flores de mayo

Standard

magigising sa tawag ng mga kaibigan, kahit di pa maidilat ang mga mata, lalabas, magtatanong tapos balik, mabilisang pagbibihis, walang sinko minuto tapos na, kahit anong matinong damit na mahablot ok na…takbo palabas, balik ulit di pa pala naka-toothbrush at hilamos… mabilisang hilamos pahid sa mata, sabay lagay ng toothpaste sa toothbrush… labing limang minuto, ready na para manggising ng ibang bata… tapos lahat ng bulaklak na madaanan, ubos.

yon ang simula ng araw ng bawat bata samin sa buwan ng mayo…. padamihan ng batang mag-aalay ng bulaklak kay birheng maria, kahit bago pa lang matutong maglakad basta pwedeng dalhin isasama namin, may pakontes kasi pagkatapos ng pag-aalay ng bulalak, paramihan kami bawat purok (madalas dalawa o tatlong blocks ang isang purok),binibilang ng isang matandang babae, tawag namin sa kanya maam beryang, isa na syang institusyon, bata pa ang mga magulang ko sya na ang tagapamahala sa flores de mayo, hanggang ngayon sya parin… kinakatakutan minsan, nangungurot sa mga batang makukulit, dilat pa lang ng mata, lahat ng bata nanginginig na.

basket namin, gawa sa karton ng sigarilyo, pag medyo sosyal pwedeng plastic na basket at pag gustong inggitin ang ibang bata, basket na may mga ribbons na nakatali, yong basket ng mga flower girls sa kasal…pag meron ka nun sosyal ka na sa paningin ng ibang bata. pag walang nakahandang bulaklak, mga kasama na ang bahala, hating kapatid ng mga bulaklak, basta marami lang ang maisama.

pagkatapos agad ng araw-araw na misa, lahat kami nakapila na, iikot sa loob ng simbahan papunta sa kung saan namin iaalay ang bulaklak, manguguna ang may mga basket tapos saka palang ang medyo matatanda na… hanggang ngayon di ko parin alam ang kantang ginagamit, latin yon, parang ganito ang simula, “bene divine muscoso…..”di ko na alam ang susunod at di rin ako sigorado kung tama ba ang pinagsasabi ko… palakpak lang ang hudyat, pang pumalakpak si mam beryang lahat kami luluhod, sa susunod tatayo, tapos isang palakpak ulit, simula na ng pag-alay ng mga bulaklak, at isang pang huling palakpak para lumuhod tapos bilangan na.yon ang pinakahihintay ng lahat, paramihan.

bakasyunista man o hindi kelangan makisali, may premyo daw kasi sa huling araw… isang baso ng ginataang halo-halo at biskwit… mantakin mo yon, nagoyo kami ng ganung premyo….hahaha, pero di kayang bayaran ang saya sa araw-araw na pag-gising sa umaga para sa flores de mayo

Advertisements

48 responses »

  1. Gawaing nakakaaliw ito nong kabataan. May rumiristro din sa utak ko pero ang aking nababasa ay ako ay hindi kasama sa gayak kungdi tagapanood lamang.

    Ang aking ina ang kasali, nagsasabog ng bulaklak sa kubol ng Maria, sasayaw at kakanta.

    Napaka Pinoy. Alaala ng lumipas.

    Hi Aning

    • oo nga, naalala ko lang bigla nung tumingin ako sa kalendaryo… 12 years ago kasama pa ako sa mga nagsasabog at nag-aalay ng bulaklak tapos ngayon taga-alaala nalang…hehe

      pero walang sumasayaw samin, kanta lang.

  2. Ang bango-bango, ang bango-bango
    Ang bango-bango ng bulaklak
    ‘Pag inaamoy, ‘pag inaamoy
    ‘Pag inaamoy anong sarap
    Ang bango-bango, ang sarap-sarap
    Amuyin ang bulaklak…

    Naalala ko lang. ๐Ÿ˜‰

  3. maalala kolang no, masaya din yung flores de mayo sa lugar namin, pumaparada ang mga naggagandahang dilag, tpos my eskort, ayun, after non may kainan sa baranggay hall namin at palaro, ang saya saya diva?! ๐Ÿ™‚

  4. ako din noong bata ako lumalabas kami sa daan para makita ang mga nagpaparada. unti unti na din itong nawala sa bayan namin.

    gusto ko yung premyo. opengeng halo-halo.

    meron parin ba niya sa lkugar ninyo waling anini?

    God bless!

  5. isa to sa mga bagay na pinaghihinayangan kong di ako nakasali nung bata pa ako. kasi dati pag bakasyon, hinahagis kami ni tatay dun kina lola. tutulong magtanim at mag alaga ng mga hayop.

    kaya ngayon, lahat ng pamangkin ko talagang ginigising ko ng maaga para makasali sila. masaya kaya mag flores. kahit ako nsa labas lang, taga masid sa kanila. haha. at least parang kasali na din ako.

    Aning, ganda nitong post mo. napapangiti ako.

    maayong adlaw diha. ๐Ÿ˜‰

  6. Sa Batangas, bigtime ang mga ganyang klase ng tradisyon.

    Hindi ko alam kung yan yon, pero alam ko yan yon. Haha. Alay ang tawag. Tapos Sabong ang tawag sa naghahagis ng bulaklak.

    Di ko sure. Baka mali ako! Bliss na naman ako. Aw.

  7. sa amin tuwing hapon yan, alalal ko nagnanakaw pa kami ng bulaklak dun sa bahay na may santan sa labas ng bahay… tapos after ng 1 month diba may sagala yan… nakakamiss, sa amin may pagkain pagkatapos kaya maraming umaattend. ๐Ÿ˜†

  8. basta ako,ang inaabangan ko jan,ay kung sino at sino ang naging reyna ganito at ganyan sa prusisyon.

    kadalasan kase,sila yung pinaka magaganda sa lugar namin.at least,pwede ko sila tignan ng hindi nila ako susuklian ng matalas na tingin. hahaha!!!!

  9. Dear Nini,

    Wow… Yun lang. 20 years ago. Di ko na maalala ang mga eksena sa amin. Basta alam ko buwan ng Mayo.

    Lovelots,
    Animus

    P.S. Anlufet ng banat ni Jason ah at isa pa… Ui, si Tapa at ikaw pala ah. Kakilig. Haha.

  10. This is the time for merriment, romance, and music, the serenade songs, rising with melodic sweetness to the accompaniment of throbbing guitars or wailing violins.

    magandang umaga ate ani ko!!!

    (tambling tambling!)

  11. waaaaaahhhh! ang layo ko na. kumusta na anini?
    kagagaling ko lng ng cebu, hmmmm…malapit na ko makapunta ng cdo. hahahaha! sana ako talaga ma-assign dun. ๐Ÿ˜€

    ang saya ng flores de mayo sa inyo. nung bata kami naging reyna elena ung pinsan ko, tapos kasama kami sa prusisyon. nakasuot kami nung parang pang-prinsipe kuno, ang kati. ayun. hehehe… karamihan ng flores de mayo dito sa manila, bakla naman ang pinuprusisyon. teka, pareho ba nag flores de mayo at santa cruzan???

    • pareho silang nataon sa buwan ng mayo…hehe, pero di sila pareho, para sa mga bata ang flores de mayo a.k. a flowers in may…tapos pan dalaga at binata naman ang santacruzan…

      wushu! maniwala ako…hahaha, pag andito ka na, saka ako maniwala..
      at malamang pag-andito ka na, wala naman ako…may sched. ako every month na uuwi…hehe.

      • hmmmm, tingnan natin tapa, pag mabait ako sa time na makapunta ka dito, malamang oo…pero pag hindi, asa ka pa…hahaha

        ay! liligawan nga pala kita, paano yon…. sige sabihan mo ako ng makapaghanda ako ng sangkatutak na guts…..wahahahahaha

  12. flores de mayo. santacruzan. flowers. bulaklak. ayun. ni hindi ko pa yata yan nakikita. ni wala nga ata akong balita na ganyan sa amin. o hindi lang ako aware.

    ewan ko. hakhak.

    pero basta alam ko naman na ano yan yung may reyna elena achuachu.

    napapanood ko sa tibi. minsan ano artista ang reyna elena. ano naman daw yun.

    tsk tsk tsk. hakhak.

    • ay! sayang naman if di mo nasubukan.
      mostly sa probinsya kasi nangyayari yon.
      mapera sigoro ang sponsor ng santacruzan pag ang reyna elena ay artista… mas gusto naman kasi halos ng lahat na makakita ng artista diba?

  13. hi, anini!

    maganda ang flores de mayo nyo kasi, ang simple… yong doon sa amin ay medyo ma-elaborate at maraming kaartehan, ahaha!

    pero ganoon din – nangha-hunting at pagandahan ng bulaklak. hapon ang flower hunting namin noon, pagkakatapos ng ulan. sa gabi naman ang alay.

    hey, i hope you’re ok. ako, andito na uli sa maynilang mainit, hehe… ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s