yay! scary

Standard

naniniwala kayo sa aswang?

kasi ako dati hindi, tapos kaninang madaling araw, mga 2:16 yay! may parang lumilipad sa bubong…as in kampay talaga ng pakpak..

dapat di ako maniniwala kasi may wildlife management subject akong na-take dati… napag-uusapan namin ang mga nocturnal species… ung kagwang o flying lemur, naggaglide yon saka malaki na aakalain nating aswang…pero promise! nasa gitna ako ng city…paano mapupunta ang flying lemur dito…

weeh! sabihin nyo nang matakutin ako, pero my goodness bukas na bukas kaya ang bintana ng room ko… tapos magigising ka nalang sa ganung tunog…okey lang sana if may manok ang kapitbahay namin…pero wala as in zero..o diba?

lumaki ako sa probinsya pero never kung na-experience na makarinig ng ganun… sana owl nalang o kaya phil. eagle pero hindi talaga…. sinilip ko pa..wala akong nakita pero may kampay ng pakpak…waaah! di parin ako maka get-over.

iniisip ko baka may buntis sa kapitbahay namin… at meron nga kaya possible ang sinasabi kong may something evil creature na lumilipad kanina…

try kung hintayin mamaya, at kung meron man, naku magsasabit na talaga ako ng bawang sa bintana….hahaha

saka ung ginawa kung orasyon…WAKA WAKI WAKIKA!
haha, tingnan natin kung tatalab ang power ni aninipot…tsaraaan! na-excite ako bigla…wahaha, magiging aswang buster ako mamaya…

Advertisements

116 responses »

      • In China’s Sichuan province, something very strange happened to Feng’s cat during a hot spell. The little tom sprouted two bumps on his back and, within a short time, the kitty looked like it was ready for take off as the bumps became what looked like wings!

        While the wings contain bones, the cat has no control of them and certainly cannot use them to fly. Scientists say that the growths are due to a genetic condition than can be triggered by poor grooming or a skin condition.

        Iba sana ang nasa isip ko, yun bang mga pusang mababa ang lipad. 😆

        Aninipot, bakit tambay ako ngayon dito?

      • na gets ko naman yong sinasabi mong pusang mababa ang lipad kaso hindi nga mainit samin kayo medyo malayo ang sinasabi mo…

        sana naman, tinubuan na nga lang sila ng fake na pak-pak tuloy-tuloy na sanang makalipad para bagong species na…haha

        bakit ka tambay dito? ewan ko sayo…, tinamaan ka sigoro ng curse ng aswang….

      • wahaha, tama ba ang sinabi ko? o may tama talaga ako.

        sweet nyong magkapatid ha, pwedeng ibenta ang isa… ako kaya, benta ko rin sarili ko para di na ako mag-iipon para makabil ng boyfriend…tinatamad na akong mag-ipon…haha

  1. baka may naligaw na agila o lawin lang dahil sa nakakalbo na ang mga gubat wala na silang ibang madapuan, siyempre magpapasaklolo sila sa diwata…..

    hindi rin kaya diwata ng madaling araw yon?

    • sana nga naligaw na lawin lang yon…. mas masaya if agila na dumalaw sakin…haha

      but if it is true, so sad….wala na ba silang mapuntahan kaya malapit sa bintana ng room ko nalang sila dumapo?

      kelangan ko na talagang lumipat ng work…ayokong sa opisina lang, mas fulfilling ang work if isa ako sa front liner for conservation ang protection, kahit sa lakbay-turo mas gugustuhin ko yon.

  2. Dati ‘nong naglilead ako ng prayer (bata pa ako non) sa medyo ilang kapitbahay, dumadaan kami ng nanay ko sa masukal at madilim na daanan papunta don sa bahay ng aming medyo ilang kapitbahay (hehehe).

    Sabi ng nanay ko…

    May aswang, naaamoy ko ang bayag….

    Hanu ba yan, syempre inosenti de ti pa ako, kaya di ako natatawa sa nanay ko kungdi iskeyrd me…ahahahaha, pano kaya naamoy ng nanay ko ang itlog ng aswang? Hindi kaya Tatay ko ang aswang? O aswang ang nanay ko?

    Am konpyust.

    • eh samin din naman, marami silang kwento pero wala pa akong nababalitaang may kinain ang aswang…yon nga lang nakakatakot paring isipin na meron nga…yay!

      • tama! bakit kaya di lumalabas ang mga kampon nila…nasisilaw din kaya sila ng pera…lagot na…

        o kaya takot sa kanila kasi mas maitim pa sa budhi nila ang mga pulitiko….ang sama na talaga ng tingin ko sa mga pulitiko, lahat na nagbago ang kulay.

  3. kapatid, gusto ko yung mga kwentong ganyan tas caught on video pa. waaaaaa. pati na rin paranormal chuva ek-ek. niwala ka din ba sa 3rd eye?

  4. tsaka dedmahan na lang din. yoko ma uber develop ang ganito. kaka praning minsan lalo na pag may out of town gimmicks. di ako nakakapag enjoy masyado.

  5. may theory ako sa kasong iyan.

    ang pumagaspas na mistulang pakpak sa bubungan ng bahay mo ay walang iba kundi ang tarpulin ni erap na kusang binaklas ng nabwisit na hangin.

    yun lang po.hi,tinkerbell!

    • wahaha, walang tarpaulin si erap dito…hate yata sya ng mga tao…

      inabangan ko nga kanina, kaso tulog na tulog ang lola…

      ayon pumunta nalang ako sa neverlang.

      hello kapitan hook!

  6. yayks! hahaha. scary naman ito ate. Naalala ko tuloy nuon, dito sa amin napabalitang may gumagala daw na manananggal. Dun pa mismo sa brgy. kung saan kame nakatira. Nakakatawa nga lang kasi, naka-ready ang walis ting-ting, bawang, asin, mga Watchtower Magazines (Jehovah’s witnesses kasi yung lola ko) at kung anu-ano pa. Nakakapraning kaya yun. wew, ingat ka Ate ha. heheheh.Mag ready ka na ng water gun na may laman’g holy water tapos dikdikan mo ng bawang at lagyan ng asin. hehehe.

    😉

  7. im so late.. at alam kong di pa ito ang huling beses na malilate ako.. hayyys…

    sad ako now..

    nahuli mo na ba kung sino ung pusang may pakpak na yun??..

  8. nako… pero masasabi ko lang, may nakita na kong babaeng nakaputi at naglalakad sa bubong dati.. hindi imposibleng isa yang manananggal..

    teka i kokonsulta ko kay Hey.

  9. Si darna yun napagod nagpahinga. O kaya si casper busog. Pangontra daw dun ani tutuwad ka at kakanta ng didiyap padingdong hehe. Baka naman lamok lang yun??? Yun ang nakakatakot!

  10. isang di pangkaraniwang nilalang ang iyong na encounter..

    pusa…. maaaring pusa, para hindi mahalata. pero may kakayanan silang magbago bago ng anyo..

    creepy

  11. So ano na ang nangyare sa pagiging aswang buster? Dito sa amin sa Batangas may lumilipad din tuwing gabi like around 6pm, I discovered na isang malaking owl siya na akala ko ay isang ik-ik or tik-tik (yung creature na mahaba ang dila target nila yung mga preggy) kaya ayun, maghanda ka ng buntot pagi haha!

    • haha, nung inabangan ko, di na nagparamdam pero nung friday bumalik..tapos wala na.

      pero may preggy sa kapitbahay namin…dalawa pa…kaya pwedeng meron nga.

  12. hala! may aswang? manananggal? hala! hala! hala!
    okay lang ang white lady black lady pero yung mga ganyang lumilipad tapos nananakit. hala!

    ingat lagi ate ani!

    • actually, yon nga ang probs ko ngayon…madalas akong magising ng around 1am to 2 am…tapos 1 hour muna bago ulit ako makatulog..

      naku pag nagka-insomnia ako… susumpain ko yang aswang na yan…

  13. ang tamang spell ay: “Ha Ho Wa Hi Ha Hohoho… Ha Ho Wa Hi Ha Hohoho…” Repeat chorus till fades…

    Nakuha ko sa Finding Nemo hehe

    pero kung iisipin mo, kung totoo ang mga aswang, bakit walang ganyan sa ibang bansa? ano ang english term ng manananggal? removerer?

  14. Pingback: pssssst..papansin lang. « Siamea

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s