the same author. Naalala ko ang pastora namin, something similar sa comment ni yvarro, ang babae ay other half ng lalake – none the less, none the greater.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s