empel ka?

Standard

gusto kung kalimutan na marami akong kelangang gawin, walang iisipin para di ma stress pero tsong tao lang ako… madalas managinip na sana walang ginagawa pero kayang palipasin ang oras na di ka naiinip. parang ang tamad no?… pero ganun talaga.

ayokong makulong sa drowing na mundo, ayokong malunod sa isang pangarap na di ko naman kayang abutin… pero gugustuhin kung wag magpahinga kung nakikita ko namang maabot ko ang pinapangarap ko.

madalas tinatamaan lang ng katamaran, pero may mga bagay na pilit kang pinapatayo, wala kanang choice kundi go…sige, bukas na lang ako titigil… pero sa totoo lang ayoko ng ganun, gusto kung maging tamad paminsan-minsan para makita ang nasa paligid ko, makuntento sa pagiging simple, walang kumplekasyon.

ang sarap ng buhay na nag-aabang ka lang ng meteor shower, kaso kung kelan may pagkakataong panoorin ang bongang-bonggang ulan ng bulalakaw saka naman biglang lumabas ang mga higanteng ulap….haays! nabasag ang trip.

pero totoo, sa mundong ito, kelangan nating maging bukas sa lahat ng pwedeng mangyayari, sino nga ba ang nakaka-alam sa susunod na teleserye? wala diba?…pwede ngayon, pwede bukas tatamaan tayo ng baseball bat sa ulo at makalimutang may ginawa tayong sariling mundo.
paunahan lang yan, depende sa diskarte sino ang makaka-home run, ang nag-eenjoy mananatiling player, ang hindi may pagkakataong umeskapo, mghanap ng ibang laro kung saan mas higit na makakabisado ang labanan.

sa laro ng buhay, pwede kang star player, pwedeng suporta lang, depende sayo…pero mas maganda parin ang laro pag marami kayo, kuponan ang labanan, may masasandalan ka, may kasama sa pag-iyak sa panahon ng kabiguan, at maraming makakasama sa pagtalon pag nagtagumpay.

empel ka? (sali ka?)

Advertisements

100 responses »

    • mahirap lumaban ng mag-isa, masarap pag grupo. may sub, pede magpahinga ng di ka nag-aalala na tuluyang matatalo sa laban. masarap kapag may kasama sa tagumpay at pagkatalo.

      • waah! ang bilis…kakapost ko lang…haha

        tama, mas gusto kung makipaglaban na may kasama, mas natuto ka, at mas magaan ang mahirap…masarap makita ang ngiti na galing sa napagtagumpayang laban, mas madali ang tumayo kung may kamay na mag-aabot para matulungan ka.

  1. hmmmm

    ako, bukas ang third eye ko.
    marami akong nakikita na di nakikita ng iba.

    marami akong naririnig na di naririnig ng iba.

    at higit sa lahat, nakakabasa ako ng
    nilalaman ng puso at isipan.

    kaya huwag makipag eye contact sakin
    kapag ako’y nasa aking sariling mundo..

    awts..
    ano ba tong mga pinagsasasabi ko..
    basta makabubuting mag expand
    at magexplore!
    at hindi magkukulong..

    ahehe

  2. msarap nga marami kalaro, marami support.. pag talo, okay lang.. marami naman tayo..=)..
    kapag marami.. mas maraming gulo, maraming away.. pero kasama talaga yun.. mas masaya pa rin pagdating ng finals..

  3. Ano yong empel Aning?

    parang beeftapa ba yan,na laging nakaabang sa ipopost ni aning?

    hahaha. ang ganda mo neng.

    Minsan sa kakatrabaho at pagkamit sa kinabukasan, nakakalimutan nating ang mga simpleng bagay, don pala tayo sasaya.

    Mas masarap kung may kabahagi ka, hindi rin ok yong lagi kang nagsosolo.

  4. pangalawang beses na ‘to dito sa site mo thinkerbell(na meron akong salitang parang alam na ng lahat at ako na lang ang hindi nakaka alam).anu yung ’empel’?

    ang ganda naman nitong post na to.tungkol sa katamaran,pangarap,spotlight,panaginip ,tagumpay at kabiguan.

    pero ang mahalaga,ngayon pa lang,may idea ka na kung ano ang buhay.at napakarami pa nating matutunan at matututunang sana hindi na lang natin natutunan ang mga abgay na hindi natin alam dati.

    magandang araw tinkerbell!

    • haha, kapitan hook!…..

      hala! ibig sabihin ba nito ay matanda ka na talaga kasi di mo maintinidihan…hehe, joke lang….marami naman ang di nakakaintindi nun kasi local term yon…. gamit ng mga bata pag sasali ng laro…

      magandang araw din kapitan hook!

  5. minsan sa sobrang bilis ng takbo ng buhay, gusto lang natin huminto muna at magpahinga. nakakalula kasi ang pagsabay sa karamihan. para kang malulunod sa lakas ng agos. pero me pagkakataon na di ka pede huminto. you have to keep moving kahit masakit na paa mo, kahit ayaw na ng isip mo. at tama ka, mas magaan kung mas madami kayong kasabay mo sa laro. madapa ka man, may handang umalalay sayo. hindi mo masyadong iindahin ang galos.

    nice post po.. nakidaaan lang πŸ™‚

  6. magandang umaga waling anini, back to work ulit kami dito sa disyerto.

    dapat nga team player tayong lahat (kahit anong pwesto) so that we can multiply the joy and divides the pain kahit talo diba at least sama-samang lumaban.

    agree din ako sa sinabi na kailangan nating i-appreciate lahat ng bagay, mga simpleng bagay, sabi nga sa movie na Awakenings, simple things, humalakhak, maglakad, makipagkwentuhan, magjogging, manalagin.

    gud morning ulit!

  7. what’s empel?

    katamaran. ekshelli gustong gusto ko maging busy. ayaw na ayaw ko tamarin. para kapag gabi na dahil pagod nga at sobrang busy, ang sarap matulog, mahimbing, hayyyy. hakhak! yun lang naman ang purpose ko kaya gusto ko busy para makatulog agad.

    hirap ako sa pagtulog eh. hakhak!

    • empel as in sali ako….ganun lang yon.

      actually minsan pareho tayo, mas gustong maging busy para makatulog agad…yong wala ka nang iisipin pang iba…para di ako ma homesick…pero minsan dumarating yong time na gusto mo lang humilata at maging tamad even just for a day.

    • kua jess wla ka na ba tlgang luslos? wahahah. hi ate ani!!!

      gusto ko tong part na to.

      sa laro ng buhay, pwede kang star player, pwedeng suporta lang, depende sayo…pero mas maganda parin ang laro pag marami kayo, kuponan ang labanan, may masasandalan ka, may kasama sa pag-iyak sa panahon ng kabiguan, at maraming makakasama sa pagtalon pag nagtagumpay.

      hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang sentro, unang una hindi naman ikaw ang sentro ng universe, para sa akin mas amganda pa ngang maging suporta na lang.walang expectation, walng kung ano ano.. πŸ™‚

  8. Ako gusto ko maging Star Player. Papansin ako eh. Haha. Joke lang. Ayoko ng napapansin masyado. Maarte akong tunay. Saka malandi. Teka, bat puro panlalait lang nasabi ko?

    Gusto mo maging tamad? Hingi ka ng katamaran saken. Marami ako nyan. πŸ˜€

  9. ako naglalaro din ako, minsan nkakaramdam ng pagod parang gusto ko magpasub kaso pag nakikita kong lamang ang kalaban nalilimutan ko ang pagod…

  10. aask q sana kung anu ang empel pero nsgot u na sa tnung c lolo kulisap! ehehe
    wel ang lyf hnd puro ikw ang bida, sumtyms ngiging kontrabida kp! nyahaha..

  11. i quote my favorite song – Spin by Lifehouse “I’d rather not know where I’ll be than be alone and convinced that I know”

    Yung mga curveballs ng buhay ang nagbibigay spice sa buhay. kaya every day is worth living para malaman ang susunod na kabanata..

    mas masaya pag may kasama kang abangang ang susunod na eksena. tapos i-criticize niyo parehas..hehe

  12. pa empel ha.
    yan pala tawag sa nyo kapatid.

    dito sa min, “entra” haha. kulang ako sa guts minsan kaya ayus na sa kin pang support lang. taga cheer kumbaga.
    pede bang sa grupo mo ako eempel?

  13. Huli na ba para um-empel ako? hehehe. buti na lang at nabasa ko yung comment ni Eloi, inisip ko din kung anu yung empel eh. Hindi ko man lang naisip na nasagut na pala yung tanung ko sa last part ng article. hahaha.

    Mas marami mas masaya.. empel ako teh ha? ehe. πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s