kalandiang di alam

Standard

may mga bagay na madaling sabihin, pero mahirap gawin, at meron ding madaling gawin pero mahirap sabihin… tulad ng pagsusulat sa kagubatang ito, madaling ilabas kung ano ang meron sa loob, na walang halong pagkukunwari pero minsan nahahaluan ng katarantadahan, kagagahan at kung anu-anong kaengotan.

masayang makipaglandian, makipagharutan sa salita, pero sa totoong buhay kaya ba?…painumin nyo muna ako ng syoktong, o di kaya tuba, kung merong pulang kabayo ipasipa muna para mapanday ang pinapangarap na lakas ng loob…wala! nagtataka ka na naman sigoro bakit nagsasalitype na naman ako ng kung anu-ano, eh! sa ganito ako..

pero sa totoo lang, namimiss ko yong panahong mag-iisip ako kung ano ang isusulat, slight lang naman, mas masaya paring magbasura ng di ko alam kung saan patungo ang ginagawa ko, tulad nito.

ok, balik tayo sa pakikipaglandian gamit ang mga salita… minsan di ko lubos maisip kung paano ako nag ibang anyo gamit lang ang mga salita… kakaloka! pero nakakatawa, iniisip ko nga minsan baka masyadong iba na ang nabubuong katauhan sa gusto kung katauhan dito, pero may pakialam ba ako?…wala!…hahaha, mas gugustuhin ko paring humagalpak ng tawa sa labas ng kwadradong mundo habang binabasa ang mga naipong salita, mga kalandiang ni sa hinagap di ko inakalang magagawa ko… aminin mo, natatawa ka rin kahit kunti…kung hindi, makikiusap ako na matuwa ka…haha

iniisip ko kung wala ang mundong to, saan ako pupulutin?…sa kangkungan malamang, dahil sa sobrang pagkainip, sa kalungkutang di mailalabas at sa mga masasayang di man lang maibahagi sa iba… oo na, loner ako, paminsan-minsan, hehe, di pala…kadalasan.

eh! sa totoo lang kasi, kung may bitamina lang sana sa aking mga mata, malamang di ko maisip na mamuhay sa mundo ng drawing…. kaso wala akong makitang katakam-takam dito… wala, as in wala…. sana man lang kahit wangkata na pang-ulam o kaya mala-anime na mata…. dahil wala nga…pagtiisan nyo ang aking presensya..pang-gugulo at pakikisilip sa mga buhay nyo.

hmmmm, mahaba na kaya tama na…bow!

Advertisements

78 responses »

  1. Kung wala ang mundong to, malamang wala ring kangkungan. Kaya san ka na pupulutin? Haha.

    Naaalala ko dati palagi mo sinasabi na manang ka na ayaw mag heels. Ngayon ganap ka ng malandi! Joke. Haha.

    • hanggang ngayon naman talaga, manang parin ako na may halong kalandian ng kunti….hahahaha

      naman kasi yang heels na yan, tinatamad talaga akong magsuot nun, mas sanay ako sa rubbershoes at flat na footwears kesa ano pa man.

      • lip gloss, powder, saka mascara…ok na ako dun…

        pero make-up artist ako nang dorm nung college days, imagine mga pito hanggang sampu ang mamake-up pan ko..o ha! di ko alam bakit ako ang nilalapitan, magaling lang akong mag mix ng color kaya ayon, ginagawa kung canvass ang mga mukha nila….haha

        ayokong maging girlalu…kasi dati ms. prim and proper ako at ayoko ng kabitan ng pangalang yon…haha

      • haha, dati ko pang alam na artist ako, di ko lang alam anong forte ko…hahaha

        oil pastel nalang, yoko ng water color..hahahaha

        pero promise! totoo yon, magaling akong mag make-up sa iba, pero hindi sa sarili ko…

      • Try mo magpamake up sa iba, tapos sapakin mo pag panget. Pero teka, pede pala mangyare yun? Parang magaling ka magpayo tas di mo kaya sundin para sa sarili mo.

        Naks.

  2. Nagdadalaga na ang kapatid ko, gusto na talagang lumandi. Wahahaha.

    Meron ‘yata akong naiwang pahayag sa mga kuta ng may kuta na.

    Aanhin ang ganda kung talo ka ng mala-putang pang-aakit ng isang nagmumurang kamyas?

    Attitude.

    Lahat ng tao may kalandian sa katawan, pero dahil sa kinalakhang paniniwala nagtatago lamang ito hangga’t wala pang pumipitas.

    • tama! masyado tayong natatabunan ng kinalakhang tradisyon, na sa tingin ko nman di rin masama yon nga lang tayo ang sumisikil na maging malaya..

      pagiging malandi is a choice, walang pwedeng magsabi nun kundi tayo lang din, di ka rin masusul-sulan ng iba kung ayaw mo…

      hmmm, dalaga na ako…hahaha

    • tungkol sa kalandian. kung anu ako dito, ganito din ako sa totoong buhay. sa tingin ko. pakiconfirm kina vajek. hahaha.

      ako natagpuan ko un second bf ko sa mundo ng chat. may matitisod ka din. ituloy mo lang yan.

  3. Hi aninipot,

    Its me again Salbehe. Gusto ko lang ibahagi ang sinabi ni Bob Ong, “Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.”

    Aliw di ba?

    May nagtanong sa akin kung lumalandi na daw ba ako, kailangan bang lumandi, lumandi na ba daw ako dati at madami pang tanong na hindi ko na sasabihin. Ayan ang nakuha ko sa pag-iiwan ng malalanding koment, pagpapublish ng bastos na post at pakikipagharutan sa internet.

    Pero ang totoo, hindi ko alam kung lumalandi na ako. Alam kong bastos ako, binibigyan ng malisya ang wholesome na usapan, greenminded, kaya kong magsalita ng kabastusan, kaya kong makipagbastusan. Pero madalas hanggang salita lang ako. Sobra sa salita, kulang sa gawa. Aminado akong bastos ako, pero in denial pa ako kung malandi nga ako. Hindi naman kasi ng bastos ay malandi. Kung gusto mo maging bastos lang, okay lang, walang masama. Being naughty is not bad. Bad is hurting people, doing evil. Naughty is not hurting anyone. Naughty is being amusing.

    Sa kabilang banda, naniniwala akong tayong mga babae ay kailangan din lumandi paminsan minsan. Katulad ng sinabi ni Bob Ong, baka wala ng mangyari sa buhay natin. There’re guys who’re forever wondering kung bakit hindi nila nakukuha ang gusto nila, without realizing they’re not doing anything about it. Kaya kailangan ng konting push from us girls. Taglish much. Pasensya ka na, ganyan kasi ako mag blog dati, nag-copy-paste lang ako.

    Kung kailangan mo ng tulong sa paglalandi, HUWAG mo akong kontakin, siguro mas makakatulong sa iyo si Kuhrach. πŸ™‚

    Love lots,

    Salbehe

  4. Go ako dyan sa landian na yan.

    You are free to do whtever you want. And it’s not against the law to flirt. =) Those who are against flirting are the ones who can’t.

  5. dalawa lamang ang hatid ng salita ang makapagbigay buhay at ang kabaligtaran nito.

    makikita mo din siya waling anini… andyan lang palipad lipad sa kagubatan ng Siamea.

    • hmmmm, nag-iisip pa ako kuya…haha

      para namang sa lagay na to ay naghahanap na talaga ako…but no… resulta lang to ng kalandian ng isip ko…hehe

  6. wahahaha! at may post nga na tungkol sa kalandian. tsk
    mala-anime na mata???? adik ka ba? maganda kase madaming expression pero sus ka anini kung ganun kalake! wahahaha! 1/4 ng mukha e puro mata? hahaha πŸ˜€

  7. Hello Ate Ani! me kalandian bang napupulot sa kangkungan? wala lang naisip ko lang. Nyahahaha. Cute naman talaga ang mata ng mga anime characters. Para sa’ken, anime ang may perpektong mukha, magmula sa tikwas at kulay ng buhok, mata, ilong at hugis ng mukha. Dabest. me pagnanasa ka rin sa mga anime Ate? hehehe

    Ingat lage at Godbless!

  8. malandi ako bow!!

    pero may sarili akong style ng panglalandi,
    marunong din ako manligaw kahit walang syoktong o redhorse, kapalan lang ng loob at tibay ng mukha.. love ko eh tapos pinagnanasahan ko pa.. bwahaha..
    ang adik ko ngayong umaga Anini..

  9. hello, ang ganda nito, ba’t walang nag-like? ang mga tao talaga sa buladaspir, tamad mag-like. pero, kumukwento, haha. πŸ˜€

    teka, dito ba nag-umpisa ang pambibiro ng iba sa inyo ni tapa? ahaha… “]

    yes, agreed, magandang platform ng landian ang blogosphere. pero, mas okey pa rin ang sa totoong buhay. dito kasi, one or two parts mo lang ang madalas nakikita nila while the rest of you, hindi. saka, di rito nagagamit ang senses, haha. πŸ˜€

    ang recent lesson ko sa pagba-blog, marami pa talagang aspeto ng isang blogger
    ang di mo makikita pag sa posts ka lang nag-base. na-enlighten ako at na-humble baga, when i found out about this. saka, medyo natakot ako at nalumbay. baka kasi, kung ano nang image ang nabuo ko sa isip ng tatlo kong loyal readers? haha. iniisip ko, baka i might have to see them soon na – end of the year or early next year para anuman ang iniisip nila, ma-disabuse ko sila agad, haha.

    payong kaibigan – magtangkang lumandi at bumukas sa totoong buhay. di gaanong reliable pag ang keyboard lang ang lumalandi – peace, anini πŸ˜€

    • bago lang yata tong like ek-ek ng wordpress ms. susan.

      ang tagal na nito, almost a year ago na yata, eto pa yata yong time na luvteam daw kami ni tapa sa paningin ng iba. hahahaha

      korek! po , maliit na parte lang natin ang nakikita dito kaya minsan tumataas yong expectations ng iba tungkol satin, minsan iba pang katauhan ang nabubuo sa isip nila kaya dapat mag-ingat narin.

      pero di naman pwedeng sabihing, na hindi tayo ang mga lumalabas dito yon nga lang di natin hawak ang iniisip ng iba.

      nakakatuwa nga dito, nasusubukan kung maging diwata paminsan-minsan..hehe

      wahahaha, don’t worry ms. susan, lumalandi din naman ako sa totoong buhay, pero napatunayan kung mas madaling lumandi sa blogosperyo kase hindi kumplikado.. ang totoong mundo?, dios mio…. naloloka ako..hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s