alamat

Standard

madami sana akong ikukwento tungkol sa bakasyon ko, kaso baka maiinggit ka kaya wag nalang muna…

natuwa ako kasi may ilan na palang tao na nakakilala kay aninipot… sa simula pa lang di naman ako nagblog para magkaron ng mga bagong kaibigan… wala lang, dahil sa inggit kaya ako nagsulat, pero masaya pala dito, inangkin ko ang buong pahinang ito, tinaniman ng mga puno, naghakot ng mga kapwa insekto, binasura ang emosyon, pinalipad ang pagkamakata at binuksan ang mga mata sa paligid, tsaraaan! ito’y naging isang munting kagubatan.

may tatlo sigoro akong taong pwede kung sabihing naging mentor ko (di nila alam na isa sila sa mga impluwensya bakit ako nagsusulat) una si talipandas (di ako maglalagay ng link, hahayaan ko kayong maghanap, lol) nagoyo lang ako ng isang kaibigan kaya ko binasa ang mga sulat nya, pampawala ng antok sa opisina….super astig ang nasabi ko pagkatapos basahin ang mga sulat nya, tapos natisod ako sa bahay ni lio loco sa ka-engotan ko… pero gusto ko ang timpla ng pagiging sarcastic ng mga sinusulat nya, ang galing ng pagkabasura ng galit nya sa mundo, tapos, tsaraaan! si kuya kulisap,di na kelangan mag-explain(hehe) konektado ang tatlo… sila ang alamat bakit sinilang si aninipot…

una, nangagapa
tapos nagulat ako nung may bamabasa pala ng mga binasura ko, di naman ako makata, di rin ako magaling magsulat, isa lang akong dakilang mambabasa…..kahit minsan di ako nag-iiwan ng bakas, pero binabasa ko ang mga sinusulat ng nagagalaan kung bahay..saka, hmmm..mag-eexplain narin ako bakit wala akong blogroll… tulad ng dating sinabi ko, di ko kelangan nun kasi kung magugustuhan ko ang mga sinulat mo babalik ako, kahit hindi nga, bumabalik parin ako baka sakali malalasahan ko na ang mga sinulat mo…

hindi ako supladita sa blogosperyo, ako pa nga ang nasusupladahan… wag nang itanong kung sino…basta, gala kasi… basta may oras lang, lipad na ako dito.

nakakatawa no? this is just a virtual world, isang malaking drawing sa una, hanggang sa maging isa nang mundo… tayo ang dahilan bakit may mundong ganito, masarap kasing tumakas sa reyalidad ng mismong buhay natin, sino bang ayaw magkaron ng pakpak? sino bang ayaw lumipad?… wala diba? masarap magkaron ng bagong katauhan, ng bagong maskara… panadaliang maglakabay sa mundong ikaw ang kukulay.

ang kagandahan, marami akong naging kaibigan at isa ka, ikaw na nagbabasa sa oras na to… o ha! mabait ako, bait-baitan…hahaha, wag mo lang hiramin ang pak-pak ko baka di mo na isauli eh!

may power din ako at magical dust… gusto mo ng wish? sige pikit ka…tapos mag wish…

tsadan…. hintay ka lang it will be granted…

sa uulitin…

Advertisements

65 responses »

      • hmn.. hindi ata na post ang komento ng mga naunang maskara..

        pero uulitin ko na lang…

        hmn.. ang galing naman at konektado pala ang lahat sa blogosperyo..

        nakakatuwa at sa haba ng tinagal mo dito sa wordpress ay naaalala mo pa din ang mga tumulong sa iyo..

        haha! ako din naman ay nagpapasalamat din sa iyo…

        dahil isa ka din sa mga unang home owners na dumaan sa bahay ng mga maskara..

        iniisip ko kung paano ako makakaganti sa iyo..

        hmn. siguro..

        dadalaw na lang ang mga maskara sa bahay mo ng madalas.. 😀

      • hala! di pa ako matagal sa wordpress, mga six months pa lang yata.

        pero di ako makalimutin…haha

        thank you din.

        ako madalas namang dumadalaw sa mga bahay nyo, minsan nga lang di ako nakakapagcomment, nagbabasa lang.

      • ahaha! ganumpala.. 😀 ahaha! minsan.. koment ka naman.. 😀 mas gusto ko ang koment kesa sa daaw.. 😀 ahahaha!!! 😀 nagkaroon ka na ba ng bisita sa bahay ninyo?.. yung nakikain lang tapos umalis din agad?.. ang tawag po dun.. ay Eat and Run…

      • hahaha! uu nga ang ikli ng naunang mga comments. ahehehe… may meeting kase kanina kaya mabilisang comment lang. eto na totoong comment ko. masaya nga pagbblog, pero mas masaya gumala sa blog ng iba, makipagpalitan ng kuru-kuro at makipagkulitan. mas gusto ko ung nagbabasa ng gawa ng iba tapos exchange ng ideas, kahit minsan non-sense, tamang harutan lang. ahehehe 🙂

      • tama, mas masay pa ngang mag-comment sa iba kaysa gumawa ng bagong entry…hehe

        para narin akong madalas maraming kausap kahit monitor lang ang kaharap.

  1. hindi ko napansin na wala ka palang blogroll. ngayon ko lang nalaman. hahaha!
    ako naman kasi kelangan ko ng blogroll sa aking blog kasi hindi ko maalala ang link. parang yung sayo dati. tinype ko aninipot.wordpress.com walang lumalabas. hakhak!

    masaya ang pagbloblog. lalo na kapag bloghopping! patatawanin ka nalang ng bonggang-bongga! hakhak!

    maligayang pagbabalik. asan ang pasalubong ko?

    magwiwish ako. :pikit mata tapos yung kamay parang nagdadasal: oh hayan sana magrant mo! hakhak!

    • haha, ako naman madaling makamemorize ng url kaya ok lang, mahirap mag-maintain ng blogroll, basta…haha

      korek! masaya talaga ang pagbablog, minsan para akong timang na nakangiti dahil sa binabasa ko, pampawala din ng stress..haha

      mag-gagrant yan…may espesyal na kapangyarihan si aninipot…hehe

  2. ayan bumalik ka na.., masaya na naman dito sa bahay mo.. parang may party lagi..=)

    wish kong ilawan mo lagi ang utak kong inaagiw minsan..=)

    yung kwento ng bakasyon, sa susunod..

  3. Alamat ng Jakulandia.

    FYI, mapagkandili ako sa bagong silang sa buladaspir huwag lamang naglalagay ng NICE POST, pwedeng exchange link? Nagagalit ang pakpak ko at pumapagaspas hanggang NorthPole.

    Mas alamat ang mga bumubuhay na bloggers sa bahay ko.

    Pakiss na lang Anini.

      • I want to clarify my statement about exchanging link.

        walang masama don pero ang utuin mo pa ako at hindi mo manlang binasa ang idinura ko, kakapikon lang ‘yown.

        para que magpaparami ka ng mga followers o blogger sa sayt mo kung hindi ka naman nakikisali sa kulitan na may katuturan, basura ka. Ipot

  4. Buhayin ang espiritu ni Lio Loco, nasaan na kaya?

    Pansinin pa kaya tayo kapag nakapasa na siya sa kaniyang pagsubok?

    ahhhh..this is paynpul…a miss him so muts.

  5. eh di …. magkaibigan na tayo ngayon? *kindat*
    virtual man ang mundong ginagalawan natin, sana at sana…dumating pa din yung tym na may iilan sa ‘tin ang pumiling lumipad plabas dito.
    nang sa ganun, mas makilala at makikilatis ang kanya kanyang pakpak.

    san kaba kapatid, lipad nko jan. via val.(virtual air lines)
    ok may pagka korni talaga minsan kaming mga tutubi. (pagbigyan mo na)

  6. ako man..nilikha ko ang blog ko paar magdrama sa mga nangyayari sa akin ng asawa ko..pero di ko inakala na dadami rin mga kaibigan ko…you’re a fortunate one..^____^

  7. hai.. marami na talagang naidulot ang blogging sa mga bloggers na katulad mo at ako. Sa tagal ko na sa blogworld mula sa kautakan ng aking painuminmoko, natutuwa ako na may mga taong patuloy pa rin nagsusulat. di lamang para sa pansariling kagustuhan lamang. Keep blogging. 🙂

    • salamat…minsan kasi mas masayng magsulat, masarap magtapon ng mga salita kahit di mo naman alam na may nagbabasa, basta nakakagaan lang ng loob… masarap gawing basurahan ng emosyon ang blogworld.

  8. nice post, exchange links? wahahahaha. nang aasar lang naman. ahehehe.

    ibat iba talga ang reason natin kaya tayo napadpad sa mundong ito. hehe

    kinda like this line

    panadaliang maglakabay sa mundong ikaw ang kukulay.

    parang gusto ko ilagay sa satus ng fb ko eh.

  9. ayieee ksma aq kc nagbsa aq!! ahahha..
    aq nmn ngcmulang magsulat ng msktan! aruuy! bsta ayun gus2 q lng mlabas ang toxic n nsa ktwan q! ayun hanggang s hnd q nmlayan n unti unti nkktagpo aq ng mga kaibigan q dhl s pagsusulat q kya nman im still here! 😉

  10. Hindi pala ako isa sa mga mentor mo. *tampo*

    Joke lang. Haha. Alam ko namang kabulastugan lang matututunan mo saken eh. 😛 On a more serious note, not all people have the gift of expresisng themselves smoothly in writing. I am really glad that you ended up loving what you do, that makes me think that there may be a lot more people out there who are just lying around thinking that what they have to write is not good enough and never tried even once to publish a single entry. Hilaw pa ang blogging sa Pilipinas. Sana mas lumaganap ng mas may katuturan ang pagkaabalahan ng kabataan. Hindi puro Farmville. Hahaha.

  11. ngayon ko lang nabasa ang akdang ito, ani. tae lang, isa pala ako sa mga tinuturing mong blogging mentor. hakalain mo ‘yun? nakakatigas-tite namang karangalan ito. hihi!

    napakalaki ng intarnetz para magdamutan tayo. malaya ang bawat nilalang na dumura ng kung anu-anong shit ayon sa paraang nalalaman niya at walang dapat magmagaleng para sabihing kanila lang ang dakong ito ng buladaspir.

    ano ba ‘tong kung anu-anong shit na sinasabi ko? basta alam mo na ‘yun. at kung bakit hindi ko nabasa ang blog entry na ‘to eh dahil kasagsagan pala ng rebyu-rebyuhan ko nung mga panahong ‘yun.

    at suplado talaga ako. papano na ‘yan? haha!

    • alam ko na dati ka nang suplado, buti nga di ako naging suplado hano?..hahaha

      malay ko ba na may blogosphere pala, ang binabasa ko lang naman kasi dati ay si talipandas lang, at dahil madalas kang tumambay dun, napunta ako sa datcom mo, dun ko rin nakilala si jkulisap..ayan..konektado talaga.. hahaha

      • Hello, aninipot:
        Sobrang flattering ng lahat ng salitang nababanggit mo tungkol sa akin. Thanks, thanks. Na-curious tuloy ako kung kilala ba kita or kung Facebook friends ba tayo matagal na. Hehe. Anyways, matagal na akong nag-deactivate ng blogsite dahil mas dumarami ang rants ko kaysa sa mas makabuluhang mga sanaysay (naks). And I think it’s long been over for T aka JS because of… reasons.
        I have lots of reasons, and I don’t remember any one of them. Maybe I purposefully don’t.
        Katatapos ko nga lang din pala ng masters ko at nag-iba na rin yata ako ng priorities. gaya ng sinabi ni Pope Francis nung huling magka-text kami, nagbabago ang tao.
        For what it’s worth, allow me to give an unsolicited and clichéd advice:
        Tuloy mo lang itong ginagawa mo — magsulat ka pa nang magsulat. ‘Wag kang tutulad sa akin na bigla na lang titigil dahil wala lang. Nagpapaka-JD Salinger, reclusive sheesh. But what the hell, hindi bagay. Alam ko naman hindi talaga. Yak.
        I hope to write again, soon perhaps, and maybe under a different pen-name. Secret na lang ‘yon. Marami akong material pero wala akong drive at motive. Marami rin akong bagong realizations at life-changing worldviews (naks ulit) na gustong i-share sa mga anonymous na tao. At andami ko rin palang gustong gawin gaya ng pagko-komiks at pagtugtog. At acads. At research. At magka-anak ng lima.
        As I’ve said, I don’t think I deserve all the good words na nababanggit mo about me. But who am I to resist? 🙂
        Yours truly,
        T aka. JS
        PS.
        Patawad kung ginawa kong blogsite itong comment section mo.
        Hehe

        • Wow as in WOW!

          Nagcomment si Talipandas ng JS sa blog post ko! Lumapad bigla atay ko. This post is written almost 5 years ago kaya nagulat ako na may notifications for comment para dito.

          Hello Talipandas. Tungkol sa tanong mo if magkakilala tayo. Nope, hindi tayo magkakilala pero nakita na kita once. Maliit lang ang mundo ng mga mangugubat. Pero may common tayong kakilala. Hindi ako stalker lilinawin ko lang. Hindi ko rin maalala real name mo. Basta mahaba at kulot ang buhok mo dati. Lol!

          Hindi na rin ako nagsusulat. Kapareho mo may priorities din ako labas sa kwadradong mundo. Pero hindi ko i-dedeactivate ang blog na to baka bigla ko kaseng maisip na bumalik if may puting hangin na dadaan. 🙂

          Totoo yon, astig na astig mga blogpost mo kahit nakaka-intimidate ang angas. Haha!

          Dahil mahaba koment mo, napahaba rin reply ko. Thank you pala sa pagdaan sa maalikabok at inagiw kung pahina. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s