ikaw sa panaginip

Standard

kasabay ng pagmulat ng mga mata ang pagsinag ng araw, sa unti-unting pagliwanag ng paligid nakita mo ang mga naglipanang mga paru-paro, naririnig ang mga huni ng ibon, ang tunog ng paghagod ng hangin sa mga dahon. nasa gitna ka ng ilog na nasa gitna ng kagubatan. sakay ng bangkang dahon. malinaw na malinaw ang tubig ang hanging umaga ay higit na nagpaganda sa pakiramdam. dahan-dahang umusad ang bangka, sumasabay sa mahinang agos ng tubig, sapat upang makita ang luntiang paligid, ang dahan-dahang pag-ugoy ay may hatid sa pakiramdam na parang batang ipinaghele ng kanyang ina sa duyan…

bago mahila ng antok bigla kang lumutang, paitaas, paimbabaw sa kaparangan, sa himpapawid, sa di malamang dahilan sakay ka na sa likod ni haring agila, nakikipaglaro sa lakas ng hangin, malamig ang dumadampi mula sa mga puting ulap..kay ganda ng paligid…. ikaw ang hari ng himpapawid. itinaas ang mga kamay upang higit na maramdamang ikaw ay malaya, bumulusok paibaba, bumalik sa itaas. ang kulay asul na karagatan, ang berdeng kagubatan, ang puting ulap ay abot ng iyong mga mata…mga bahay na parang tuldok, lahat pantay-pantay mula sa itaas.

sa pagtatapos ng araw, lumutang ka ulit, pabalik sa kagubatan, sinalubong ng mga alitaptap na unti-unting dumarami, sa pagtatago ng liwanag ang kislap nila’y higit na lumutang, nakikipagsayaw sa musikang dala ng hanging pang-gabi…tuluyang dumilim ang paligid ikaw ay ibinalik sa dahong higaan… hinihila ng antok, sabay sa pagpikit ang huling pagsulyap sa mga diyamanteng bituin sa langit.

Sarap maglakbay sa panaginip no?

Advertisements

65 responses »

  1. masarap lumipad sa panaginip,
    masarap na lumipad na parang agila na puno ng gilas, lakas at bangis
    masarap managinip kahit gising.
    masarap managinip sa sariling tahanan at kama
    masarap managinip na alam mong parang natakasan mo pansamantala ang magulong mundo.

    —magandang umaga waling anini, kumusta ka na? pareho tayo masakit ulo ko nito 1 am na kami nakatulog tapos bangon ng 5 ng umaga.

    God bless!

    • haays! masarap nga..

      masarap kalimutan minsan na tao ka…

      masarap na walang iniisip kundi lumipad at maglakabay.

      basta!…hahaha, ok na ako kuya, medyo mahapdi lang talaga tyan ko dahil sa hyperacidity…stress na tlaga ako sa trabaho.

      • ako din stress na stress din ako sa work waling anini, yun nga lang may standing contract pa ako kayo hindi ako makaalis, last two weeks yata iyon sinabi ko sa boss ko na para na akong punching bag (actually nagheart to heart talk kami), nagkahingian ng tawad at naging ok naman. pero kahapon ay nagsisimula na naman siyang gawin ulit akong punching bag.

        magreresign ka nga ba?

      • oo, mahirap pag health na ang kalaban… ayokong abusuhin ang katawan ko..

        saka magtuturo man o hindi, magreresign na talaga ako…sa june pa naman ang pasukan kaya ok lang.

      • great! great! great ang maging teacher, may major subject akong kinuha sa institute of agricultural studies and forestry sa school namin yung Taxonomy of Vascular Plants, ang hirap nun, wow forester ka pala waling anini, sa gov’t ka ba nagwowork?

        pag-isipan mong mabuti at samahan mo na rin ng pagninilay ang gagawin mong desisyon,

        i miss teaching also…

        you can do it!

      • wow! kumuha ka ng taxonomy?….favorite subject ko yon… sana nga yon ang subject na isa sa ibibigay sakin.

        oo sa gov’t ako nagwowork pero mas gusto ko sa academe, dati ko ng alam na doon talaga ako na belong, sinubukan ko lang sa denr para di ako bias if ever magtuturo na ako.

        gusto ko ang pagiging noble ng pagtuturo, di man ako yayaman atleast fulfilling…saka madaming chances na makakapag-aral ulit ako.

      • awww. nakurot ang aking puso…
        mahal ko din ang pagtuturo nangailangan lang ako ng isang malaking espasyo kayo ako napadpad dito at you remind me of my desire to go back again to teacing at yun din ang plan ko pero kailangan ko munang tapusin MA ko kasi sa 2 taon pamamalagi ko dito ay kailangan kong magrefresher.

        tama yan, the unsung profession ang teaching, saan ka magtuturo? pangarap ko ding 1. magtrabaho sa irri, denr, philrice basta researcher or sa lab at 2. teaching so nadansan ko na ang teaching ewan lang kung mapapadpad ako sa research or lab.

        sa subject naming TVP ay mahirap as in terror ang prof namin, namundok kami, tapos nagfield, nagherbarium ng mga napakakalaking mga halaman mula sa bundok ng mt. arayat, at ang hindi ko makakalimutan ay ang laboratory days namin dun sa subject na iyon, moving system usually tapos nakapalapag ang mga dahon, bunga, branches at inename namin sila sa sciname, comname, famname, group basta masaya yun tapos yung result ng exam dahil 70% ang passing pag major subject ay ipapaskil (hindi naman nakakahiya kasi mga id nos lang naman) at karamihan sa mga mates ko ay nagremoval. oh the college days…

        enjoy ang subject na yun waling anini lalu na ang field work.

        napahaba ang post ko este comment ko.

      • haha, sa subject na yan ako unang nag-excel, kay love na love ko….sa simula ang hirap ng moving exam at ang hirap mag memorize ng SN, CM at FN…pero ngayon kahit isang beses lang nababanggit namememorize ko na.. ang saya pag nasa field…nagsusuot din ba kayo ng hardha/skullguard? kasi samin requirement yan tapos lahat may dalang bayong.

        hmm, sa school kung saan ako grumadwyt…doon ako magtuturo.

      • tagasaan ka kasi waling anini?

        yap kumpleto lahat, including digicam para kapag nagreview ay matatandaan ang mga dahon at kung anu-ano pa

        yap mahirap sa simula ang taxonomy pero kapag nakasanayan na ay magkakaroon ka ng linnaeus syndrome (gawa-gawa lang namin to noong college) at bawat madaanan naming mga puno at halaman ay ninename talaga namin habang naglalakad pauwi sa mga dorms at apartment, diba syndrome na iyon? eheh or malamang takot na bumagsak..ehe ulit

        malaking tulong yun na-aappreciate ko now, for sure alam mo ang aroma diba, madami ditong aroma (ginagawa ngang alak dito eh – likas ang pagiging malikhain ng mga noypis dito) at iyon ay natutunan ko sa TVP (hindi ang paggawa ng alak mula sa aroma). 4 ang plant related major subjects na pre-requisite namin kaya ang choice lang namin is mahalin talaga ang mga halaman.

        masaya ako at balitaan mo ako kapag nakapagturo ka na ha…
        at pwede na kitang mailagay sa kategoryang Kapwa Tagahubog!

      • isa akong gala kuya mizpah, sa ngayon pagala-gala ako sa mindanao, pero di ko sasabihin ang province ko…wala lang para may matira sakin…haha.

        wow! sosyal kayo ha, digicam? ako photographic memory ang gamit plus collection of species..tama linneaus syndrome..haha

        aroma? anong species ba yan or family? magkaiba tayo ng location kaya may chance na di samin naintroduce ang sinasabi mo…
        malaking factor ang site kasi nung sumali kami ng National Forestry Olympiad madaming species ang meron ang ibang school na wala kami and vice-versa, marami kaming kilala na wala sa kanila.

      • ginawa nating chat box ang post mong ito.ehe

        hanapin ko sa google ha, kadahon siya ng ipil pero mas maliit tapos may mga tinik ito

        gala ka pala noh, pareho tayo gala din ako at dito sa aking kinalalagyan ay pansamantala itong nahinto.

        lumindol sa tsina waling anini 6+ magnitude

  2. Kapag ika’y nanaginip, ibang mundo na ang daluyan, mas makulay, mas may tapang, walang hadlang kaysa sa reyalidad.

    Naramdaman ko ang hagod ng kwento,parang nais ko ring sumakay sa dahon habang inililipad sa kung saan.

    Lab it

  3. Base ako!! base!! hahaha!! nakakatuwa naman!! πŸ˜€ hahaha!!!grabe.. sa susunod anini.. matulog ka muna bago managinip.. πŸ˜€ ehehekkehehekk.. πŸ˜€ gandang post.. nai imagine ko yung imagery.. πŸ˜€ hmn..though hindi ako mahilig sa ganung scenery. hehe..

    • aw! di mo like ang nature… sige dyan ka na lang sa mga maskara mo…hmmp! nagsungit na…haha

      actually kinulang talaga ako ng tulog, di ko kasi mabitawan ang binabasa kong book kaya ayon…haha

      • aaha!! πŸ˜€ opo! anini.. medyo ayoko ng malawak na lugar.. haha! natatakot ako.. (meron bang kabaliktaran ang clostrophobia?. hmn.. ganun cguro ako).. mas gusto kong magkulong sa loob ng 5 meter cube na box, kesa sa gitna ng isang malawak na bukid.. (grhhh.. iniisip ko palang natatakot na ako..) hahaha!!

        weird nuh?.. sige tawa lang..

        may kilala din akong insomniac.. hehehe.. inis na inis din siya tuwing nauunang tumilaok ang manok bago siya makatulog.. πŸ˜€

      • yay! weird nga… di ka pala pwedeng isama sa mt. climbing adventure.

        yong housemate ko insomniac…gumising na ako minsan di parin sya nakaktulog, kaya madalas sabog pagpasok sa trabaho.

  4. ahaha! naku! gusto ko rin aman ng mga ganung adventure, done that many times.. (mountain climbing) basta madaming puno.. basta na aabot ko pa ang pinakamalapit na bagay sa akin.. (hindi katulad kapag nasa gitna ng open field ka,, o malawak na golf course.. or gitna ng paliparan.., o kaya nakasalbabida sa laot.. ) ahaha!! tama.. mas gusto ko ng nakatago sa maskara.. πŸ˜€ hahaha!!!

    hmn.. ang insomniac.. hindi talaga minsan alang tulog.. madalas.. : irregular lang ang sleeping patterns nila.. πŸ˜€

  5. oo paminsan minsan din naman mas maaga syang tulog, kaso pagdating ng twelve nagigising sya tapos minsan nasa 3 am or 4am na ulit makakatulog, sakit sa ulo nun.

    asus! greatest weapon mo yata ang maskara…haha

    • hahaha tama.. ang maskara ang isa sa pinakamalakas kong armas.. at sa parehong pagkakataon:

      ito rin ang pinakamatibay kong bahay at kulungan..

      hmn. eh ano hm.. ano nga ba?..

      magandang araw ate anini koh!

  6. ang gandang panaginip naman nito,tinkerbell.

    pag gising mo,tuloy mo ang panaginip dahil ang pagiging malaya ay isang bagay na karapatan mo.gawin ang lahat ng nais mo at masdan ang mundo sa sarili mong mga mata.huwag mong isusuko ang lahat ng nagbibigay sayo ng munting kaligayahan.

    at sana nga,maging guro ka na sa darating na pasukan.sa gayon,maraming mga tao pa ang mabubudburan mo ng ‘magic dust’ at mahikayat na lumipad din sa himpapawid ng buhay!!!mabuhay mabuhay!!!

    ‘ang pag-asa’y walang hanggan,pag-ibig ay walang hadlang at lilipad ang saranggola sa ulan…’

    yan ang lapat na lyrics sa post na ito,tinkerbell.mula kay gary granada.’saranggola sa ulan’.pakinggan mo rin minsan.beautiful lovesong.

    • wow! gusto ko tuloy gumawa ng entry tungkol sa sarangolang lumilipad sa ulan…hmmmm, next time.

      aw! si kapitan hook ka parin, kasi pag si peterpan ikaw, sidekick lang ako…hehe

      panhihikayat nga ba ang magagawa ko, baka naman isa akong kontrabida sa buhay ng mga estudyante?…hehe

    • hehe, kaya nga panaginip dahil panaginip lang sya, anumang mangyayari magigising at magigising ka rin…

      paminsan-minsan kelangan din nating tumakas sa mundo ng reyalidad para sa pansamantalang pamamahinga.

  7. kakaiba sa panaginip mo, hindi ako kalimitang nanaginip.. pero pag nanaginip ako parang laging maaksyon.. yung tipong mahuhulog ako sa tulay, madadapa ako o may humahabol sa kin.. at nakakahapo pag nagising na.. parang nytmare lagi?.. ay minsan pala may isang beses na nanaginip akong may kumiss sa kin.. hanggang ngayon di ko maalala yung fez.. kainiz!!=)

  8. ayos ang panaginip mo. pwedeng pajoin. bale kapag mananaginip ka na. bigla mo akong tawagin at makikipanaginip din ako sa’yo. bale ikaw si tinkerbell at ako naman si ano tweety bird. putek. bat tweety. hmmm sino pa ba ang ibang karakters dun. ayaw ko maging si wendy eh. ayaw ko din si peter pan dahil ayaw niya lumaki/magmature. ahay! ano na lang, si captain hook.

    pwede bumanat di ko kasi mapigilan. bigla ako may naalala. bale ganito kasi yun eh.

    diba sabi ni peter pan kapag pinikit mo raw ang iyong mga mata at mag-iisip ng mga bagay-bagay at pangyayaring gustong-gusto mo ng buong puso at kaluluwa eh lilipad ka daw. eh bat ganun? sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata at iniisip siya, nahuhulog ako. bat ganun? bakit??? hakhak!

    • hahaha, di ka pwedeng maging si captain hook kasi si duking na ang bagong kapitan hook…hahaha

      haha! eh bakit ako lumilipad?…baka naman hindi pwedeng lumipad si eloiski, bawal…malulungkot ang sangkatauhan pag naging diwata ka…haha

  9. ang lufet ng panaginip mo Aling Ani, parang nai-imagine ko yung mga libro ko nung nasa elemntarya ako, mga anyong lupa’t kapaligiran. hahaha.

    maari mo rin ba akong i-dingdong sa susunod na mananaginip ka? para makasama naman ako sa paglipad mo, tinkerbell. hehehe. ako naman si tik-tak croc? kayanin mo kaya ang bigat ko paglipad mo? hehehe πŸ˜‰

    • hindi….. ang liit ko kaya, patulong ako sa kampon ni kuya kulisap….
      mga lamok ang magdadala sayo….hahahaha

      chevybo, bawal akong tawaging aling ani…. may curse na sa susunod na tatawagin mo ako nun…hahahaha

      • aw! ba’t di ko nabasa kagad ‘to! may curse ba talaga, wala bang consideration ngayon? kasi di ko nabasa ‘to kagad bago ako ng-comment sa latest post mo eh. huhuhu. Ani na lang? o Ani Lorie na lang? hehehe. naks, peborit ko yun. πŸ˜‰

  10. Nung isang araw lang ang ganda ng panaginip ko. Napanaginipan ko yung crush ko na hindi ko alam ang pangalan pero alam kong pag na meet ko sya eh maiinlab ako sa kanya ng bonggang bongga. Haha. Malandi mode nanaman ako.

    Anyways, pag kinukwento ko mga panaginip ko sa friends ko, natatawa sila kase maaksyon..

    Maaksyon in a sense na maraming thrill! Wag marumi isip! Haha. Nung pinanood ko ang lahat ng star wars movie, napanaginipan kong Jedi ako na nakikipaglaban at may lightsaber! Tas napanaginipan ko na ren one time na naglalaro ako ng Quidditch! Saya!

    • wow! saya ng panaginip mo…gusto ko rin ng ganun…

      pero yong crush kadalasan sa panaginip na gising ko sya nakikita…hahaha
      kadalasan kasi nakakatakot ang panaginip ko, may mga aswang o di kaya puro madilim, ewan!

      • ahahaha!!! hindi na dapat ako magko comment.. pero natawa lang ako sa usapan.. πŸ˜€ hahaha!! kulet mo talaga kuya kul.. πŸ˜€ hehehe..

        magandang hapon dito,,,

        gawin ko lang fly over tong bahay nio: padaan po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s