byebye muna

Standard

ang pananahimik ay hindi ibig sabihin na mamamaalam na… may panahon lang talaga na ang tao ay kelangan ng katahimikan
mapagmumunian ang mga pangyayari sa kanyang buhay…. walang masama sa pagtatago, sa pamamahinga, sa paraan yan
mabubuo ulit natin ang mga naputol na plano, nakikita ulit natin saan ang susunod na kalsadang susuongin… magkaiba man ang mga landas na tatahakin sana sa dulo nito magkikita parin tayo.

apat na buwan na kalitohan, apat na buwan na pinipilit maging masaya…kasi alam ko may magandang patutungohan ang pagtitiis ko…pero ngayon, suko na ako… gusto ko na ulit matulog na walang iniisip, na sana bawat pag-gising may ngiti akong maibibigay sa mga nakikita ko…

mahirap kalaban ang sarili, ang isa sinusubukang humawak sa nakikitang pag-asa, ang isa gusto ng sumuko para makapag-simula ulit…hindi ako takot magsimula, di ako takot mawalan ng trabaho…mayabang kasi ako…haha, totoo! o nasasabi ko lang eto dahil may lamang akong swerte sa katawan.

pagod na akong mamuhay mag-isa, gusto ko na ulit maranasang pag-gising may nakahanda nang agahan sa mesa… may makausap pag-uwi… ordinaryong buhay lang ang meron ako… di rin sigoro ako nakaranas na magutom o mamomroblema ng kakainin pero may mga bagay na mas maswerte ang iba… mas kaya kasi nilang ngumiti kahit kakarampot lang ang pagkain…
ako?, kahit gaano kasarap ang kinakain di ko man lang ma-appreciate….minsan gusto ko pang umiyak habang kumakain…haays! sangkatutak na kaemohan to… eh anong magagawa mo? may sinat ako…basta may sakit, madrama ako.

gusto kong kaawaan na ang sarili ko, may sakit pero nasa opisina parin, mas ayokong tumambay sa bahay na walang kasama… atleast sa opisina may magtatanong man lang kung kumain na ako?, if nakainom na ba ako ng gamot?… putek! ang hirap magkasakit na mag-isa… mas takot akong tumawag sa bahay, baka ora-orada babayahe ang nanay ko sa pag-aalala… haays!
nakakatawa kung kelan malapit na akong umuwi saka naman ako nagkasakit.

at malamang sa malamang baka di na talaga ako papayagang bumalik sa trabahong eto ng magulang ko… mas madalas kasing tuwing uuwi ako may sakit…waah!…ewan, baka naglalabas lang ako ng stress sa bahay.

ayan! di ko na alam kung ano itong pinagtitipa ko dito…kung pwede nga lang sipa na lang.

Advertisements

52 responses »

  1. kumusta na pakiramdam mo anini?
    ganyan din ako pag nagkakasakit, nagiging emo. ung tipong off-guard talaga… naalala ko nung bata ako, di ako ung tipong nagsasabi na masama ang pakiramdam ko, gusto ko mahalata nila, tapos pag tinatanong na kung ok lang ba ko o may masakit ba saken, naluluha na… pagaling ka anini, biogesic every four hour, kumain muna pala abgo uminom ng gamot, wag mo sundin ung commercial na kahit walang laman ang tyan, khit gatas na lang kung wala kang gana. wag ka pala mag-rice, sabi ng nurse dati mas nkakapagpataas ng temperature ang rice.

  2. wow talaga naman! mapapa-emo na sana ako ng sinulat ni aninipot ngunit nang magscroll down ako’t nabasa ang concern ni beeftapa, hayun nai-imagine kong naglilipana ang mga maliliit na puso hehehe Hayon, sa kapangyarihan ng beeftapaninipot, alam ko makaka-alpas din ang diwatang aninipot sa kanyang dinaranas na karamdaman ngayon.
    Sana’y parati kang nasa mabuting kalagayan, aninipot…
    Kaya mo yan! Isang wasiwas lang ng iyong magic wand… šŸ˜€

      • Kailangang tawagin ang mga alagad ng Engkantadia para pagsama-samahin ang mga kapangyarihan at tuluyang malupig ang dinaramdam ng diwatang aninipot. Magpulong kaagad at sabay-sabay na ikumpas ang mahiwagang paggaling! Ngayon na!!!!

        (Teka, hindi kaya’t ang bertud ng halik ng ginoong may busilak na pagsinta ang iyong kailangan? Magpakita ka, beeftapa, kung tunay ang inyong layunin….:D)

  3. seryoso papahinga ka? bkit ang daming nagpapahinga sa mga panahong ito? ito kaya’y dulot ng tag init?? haizz.. pagaling ka po dahil totoo mahirap magkasakit ng walang kasama.. haizz uli.. basta ingat palage!

  4. Basta, maglalaro pa tayo sa gubat.

    Go back to the old road, go back to the old garden of memories. your home, your eternity.

    bebe, my princess..come back ‘coz i won’t accept goodbye.

  5. sige lang, anini! pahinga ka lang…

    palakas, inom vitamins, exercise and the likes…

    dito lang kami pagbalik mo…

    (Background music: Babalik Kang Muli) šŸ˜€

    • Ok na, di nga ako pinayagang magbyahe ng parents ko…haha

      sabihin ko hanapin nya si tapa a.k.a. davin at gawin nyang pagkain, kung sakali mauto ko ang lobster na pagkain ka nya…hehe

  6. hala! aalis si ate aninipot! awts!
    hihintayin ko ang iyong pagbabalik ate!
    at saka pagaling ka na rin.

    basta ayaw ko ng nagkakasakit lalo na kung solo flight ako sa baguio!
    nakakaawa ang feeling! waaah!

    hahaha!

    ingats ate!

    pagbalik dapat may foods… kei?

  7. Masyado na ba akong late? šŸ˜¦ Pwede pa ba ko manghingi ng pasalubong? šŸ˜¦

    Magbalik ka agad Aninimaster! Mag aantay ang kumakalampag sa bubong na may pakpak kuno! Hahaha.

  8. pahinga ka lang ate ani ko. maski ako dati nagpahinga ka rin..

    basta kahit kelan ka bumalik, andito lang me. there lang you muna

  9. bye bye tinkerbell.

    alanganing lungkot,alanganing pag asa ang laman ng post mo.anu’t anuman,syempre,lagi’t laging mananaig ang kislap mo sa dilim ng bawat gabi.ikaw kasi ang taga pag bigay ng munting kutitap sa sarili mong landas.hanapin mo muna ang nawawala mong liwanang.balik ka agad kapag nakita mo na.

    lagi pa rin akong maghihintay sa neverland.

  10. masyado akong late inaamin ko.. Sorry Baby Anini.. relak ka lang muna.. recharge and explore mo sa labas ng mundo.. gumala ka.. at sana matuto k ng manglalake hano.. yun lang naman..=)

    marami rin ngyari sa kin this summer.. pero lilipas din yung panahon.. makikita mo bukas.. si beeftapa iba na gusto sau.. ahihi.. naiba linya ko.. pero seryosli.. mas makikita mo ung ganda ng earth pag malungkot ka minsan..

    ingat lagi at parang advice na to ni ate charo..kehaba ng sinabi ko..loveyou baby.. mwah..

  11. jejeje…. injoy ka lang sa bakasyon mo… paganda ka pa lalo… mag aroud the world trip ka… at kung pagod ka na.. balik ka uli dito… nahihitay kami…

    Ayos……….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s