saranggola sa ulan

Standard

may pag-asa bang lilipad ang saranggola sa ulan?

eh, lilipad ng walang taling nakakabit dito? mas higit na malaya ang paglipad pero bubulusok at bubulusok din. walang direksyon kasi walang nagbibigay ng direksyon…

ikaw, ako, tayo… pare-parehong mga saranggola…. di pwedeng mawalan ng tali dahil pag bumagsak, walang maghahanap. walang tatanaw, walang aakyat sa puno pag sumabit.

saranggolang may kanya-kanyang kulay… depende sa humahawak, depende sa taling ikinabit, may singnipis ng sinulid, mahaba pero madaling maputol, may makapal pero di lilipad sa taas ng alapaap.

mas malakas ang hangin, mas mataas ang tyansa ng paglipad.
maaraw man o makulimlim, pwede paring lumipad.

pagdating ng ulan, pwede pa ba?

pwede, pansamantala hangga’t mas malakas ang hangin kaysa buhos ng ulan.
pagtuluyan ng nabasa, pahinga dahil bukas may araw na…

saranggola ulit, malayang lilipad na di nakakalimutan ang taling humahawak.

Advertisements

47 responses »

  1. namiss ko tuloy ang pagpapalipad ng saranggola. iyan ang laro ko noong bata ako tapos nung pumutok ang mt. pinatubo nagpapalipad din ako ng saranggola nun…

    tamang tali, tamang materyales, tamang larga ng sinulid, tamang taga-gabay — makakalipad nga kaya kung umuulan? di bale bukas na lang, sa panibagong araw.

  2. Pangarap ko nun may saranggolang kaya ang bigat ko para sasakay ako tapos dun matutulog, lol. Dati yung plastic bag lang binebreysan namin ng tingting tapos sinulid lang. Nasubukan mo na magpalipad ng saranggola ani?

    • haha, yin, magaling akong magpalipad ng saranggola…ako nga ang nangungunang gumagawa pagsapit ng bakasyon…tapos nagsusunuran na ang lahat…

      plastic bag lang din, tapos tingting at sinulid ang gamit ko.

  3. Pwede po bang humiling?

    Ang nais ko po ay lumipad sakay ng saranggola, ayaw ko pong ako ang nagmamaniobra ng saranggola.

    Pwede po bang humiling?

    Pwede po bang isama ang aking kaibigang si Tagpi kapag nagpapalipad ng saranggola?

    Pwede po bang sumungaw sa labas ina?

    Pwede po bang maligo sa ulan habang nagpapalipad ng guryon ama?

    Pwede po ba?

  4. hahaha. paano nga ba un? siguro dapat meron payong ang saranggola mo.. para di xa maulanan at makalipad pa din. heheh kahit bumuhos man ng malakas atleast di xa msisira. hahah

  5. ang bigat ng saranggola ko.. at sumasakit kamay ko sa paghawak sa tali nito.. pero di ko pa rin bibitawan.. pagkatapos ng bagyo.. matutuyo rin ang mga ulang nakisakay sa paglipad nito..=)

  6. Anggaling talaga ng mga salita, binibigyang buhay ang isang bagay. Nagbibigay kulay sa isang bahaging malamlam at nagbibigay ng malalim na kahulugan gamit ang nakakabilib na kaisipan. Gaya ng nasabe sa posteng ito. “Lilipad ng walang tali, subalit bubulusok din. Dahil walang direksyon at maaring tangayin ng malakas na hangin.” Saranggolang maituturing subalit maaring sumalamin sa buhay natin. Ang mga ulan na maaring magpabigat upang hindi tayo makalipad, at ang pag sikat ng araw na magbibigay init upang matuyo ang mga luha at kasabay nito’y panibagong pag-asa.

    Magandang araw sa’yo!

      • Hello Ate Ani! hahaha. ang galing nga ng mga salitang isinulat mo eh, nagkakaroon tuloy kami ng kaniya-kaniyang interpretasyon sa mga artikulong isinusulat mo. Ingat ka lage! Godlbess!

        P.S. Namiss ko ang kagubatan! 😉

  7. sa tingin ko pwede naman… pero sa ambon lang sya makakalipad…

    kapag malakas na ang ulan, para ka ng dinadagukan nito at kelangan mo munang lumapag, at itigil saglit ang pang-himpapawid.

    hindi kasi sa lahat ng oras smooth sailing tayo sa buhay tama? Ang ulan, huwag nating isiping balakid, bagkus, ito ay sadyang naimbento para tayo ay mas maging matatag..

    magandang umaga ate ani ko!!!

    • tama! little hamster ko…kaya may ulan para matutunan nating magpahinga, mag-ipon ng lakas para sa susunod na paglipad, mas mataas na.

      magandang araw little hamster ko.

  8. ate ani, maishare ko lang, perstaym ko magpalipad ng saranggola noong 3rd year HS ako. sa project namin sa Geometry. By group.. ako ang taga sukat ng mga anggulo.. hindi ako nakahawak… sad…

    paturo naman at pa experience ate ani

  9. saranggolang may kanya-kanyang kulay… depende sa humahawak, depende sa taling ikinabit, may singnipis ng sinulid, mahaba pero madaling maputol, may makapal pero di lilipad sa taas ng alapaap. –> ang ganda nito anini. manipis na sinulid, mas mataas at mas malayo ang mararating pero mas mataas din ang risk na mapigtas, pero ganun naman ang buhay d b? yung mga malalakas ang loob ang mas may nararating at ang mga may makakapal na tali na laging nasa comfort zone ang napag-iiwanan.

    • ang galing din at napansin mo yon….

      we should always try to live outside our comfort zone because its make us discover our limits or how far we could go.

      magandang araw tapa..

  10. ang ganda nito, ani… btw, nami-miss na ‘ata kita at ang iyong panulat. sana, kasama mo ako sa iyong paggagalugad diyan, ‘neng, haha. ako ang gagawa ng reports mo. sige na, isabit mo ako sa iyong mga lakad, haha…

    magba-backread muna ako rito habang pahinga ang iyong keyboard… 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s