ulan

Standard

“when it rains it pours”

totoo nga, kahapon ng pauwi ako bigla bang bumuhos ng isang bagsakan ang ulan, waah! para silang mga bato na tubig, malalaking patak na di mo maintindihan kung tubig pa ba, ang nangyari para akong basang sisiw sa kalsada, di man lang hinintay na mabuksan ang dala kung payong… kaysa naman magkandaugaga na mabuksan ang payong, maligo nalang… pero sino man ang nagsabing “pag nabasa ka lang ng ulan, magkakasakit ka pero kung maliligo sa ulan, walang problema”…adik ang nagsabi nun, sinisipon ako at inuubo ngayon… kaya nanawagan ako dun sa maykakilalang abogado na pwedeng magkaso sa mga nagpauso ng mga paniniwalang di ka magkakasakit pag naligo sa ulan na tulungan ako at kasuhan sila, ang problema, sino sila?

o sige na nga, dati akong suki ng ulan, pag tag-ulan na, tsaraaaan! ang saya ko… pwede nang maligo at tumakbo sa kalsada at gawing shower ang gutter ng bubungan.

wala lang, kwentong ulan na di ko alam… masaya lang, masarap matulog…

Advertisements

32 responses »

    • yehey, miss ko din ang ulan, lalo na dito na 2x lang umulan pag nagpapalit ng season (although minsan tumatagal ng 1 week).

      pagaling ka waling anini.

      Kapag umuulan bumubuhos ang langit sa iyong mga mata — napaawit tuloy ako.

      ako din suki ng ulan, maliligo sa alulod tapos mapapalo, ipapatianod ang tsinelas, hahabulin tapos ipapatianod ulit. maglalagay ng harang na buhangin para ikulong ang tubig ulan sa daan tapos lalagyan ng straw o yung istok ng papaya para maging lagusan, at kapag dumaan ang kalabaw ay siguradong sira. hihihi

      • ang saya ng kabataan mo kuya pong… nasubukan ko ring magpatianod ng tsinelas, tapos kung anu-anong klaseng bagay na ginagawang maliit na bangka..

        masaya nga na may ulan pero ang mga unang buhos naman may dalang sakit…kaya minsan di ko alam kung susumpain ko sya o hinde…

  1. wahahahaa wala ka nang problema dahil ang mga nagpauso non ay nangamatay na lahat, tigok, dedo, lupa na ngayon…. teka hindi kaya sila inanod ng ulan?!?

    • kissing in the rain…aba! gusto ko yan…haha, lumalabas bigla ang kalandian ko….ang problema sinong kahalikan ko…ang daming lalaki tapos wala man lang kahit isa na pwedeng sabihing akin….wahahahaha

      • Pangarap ko ang tagpong iyan Anining.

        Naghahalikan kami sa may tabing dagat habang pagulong-gulong sa buhanginan. Kami lamang ang nilalang na nadadarang sa tukso ng laman habang nilalabanan ang ginaw na hatid ng ulan.

        My imahinasyon naman eh.

      • haha, ang landi…. pero sa totoo lang lahat pinapangarap yan di po ba?

        wala namang sigorong gustong tumanda na di man lang nasusubukan ang ganyang mga tagpo… pero sa ngayon…hanggang imahinasyon langg tayo…hahaha

  2. base! hehehe.. ๐Ÿ™‚

    kapag umuulan may advantages at disadvantages sakin, kasi masarap matulog kapag umuulan, ok mag muni muni, peru kapag may lakad outside, hays, pasaway ang ulan isang naka copslock na KJ! hehehe..

    nung bata ako mahilig ako maligo sa ulan, peru hindi naman ako nagkakasakit?! hehe.. hhmm, wala lang kwento kolang..:-)

    • ako din dati, naliligo sa ulan pero di naman nagkakasakit…ngayon nga lang ewan!…KJ na ang ulan…haha

      pero gusto ko rin kasi masarap talagang matulog.

  3. Bakit tuwing andito ako, kinikilig ako sa mga comments? Ahahay..

    Kapag umuulan ba nadidiligan ang mga bulaklak? Pang-adik na tanong lang. ๐Ÿ˜†

    • teka lang salbe, mag-iisip pa ako kung anong klaseng bulaklak yan….

      bulaklak ng cactus, tama?…..hahaha

      kinikilig ka sa comments?..o sya, sayo na…hahahaha

  4. isa sa mga pinakagusto kong panahon… ang tag ulan…

    parang sinasabi niya sa akin na may simula para sa lahat ng mga bagay…

    hmmn…

    parang kayang mabura ng ulan ang lahat ng init na mga mangyari nuong mga nakaraang linggo…

    hmn…

    kaso, adalas, ang ulan ay nakadaragdag din ng lungkot…

  5. tama! gusto ko ang tag-ulan kaso madalas nalulungkot ako…ewan! may hatid na lungkot ang bawat patak ng ulan…parang luha ng bawat nilalang na hindi kayang ilabas ang lungkot na nararamdaman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s