abril at mayo

Standard

summer na pala ngayon… wala lang di ko na sya napapansin, di tulad nung nag-aaral pa, excited kasi may bakasyon, pero dalawang bakasyon ang gustong-gusto kung balikan… hindi sya bakasyon grande, nataon lang na summer sya nangyari… una yong review for board exam, ayokong magkwento, boring yon… puro aral ang nasa isip ko.. bait-baitan.

pangalawa, during summer practicum, para sa ibang nag-aaral ang sa inyo kadalasan nasa opisina, kami hindi, alam mo na sigorong graduate ako ng forestry, so what would you expect?…mamumundok kami…yehaaa!… nahati ang klase namin sa tatlong location, Bohol, Camiguin and Agusan del sur… o ha! asang grupo ko?….. syempre sa agusan, yon lang ang tanging malawak ang kagubatan sa tatlo… nauto ako ng practicum coordinator namin, mas madami raw akong matutunan kasi logging company ang pupuntahan namin sa agusan… well yeah! medyo may natutunan ako.

1. Wag agad inumin ang gamot na ibinigay sa inyo, lalo pag sinabing one dose ang pag-inum ng sangkatutak na gamot.. Bakit? dahil apektado kami sa pananakot nilang baka magka-malaria kami dahil dating malaria infested area ang pupuntahin namin. may binigay saming anti-malaria na gamot from health center, sabi nila isang inuman lang…lahat kami nag-react, “sure maam? one dose lang to?” sabi nila oo, dahil counted na daw nila ang milligram na itatake by person… so kami dahil takot nga, sige inom… imagine anim(6) na tig 500mg at anim din na tig 250mg… i-add mo… 3500mg in one dose… ano sa tingin nyo nangyari?..lahat kami bangag… ayoko ng ulitin ang ka-engotan na ginawa ko…instead na excited para sa first week na field lahat kami may sakit, lahat kami isinuka ang nainum… meron pa, engot tlaga, dahil di ko kayang inumin lahat ng iyon coke ang substitute ko ng tubig para di mapait. waah! at ang masaklap, pag gabi na, wala man lang lamok… so ano pa at uminom kami ng sinasabi nilang gamot na muntik ng pumatay samin….haays!

2. natuto akong mag BIDDING…. isang card game na minimum of four ang player then maximum of ten, ang saya!.. nooong nasa concession area kami, walang kuryente, 5 days ang 4 nights kami doon, may dala ng pagkain for the whole duration, 3 consecutive weeks naming ginawa…. buti nalang may log houses sila, may matutulogan kami.. walang pustang pera, pagkain lang, kung sino ang apat na may lowest score, sila ang maghahati sa bet na pagkain, so every weekend fiesta…hahaha, lahat na yatang pagkain na meron don sa place pinagpustahan na namin…halo-halo, fried chicken, pati every ingredients ng fruit salad basta masarap pasok!..haha

3. natuto akong mag-luto gamit ang kahoy, di ako marunong mag-paapoy ng kahoy promise!, dati kasi pag nasa fieldtrip kami, usually na ginagamit namin ay mga sanga ng Benguet pine, kahit buhay ang kahoy pwede itong sindihan, may turpinetine kasi ang ito, di na kelangan ng ga-as..(para madefferentiate mo ang benguet pine from mindoro pine ay bilangin lang kung ilang needle ang dahon nya… ang benguet ay tatlo at mindoro ay dalawa lang).

4. minsan mas mapagkakatiwalaan pa ang mga taong pasaway sa pag-aaral kaysa doon sa mga matatalino talaga… pag nasa field ka, diskarte ang kelangan, bawal ang maarte, maglalakad ka ng halos buong araw sa kagubatan…yong mga feeling superior madalas walang ginagawa, madami ring sipsip…basta! yong mga taong di mo aakalaing walang pakialam ay higit na may pakialam pala…hindi nang-iiwan… pag nasa panahong mahirap na ang activity, doon mo makikita ang may diskarte, ang mga kulelat sa exam, doon mas mapagkakatiwalaan…magkaiba ang mundo sa loob ng silid aralan kaysa sa labas… may di masyadong magaling pero sa aktual isang totoong magaling.

5.makakatagpo ka ng taong irerespeto mo, ako may isang taong kinaiinisan ko, lahat ng bagay nagkakatagpo kami, madalas di magkasundo, kinaiinisan lang, yon pala kaya di kami magkasundo kasi pareho kami ng ugali, ayaw patalo, gustong maglider-lideran…haha, una pa lang inaabangan na nila ang mangyayari, ang parating na gyera, pero himala…walang away, kung sino pa ang ayaw ko yon pa pala ang lubos na nakakaintindi sakin. ayoko nang mag elaborate…hehe, basta!

pagod na ako…. sasusunod na lang ulit, tinopak lang…hehe

Advertisements

70 responses »

  1. hmm.. parang nung scouting namin sa isla na inabot ng tag-ulan.., mas madiskarte nga ang mga pa-easy lang sa iskwela, mas masaya pang kasama kase di puro libro ang alam nila.
    naadik ka na pala minsan ha.. ang laki ng dosage pare,, sira ang ilang sustansya mo sa katawan pag ganun.. buti walang na-ospital se nyo.., hindi rin ako mahilig uminom ng gamot..sa susunod try ko ung coke na panulak para di mapait..=)
    at nabitin ako sa #5, sino yun hah?.. Oyyy.. naalala mo bigla.=)

    • actually natural na madiskarte ang mga pasaway, mas masaya din silang kasama kasi kahit saan kayo umabot di kayo magugutom…
      di nakakapagod ang trabaho kasi kung ano-anong side comment at sideline ang mga ginagaw…hahaha

      bangag as in bangag talaga, nakakatakot yon.

      yong no. 5?…hahahaha, clue? si loveteam ko ng practicum…haha

      • hala! ganun…magkaiba ang mundo natin lee mi…
        hmmm, ganito yon, may kakilala ka bang taong masyadong straight…sa sobrang straight nya kinaiinisan mo na?…parang ganun ako, walang masyadong sosyal life, puro libro ang kaharap… pero di naman ako nerd tingnan, perhaps! wala akong eyeglasses…hahaha

        at totoo ang sinasabi kong di ko pa nasubukang pumasok sa isang relasyon…

      • niwala naman ako.. push lang talaga kita kung ano sagot mo kung ‘mongha’ ako.. eeeww.. (tindig balahibong pusa ko!!=).. oks lang din yung wala pa.., choice mo rin yun.. nga lang, sayang yung di mo naeexperience yung ibang saya bukod sa nabibigay at nakukuha mong saya pag kasama yung pamilya at kaibigan.. darating din yung time mo.. maiinlove ka rin..at magpopost ng kilig moments d2..at aabangan ko yun..=)

      • haha, naiisip ko pa lang ang vodka, naku mahirap kang maging mongha, pwede pa pag tinalian ka…hahaha, joke lang!, who knows baka mag mongha ka in the future, posible parin yon.

        hahaha, di ko pa alam kung kelan ako magpopost ng kilig moments na yan…hahaha

  2. waw Bok! kaw base, hahaha. Hello Aling Ani! ;). Tama, agree ako dun sa sinabe mo dun sa #4. Na mas maasahan ang mga taong akalain mo’y hindi makakatulong o magiging pasaway lang. Sila kasi yung mga taong matatawag na ko-boy/ko-girl. Mga tunay na tao, walang orocan, durabox o tupperware sa kanila(pero di naman lahat). Basta, naranasan ko na kasi. hehehe. mga pasosyal na matatalino kala mo kung sino’ng naglilider-lideran hahah (pero di rin lahat, me kakilala akong ilan na matalino-pero pasok!:D). Tama, parang bitin nga yung #5, di kuh malaman kung babae, o lalaki ba siya. O naging ex(?) ba siya. hahaha. wala lang. parang ikaw lang tinopak lang din kaya nakapag comment ng gan’to kahaba. hahaha

  3. ngayon ko lang nalaman forestry graduate ka pala ani.. bagay na bagay ung name mo sa course mo.. nakakatawa naman ung no.1.. pinagtake kayo ng ganung karaming gamot ala rin naman palang lamok.. pero for safety na rin.. yun nga lang muntik na rin kayong napahamak hindi dahil sa malaria kung hindi sa over dosage ng gamot..hehehe

  4. kung baga parang fieldtrip pala to hehehe

    ung sa gamot, effective naman ba ate? walang tinamaan ng malaria? (sana wala)

    parang gusto ko din mag-aral ng forestry. gusto ko rin kasi ang mga expedition sa gubat. awts. haha! wala naman sigurong hayop na kakaen saken! haha!

    ate turuan mo ko nung card game nyo! laro tayo!

    • actually hindi ko alam if effective ang gamot dahil sa totoo lang wala na palang case ng malaria dun…haays na bangag lang kami..

      pag palagi kang hamster, maraming kakain sayo dun…haha

      oo bah!, super saya ang card game na yon, yon lang ang madalas naming gawin pag gabi na, minsan inaabutan kami ng madaling aral kakalaro nun..haha

      • ang nangyari lang naman. lahat kami suka ng suka, ang hapdi s tyan…tapos pag lalakad ka para kang lumilipad, muntik na ngang may mahulog samin sa tulay dahil dun…. basta, lutang na lutang, expected pa naman na ako ang hindi magkakasakit samin tapos ang nangyari pati ako nabangag….hahahaha

      • masdan mo aking mata, di mo ba nakikita? ako ngayoy lumilipad at nasa alapaap na!!! ate ani ko! magandang umaga sayo!!!!

        ang bilis ng panahon ano. abril, tapos maya maya lang mayo na.

  5. alam ko din ang number 3 ehe (parang yung eucalyptus at chinese acacia pareho sila sa tingin). sa no.1 naman mt. arayat lang inakyat namin kaya walang gamot na ininom, off lotion lang. sa 4 & 5 ay tama ka dun, nakarelate ako.

    namiss ko tuloy ang college days waling anini, ang field at laboratory at ang familiarization ng mga dahon, bulaklak, bunga at iba pa at ang Linneaus Syndrome. ahahah God bless!

      • sabagay tama ka waling anini, pero kakaiba sigurong experience na this time ikaw na ang magbibigay ng instruction at taga-gabay sa pag-akyat. yiiiiih excited ako para sa iyo.

      • ahahahaah, baka magka-crush pa sila sa iyo o ligawan ka (kilig)…
        basta kung saan ang puso mo at magbibigay saya at buhay sa iyo doon kami.

        from: mga nilalang sa kagubatan ni anini

      • haha, naalala ko bigla ang first question sakin during university panel interview… first question “do you have a boyfriend?” napangiti ako promise! di ko inexpect na ganun ang unang tanong sabi ko, none maam… tapos follow up question “how would you handle if your students started to txt you, sent you letters or flowers?… honestly di ko halos masagot, kasi naman, sinong mag-eexpect ng question nila, tanging nasabi ko ay “just be civil with them, if ever it would be happened…haha, tapos lahat sila nag-ngitian…kasi daw masyado kaming mga batang tingnan…hahaha

      • ahahaha kasama talaga sa interview yung ganun…

        obligado naman kasing ibigay ang mobile number sa mga bata…

        ako nun ang tinanong, marunong ka bang maglinis ng banyo?

        nanunubok lang siguro sila noh…

        naiimagine ko tuloy ang scenario na manliligaw sila… o mambola para hindi sila makakuha ng 3…. haaay gusto ko na ulit magturo.

      • ginawa nating chat box ang kwentong Abril at Mayo mo waling anini… di bale medyo related naman eh…

        natatawa nga ako ngayon eh… yun ang maganda barkada lang mga studyante pero may paggalang at alam nila na sa loob ng klase ikaw ang boss…

      • tama! kahit masyado kaming close kung di naman maganda ang performance nya, di pwede ang hilaan… pero may warning naman basta! ayokong ipasa ang isang tao kung di sya deserving… at mas mabuting i-singko para matuto if ganun.

  6. “pag nasa panahong mahirap na ang activity, doon mo makikita ang may diskarte, ang mga kulelat sa exam, doon mas mapagkakatiwalaan…magkaiba ang mundo sa loob ng silid aralan kaysa sa labas… may di masyadong magaling pero sa aktual isang totoong magaling.”- masyado akong natuwa.

    parang baguio pine at mindoro pine lamang, may sariling ganda pero alin ang mas may pakinabang.

    Maraming ganyan sa mundo, matalino sa klase pero pag praktikal na pamumuhay na engot na, mas malala kung parehong wala. Mas maige ng mal-edukado pero bihasa kaysa sa edukado na tuso. Gaguhan na ‘yon

  7. Ate ani ko! nagbalik na po ako.
    im so back! namiss kita alam mmo ba yun?

    visit ka sa site ko hah aabangan po kita dun! 😀

  8. Parang ok ung Forestry na course mo! At least naging meaningful ang practicum mo dude. You will use ur experiences sa buhay at sa darating pang future!!! Nice blog you have here!

  9. wahahaha! natatawa ko sa number1. ako nman dito sa ofc nun, sabi 2 neozep daw inumin ko para mas effective, after 5mins, tulog ako. ahahaha! nakakainggit ung practicum mo. gusto ko din ng ganyan. tapos magccamping sa gubat, tapos mamimingwit ng isda para ulamin, tapos maglalagay ng duyan sa ilalim ng Benguet Pine (ayoko ng Mindoro pine 2 lang needle e, wahahahaha!)

    ayoko sa number 5.

    • hmmm, teka! mas maganda ang structure ng mindoro pine kaysa benguet pine….may ibang ibig sabihin ba ang sinasabi mo tapa?

      gusto mong mag-camping? owsss! mahirap mamingwit ng isda, kami nga sa palengke namingwit…hehehe

      ba’t ayaw sa no. 5?

  10. hahaha! kala ko pareho lng ung mga pine tree, naisip ko lang mas malilim ung Benguet Pine kase mas madami needles. ahehehe….

    Gusto ko mag-camping, cge wag na lang ung fishing, sa palengke na lang un. hahaha! tamad.

  11. Share lang anining, na-overdose na rin ako sa kapsula, pumuputok -putok tenga ko, tapos para akong hinampas ng mga tikbalang, praning talaga ako ‘non.

    ‘Yon lang, kaya malulugi ang botika sa akin, ayaw ko na.

  12. Yung turpentine di ba nasa mga pintura yun?
    Mataas ba ang mindoro bakit my pine doon?
    Tagal ko nawala’t di nagawi dito puno na ko ng talahib! Anii!!!

    • may area din naman na mataas ang elevation sa mindoro, saka kahit naman di masyadong kataasan ang elevation mabubuhay parin ang pine.

      oo, nasa pintura yon at usually kinukuha yon from pine species, kaya nga pag nagkaforest fire sa ibang country mahirap patayin ang apoy.

      tagal mo ngang nawala yin…

  13. wow.very exciting pala yang field mo,tinkerbell!

    ingat lang lagi especially kapag nasa gubat ka na.maraming kababalaghan ang meron sa gubat ng neverneverland!

    • yon ang di ko alam pero posible, kasi ang alam ko lang ang turpentine ang reason bakit nagliliyab ang pintura… pero anyway ang dye naman na ginagamit sa pintura ay galing sa puno… it’s raw materials are all came from the trees..

  14. hahaha. natawa ako dun ah. parang nakadrugs ba ang feeling.
    natuwa ako sa posteng to. lalo na yung sa field part na nagsasabi na diskarte lang talaga. I AGREEEEEE!

    pampalubag loob. hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s