wanted boyfriend

Standard

mahirap palang paghilumin ang sugat na ikaw mismo ang gumawa no?… kahit anong gamot ang ilalapat mo walang ibang pwedeng makakatulong sayo kasi tanging sarili din lang ang pwedeng gumamot.

pero paano kung lugmok ka na?…

the hardest enemy of ourselves is our own expectations, you thought everything will be alright, everything is in your hands, then suddenly it all fades away…

ayokong gamitin ang word na lugmok dahil hindi pa naman sigoro ako lugmok na lugmok, hurt but i can endure it…masakit nga lang…. last wednesday i received a secondhand information, kasi walang direktang binigay sakin o kumausap man lang…. sabi start na daw sa enrollment ang friend ko…nagtataka ako bakit wala akong nareceived na txt or call…yon pala walang gustong magsalita mas pinili nila ang isa… we thought na pareho kaming tanggap tapos biglang nag-iba ang desisyon na isa na lang ang kukunin…syempre alam ko na ako ang second choice, anong laban ko sa isang board exam topnotcher… hindi ako galit, tanggap ko kung hanggang saan lang ako…

masama ang loob, OO….techinically matatawag na nag-apply ako kasi pumunta ako sa demo at interview, yon nga lang tinawagan ako na may schedule daw ako for interview and demo na wala man lang akong naipasang application letter o ano mang documents.. nag demo, sumabak sa interview tapos sinabihan na tanggap na kaming dalawa… pero may last mninute decision… di ako kasama…kaya ang nabuo kung pangarap na lilipat sa academe, biglang nawasak, isang bwelong pagbagsak.

sigoro kasalanan ko rin, pinaasa ko rin ang sarili ko, uulitin ko wala akong galit, masama lang ang loob… kaya kung tumanggap ng pagkatalo, kaya kung tumanggap ng masamang balita, kaya kung tanggapin kahit umiiyak ako….pero yong wala ka mang lang matanggap na wala ka na, yon ang masakit, di ba nila kayang sabihin nang diretsahan na di ka tanggap…ganun ka simple, di ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko kung ayaw nila, kilala naman nila ako at alam na alam ko yon kasi bukambibig nilang ako ang pinakatransparent at pinakamadaling bashin ang isip sa batch ko… sigoro sa paningin mo ang babaw ko, na ang simple lang naman ng problema ko, normal lang ang di matanggap sa trabaho, pero iba ako….halos lahat ng bagay sineseryoso ko… wala naman sigorong masama kung ganun ako.

sa sama ng loob ko, Goodbye long hair, ang hanggang bewang na buhok ayon maiksi na, dati ayokong paiksian ang buhok ko kasi naisip ko nga na kapag nagturo na ako baka mas bata akong tingnan kaysa sa mga estudyante ko, kaso wala na… dati gustong-gusto kong magpalagay ng henna tattoo sa kamay ngayon tsaraaan!…nakabalandra na…ewan! ang gulo ng utak ko.

ngayon pinutol ko ang bakasyon, sigoro alam ng dyos na di ako matatanggap kaya di ko naipasa ang resignation letter ko bago ako umuwi…kaya eto, di ako nawalan ng trabaho…. pero sobrang gulo talaga ng utak ko, bigla ko ba namang sabihan sa harap ng pamilya na magreresign ako dito… ang alam nila bumalik ako para magpaalam formally, but honestly i really don’t know. pwedeng OO, pwedeng hindi…. isa lang ang alam ko ngayon, may isang linggo akong ibibigay para subukang mahalin ang trabaho ko ngayon, at kung hindi…GOODBYE WORK… tambay muna ako, sa totoo lang inabutan narin sigoro ako ng pagod, di ko talaga nasubukang magbakasyon ng matagalan, yong walang iniisip, ang matulog ng halos bente kwatro oras…hehe

Ok na sigoro ako ngayon, kung nagtataka ka bakit “wanted boyfriend” ang title ng posteng ito, well alam mo namang magulo akong kausap mas lalo ngayon dahil magulo ang utak ko… pero kung seseryosohin mo, sige email mo number mo ng maligawan kita… o ha! ako ang manliligaw basta ba kaya mong tumanggap ng suhol na piso…wala pa kasi akong ipon pambili ng boyfriend…. saka kung kaya mong magtiis sa magulong tulad ko….lol.

UPDATE: ayan courtesy of miss salbe may official application form na ako…. wahahaha

101 responses »

      • hyaan mo na ngyn lang eh! 🙂

        hmm. d q ma fil yang nrrmdaman mo ngyun eh. kc hnd q pa na experience na ma inter view ng seryoso.. hmm.. bkt ka nman xdo nag paapekto? pti hair mo dinamay mo p! ehehe.. sb q nga sa previous post q everything happens 4 a rison. so icpn mo nlng na hnd para sayo yun..at meron pang mas mgndang darating.. mkikita mo!

  1. nakakabadtrip ung ganun, ayaw na ayaw ko din ng may tinatago saken dahil di nila masabe ng harapan o kahit letter man lang. after ng job interview ko nun, tinanong ko ung interviewer kung pumasa ba ko or hindi. hehehe… mas ok ung ganun, para simple, walang naghihintay… mga adik sila kamo! hehe

  2. Aning, dito ka kaya sa Maynila.

    Apply ka sa universities dito bilis.

    tutubo ang buhok, magbabago ang takbo ng isip, may bagong trabaho..isa lang ang sigurado ko..sumisikat pa ang araw.

    Namiss kita, pakiss nga.

  3. hmmmmmmm dun sa teacher teacheran blues mo, sigurado ka na ba ate ko? nakapag isip ka na ba ng gazillion times para sa desisyon mo? nako..

    teka ang mga manliligaw pala kay ate ani ko kelangan pumasa muna sa mga pagsubok ng little hamster brother nya! hohoho kelangan kong proteksyonan ang aking ate aninipot 😀

    • magulo pa ang utak ko little hamster pero sige lang…. mahahanap ko rin ang sagot.

      haha, naku ako ang manliligaw….gusto mo kaw ang taga screen ng CV?…hahahaha

  4. whaaa!!!

    dapat natutunan mo rin na may maliliit na disappointment minsan.saka may bagong opportunity lagi kung talagang para sa’yo,tinkerbell.

    ang kawawang buhok,pinaputulan bigla.when things clear up,manghihinayang ka dun sa hair mo.pero like the spirit that was little crushed,tutubo ulit yan as time goes by.ingat ka lagi tinkerbell.

    tandaan mo na kung may pintuang nagsara…malamang gabi na.hahaha!

    • alam mo kuya,di ako nanghinayang sa buhok na naputol…mas magaan nga ang pakiramdam….saka sa ngayon sinusubukan ko na ulit mahalin ang trabahong meron ako…. sana nga para di muna ako aalis.

      malamang gabi pa nga kuya…hehe, sa ngayon gagala muna ako…
      sabi nga ng nanay ko, wala naman daw akong responsibilidad na nakaatang sa balikat ko, so bakit ako malulungkot…kaya aandar na si diwatang gala..
      eenjoy ko ang kalayaang meron ako.

      • yehey.at least you get over with it quickly.tama yan.theres something better out there na mas magiging masaya ka.its just a matter of opportunity at timing.pag dumating sila ng sabay…grab it!

  5. ang totoo, nalito rin ako sa takbo ng posteng ito…

    pero, hangad ko ang kaligayahan mo…

    kung saan ka man mapunta…

    nawa’y maging masaya ka…

  6. POT-POT!!!

    Tawa ako ng tawa sa comments. Parang nag-transform ka na ah. Nawawala na ang pagka-manang… Good sign yan.

    Ayoko ko mag-react sa work mo, almost the same situation tayo eh.

  7. ahahaha, natuwa ako sa post, wanted BF, sige ako din.. hahahaha 🙂

    hhmm, ganun talaga ang buhay,ikaw lang ang makakatulong sa life mo, kasi yung mga taong nakapaligid sao iyo, sasabihan kalang ng mga dapat gawin peru nasasaiyu ang resulta kung dapat mobang gawin o hindi. ayun lang and good pm! 🙂

    • tama ms. len ako lang ang pwedeng makatulong sakin…whatever happened hindi ako iiwan ng sarili ko.

      wahaha, o nagdeclare na si ms. len, she needs a boyfriend….

      kuya mizpaaaaaaaaaah!…yahoooo…hahaha

    • at talaga namang hindi nagbabasa… hehe
      well, alam mo anini, hindi ko naman pwedeng sabihin na mag-pakapositive ka kung hindi mo naman talaga ramdam maging positive dahil hindi lahat ng positive good news!hehe
      pero, kung hindi ukol hindi bubukol (or the other way around, hindi ko sure).. marami na rin akong napag-applyan na kahit wiff kung pasok o hindi wala akong nakuha. pero life has to move on..
      things will happen when they are meant to happen. relax ka lang.
      g’day, anini!

      • nahalata talagang di muna binasa…hahaha

        ok na MD, tanggap ko naman nagpalabas lang ako ng sama ng loob dahil kung di ko ilalabas malamang sasabog ako.

  8. ayun o. bumalik. hakhak!

    ayos! hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi.
    hakhak.

    ayos! apir tayo dyan. mas masaya ang short hair para kahit hindi ka na magsuklay at saka mainit din kasi.
    tapos yung henna tattoo… hindi ko pa rin naisasakatuparan. matagal ko ng pangarap yan eh. waaaah!

    paasa sila! hakhak!

    ayos! wanted boyprend!
    mabuhay ka! mabuhay si kuya beeftapa! yeheyyyyyy!

    • yeah! masaya ang short hair, di ko problema ang pagpapatuyo ng buhok saka medyo magaan.

      bakit di mo subukang magpalagay ng henna tattoo, sakin kuya ko ang gumawa…o ha! walang bayad…hehe

      may official application form na nga ako courtesy of ms. salbe…haha

  9. Hello Ms. Nini,

    I would love to tender my application as much as I adore you. Don’t expect much of me though. I can be your boy and a friend at the same time.

    I.T.A.L.Y.

    Love lots,
    Anonymous

  10. Wanted boyfriend sayo.. sa akin.. wanted puso.. hay naku naman.. pati ba buhok pakikialam… kawawa naman c hair mo aninipot…

    hmmm.. sa work mo….. wala ko masabe.. nakakarelate kasi me sayo..

    smile nalang tayo… wag ang sobra.. baka mental pasok natin..

    • miss broken gawa ka rin ng wanted puso na yan…hehe

      hindi naman kawawa si hair kasi tutubo parin sya, mas magaan nga sa pakiramdam ang short hair.

  11. pedeng makahingi ng copy ng application form?
    dati wanted: kuya yung sakin eh. pero sige, wanted: BF na nga din.. hahaha 🙂

    cheer up, aninipot!
    there is always a rainbow after the rain..

    sayang yung hair mo. pero ok din tipid sa shampoo at conditioner..:D

  12. sister kodin teacher. hindi rin siya natawag.hindi kaya ikaw po sister ko?haha.

    umm teka,may napuntahan akong blog naghahanap din ng gf. ayiii, kayo na lang kaya.hehe 😀

  13. hello, ani.

    naka-identify ako rito. nag-apply na rin ako dating mag-turo at na-reject, he, he…
    pero, naintindihan ko naman sila somehow dahil ang haba nga naman kasi ng transcript ko, baka ang ituro ko sa mga bata ay delinquency, di ba? … 😀

    btw, apply ka uli this year. baka mas maigi na ang weather, hi, hi… :]

    • haha, naku ate susan malamang di na ko mag-aapply ulit..mag-aaral nalang ako.. this june back to school na ang drama ko.. namissed ko maging estudyante.. 🙂

  14. gano’n? aral uli? haha, oks din. maganda yan – higher studies… 🙂

    teka, ba’t may nasalubong ako sa itaas na word na salyahan at parang sa ‘yo nanggaling? haha! sabi ko na nga ba, e. nakngweteng, parang gustong mag-teyk tu ng tenga ko, ah? haha…

    tila magaling ka naman sa mga bagay na you apply yourself unto. sige, may potential ka sa bastusan, ahaha. 🙂

    • ahaha! almost 2 years na ang post na to. At natuwa ako na mabasang muli ang dating frustration ko. tinatawanan ko na lang ang dating iniyakan nuon.

      at wanted boyfriend talaga. paliit ng paliit na kase sila. haha! ewan ko ba bakit sila pa mismo nakikipagcompete din sa mga true blooded men, whew!

  15. hahaha…nagturo ako ng 2 years…masaya naman eh hehehe kaso di ko talaga matagalan. 🙂
    Minsan din kapag frustrated ako naiisip kong “kelan naman kaya ako magkakaboyfriend” pero marerealize ko din na unfair naman na kaya ko gustong magkaBF eh dahil kelangan ko ng shock absorber hehehe…wala lang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s